Professional Documents
Culture Documents
Ibong Adarna
Ibong Adarna
Tatlong makikisig na binata ang kanilang mga anak na kapwa lugod ang mga
kanilang puso. Isa sa kanila ang nakatadhanang magmana ng setro at korona ng
kaharian ng Berbanya.
Si Don Pedro ang panganay sa tatlo, at siya ay naniniguro na siya ang magiging
tagapagmana ng korona. Malakas siya, matikas at kinagugulatan ng lahat sa
paghawak ng espada. Sumunod sa panganay ay si Don Diego, ang binatang taring
kung turingan, malilikot ang mga mata at tunay na mabilis sa mga dalaga. Siya’y
mahusay din sa espada. At ang bunso ay si Don Juan na bagama’y mahiyain at
may katangiang mababang-loob ay tunay na kaakit-akit at itinitibok ng puso ng
mga kadalagahan sa buong sakop ng kaharian.
Nang gabing iyon, habang tinatangay ng nakahihibang na lagnat ang balisang hari
sa kanyang himlayan ay isang waring panaginip ang kaniyang gunita. Isang
pagkaganda-gandang diwata na mistulang sugo ng langit ang nanaog upang ihatid
sa kanya ang balita sa magsisilbing lunas sa kaniyang karamdaman.
Dahil hanggang ngayo’y hindi pa napagpasiyahan ng hari kung sino ang magiging
tagapagmana ng kaharian. Ang kaniyang karamdaman ay ibinigay sa hari upang
matulungan siyang magpasiya. Dito nakasalalay ang kinabukasan ng kaharian ng
Berbanya. Kung sinuman sa mga anak ng hari ang makakapagpagaling ay siyang
karapat-dapat na maging tagapagmana ng setro at korona.
Kung ilang araw na binagtas ni Don Pedro ang kasukalan ng gubat. Nagpapahinga
lamang siya upang kumain at matulog sa paghahangad na makarating agad sa
patutunguhan. Nang sapitin niya ang rumaragasang ilog ay lalo siyang nagsikap na
iyon ay matawid. Sa kabilang pampang naroon ang Bundok Tabor na kanyang
hinahanap. Inakyat niya ang matarik na daanan ng Bundok Tabor. Abot-abot ang
kanyang hingal nang sapitin niya ang tuktok ng bundok. Kasalukuyang pinapawi
niya ang matindi niyang gutom nang may dumating na isang matanda at humihingi
sa kanya ng pagkain. Hindi niya ito binigyan ng pagkain.
Pinasok ni Don Pedro ang kakahuyan ng Bundok Tabor. Unti-unti nang lumatag
ang kadiliman nang matanawan ni Don Pedro ang isang kakaibang
puno. Lumalalim ang gabi at nabagot sa paghihintay ang prinsipe hanggang sa siya
ay dalawin ng matinding antok. Nang sumapit ang hatinggabi ay nakatulog na si
Don Pedro at hindi niya naulinigan ang pagaspas ng mga pakpak ng Ibong Adarna
na patungo sa punong pinagkakanlungan niya. Dumapo ito sa sanga ng puno sa
ibabaw ng tinutulugang lugar ni Don Pedro. Nang matiyak ng Ibong Adarna na
natutulog si Don Pedro ay nagsimula itong umawit ng buong lambing. Makapitong
ulit umawit ang Ibong Adarna at sa lambing ng mga awit ay humanda ang Ibong
Adarna upang matulog subalit ito ay dumumi muna. At sa ilalim ng puno ay
napatakan ng dumi ng ibon ang nahihimbing na prinsipe. Noon din ay naging bato
si Don Pedro at buong tiwasay na natulog ang Ibong Adarna na parang walang
nangyari.
Lumipas ang marami pang mga araw, at sa palasyo ay ipinatawag naman ni Haring
Fernando si Don Diego. Dinatnan ni Don Diego ang kanyang inang reyna at amang
hari na naghihintay. Sinabi ni Haring Fernando na ilang araw nang wala si Don
Pedro kaya siya ay nangangamba na baka hindi ito nagtagumpay kaya naman kay
Don Diego na ngayon nakasalalay ang kanyang kaligtasan. Buong-puso naman na
sumunod ang prinsipe sa hari. Naglakbay noon din si Don Diego. Sa kasamaang
palad ay sinapit din niya ang nangyari kay Don Pedro at naging bato din. Nabigo na
naman ang hari na magamot ang kanyang karamdaman.
