Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

02

ACUÑA, Earl Angelo D.


BAB - 1B

YOU MAY NOW KISS THE BRIDE

SEQ #1. INT. LOOB NG SIMBAHAN. UMAGA

Taimtim na nananalangin si Simon habang umiiyak.

SIMON

“Ama, bakit nyo ko pinahihirapan ng ganto? Mahal ko si Samantha pero alam kong tinatawag nyo

ako para maglingkod. Hindi ako makapili, Ama bigyan mo naman ako ng sign kung ano bang tama

kong gawin.”

SEQ #2. EXT. SA HARAP NG SIMBAHAN. KAPAREHONG ORAS

Naghihintay sa labas si Samantha bitbit ang isang picnic basket habang papalabas naman si Simon.

Yayakapin ni Samantha ang kasintahan paglapit nito.

SAMANTHA

“Happy Anniversary Hon! I love you! Kagaya parin nung pagmamahal ko sayo five years ago.”

SIMON

“Ikaw talaga, mahal din kita kagaya parin nung una kitang nakita.”

Kakalas sa pagkakayakap si Samantha at mapapansin nito na umiiyak si Simon.


SAMANTHA

“Oh, naiiyak ka pa dyan, masyado ka namang kinilig sa sinabi ko

Hahalikan ni Samantha sa pisngi si Simon.

Tila matutulala si Simon subalit kaagad naman itong makakapagsalita.

SIMON

“Tears of Joy lang to.”

(“Paano kita magagawang iwan nyan kung ganyan ka palagi sa akin.”)

Masayang mamamasyal ang dalawa. Pupunta sila sa parke at mauupo sa damo habang pagsasaluhan

nila ang laman ng picnic basket na dala ni Samantha.

Sasakay sila sa mga ride sa isang amusement park.

SEQ #3. EXT. SA AMUSEMENT PARK. HAPON

Nakaupo ang dalawa habang kumakain.

SIMON

“Hon, hindi muna tayo magkakasama – natanggap kasi ako sa trabaho kaso sa Cebu ako nadistino.”

SAMANTHA

“Sabi ko naman sayo dumito ka nalang, pero sige ayaw naman kitang pangunahan sa mga desisyon

mo. Basta siguraduhin mo lang na wala kang magiging kabit dun, patay ka sakin kapag may

nabalitaan ako.”
SIMON

“Ou naman, sayo lang naman ako titingin eh, saka ikaw lang naman ang pinakamaganda sa paningin

ko. Magpapadala ako ng sulat lagi para hindi mo ako mamiss.”

SAMANTHA

“Sulat?! Uso pa ba yun, may video call naman ahh.”

SIMON

“Alam ko, kaso wala kasing kuryente at cellsites dun kaya di rin magagamit yung cellphone ko,

kawawa naman din yung mga tao dun, wala silang doktor kaya tinanggap ko narin yung alok.”

SEQ #4. EXT. HARAP NG MUNISIPYO. UMAGA

Sasalubungin ng mga tao si Simon kasama ng opisyal ng bayan, mga residente at ang kura paroko ng

bayan.Kakamayan ng mga tao si Simon.

Lalapit ang pari at kakausapin si Simon.

PARI

“Maligayang pagdating sa payak naming baryo anak, kung may libre ka palang oras pwede kang

dumalaw sa simbahan at sa seminaryo diyan lang sa susunod na barangay.”

SIMON

“Sige po father, sisiguraduhin ko pong pumasyal paminsan.”

SEQ #5. EXT. HARAP NG SIMBAHAN. HAPON

Bababa ng jeep si Simon at lalapit kay Samantha na nakaupo sa may harap ng simbahan
SIMON

“Hon! Eto nako.”

Mapapatayo si Samantha at mahigpit na yayakap kay Simon

SAMANTHA

“I miss you. Tagal mo namang nawala, kala ko hindi ka na uuwi.”

Magkekwentuhan ng matagal ang dalawa. May inaabot na sobre si Simon na may lamang sulat na

kaagad namang babasahin ni Samantha. Matapos ay mapapaiyak ito.

