Interview Transcription

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Interview Transcription

“...masaya kasi karangalan yun na siya yung nag-pioneer dito sa Bulihan ng advocacy tungkol sa
pagmamahal sa matanda.” Mary Ellaine Espena manugang ni Nanay Geronima Caluag

“...madalas magpunta dito yung mga batang nag-aaral dun sa Bulihan sa elem[entary school] tsaka dun
sa highschool, pagka makikita nila yung picture ni ina marerealize nila na yung pagmamahal talaga sa
matanda.” Mary Ellaine Espena manugang ni Nanay Geronima Caluag

“...napakalapit sa puso namin nung topic tungkol sa mga elderly kase lahat kami mga laki sa Lola, ang
turo samin ni Sir Marlon, yung pinakamalapit sa puso nyo yun ang gawin nyong study para mas madali
nyong gawin at mas kaya nyong gawin. Pangalawa kitang-kita natin sa kasalukuyan kase na yung kultura
ng pagmamahal at pagpapahalaga sa matatanda ay unti unting bumababa patunay nito ay yung
napakaraming bilang ng mga nasa home for the aged, yung mga namamalimos sa kalsada, mga reports
ng mga nakararanas ng maltreatment, abandonment ng mga senior citizen kaya nag-thrive din kami sa
paglulunsad ng ganitong uri ng kampanya.”Kim Nicole Samson

“Madaming problema, unang-una napaka hirap humanap ng subject, napakahirap nung mga ethical
issues eh, yung ipo-post mo yung litrato, kukunan sila ng litrato, mahirap yon. Meron pa kaming mga
consent form at mga permit na kinuha. Napakahirap mag organize ng isang launching event, unang una
ang tanong kase ng mga tao lagi kadalasan ngayon, ano yung benefit namin? Kaya napakahirap nung i-
organize, mahirap mag-please pero salamat naman at nagging supportive ang lahat ng mga partner
agencies natin. Ah napakahirap din nung kalagayan na wala tayong budget diba nga syempre estudyante
palang tayo, wala pa gaanong income or wala pa tayong budget source etc. Yun yung mga problemang
kinaharap natin pero successfully naman nailunsad natin yung ating campaign. Kim Nicole Samson

“Were hoping na thru this photographs na hindi lamang dito sa Bulihan kundi sa iba’t ibang bahagi ng
Malolos thru our digital campaign, thru our social media campaign, lecture forums maging epektibo siya
upang i-inculcate sa puso ng publiko kahit sa Malolos palang muna at the very least yung Pilipino culture
of love and respect for our elders.” Kim Nicole Samson

“Lola Lente, ibig sabihin po nyan ay Lolo at Lola sa lente.” Kim Nicole Samson

“Yun pong mga kwento ng ating mga lolo at lola na nahagip ng camera ang gusto po nating makita ito ng
publiko sa mga pangunahin nating kalsada upang patuloy pong ipabatid at upang patuloy na itanim sa
puso ng bawat isa ang kahalagahan ng pagpapahalaga at paggalang sa ating mga katandaan sa
kasalukuyan, lalo’t higit sila nga po ay nasa takipsilim na ng kanilang mga buhay, masakit mang marinig
subalit hindi na bibilang ang ilan pang dekada o ilan pang taon at sila po ay wala na sa ating mga piling
kaya po isang napakalaking bagay at napakahalaga po na matutunan po nating ibigay ngayon na ang
lahat ng uri ng pagpapahalaga at pag-ibig natin para sa kanila.” Kim Nicole Samson

“alam nyo po ba na dito sa lungsod ng Malolos ay mayron po tayong 30,000 senior citizens.” Angelito
Santiago, Chairman, Office of the Senior Citizen Affairs, City of Malolos

“Para po sa aming mga photographers napakasarap po at napakasaya na makunan po namin ng litrato


yung klase ng pagmamahal o yung respetong dapat binibigay sa mga, sabihin na nating nauna sa amin.”
Jeremy Sandel, Founder of Focus Bulacan
“...ang dali pong katrabaho ng mga subject natin na mga lolo’t lola, napaka giliw po nila. Kumbaga nung
sinabi po natin sa kanila na pwede po ba naming kayong kunan ng litrato para po sa ganito, sila po ay
walang patumpik tumpik, pumayag po agad sila. Kumbaga natural lang naman po sila sa harap ng
camera at masaya po silang makunan ng litrato. Hindi po naging mahirap yung proyekto na to at para
nga po sa amin na mga nag-photograph ay isa pong karangalan at kaluguran na kunan po kayo ng
litrato.” Jeremy Sandel, Founder of Focus Bulacan

“...hindi naman po namin ito ginagawa para makapasa o para po kami ay makamartsa sa entablado at
kumuha ng diploma, ang dapat na maging layunin natin sa paglulunsad ng isang advocacy campaign ay
yung puso, yun pong pagnanais natin talaga at yun pong paghahangad natin na pasikhiin yung kultura,
yung pagmamahal, yun pong paggalang at pagpapahalaga sa ating mga katandaan.” Kim Nicole Samson

Problems

Advocacy

Family

Benefits

Senior citizen’s rights

You might also like