Week 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan VII

November 5-8, 2018

Pamantayang Pangnilalaman:
Napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago,
pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon 16-20 siglo)
Pamantayang Pangkasanayan:
Malalim nakapag-uugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa
paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
Layunin:
Nababatid na ang Pilipinas ay isa rin sa mga bansa sa Timog Silangang Asya na
nasakop ng mga bansang kanluranin.
Nailalapat sa mapa ang mga flaglets ng mga bansa sa Timog Silangang Asya na
nasakop ng mga kanluranin.
Napahahalagahan ang mabubuting epekto ng pananakop sa Pilipinas, sa larangan
ng edukasyon, kultura, pangkabuhayan at pampulitika
I. Nilalaman:
II. Sanggunian: Araling Panlipunan sa Makabagong Siglo: Araling Asyano, pg. 15-24
Kagamitan: Charts, mga larawan

III. Pamamaraan:
1. Balik-Aral
 Ipamahagi ang mga kagamitan sa bawat pangkat tulad ng mapa at papel na
naglalaman ng kuwento ng turista.
 Pakikinig sa Kwento ng turistana pumunta sa Pilipinas at tukuyin sa mapa ang
mga lugar nabanggit.

2. Pagganyak
 Ipasagot ang Pamprosesong Tanong sa LM p.315 ng mga bata.( Maaaring gamitin
ang mga lansangan o lugar na malapit sa tirahan ng mga mag-aaral na ipinangalan sa mga
dayuhan na naging bahagi ng pananakop sa ating bansa tulad ng pagdating sa Masao,
Butuan)

3. Paglalahad

Gamit ang mapa sa asya ipatukoy ang mga bansang nasakop ng kanluranin
Ipaliwanag ang Panuto
 Gumupit ng iba’t ibang hugis na siyang magiging batayan (legend) ng mga mananakop
na bansa. Upang maiwasan ang kalituhan, gamitin ang mga naunang legend sa unang
mapa (square – Portugal, triangle – France at cross – Spain) mag-isip ng iba hugis para sa
bang Kanluraning bansa.
 Ipatukoy sa mga mag-aaral ang lugar o bansa na nasakop ng mga Kanluranin sa
pamamagitan ng pagdikit ng flaglets (o ginupit na papel na may iba’t ibang hugis) sa
mapa.

a. Malayang Talakayan
 ipaskil ang mga “output” ng bawat pangkat
 mag “Gallery walk “ at bigyan ng puna kung tama ba ang pagkalagay ng mga flaglets.
 Ibigay ang napapansing puna at ipaliwanag.

b. Paglinang ng Gawain
Prosesong Tanong:

 Anu-ano ang mga bansang Asyano na nasakop ng mga kanluranin?


 Bakit sinakop nila ang karamihan sa mga bansa sa Asya particular sa Silangan at Timog
Silangang Asya?

 .Paano kaya nakaimpluwensya sa pamumuhay ng mga Asyano ang pananakop ng mga


Kanluranin?
(Bigyang pansin ang tanong sa itaas dahil ito ang magsisilbing batayan kung talagang naunawaan
ng mag-aaral ang kabuang konsepto).

( Ang guro kailangang magdagdag ng kailangang mga kaalamang magpalalim depende sa


pangangailangan)

III. Pangwakas na Gawain


1. Pagpapahalaga

 Magbigay ng mga patunay ng mabubuting epekto sa pananakop na maaring makita o


madama sa inyong lugar o pamayanan.

2. Paglalahat

 Mag-mungkahi kung paano ito mapanatili o mabigyang halaga bilang isang estudyante at
mabubuting mamayan.

IV. Ebalwasyon
(Matching Type)
Panuto: Kumuha ng ¼ at sagutin at tukuyin a ng mga bansa at ang kanilang
mananakop

1. Pencil - Paper Test


(Matching Type)
Tukuyin a ng mga bansa at ang kanilang mananakop
A. B.
___1. Indonesia a. Spain
___2. Pilipinas b. Portugal
___3. Malaysia c. England
___4. Singapore d. France
___5. Vietnam e. Netherlands

Answer Key
1. E
2. A
3. C
4. C
5. D

V. Takdang Aralin

Magsaliksik : Magbigay na isang layunin ng ASEAN Integration. Tugon ba ito sa hamon ng


imperyalismo ? Patunayan ang sagot at isulat sa inyong journal.

You might also like