Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

TALAAN NG NILALAMAN

ABSTRAK................................................................................. pahina 1

PANUKALANG PROYEKTO................................................ pahina 2

KATITIKAN NG PULONG AT AGENDA .......................... pahina 3

TALUMPATI............................................................................ pahina 5

POSISYONG PAPEL............................................................... pahina 6

REPLEKTIBONG SANAYSAY.............................................. pahina 7

LAKBAY SANAYSAY............................................................. pahina 7

PIKTORYAL ESSAY............................................................... pahina 8

SINTESIS/BUOD...................................................................... pahina 10

BIONOTE.................................................................................. pahina 11
ABSTRAK

Ang pakikipagnegosasyon online ay bunga ng makabagong teknolohiya na nagbukas ng


oportunidad sa mga negosyante. Dati, ang mga malalaking negosyo ang may kakayahan na maka-
access sa web, sa kasalukuyan kahit ang normal na indibidwal ay maaari ng magnegosyo online.
Ito ay kinagigiliwan ng marami: babae o lalaki, matanda o bata, mahirap man o mayaman.

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang magbahagi ng karagdagang kaalaman sa mga


mambabasa na nagbukas o magbubukas pa lang ng sariling negosyo gamit ang internet. Nais din
ng pag-aaral na ito na ibahagi ang mga benepisyo ng pagtatayo ng online business.

Ayon kay Mckinsey, “More objects are becoming embaded with sensors and gaining the
ability to communicate. The resulting information networks promise to create new business
models, improve business process, and reduce costs and risks.” Para sa ginagawang pananaliksik
ni Mckinsey, dahil sa pagkakaroon ng Online Business sites, sumibol ang bagong paraan ang mga
supplier upang kumita ng pera, pinababa rin nito ang presyo at mas pinalawak ang kapakanan ng
mga nais bumili, mas napadali na ngayon ng teknolohiya ang buhay ng mga tao.

Isinaad naman ni Feliciano Fajardo sa aklat na “Peak performance can be obtain through
careful placement, sufficient & necessary information opportunities for participation, and high
standard of performance.” Hinahanap ng mamimili ang dekalidad na produkto na nais nila.
Masasabi rito na kailangan ng mainam na pakikipagnegosasyon upang mas mahikayat na
makipagtransaksyon ang mamimili. Ayon rin sa pag-aaral, mas marami ang maaring bumili ng
isang bagay online kung ito ay naiprisinta ng ayos at naayon sa araw o okasyon.

Ang pagnenegosasyon online ay talagang popular sa kasalukuyang panahon. Ito ay


makatutulong sa isang indibidwal para magkaroon ng kita sa isang madali at marangal na paraan.
PANUKALANG PROYEKTO

I. Pamagat: Joy’s Clothing Line

II. Panahon ng pagsasagawa: August 1 hanggang sa kasalukuyan.Bilang ng Benepisyaryo:


Lahat ng tao sa lokal at internasyonal

III. Mga tagapanukala: Emily Joy Galve, Rica Mae Venancio, Rhona May Gadon, Me-an Joy
Ompad, Wendy Ferrer at Mendrianne Listangco

IV. Maaaring kontakin: Joy's Clothing Line (instagram)

V. Tinatayang halaga: 100-250 pesos

VI. Pondong kailangan: 50 000 pesos

VII. Rasyonal

Ang pagsasagawa ng online selling ay isa sa mga dahilan ng pagbukas ng pinto ng


oportunidad para sa mga negosyante. Sa pagkakaalam ng mga nakararami, ang
pakikipagnegosasyon online ay isa sa mga pinakamabisa at mas mabilis na paraan ng pagbenta at
pagbili ng serbisyo at produkto. Ang pagsasakatuparang ng proyektong ito ay siyang magiging
daan upang ipakita ang mga benepisyo na maaari nating makuha sa online selling. Makikita rin
dito ang kahalagahan nito hindi lang sa mga negosyante, pati na rin sa mga taong nagnanais
makabili ng mga produkto sa mas madaling paraan.

