Final Kabanata 1

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Pananaw sa Clash Of Clans ng mga Estudyanteng IT (Unang Taon) ng CvSu-Silang, Taong Aralan 2018 -

2019

Alcaraz, Gabriel Angelo C.

Lastima, Arron D.

Patungan, Camille Joy V.


Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN PANGKASAYSAYAN

Panimula

Ang pangunahing layunin ng panimula ay magbibigay ng paglalarawan sa tinutukoy na suliranin ng


pananaliksik. Sa bahaging ito ay maaaring talakayin ang kaligiran ng pananaliksik, layunin ng
pananaliksik, kahalagahan ng suliranin at mga katanungang kailangang bigyan ng katugunan sa gagawing
pananaliksik.

May tatlong mahalagang bahagi ang isang panimula upang ito ay maituring na mahusay. Ito ay ang:

Rasyonale

Layunin

Mga katanungan

Sa bahagi ng panimula kinakailangang maipaalam sa mga mambabasa ang rasyonale (batayang


prinsipyo) ng pananaliksik. Ito ay ang maikling pagpapaliwanag kung bakit mahalaga ang paksain ng
pananaliksik at maaaring magkaroon ng kahalagahan sa naisasagawang pananaliksik.

Ang pagpapakita ng layunin ng pananaliksik ay hindi lamang simpleng pagpapahayag kung bakit
isasagawa ang pananaliksik. Sa halip, ang layunin ay tumutukoy sa tunguhin o obhektibo ng pananaliksik.
Nang layuning ipahahayag ay kailangan tumugon sa mga sumusunod na katanungan:

Anu-ano ang mga obhektibo ng pananaliksik

Ano ang inaasahan kong matutuklasan o matututunan sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito?


Ang panimula ay karaniwang nagtatapos sa kataungan. Ang mga katanungang ito ay kailangang:

May kaugnayan sa layunin ng pananaliksik

May pokus

Malinaw

Istilo ng Panimula

Gumamit ng perpektibong panauhan maliban kung ang tinutukoy ay ang inilalahad na katotohanan.

Iorganisa ang mga ideya, tiyaking isang pangunahing punto lamang bang binibigyan ng pagpapahalaga sa
bawat talata.

Magpakita lamang ng mga kaugnayan sa impormasyon kung kinakailangan lamang upang suportahan
ang paksa. Hindi nais ng mambabasa na mabasa ang lahat ng batid ng nagsasagawa ng pananaliksik
hinggil sa paksa.

Ilahad ang hypothesis/obhektibo nang malinaw subalit huwag gawing sobrang payak

At higit sa lahat, bigyan-puna ang ispeling, kalinawan at kaangkupan ng mga pangungusap at mga
pahayag

Minsan tila napakahirap para sa ilang mga mambabasa na maunawaan kung ano ang iyong nais na
sabihin kung walang maayos na panimula.

Thesis Statement

Ang thesis statement ay isang matapang na pahayag na maaari mong mapatunayan sa pamamagitan ng
pagpapakita ng mga ebidensya. Ito ay hindi lamang simpleng pagpapahayag ng katotohanan. Itp ay dapat
na bunga ng sariling pag-iisip matapos na makapagsagawa ng pananaliksik. Ito ang magsisilbing
pangunahing ideya sa pananaliksik.

Binubuo ang isang thesis statement sa pamamagitan ng sumusunod sa hakbangin:

Tingnan ang pangunahing layunin

Tingnan ang mga nakalap na impormasyon na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik


Magpasya kung anong uri ng pahayag ang ilalahad sa iyong palagay ay magpaglalaanan mo ng sapat na
patunay.

Kaligiran Pangkasaysayan

Ito ang bahagi ng pananaliksik na tumutugon sa katanungang. “Ano ang ginagawa ng ibang mananaliksik
hinggil sa paksa?”

Mahalaga ang bahaging ito sa pangungumbinsi sa mga magsasagawa ng kanilang pag-aaral na ang
pananaliksik ay mahalaga. Sa madaling sabi, ang bahaging ito ay dapat na maingat na binuo.

