Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

X.

Estilo ng Manunulat

 Paggamit ng Pahiwatig

Sapagkat ang kuwentong ito ay tunay na nangyayari sa kasalukuyan. Sa kuwentong ito,


nagkaroon ng bunga ang lahat ng kahirapang natamo ni Impen sa kanyang paligid. Naimulat niya
ang mga tao sa kung ano ang tama at mali. Sa wakas ng kwento ay nagkaroon ng kamalayan ang
lipunan sa kung ano ang kayang gawin ng isang api. Batid natin ang paghanga kay Impen ng
mga taong saksi sa kanyang katapangan at tiwala sa sarili.

XI. Mga Teorya

 Teoryang Realismo

Ang akdang Impeng Negro ay sumasalamin sa tunay na kulay at kaganapang nangyayari sa


lipunan. Tulad na lamang ng pamimintas, pangungutya at pagmamataas ng ibang uri. Makikita
rin sa estoryang ito ang barong-barong o sirang bahay na kadalasang ating nakikita at tunay na
nangyayari sa ating lipunan gaya ng mga mahihirap. Kapansin-pansin kapag mahirap o
naghibikaos sa buhay ang isang tao ay malinaw na ang kanyang tinitirhan ay barong-barong
lamang katulad nila Impen. Mapapansin rin natin sa akdang ito ang pagkakaroon ng iba't-ibang
alawa ng Ina ni Impen at totoo na nangyayari ito maging sa totoong buhay at ang pamimintas o
pangungutya. Naipakita rin dito ang tunay na gawain at pagmamalasakit ng isang ina sa kanyang
anak na pangaralan at ilayo sa gulo ang anak. Nailarawan rin dito ang tunay na pagkakaiba ng
estado sa buhay ng naaapi at ang nang-aapi.

May kakayahan rin si Impen na suriin ang tama sa mali. Maraming pagkakataon na
pinapalampas na lamang ni Impen ang pangungutya ni Ogor dahil sa tingin niya'y ito ang mabuti
at tamang gawin upang hindi na lumala pa ang away.

 Teoryang Naturalismo

Ang lahat ng nilalang at pangyayari sa lipunan ay natural na ipinagkaloob ng Poong Maykapal


katulad na lamang ng pagiging maiitim ni Impen. Natural lamang na siya ay maiitim dahil
ipinanganak siyang ganito ang kanyang itsura sapagkat ito ang kanyang lahi at nagmana siya sa
kanyang ama na isa ring maiitim o negro. Naranasan man ni Impen ang labis na pangungutya
dahil sa kanyang panlabas na kaanyuan hindi naman ito naging dahilan upang panghinaan siya
ng loob. Naniniwala siya na may rason at solusyon upang matapos ang pangungutya laban sa
kanyang kulay na kadalasan ay nararanasan ng mga maiitim na tao.

 Teoryang Marxismo

Sa pangungutya at labis na pang-aabusong natamo ni Impen siya ay natotong lumaban. Naging


lakas niya ang mga masasakit na naririnig laban sa kanya upang laganan ang mga taong maliit
ang tingin sa kanila. Pinatunayan ni Impen na hindi basta-bastang nagpapatalo ang nasa ilalim na
kahit ganoon ang estado nila sa buhay ay pinatunayan niya na kaya niyang umangat. At nararapat
lamang na makatanggap sila ng respeto bilang tao.

 Teoryang Humanismo

Teoryang humanismo sapagkat si Impen ay rasyunal na may kakayahang suriin ang tama sa mali.
Maraming pagkakataon na pinalalampas na lamang ni Impen ang pangungutya ng lipunan lalo
na si Ogor sapagkat ito ang tama at ito rin ang laging pangaral ng kanyang ina upang makaiwas
sa pakikipagbuno o away.

 Teoryang Moralismo

Ang pagsunod sa payo o utos ng magulang ay isang halimbawa ng teoryang moralismo sapagkat
naipakita dito ang magandang katangiang mayroon ang Ina't anak lalo na ng pinapalampas ni
Impen ang pangungutya ni Ogor. Nailarawan rin dito ang moralidad o kabutihang taglay ng Ina
ni Impen na maging mahinahon at huwag pada dala sa emosyon o galit upang gumawa ng
ikasasama laban sa kapwa kaya ganoon na lamang ang kanyang mga pangaral at paalala kay
Impen upang makaiwas sa gulo.