VIII. Deskripsyon at Layunin ng Proyekto

Deskripsyon

Ang proyektong ito ay nagsisilbing pintuan sa pagkakaroon ng silid na magiging isang


sentrong pangkaalaman na makakapagbigay sa mga karamihan ng isang mabisang pagbenta at
pagbili ng serbisyo at produkto gamit ang makabagong teknolohiya katulad ng facebook, twitter,
instagram at iba pa.

Layunin

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang magbahagi ng karagdagang kaalaman sa mga


mambabasa na nagbukas o magbubukas pa lang ng sariling negosyo gamit ang internet. Nais din
ng pag-aaral na ito na ibahagi ang mga benepisyo at kahalagahan ng pagtatayo ng online business.
IX. Kapakinabangang Dulot

Ang kapakinabangang dulot ng proyektong ito ay magkaroon ng kaalaman ang mga tao sa
dulot ng online selling.

Katitikan ng Pulong

Pangalan ng Organisasyon/ Departamento/Institusyon: Joys Clothing Line

Petsa: Agosto 3, 2018

Lugar ng Pulong: Silid Aralan

Mga Dumalo: Nahuli sa Pagpupulong:

1. Rhona May Gadon 1. Me-an Joy Ompad

2. Wendy Nicole Ferrer

3. Rica Mae Venancio Hindi Dumalo

4. Emily Joy Galve 1. Mendrianne Listangco

Layunin: Magkaroon ng paksang tatalakayin sa akademikong sulatin

Paksa: Online Business ( Cosmetics, Clothing, Furniture, at iba pa )

Agenda:

Sa unang pagpupulong Agosto 3, 2018 napag-usapan ng aming grupo ang patungkol sa


konsepto ng gagawing proyekto. Napagdesisyunan na ang magiging paksa ng aming proyekto ay
tungkol sa Online Selling. Nais malaman ng aming grupo ang benepisyong dala sa ganitong uri ng
negosyo sa mga negosyante.

Pangalan ng Organisasyon/ Departamento/Institusyon: Joys Clothing Line

Petsa: Agosto 17, 2018

Mga Dumalo: Nahuli sa Pagpupulong:

1. Rhona May Gadon 1. Rica Mae Venancio

2. Wendy Nicole Ferrer


3. Emily Joy Galve

4. Me-an Joy Ompad

5. Mendrianne Listangco

Layunin: Nagdadalumat

Agenda:

Sa pagpupulong na ito Agosto 17, 2018 napag usapan namin ang gagawing hakbang sa
paggawa ng proyekto. Nagbigay ang bawait isa ng mga konseptong gagawin para makatulong sa
pagbuo ng proyekto.

Pangalan ng Organisasyon/Departamento/Institusyon: Joys Clothing Line

Petsa: Agosto 28, 2018

Mga Dumalo:

Rhona May Gadon

Wendy Nicole Ferrer

Emily Joy Galve

Me-an Joy Ompad

Mendrianne Listangco

Rica Mae Venancio

Layunin: Paghahati hati ng mga gawain sa bawat miyembro ng grupo

Agenda:

Sa huling pagpupulong Agosto 28, 2018 hinati hati sa bawat miyembro ng aming grupo ang
gagawing proyekto. Ang bawat isa sa amin ay binigyan o naghatihati ng kanya kanyang gawain
para maumpisahan at makapagbahagi ng kanya kanyang ideya para sa proyektong gagawin.
Talumpati

Magandang araw sa inyong lahat! Dahil nga napapabilang tayo sa taon ng mga Millenials,
gumagamit na ng makabagong teknolohiya ang mga tao hindi lamang para makipag komunikasyon
sa iba kundi pati na rin sa pagbebenta at pagbili ng serbisyo at produkto.

Ang mga benepisyo ng Online Selling ay hindi lamang para sa mga nagbebenta kundi pati
na rin sa mga bumibili. Ang internet ay isang malawak na sistema. Isa na rito ang mga sikat na
social networking sites gaya ng Facebook, Youtube, Instagram, atbp. at business networking sites
gaya ng Lazada, Shoppe, Carousel, atbp. Nagagamit ito upang makilala lalo ang iyong online
business hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa. Dahil dito, nagkakaroon ng
malawak na sakop sa pagbebenta ng produkto. Kung mas marami ang taong bibili, mas malaki ang
kita. Ang Online Business ay bukas kahit na anong oras kaya maaasikaso nito ang mga gustong
bumili. Hindi na rin kakailanganin ng maraming trabahador para suwelduhan dahil mabilis lang
naman ang transaksyon sa negosyong ito.