Ang bahaging ito ay kailangan maglaman ng mga sumusunod na impormasyon ukol sa paksa na pinag-
aaralan at bakit ito ay laganap, seryoso at mahalaga.

Balangkas Teoretikal

Sa bahaging ito ng pananaliksik tinatalakay ang mga nagawa ng iba’t ibang manunulat at siyentipiko at
iba pang eksperto sa isang partikular na larangan. Binibigyang pagpapahalaga sa bahaging ito ang ilang
mga batas, prinsipyo, paglalahat, mga konsepto pagpapakahulugan at mga teorya na maaaring malaking
tulong upang mapatunayan o mapanubalian ang natuklasan ng mga naisagawa nang pag-aaral.

Balangkasa Konseptwal

Hindi mabubuo ang balangkas konseptwal kung walang balangkas teoretikal.

Ang balangkas konseptwal ay nagpapakita kung ano ang nais patunayan o panubalian ng ginagawang
pag-aaral. Ang ugnayan sa pagitan ng malayang baryabol at di-malayang baryabol ay malinaw na
naipapakita sa pamamagitan ng balangkas konseptwal o paradigmo

Paglalahad ng Suliranin
Ang paksa ng pananaliksik ang batayan sa pagbuo ng paglalahad ng suliranin.

Ang paksa ng pananaliksik at ang paglalahad ng suliranin ay maaaring magkatulad sa kabilang banda
subalit sa ilang aspekto at baryasyon ay nagkakaroon ito ng pagkakaiba.

Buhat sa pangkalahatang suliranin nha inilalahad sa bahaging ito, mag-uugat ang mga kasangay na
suliranin upang lalong matiyak na mabibigyan ng tugon ang suliraning nakaugnay sa paksa ng
pananaliksik.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tugunan ang mga sumusunod:

Hyphotesis

Malahagang bahagi ng pananaliksik ang hypothesis.

Ito ang bahagi ng pananaliksik na nakatutok sa pagbibigay direksyon sa maaaring tugon sa mga
katanungang nakapaloob sa pananaliksik.

Ang hypothesis ay mahalaga sa mga sumusunod na pamamaraan:

Naglalaan ng direksyon sa pag-aaral

Nagbibigay depinisyon sa sinasaklaw ng pag-aaral

Nagmumungkahi ng angkop na disensyo ng pananaliksik


Tumutukoy sa istadistika na maaaring gamitin

Nagsisilbing batayan sa paglalahad ng kongklusyon

Ang isang mahusay na hypothesis ay nakaangkop sa tatlong kondisyon:

Una, ito ay kailangang nakapagpapaliwanag ng mga katotohanang may kinalaman sa pananaliksik at


upang malimitahan ang kondisyon ng orihinal na suliranin.

Ikalawa ito ay kailangang nasusuri – ang epekto at dahilan ay kailangang nilalaan.

Ikatlo ito ay dapat na payak/simple na nangangailangan lamang lamang ng kagyat na kondisyon o


palagay.

Halimbawa ng Hypothesis:

Ang paraan ng pamimili ng iboboto ng mga rehistradong botante sa Munisipalidad ng Mariveles, sa


probinsya ng Bataan ay hindi nakabatay sa kanilang sosyo-ekonomikong katayuan na kinabibilangan ng
edad, bilang ng miyembro ng pamilya, natamong edukasyon, kasarian, natamong edukasyon at kinikita
ng pamilya.

Haypotesis mula sa pananaliksik na may paksang “Mga Salik na may Kaugnayan sa pamimili ng pagboto
sa Munisipalidad ng Mariveles, Probinsya ng Bataan” nina Dindo D. Beber et. al.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Tinitiyak ng bahaging ito ng pananaliksik ang makikinabang nang mahigit sa isasagawa o naisagawang
pananaliksik.

Tumutukoy ito sa kontribusyon ng pananaliksik sa a.) bansa (tunguhin o plano) b.) pambansang polisiya;
c.) nangingibabaw na katotohanan; d.) rehiyunal (lokal na tunguhin o plano); e.) tunguhin/plano ng
komunidad; f.) tunguhin/plano ng pamantasan
Tumutukoy din ito sa ibinunga ng pag-iimbestiga na maaaring mag-ambag o magpaunlad ng karunungan.

