Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

AETA NUON AT NGAYON

Ang mga aeta o tinatawag na agta ay may mga maiitim na balat, ang kanilang buhok ay kulot
o mas kilala sa tawag na “afro” at mayroong mga tampok na katangian ng pagiging maliliit ang
taas. Tinagurian silang mga katutubong tao o pangkat-etniko sapagkat sila ay isa sa mga
sinaunang tao na nabuhay sa bansang Pilipinas. Kadalasan silang nakatira sa tahimik at
mabundok na bahagi ng Luzon sa Pilipinas. Ang kanilang mga bahay ay simple lamang at
kadalasan ito ay may mga kubo o ang sinaunang tahanan ng mga tao sa Pilipinas. Ito ay gawa sa
kawayan at nipa. Kilala sila sa paghahanap ng pagkain mula sa halaman at sa kapiligiran.
Pangangaso rin ang kanilang pamumuhay noon maging sa kasalukuyan. Bihasa rin ang mga
babae at mga batang Aeta sa tradisyunal na paraan ng pangingisda gamit ang bitag, sima, lambat
at sibat. Kilala silang masipag, makisig at masigasig. Pamilya ang pangunahing yunit ng
lipunang Aeta. Binibigyan ng pantay na karapatan ang kanilang mga anak at mahigpit ang
relasyon ng mga anak sa kanilang mga magulang. Hindi sa kanila pwede ang pagaasawa sa
malapit na kamag-anak ngunit pinapayagan ang ilan na magpakasal sa pinsang buo matapos
ganapin ang ritwal na “paghihiwalay ng dugo” kung tawagin sakanilang kultura at paniniwala.
Nakabatay sa paggalang sa matanda ang sistemang pulitika ng mga Aeta. Ang mga iginagalang
na pangkat ng matatanda ang nagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa kanilang
pamayanan. Noon, naniniwala ang mga Aeta na may mga espiritu ang lahat ng mga nasa
kapaligiran tulad ng ilog, dagat at bundok. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nila
iginagalang ang kalikasan. Hindi sila pumuputol ng puno kung hindi nila sobrang kailangan dahil
sa kanilang pagmamahal at respeto sa kalikasan. Isa sila sa mga naging inspirasyon sa
pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan dahil sa kanilang kasipagan at kanilang naging ambag sa
buhay ng mga naging ninuno at mga tao ngayon. Isa ang mga Aeta o tinatawag na Negrito ang
nagpapatunay na kahit anong hirap ng buhay basta’t kasama ang pamilya at nagkakasundo sa
kultura ay magiging makabuluhan ang buhay ng bawat isa. Sila ang isa sa inspirasyon ng mga
tao ngayon sa pagsisikap at tiyaga, base sa kanilang pamumuhay noon maiituturing sila bilang
isang bayani ng ating pagkatuto at pamumuhay ngayon. Sila ay nagsisilbing gabay sa ating
kultura at tradisyon at kailangang mabigyan ng sapat na kaalaman ang susunod na henerasyon
patungkol sa kanilang pamumuhay, tradisyon at kultura bilang pagbibigay ng pugay sa kanilang
ambag sa ating buhay ngayon. Kailangan nating ipagmalaki ang mga naging tulong nila sa
pagbibigay ng kulay sa ating kasaysayan bilang Pilipino.

Hanggang ngayon, sa dami na ng henerasyon ang nagdaan, nakalulungkot man isipin na unti-
unti ng nawala ang orihinal na wika ng mga Aeta sa kadahilanan na pakikipagsalamuha nila sa
mga tagakapatagan sa pakikipagkomunikasyon. Gayon pa man, nanatili pa rin sakanila ang
tradisyunal nilang pamumuhay at kultura ng pangangaso at paghanap ng pagkain mula sa iba’t
iba uri ng mga halaman. At isa pa rin rito ang mga pamamaraan na pag gamit nila ng lambat,
bitag, sima, at sibat. Bukod pa rito, nanatili pa rin ang kanilang paniniwala na lahat ay mayroon
mga espiritu ang mga ilog, dagat, bundok, at iba pa. Datapwat, sa panahon nagdaan iba’t ibang
pamumuno, trahedya, kalamidad at mga sakuna ang pinagdadanan ng ating bansa. At isa sila
pinakanaapektuhan nito, isang halimbawa na rito ang pagputok ng Mt. Pinatubo kung saan
karamihan sa mga Aeta na naninirahan dito, ay nawalan ng kabuhayan dahil sa lahar. Ayon sa
isang artikulo, sa slopes ng bulkan na sila namumuhay at nangisda sa mga ilog. Hindi lamang
pinagkukunan ng kabuhayan ang Mt. Pinatubo para sa naturang grupong etniko, ito rin ang
bahay ni Apo Namalyari, ang pinakamakapangyarihang espiritu nanamumuno sa lahat ng diyus-
diyosan nila. Kahit na may interaksyon sa mga lowlanders, ang mga Aeta ay nanirahan sa
malayo at mag-isa. Pinananatili rin nila ang uri ng pamumuhay na tradisyunal sa mga kaugalian
at adhikain. Tumanggi sila sa proseso ng acculturation at inakap lamang ang kaugaliang-labas na
mailalapat sa kanilang uri ng pamumuhay. Namimili lamang sila ng mga elementong tatanggapin
- tulad ng mga paraang pang-agrikultura na nababagay sa kanilang pamayanan. Gayunpaman,
bilang isang namumuhay sa kapatagan, kailagan din natin sila tulungan tangkilin ang sariling
atin, upang hindi malimutan ang isa sa ebidensya at nagpapatunay ng ating pagka Pilipino, na
kailanman ay hinding hindi maiaalis, mananakaw o masasakop kailanman, na kahit sinong
dayuhan.

You might also like