Kung ikaw naman ang bumibili, isa sa benepisyo ng Online Selling ay mas mapapadali ang
pagbili mo ng produkto dahil hindi mo na kakailanganin pumunta sa mga mall at mapapamura ka
pa dahil kadalasan, mura ngunit mataas naman ang kalidad ng mga produkto sa negosyong ito.
Malalaman mo rin kung bibilhin mo ba ang isang produkto dahil mayroong mga rebyu ng ibang
mga bumibili sa lahat ng mga produkto. At ang huli, halos lahat ay nasa Online Business na.
Kailangan mo na lamang mamili.

Marami na ang pumasok sa industriyang Online Selling ngunit iilan lamang ang mga
naging matagumpay. Hindi madali ang pagpasok sa Online Selling. Kung ikaw ang uri ng tao na
madaling sumuko at walang determinasyon sa pag nenegosyo, hindi ka nababagay sa industriyang
ito. Ngunit kung ikaw ay determinado at marunong makipag kumpetensya sa iba, malamang ay
magiging matagumpay ka.
Posisyong Papel

Kaming mga miyembro na mag-uumpisang magnegosyo gamit ang online sites o social
media ay masasabing ang negosyong ito ay isa ring mabisang paraan upang kumita ng pera. Ayon
sa aming obserbasyon o karanasan ang negosyong ito ay maraming benepisyong hatid para sa mga
negosyante at mga mamimili, Una dahil sa paggamit ng social media mas napabibilis ang
pakikipagtransaksyon at mas napalalawak ang pagkilala ng produktong binebenta sa ganitong
paraan mas maraming mamimili ang makakakita sa produktong binebenta malaking tulong ito para
sa mga mamimili at negosyante. Pangalawa para sa mga nagnenegosyo sa ganitong paraan kagaya
namin malaking tulong ito para makatipid o mas kakaunting pera lamang ang nagagamit dahil
hindi na kinakailangan ng mga tauhan o lugar para sa negosyo. Isa na rin sa mga dahilan ay
nananatili itong bukas kahit anong oras kaya naman tuloy tuloy lang ang perang pumapasok sa
mga negosyante. Pangatlo benepisyo para sa mga mamimili ang tulong hatid nito ay mas madali
silang nakapipili ng produktong kanilang bibilhin dahil madali na itong makita gamit ang mga
online sites. Mas nakatitipid din sila sa ganitong paraan dahil hindi na nila kinakailangang
gumastos ng pamasahe para makapunta sa pamilihan.

Ang mga benepisyong hatid ng mga nakasalaysay ay makatutulong para sa mga nais
magnegosyo gamit ang mga online sites o social media. Layunin namin na kasalukuyan ng
tinatahak ang ganitong negosyo ay magbigay kaalam o impormasyon sa mga nais magbukas o
tumahak sa ganitong klase ng negosyo gamit ang internet.
Replektibong Sanaysay

Sa panahon ngayon, napakaraming produkto ang gusto nating bilhin sa pamamagitan ng


ating mga ‘social media account’ upang magkaroon ng madaliang transaksyon. Sa ating kulturang
pinoy, mas karaniwang bumibili ang mga tao sa mismong tindahan o pamilihan kumpara sa
umuusbong na pakikipagnegosasyon online. Naniniwala ang karamihan lalo na ang kabataan na
malaki ang maitutulong ng ganitong paraan sa pagbili ng mga produkto.

Tulad na lamang ng aming grupo na mas tumatangkilik sa pakikipagnegosasyon online,


maipapakita ang mga etika ng isang negosyo. Una, pagiging legal at totoo sapagkat ito ang
mahalaga sa pagnenegosyo. Ikalawa, mabilis tumugon sa produktong ninanais ng tagapamili at
panghuli ay may katapatan ay kahusayan sa pakikipagtransaksyon.