SEQ #6. INT. LOOB NG KWARTO. UMAGA

Magkausap sa telepono si Simon at Samantha habang naghahanda para sa kasal. Nagsusuot ng sapatos

si Simon habang minemake-upan naman si Samantha.

SIMON

(Sa cellphone)

“Handa ka na ba para mamaya?”

SAMANTHA

“Kinakabahan ako, baka mamaya matalisod ako sa suot ko o baka mamali ako masabi, eh ikaw ba?”

SIMON

“Ready na’ko, wag ka mag-alala at ginagabayan tayo ng Diyos, hindi nya hahayaang may mangyaring

hindi maganda.”
SEQ #7 INT. LOOB NG SIMBAHAN. UMAGA

Bubukas ang pintuan ng simbahan at papasok si Samantha na nakadamit pang-kasal. Maglalakad sya

papuntang altar.

Sa may altar ay nandoon si Simon na nakadamit pang-pari.

Nakaabang narin ang lalaking pagkakasalan ni Samantha.

Habang pinagmamasdan ni Simon ang paglakad ni Samantha ay babalik sa alaala nito ang nakaraan.

SEQ #8. EXT. HARAP NG SIMBAHAN. UMAGA

(Flashback)

Bubuksan ni Samantha ang sobre ng naglalaman ng sulat na iniabot ni Simon.

Iiyak si Samantha sa mababasa sa bandang hulihan ng sulat.

Nilalaman ng sulat

… bumalik ako para magpaalam saiyo, matapos ng sampung araw ay babalik na ulit ako sa 5ob a5io

para ma-ordenahan bilang pari. Patawarin mo ako kung nag lihim at nagsinungaling ako…

SAMANTHA

“Matagal ko nang alam, may nagsabi saakin na kaibigan ko na nakita ka raw sa loob ng 5ob a5io.

Nung una hindi ako naniwala, pero nag-send sya ng mga litrato. Hindi ko pinahalata pero nasaktan

ako Simon, sobra. Umasa nalang ako na kapag oras na magpapasya ka na kung ipagpapatuloy 5ob a

ang pagpapari ay baka ako ang piliin mo sa huli.”


SIMON

“Patawarin mo ko, di ko intensyong saktan ka.”

SAMANTHA

“Sige na, pinalalaya na kita. Ano bang laban ko sa Diyos. Kung doon ka masaya, wala akong

magagawa kundi hayaan ka kung saan ka liligaya.”

SEQ#9. INT. LOOB NG SIMBAHAN. UMAGA

SIMON

“Ikaw lalake, tinatanggap mo ba si Samantha bilang kabiyak at kasama mo panghabambuhay?”

LALAKI

“Yes Father, tinatanggap ko po.”

SIMON

“Idinedeklara ko na kayo bilang mag-asawa.

Titingin sa Lalake si Simon.

SIMON

“You may now kiss the bride.”

(“Wag mo siyang pababayaan. Ipinauubaya ko na siya sayo, alagaan mo siya.”)

Hahalikan ng lalake si Samantha.

Habang nakapikit ay maiimagine ni Samantha na si Simon ang kanyang kahalikan.


Matapos ang halikan ay mapapatingin kay Simon si Samantha. Malungkot na aalis si Simon mula sa

Altar.

SEQ #10. INT. KWARTO NI SIMON. HAPON

Nag-iimpake si Simon. Mayamaya pa ay mag-ri ring ang cellphone nito.

(Kausap sa kabilang linya.)

“Mga anong oras ka makakarating?”

SIMON

“Paalis na po akong Maynila, siguro gabi narin po ang dating ko d’yan.”

(Kausap sa kabilang linya.)

“Mag-iingat ka sa flight mo, inaantay ka na ng mga tagarito.”

Dala ang tiket papuntang Cebu ay aalis na ng simbahan si Simon

Mapapatigil si Simon at haharap sa simbahan

SIMON

“Mukhang matatagalan pa ulit bago ako makabalik dito.”

Kukunin ni Simon mula sa kanyang bulsa ang larawan ni Samantha at ilalapag ito sa upuan kung saan

sila madalas magtagpo.

SIMON

“Paalam na, sana tama yung ginawa nating desisyon,”

You might also like