Hindi nag-aksaya ng panahon si Don Juan. Noon din, matulin niyang binagtas ang
madilim na kagubatan. Mula sa malagim na kagubatan ay walang gulat naman
niyang tinawid ang rumaragasang ilog at sinapit niya ang kabilang pampang na
walang anumang sakunang naganap. Kakain na lamang sana si Don Juan nang
mapalingon siya sa may kakahuyan sa pagkarinig sa panaghoy ng isang nilalang na
dumaraing. Likas na may busilak na kalooban si Don Juan kaya binigyan niya ito
ng pagkain. Tinanong ng matanda kung ano ang sadya ni Don Juan. Sinabi niya
ang dahilan ng kanyang paglalakbay, na hinahanap niya ang kanyang dalawang
kapatid at ang Ibong Adarna, na siyang tanging lunas sa kanyang amang may
karamdaman. Nang malaman ng matanda ang kanyang pakay, mahigpit na itong
nagbilin: Bago mo pangahasan ang paghuli sa Ibong Adarna ay makipagkita ka
muna sa ermitanyo na naninirahan sa isang kuweba sa Bundok ng Tabor.
Ang pag-akyat sa Bundok Tabor ay agad sinimulan ni Don Juan. Nang sapitin niya
ang tuktok ng bundok ay buong panggigilalas niyang nakita ang malaparaisong
pangitain doon at ang punong may mga dahong pilak na kanyang sadya. Tunay
siyang humanga sa kagandahang ibinihis ng kalikasan at sa luntiang kapaligirang
kanyang pinagmamasdan. Kapagdaka’y hinanap niya ang kuweba ng ermitanyo na
mahigpit na ibinilin ng matandang pulubi. Pinuntahan niya at magiliw siyang
tinanggap ng matandang ermitanyo. Ipinaghain pa siya ng nito ng
makakain. Namangha si Don Juan nang makita na ang inihain sa kanya ay siya
ding tinapay na inilimos niya sa matandang pulubi. Paanong ang tinapay na
ipinagkaloob niya sa ketongin ay naputa sa ermitanyo? Si Don Juan na din ang
sumagot sa kanyang sarling katanungan.
Siya ay humahapon sa punong may mga pilak na dahon kung sumasapit na ang
hatinggabi. At sinumang naghihintay sa kanya ay napipilitang makatulog sa pitong
ulit na pag-awit sa ginagawa niya. Sa bawat awit niya ay nag-iiba ang anyo ng
kanyang mga plumahe. wika ng ermitanyo.
Binigyan siya ng ermitanyo ng pitong dayap. At mahigpit na ibinilin na: Sa bawat
awitin ng Ibong Adarna ay susugatan mo ang iyong bisig at pipigaan ng dayap ang
sugat upang sa kirot na mararamdaman ay hindi makatulog sa kabila ng
malambing niyang awit.
Pagkatapos ng pitong awit ay magbabawas ang Ibong Adarna bago matulog. Iwasan
mong mapatakan ka noon kundi ay magiging bato ka. Ang taling gintong ito ang
tanging mabisa upang siya ay talian.
Matapos dumumi ang Ibong Adarna ay natulog ito at agad namang inakyat ni Don
Juan. Pagkatapos niyang mahuli ang Ibong Adarna, pumunta agad siya sa ilog
upang kumuha ng tubig para ibuhos sa kanyang mga kapatid. Noon din ay
nagbalik sa kanilang dating mga anyo sina Don Pedro at Don Diego.
Gayon na lamang ang tuwa ni Don Juan nang muling makita ang kanyang mga
kapatid. Ipinaliwanag ni Don Juan ang buong pangyayari sa dalawang kapatid at
noon din ay pinagharian ang kanilang mga puso ng matinding inggit. Nang
magbukang liwayway, tinungo nila Don Juan ang kuweba ng ermitanyo upang
magpasalamat at magpaalam. Sila ay pinakain nito at ginamot din ang mga sugat
ni Don Juan. Pagkapahinga, ay pinauwi na sila ng ermitanyo at pinayuhang
walang manloloko o magtataksil isa man sa kanila.
Sina Don Pedro at Don Diego ay likas na may kasamaang ugali. Isang gabi,
nang si Don Juan ang nagbabantay ay tila nakatulog. Marahang lumapit si
Don Pedro sa ibon at ito ay kanyang pinakawalan. Lumipad papalayo ang
Ibong Adarna sa kaharian ng Berbanya. Nang magising si Don Juan ay
laking pagtataka niya nang makitang wala na ang Ibong Adarna. Natakot si
Don Juan dahil alam niyang mapaparusahan siya ng
kamatayan. Napagpasiyahan ni Don Juan na umalis upang hanaping muli
ang Ibong Adarna.