Saklaw at Limitasyon

Nagtataglay ito ng dalawang talata. Ang unang talata ay naglalaman ng saklaw ng pag-aaral, habang ang
pangalawa ay tumutukoy sa limitasyon ng pananaliksik.

Katuturan ng mga Salitang Ginamit

Binibigyan ng tiyak na pagpapakahulugan ang mga salitang malalim at malawak na koteksto. Lalong higit
kung pananaliksik ay gumagamit ng espesyal o teknikal na terminolohiya na maaaring hindi madaling
maunawaan ng karamihan sa mga mambabasa.

Ito ay tumutukoy sa kontekstwal na kahulugan ng mga baryabol sa pag-aaral.

Tandaan na ang pagkakaroon ng iba’t ibang repsondente at mambabasa ay nakalilikha ng iba’t ibang
kahulugan batay sa karanasan at pag-unawa ng mambabasa kaya mahalagang mabigyan ng
pagpapahalaga ang mga salitang ginamit sa pananaliksik.

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ito ay isang pormal na pangangalap ng propesyunal na literatura na may kaugnayan sa isang partikular na
suliranin ng pananaliksik. Sa pamamaraang ito matutuklasan ng tiyak ang mga natutunan ng ibang
nanaliksik na mag kaugnayan sa iyong paksa. Ang pangangalap ng kaugnay na literatura ay
kinakailangang komprehensibo kung maaari – isang payak na dulog upang malinaw na maiugnay ang
isang pag-aaral sa iba pang pag-aaral.
Ito ay sa pagdedetermina ng pangkalahatang kredibilidad ng pananaliksik sapagkat nagpapakita ito ng
mga nakaraang mga pananaliksik at mga literatura na nagbibigay gabay sa pangunahing tunguhin ng
isinasagawang pananaliksik.

Nahahati ang bahaging ito ng pananaliksik sa mga sumusunod:

Banyagang Pag-aaral

Lokal na Pag-aaral

Banyagang Literatura

Lokal na Literatura

Kabanata III

METODO NG PANANALIKSIK

Ang susunod na bahagi sa pagsasagawa ng pananaliksik bago dumako sa pangangalap ng datos ay ang
pagbuo ng disensyo ng pananaliksik. Tinalakay sa bahaging ito ang mga konsepto at mga yunit ng
matalinong pagpili ng angkop na metodong gagamitin, populasyon, respondente at pamamaraan sa
pangangalap ng mga datos, kaakibat din nito ang pagsukat sa usapin ng balidad at relayabilidad at mga
pamamaraang ginamit upang Makita ang kahusayan ng pananaliksik.

Pamamaraang Gagamitin

Sa pamimili ng pamamaraang gagamitin sa pananaliksik, limang uri ang maaaring pagpilian sang-ayon sa
kaangkupan nito sa gagawing pananaliksik.

Populasyon

Ito ay ang kabuuang bilang ng inaaasahang respondente o tagatugon mula sa napiling lugar na
pagsasagawaan ng pananaliksik.
Paraang ng Pagpili ng Kalahok

Mahalagang maunaawan ng mga nagsasagawa ng pananaliksik ang katotohanang napakahirap ang


katugunan ng lahat ng tao sa mundo subalit may malaking posibiliadad na matamo ang inaasahang
tugon mula na kabuuan sa maliit na bahagi ng mga tagatugon kung tama lamang ang pamamaraang
ginamit.

Tiyaking ang mananaliksik ay may sapat na kaalaman sa pagpili ng angkop na respondent o tagatugon na
gagamitin. Ang pinaka-karaniwang ginagamit ay ang random sampling, claster sampling, stratified
sampling at multi-stage sampling. Subalit kung ang populasyon ay maituturing na maliir at sapat na
gamitin upang maging tagatugon, ito ay tinatawag na universal sampling.

Deskripsyon ng mga Respondente

Ang pagkakaroon ng sapat na bilang ng tagtugon, ang mananaliksik ay maaring batid na ang kanyang
tiyak na repondente – ang mga taong maglalaan ng kinakailangang datos.