XII. Mga Bisang Pampanitikan

a) Bisa sa Isip

Sa anumang hamon ng buhay ay matuto tayong lumaban at harapin ang takot na nararamdaman.
Dahil kung hindi mo ito haharapin ay total na paulit-ulit ka lamang masasaktan. Dapat tayo ay
magkaroon ng lakas ng loob na harapin ang mga pagsubok ang naikintal sa isip namin bilang
mambabasa sa akdang ito.

b) Bisa sa Damdamin

Nakakalungkot lamang isipin na ang pangyayaring naranasan ni Impen na pangungutya ay


nangyayari sa kasalukuyan. Masakit sa kalooban na kaayawan o hindi ka tanggap ng mga taong
nakapalibot sa iyo dahil lamang sa palabas na kaanyuan. Masakit isipin na hanggang ngayon ang
problemang ito'y di malutas-lutas. Lahat ng tao sa lipunan ay nararapat tamang na magkaroon ng
respeto ang maging pantay ang tingin sa iba iba man ang uri at lahing pinagmulan ng
sangkatauhan at magkaroon ng kaluwalhatian. Maramdaman sana ng mga mapanhusgang tao na
maling-mali ang kanilang ginagawa.

c) Bisa sa Kaasalan

Sa pagbabasa ng akda natutunan natin na igalang ang lahat ng tao siya/sila man ay naiiba sa atin.
Dapat nating respetohin ang ating karwa iba man ang estado sa buhay, iba man ang lahi, itsura,
at kakayahan nito. Hindi dapat natin husgahan ang mga taong wala namang ginawang masama sa
atin lalo na't hindi naman natin alam ang kanilang buong pagkatao.
XIII. Pangkalahatang Reaksyon

Ang akdang Impeng Negro ni Rogelio Sikat ay puno ng emosyon at kapana-panabik ang tagpo
sa kwento. Malinaw na nailarawan dito ang sakit na naramdaman ni Impen na para bang
pinapalasap rin sa amin ang pakiramdam na pintasan, magkaroon ng mortal na kaaway at
magkaroon ng magulo at kakaibang pamilya. Sa araw-araw na pakikibaka ni Impen ay hindi
nakakaligtas sa kanyang pandinig ang mga katagang "maitim, sarat ang ilong" at iba pa. Sa
bawat pintas na binibitiwan ng mga tao ay para bang pinipiga ang aming mga puso at kung kami
ang ilagay sa kanyang kinatatayuan ay hindi namin makakayanan dahil mababaw tamang ang
aming emosyon. Napakagaling ng awtor dahil maingat niyang nailarawan ang mga sandaling
nagtitimpi si Impen hanggang sa punto na bigla na lamang siyang sasabog. Sa bawat suntok o
dagok na kanyang pinapakawalan kay Ogor ay para bang sumasaya rin ang aming mga puso
dahil kaisa niya kami sa kanyang paghihiganti. Mali man ang nagawa ni Impen ang hindi
pagsunod sa payo ng kanyang Ina ngunit sa mata naming mambabasa ay tama lamang ang
kanyang ginawa dahil nakilala naman niya ang kanyang nakatagong kakayahan na naging daan
upang matigil ang pang-aapi sa mga katulad niya. Galak ang nadama ni Impen na siya ring
ikinatuwa namin dahil tuluyan na siyang nakalabas sa anino ng kawalan at makakatakas na siya
sa mga taong mapanghusga.

Sa angking galing at talino ni Rogelio Sikat sa pagsulat ng ganitong klaseng akda ay naipahayag
niya na maging patas dapat ang ating pagtingin sa lahat ng uring nabubuhay dito sa mundong
ating ginagalawan. Sa aming palagay, kaya "Impeng Negro" ang naging titulo ng akda sapagkat
katunog ng 'Impeng' ang aping, api o naaapi. 'Negro' naman dahil ang kadalasang nakakatanggap
ng pang-aapi ay ang mga maiitim o negro na katulad ni Impen. Negro na dahil sa pag-uuri ng
mga tao sa pamamagitan ng kulay at katayuan ay pwede na lamang api-apihin o alipustahin.

You might also like