Agad tinalian ni Don Juan sina Prinsesa Juana at Prinsesa Leonora para
mai-akyat palabas ng balon. Hinila naman nina Don Pedro at Don Diego ang
lubid pataas. Nagkagusto kaagad si Don Pedro kay Donya Leonora sa una
pa lamang pagkakita dito. Paalis na sila nang maalala ni Donya Leonora ang
naiwan niyang singsing na diyamante. Nagkusang-loob si Don Juan na
kunin ang singsing. Muli siyang bumababa sa balon, ngunit sampung dipa
pa lamang siyang nakakababa ay agad nang pinutol ni Don Pedro ang lubid.
Nalungkot ng labis si Donya Leonora sa nangyari kay Don Juan. Nang sila
ay aalis na, pinagbilinan niya ang kanyang alagang hayop na lobo na
tulungan nito si Don Juan. Nakarating ng maayos sina Don Pedro, Don
Diego, Donya Juana at Donya Leonora sa kaharian ng Berbanya. Ikinasal si
Don Diego kay Donya Juana samantalang si Don Pedro naman ay nabigo
ang pag-ibig kay Donya Leonora.
Sumakay si Juan sa likod ng agila at sila ay lumipad na. Narating nila ang
kaharian ng Delos Cristal. Sinabi ng agilakay Juan na huwag kakalimutan
ang kanyang bilin: Mamayang ika-apat, ang tatlong prinsesa ay maliligo at
nakadamit na kalapati. Ikaw ay magtago at huwag magpapakita. Pagkasabi
ng kanyang habilin, lumipad na ang agila. Iniwan na sa kaharian ng Delos
Cristal si Juan.
Dumating nga ang tatlong prinsesa sa oras na binanggit ng agila. Ang
kagandahan ni Donya Maria ay talagang kaakit-akit. Sabay-sabay na naligo
ang tatlong prinsesa. Habang naliligo, lumabas ang kapilyuhan ni Don Juan
at tinago ang damit ni Donya Maria.
Pagkaraan ng ilang sandali, natapos na sa paliligo ang tatlong prinsesa. At
nagsimula nang magbihis ngunit hindi makita ni Donya Maria ang kanyang
damit, kaya siya nagalit.
Sinabi ni Maria kay Juan, Mamayang ika-lima, ang aking ama ay magigising
at ikaw ay makikita. Kapag tinanong ka kung ano ang sadya mo
dito. Sabihin mong hihingin mo ang kamay ng isa sa mga prinsesa. Kapag
niyaya kang pumanik sa palasyo ay tumanggi ka sapagkat mamamatay
ka. Kung ikaw ay magpapatuloy, kahit na ano ang ipagawa sa iyo ng aking
ama ay tanggapin mo. Ako ang bahala!
Ang tanging paraang ginawa nina Maria at Juan ay tadtarin ang katawan ni
Maria. Ang mga parte ng katawan na tinadtad ay naging mga isda na
hahanap sa singsing ni Haring Salermo. Malinaw na inihabilin ni Maria kay
Juan na magbantay sa kanyang pagbalik at huwag itong matutulog. Ngunit
nakatulog si Juan. Kaya walang kumuha ng singsing sa iniabot ni
Maria. Umahon si Donya Maria na ang katawan ay patang-pata. Natauhan
si Don Juan sa kanyang pagkakamali. Sa kabila ng nagawang pagkukulang
ni Juan, mahal pa rin siya ni Donya Maria at hindi pa rin nito matitiis na
siya'y hatulan ng kanyang ama. Muling inulit ni Don Juan ang pagtadtad sa
katawan ni Donya Maria, subalit sa ikalawang pagkakataon ay hindi niya
namalayang may tumalsik na daliri ni Donya Maria. Kaya sa kabila ng
naging tagumpay ni Donya Maria na kunin ang diyamanteng singsing, ang
pagmamadaling iyon ni Don Juan sa pagtadtad ay nagdulot ng isang
napakalaking pagkakamali. Nang umahon si Donya Maria at maging taong
muli, kulang ng dulo ang kanyang isang daliri.