Ang klasipikasyon – impormasyong bahagi ng talatanungan na maaaring makatulong sa mananaliksik na


mailarawan o matukoy ang kanyang respondent. Gayumpaman, ang respondente ay maaari ring ilarawan
sa ilang aspektong pisikal, sosyal, ekonomikal, o edukasyunal na katangian gaya ng edade, kasarian,
kalagayang sibil, propesyon/tranaho, natamong edukasyon o haha ng paghahanapbuhay.

Instrumento

Ang kaaalaman sa pamamaraan ng pangangalap ng mga datos ay magbibigay daan para sa mananaliksik
na matukoy ang instrumentong gagamitin para sa layunin. Sa isang deskriptibong pananaliksik, ang
talatanungan ay madalas na gamitin, na daragdagan pa ng panayam.

Uri ng Gagamiting Estadistika


Sa puntong ito ng pananaliksik, kailangang nakalap na ang mga kinakailangang datos upang tugunin ang
mga suliranin at tanggapin at di tanggapin ang haypotesis. Sa kabilang banda, ang nakalap na mga datos
ay mawawalan ng kahulugan kung hindi mo ito maaanalisa at mabibigyan ng interpretasyon. Ang
pagsusuri at pagbibigay-interpretasyon ay nangangailangan ng istatistikal na pamamaraan.

Kabanata IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAHALAGA NG MGA DATOS

Ang pinakaunang hakbang na may kaugnayan sa pagbibigay ng interpretasyon ng mga datos ay


tabyulaysyon. Ito ay ang proseso ng paglalahat ng mga datos na nakapag upang dumaan sa higit na
pagsusuri. Karaniwan, gumagamit ng isahang tabyuleysyon na higit na naglalaan ng magaan at mabilis na
resulta
Kabanata V

PAGLALAGOM NG NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Buhat sa pangangalap ng mga datos, nagbibigay interpretasyon at pagpapakahulugan dito, ang


pinakahuling bahagi ng pananaliksik ay paglalahad ng kabuuan ng isinagawang pag-aaral sa isang
partikular na paksa. Mula sa paglalahat na ito ay ilalahad naman ang mga mahahalagang punto na
natuklasan ng mga mananaliksik. Batay sa mga natuklasan at konklusyon ay maghahain ng
rekomendasyon.

Lagom ng Natuklasan

Naglalaman ito ng buod ng mga natuklasang datos. Sa balaging ito, nakalista (enumerated) lamang ang
mga natuklasan ng mga mananaliksik.

Kongklusyon

Itinuturing na isa sa pinakamahirap na bahagi ng pananaliksik. Dapat matandaan ng mananaliksik na


karaniwang natatandaan ng mga mambabasa ang kongklusyon kaya’t higit na kinakailangang ito ang
bahagi na pinakamalakas sa pananaliksik.

Ang konglusyon ay kinakailangan na:

Sumasalamin sa panimula

Magbabanggit muli ng thesis statement, at lalong nagiging pangkalahatan


Naglagom ang mga pangunahing ideya

Nagpapaluwag sa mambabasa bakit makahulugan ang iyong pananaliksik

Nagpapakita ng resulta ng iyong pag-aaral

Humihimok na pag-isipin ang mambabasa hinggil sa paksa

Mag-iwan ng tanong sa mambabasa

Mag-iwan ng babala o haypotesis

Magpakita ng mahalagang kaisipan

Magtala ng isang angkop na anekdota

Rekomendasyon

Ang pagsasagawa ng rekomendasyon ay higit na madaling Gawain. Ang tanging dapat na gawin ng
mananaliksik ay hayaang ang kanyang pananaliksik na sipi. Sa ganyon, ang ibang mananaliksik ay
magamit sa gagawing pananaliksik sa hinaharap para sa pagpapatuloy nito. Maaaring ang ibang mga
ahensya o samahan at matulungan ng mga resulta ng iyong pananaliksik, sa gayon kailangan nila ang sipi
ng iyong pananaliksik.