Bilang pagpapahalaga sa mga nabanggit na etika, mapapatunayan ito sa aming serbisyo,


pakikipagkapuwa at maayos na pakikisama sa mga tao upang gawin silang kaibigan hindi lamang
sa pakikipagnegosyo, pagpapatuloy sa pagiging malikhain sa pakikipagtransaksyon at
pleksibilidad na matugunan ang kagustuhan ng mga mamimili.

Kung susumahin, sa aming karanasan sa pakikipagnegosasyon online, maihahayag namin


ang kadalian at benepisyo nito sa parehong tagapagtinda at tagapagbili. Naipakita ng maayos ang
mga nasabing pagpapahalaga at etika na dapat isinasaalang-alang sa isang negosyo.

Lakbay Sanaysay

Madali. Mura. Malawak. Tatlong salita na tila maglalarawan sa pakikipagnegosasyon


online. Hindi lamang tagapagbili ang magkakaroon ng benepisyo ngunit pati na rin ang mga
tagapagbenta.

Hindi mawawala sa isang tao na bumili ng produktong ninanais sa isang mall, palengke,
tiangge, tindahan, ukay-ukay at pinakatalamak na paraan sa ngayon ay sa pamamagitan ‘online’.
Kung dati, biyahe dito, siksik doon, pasok dito, tawad doon samantalang ngayon, isang click,
konting usap mapapasaiyo na ang bagay na binibili mo.

Isang patunay nito si Jasmine Lobo, 17, isang estudyante ngunit sa kabilang banda ay isa
ring ‘online seller’. Sinimulan niya ang pakikipagnegosasyon online noong buwan ng Enero sa
kasalukuyang taon. Dahil sa magandang alok at malaking kita na naging dahilan ng pagbili niya
rin ng mga bagay na gusto nya kaya naman mas tinangkilik niya ang pakikipagnegosasyon online
kung kaya’t hanggang ngayon ay patuloy pa ring tumatakbo ang kanyang negosyo.

Ayon pa kay Jasmine, lamang siya sa mga iba pang nagbebenta dahil siya mismo ang may
hawak at control ng kanyang oras. Siya ang magdedesisyon kung kalian niya nais magbenta at
kung tutuusin wala siyang sinusunod o amo.
Sa kabilang dako, narito naman si Hazme Milag, 16, isa ring estudyante na tumatangkilik
sa pakikipagnegosasyon online at para na rin sa perspektibo ng tagapagbili. Para sa kanya, mas
madali, mura at maraming pagpipilian para sa espisipikong produkto na gusto niya. Matagal niya
na ring nasubukan ang kalidad ng serbisyo ng ibang mga negosyo online at talaga naming totoo at
tapat ang karamihan sa mga ito.

Piktoryal Essay

Hindi mawawala sa isang tao ang pagbili ng mga produkto. Dahil sa mas tinatangkilik na
ng mga tao ang Online Selling, dito na sila bumibili.

Ang paraan ng pagbigay at pagkuha ng produkto ay maaaring sa pamamagitan ng


pakikipagkita sa kliyente. Pwede ring sa pamamagitan ng paghahatid ng produkto sa tulong ng
mga transportasyon gaya ng LBC atbp.
Sa pagkikita ng nagbenta at ng bumili , hindi lamang ang mismong produkto ang naibigay
kundi pati na rin ang serbisyo.

Kapag naibigay na ang produkto sa pagkikita ng nagbenta at bumili, masisigurado ng


bumili kung maaayos o walang sira ang nabili niyang produkto. Sa paaran naman ng pahahatid ng
produkto sa tulong ng transportasyon gaya ng LBC atbp., maaari nila itong ibalik kung may sira
ang produkto sa pamamagitan ng pagkontak sa nagbebenta.
Sintesis/Buod

Sa maka-bagong panahon na mayroon ang ating bansa ang pangangailangan ng mga tao
sa mabilisang transaksyon ay mas lalo pang tumataas. Dahil dito nagkaroon ng ideya ang aming
grupo upang simulan ang negosyong online selling Ang ganitong klase ng negosyo ay malaki
ang kalamangan sa ibang uri ng pagnenegosyo sa kadahilanang ito ay isang uri ng pagbebenta sa
maikli at mabilisang paraan.