Ako'y may kabayong sadyang ilap at kay lupit, nais kong siya'y paamuhin
mo. ang utos ng hari kay Don Juan. Sa unang pagkakataon ay
nagulumihan si Donya Maria nang malaman ang bagong pinag-uutos ng
kanyang ama kay Don Juan. Sinabi niya na ang kabayong kailangang
paamuhin ni Juan ay walang iba kundi si Haring Salermo rin na
nagbabalatkayong kabayo. Kaya naman, tinuruan na lamang niya si Don
Juan kung paano mapapa-amo ang kanyang amang nagbabalatkayong
kabayo. Ginawa ni Don Juan ang lahat ng paraang sinabi ni Donya Maria
upang mapaamo ang mabagsik na kabayo. Mahigpit ang hawak niya sa
renda upang hindi tuluyang makalipad ito habang patuloy na nakapreno ang
kabayo sa tulong naman ni Donya Maria.
IKALIMANG BAHAGI
(Ang Buod ng “Ibong Adarna”)
Kinaumagahan ay ipinatawag ni Haring Salermo si Don Juan. Masasakit ang
katawan ng hari pero panahon na upang ipagkaloob niya ang isang anak sa
prinsipe. Ang sabi ng hari kay Don Juan ay: Yamang naisakatuparan mo ang lahat
nang inutos ko, mamili ka ngayon sa aking tatlong anak.
Sinamahan ng hari si Don Juan sa tatlong kuwartong magkakatabi at sadyang may
tablang inilapat na may butas na tanging hintuturo lamang ng bawat bawat
prinsesa ang makikita ni Don Juan at hindi ang kagandahan ng mga ito. Agad
namang pinili ni Don Juan ang kamay ni Donya Maria, na may palatandaan ng
kanyang naging malaking pagkakamali.
Nagalit ang hari sa dahilang si Donya Maria ay ang kanyang paboritong anak. Kaya
naman, binalak niyang ipatapon si Don Juan sa Inglatera para sa kapatid nito siya
ipakasal. Pero mabilis na nagtanan si Donya Maria at Don Juan. Dahil sa galit
ng hari, isinumpa niya si Donya Maria, Ikaw nawa ay malimutan ni Don
Juan. Ikaw ay kanyang pababayaan at pakakasal siya sa iba. Sumpang naulinigan
ni Donya Maria kaya't labis ang kanyang pag-aalala nang magpasya si Don Juan na
iwanan muna siya para magtungo sa palasyo. Kaya naman mahigpit siyang
nagbilin na huwag titingin at lalapit si Don Juan sa sinumang babae sa palasyo
upang hindi siya magawang limutin nito.
Hindi na nakita ni Haring Salermo ang katuparan ng kanyang sumpa. Siya ay
nagkasakit dahil sa matinding dalamhati na naging dahilan ng kanyang
pagkamatay.
At nagbalik nga ng kaharian ng Berbanya si Don Juan upang hingin ang bendisyon
ng amang hari. Ang sabik at matagal nang naghihintay na si Donya Leonora ay
lumapit kay Juan. Dahil dito, iglap at nakalimot si Don Juan sa kanyang
binitiwang pangako kay Donya Maria, isang katuparan ng sumpa ni Haring
Salermo.
Hindi nagtagal ay itinakda ang kasal nina Don Juan at Donya Leonora. Samantala,
natuklasan na ni Donya Maria ang kataksilan ni Don Juan dahil sa gagawing
pagpapakasal sa ibang prinsesa. Nag-alimpuyo sa galit ang kanyang dibdib.
Si Don Juan naman ang nagpakasal kay Donya Maria. Hiniling nila na kay Don
Pedro na lamang ibigay ang trono sa kadahilanang sila ni Don Juan at Donya Maria
ay nakatakdang pagharian ang monarka ng Delos Cristal. Kaya pagkatapos ng
kasalan ay umuwi na sila sa kaharian ng Delos Cristal. Nagkaroon ng isang pista
para ipagdiwang ang pagluwalhati sa Bathala. Kalakip na rin ang dalangin para sa
mga yumaong kapatid at magulang ni Donya Maria. At ang mga na-engkantong
mga prinsipe, kabalyero at konde ay inalisan na ni Donya Maria ng sumpa. At ang
lihim na pinaka-iingatan ng mga magulang ni Donya Maria ay kanya ring inilantad
na. Nagbalik sa pagiging leon at tigre ang mga utusan at nagsilantaran ang mga
tunay na tao na nagtatagong kasangkapan sa loob ng palasyo. Itinanghal na hari at
reyna si Don Juan at Donya Maria sa kaharian ng Delos Cristal. Siyam na araw
ang ginanap na pista. Di magkamayaw sa kasiyahan ang mga taong-bayan. Sa
bagong pamamahala ni Don Juan ay tanging kaayusan ng kaharian ang
hinahangad. At dahil sa kanilang mabuting pamumuno sa kaharian, sila ay lalong
minahal ng taong bayan.