Pangangalap ng Datos

Pagkatapos na matiyak ng isang mananaliksik ang mga tanong na naisi sagutin, ang kasunod na hakbang
na gagawin ay ang pangongolekta o pangangalap ng datos. Sa ganitong kalagayan, marapat lamang na
alam ng mananaliksik ang mga pamamaraan, instrument, at hakbang na akma sa mga baryabol na
kanyang mamanipulahin.

Pamamaraang Obserbasyon

Ito ang pangangalap ng datos gamit ang matamang pagmamasid sa tao, lugar o pangyayari sa isang
laboratory o lugar-pananaliksik. Sa paraang ito itinatala ng mananaliksik ang pag-uugali, kaasalan, gawi o
kilos ng respondent, kinikilala rin ang proseso, sanhi o epekto kung paano o bakit nabuo ang nasabing
phenomenon.

One on one observation

One-group interaction

Talatanungan

Ito ang pinakagamitin at pinakatanggap na metodo sa pangangalap ng datos. Ayon kay Eugene Lovelace
(2000) ang talatanungan ay isang “self-report technique” kung saan ang isang kalahok ay sinasagot ang
isang pangkat ng mga nakatalang tanong. Ayon naman kay Creswell, ang talatanungan ay isang metodo
ng pangangalap ng datos kung saan ang kalahok sa pananaliksik ay may sinasagutang tanungang-papel at
agad ding isinasauli sa mga mananaliksik. Ang talatanungang ito ay naglalaman ng basikong kaalaman at
iba pang demograpikong impormasyon tungkol sa kalahok,

Ang talatanungan ay ginagamit sa mga sumusunod

Magsiyasat sa opinyon at kaasalan ng isang pangkat

Makakuha ng datos ng mga tao mula sa iba’t ibang lugar para sa malawakang pag-aaral

Kapag ang mga kalahok sa pag-aaral ay hindi maaaring personal na Makita o makausap ng mananaliksik

Kapag ang mga datos o magsasagot na kalahok ay kakailanganin ay maipaliwanag sa pasulat na


pamamaraan
Mga Uri ng mga Tanong

Open-ended question – uri ng tanong nagbibigya karapatan sa mga kalahok na malayang sagutin ang
mga katanungan. Walang mahigpit na pagbabawal o pamumwersa sa panig ng mananaliksik sa kung ano
ang nais na isagot ng respondente. Kadalsan na matapos ang katanungan, naglalagay ng blangkong
bahagi sa papel o ilang mga linya para mahikayat ang respondente sa isulat kung ano ang kanyang
nasaisip.

Multiple Choice – uri ng tanong na humihiling sa mga respondente na pumili o sumagot mula sa mga
mga nakahaing pagpipilian.

Closed question – uri ng tanong na nagbibigay sa kalahok ng ilang tiyak na kasagutan. Ang ganitong uri ng
tanong ay humihiling sa mga respondente na pumili ng sagot na angkop at makatutulong sa pangangalap
ng datos.

Pakikipanayam

Ang panayam ay isang berbal na interaksyon a pagitan ng mananaliksik at respondente kung saan ang
una ay nagbibigay ng ilang katanungan hanggang sa huli.
One-one interview

Focus group discussion

Ibinigay nila Castolo at Sanchez (2004) ang Panuntunan sa pagsasagawa ng panayam:

Paunang paghahanda – ditto pinag-aaralan ng mananaliksik ang iniisio o magiging reaksyon ng kanyang
respondent sa bubuuing pananaliksik. “pre-survey”

Setting – lugar kung saan gagawin ang panayam, makabubuting ang lugar na pipiliin ay hindi matao
upang maiwasan ang ingay at pagkakaantala ng panayam.

Pagbuo ng ‘rappor’ sa pamamagitan ng mananaliksik at ng respondent

Pagsisimula ng panayam – upang simulant ang panayam, makatutulong na isulat sa isang papel ang mga
katanungan at ito ay ipasok sa gitna ng kombersasyon

Pagrerekord ng panayam – ugaliing magdala ng rekorder kapag nakikipanayam bilang backup sakaling
may hindi naisulat sa sinabi ng respondent

Pagsasara ng panayam – sa pagsasara npanayam kailangan maipakita ng mananaliksik ang kanyang


sinserong pasasalamat sa kanyang respondente.

You might also like