Hindi mahirap ang pag-oonline selling dahil ang gagawin mo lamang ay maglagay ng
mga larawan ng gusto mong ibenta o ‘di kaya ng iyong produkto at makipag-usap sa gustong
kumuha ng nasabing produkto. Hindi mo na kailangan magpatayo pa ng physical store at
magbantay araw-araw ang gagawin mo lang ay maghintay ng mga bibili para magbigay mensahe
sa iyong account sa prosesong ito maaari ka ng kumita ngunit kung hindi mo naman
magagawang makipagtransaksyon ng maayos sa mga mamimili ay malulugi ka lamang. ‘Di biro
ang puhunan na mailalabas mo maaaring malaki o maliit ngunit kung hindi ka marunong magpa-
ikot neto hindi masasabing nagtagumpay ka sa pag-oonline selling.

Mapapansin natin ang pagyabong ng kulturang Pilipino dahil hindi na lamang naka pokus
sa normal na pagbebenta at mas nagiging malawak ang ating pakikipagkomunikasyon at
pakikipagtransaksyon sa ibang tao. Sa katunayan, ang iba’t ibang uri ng tao sa Pilipinas ay
nawiwili at nahihikayat na magsimula ng ganoong negosyo mapa-babae, lalaki, bata at matanda
ay maaari na ring mag-online selling. Malaking impluwensya ng pagbabago sa pag iisip ng
bawat isa na nagbunga ng patuloy na pagsulpot ng online selling. Ang ganitong negosyo ay
malaking tulong sa pansariling kailangan at bansa.
Bionote

Talata I

FERRER, WENDY NICOLE

Si Wendy Nicole Ferrer ay kasalukuyang mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng


Pilipinas. Hilig niya ang pagsayaw at pagkanta. Marami siyang hinahangaan na artista lalo na sa
ibang bansa katulad na lang ng kanilang pananamit.

GADON, RHONA MAY

Si Rhona May Gadon ay kasalukuyang mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.


Iginugugol niya ang kanyang oras sa pagkuha at pag-edit ng mga litrato. Karaniwang litrato na
nakukuha niya ay ang kanyang outfit of the day.

GALVE, EMILY JOY

Si Emily Joy Galve ay kasalukuyang mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.


Siya ang pinagkakatiwalaan ng kanyang mga magulang sa pagtitinda ng ukay ukay nilang negosyo
at ito na ang nagsilbi niyang libangan sa araw-araw.

LISTANGCO, MENDRIANNE

Si Mendriane Listangco ay kasalukuyang mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.


Parati niyang inaabangan ang Asia’s Next Top Model dahil hinahangaan niya ang fashion sense
ng mga modelo. Hilig niya ang pag-arte at panunuod ng mga pagtatanghal sa teatro.

OMPAD, ME-AN JOY

Si Me-An Joy Ompad ay kasalukuyang mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng


Pilipinas. Malaking porsyento ng kanyang oras ay nilalaan niya sa pagbabasa. Marami rin siyang
hinahangaan na mga internasyonal na artista.

VENANCIO, RICA MAE

Si Rica Mae Venancio ay kasalukuyang mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng


Pilipinas. Hilig niya ang panunuod ng mga vlogs, kdrama at lalo na ang mga nakakatakot na
palabas. Naglalaan din siya ng oras sa pagdiskubre ng mga bago sa social medias.

PANGKALAHATAN

Ang lahat ng miyembro ng proyektong ito ay mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng


Pilipinas. Sila ay may interes sa pagtatayo ng isang negosyo at ang mga kaalaman nila ay
pinagsama sama at ginamit na instrumento sa paggawa ng proyekto.
Paksa: Online Selling

Miyembro:
Ferrer, Wendy Nicole
Gadon, Rhona May
Galve, Emily Joy
Listangco, Mendrianne
Ompad, Me-an Joy
Venancio, Rica Mae

You might also like