Professional Documents
Culture Documents
Dasalan at Tocsohan
Dasalan at Tocsohan
Isa sa mga dasal na napasa sa akda ni Del Pilar ay ang “Ang Amain Namin” na
nanggaling sa orihinal na akda na “Ama namin”. Ang dasal na para Diyos ay ginawa
niyang parody na dasal para sa “Amaing Prayle”. Dito palang ay mahihinuha na ng
mambabasa ang nais na mensaheng iparating ni Del Pilar, ang pagkamuhi nito sa mga
prayleng labis kung gamitin ang relihiyon para sa kapangyarihan.
Noong panahon ng kastila ay takot ang mga Pilipino sa mga prayle dahil sa taglay
na kapangyarihan ng mga ito di lamang sa simbahan kundi maging sa paaralan at
gobyerno sila ay may koneksyon at malalakas sa mga opisyales kaya’t sila ay may
boses kumbaga. Sila ay isa sa mga may pinakamataas na katungkulan noon kung
kaya’t ganoon na lamang ang pagtingala at respeto ng mga Pilipino sa mga prayle.
Kaya’t sa akda na “Ang Amain Namin” ay labis na lamang ang pag uumapaw ng
damdamin bawat salita. Sa unang taludturan nito:
Ikalawang taludturan:
Dito inilalarawan ang kung anong kalagayan meron ang mga Pilipino noon.
Sila’y pinagkakaitan ng bigas, sa akda ni Graciano Lopez Jaena na Fray Botod isinaad
doon ang pag-uugali ng isang pari noong panahon kastila. Si Padre Botod na ubod ng
kasamaan ay pilit na gigipitin ang mga magsasaka at maging ang mga mamamayan.
Bibilhin niya ang mga palay sa murang- murang halaga at ipagbibili niya nang mahala
kapag tag-araw na. At ang masahol pa sa mga prayleng iyan ang pagpasok nila ng
pangalan ng Panginoon para lang mauto ang mga mamamayang Pilipino, na kesyo
ganito para sa mahal na birhen.
Isa pa sa mga akda ni Marcelo H. Del Pilar ay “Ang Aba Guinoong Baria” na
nagmula sa teksto na “Hail Mary” o “Aba Ginoong Maria”. Isa rin etong dasal na
ginawa ni Del Pilar na parody. Sa pamagat palamang ng akda ay maihahambing eto
sa pag yaman ng mga prayle nuong kapanahunan ng kastilla, tila ba ang mga baria na
galing sa mamamayan ay napupunta lamang sa mga kamay nila.
Mapapansin natin sa unang taludtod palamang ng akda na ang mga prayle noong
kapanahunan nila ay mas ipinapa nalangin ang pag dami o ang pag hikayat sa mga
Pilipino na bigyan ang simbahang katoliko ng baria ngunit eto lamang ay napapadpad
sa mga kamay ng mga prayle at napupuno ang kanilang alkansya, hindi ang alkansya
ng bayan.
Ikalawang Taludturan:
Sa mababasa sa akdang ito ay prang hindi kumpleto ang naging pahayag, ngunit
may dahilan kung bakit eto nasulat ng ganto. Unahin natin ang unang dalawang
pangungusap, sinasamba ang “Baria” bilang ina ng mamamayan at ipinapanalangin
neto na makapag bigay sila ngunit pag hindi ay sila ay ipapapatay, dito naman
maipapasok ang huling pangungusap. Eto ay kulang at hindi nakumpleto, ang ibig
sabihin neto ay habang sila ay nananalangin para sakanilang buhay dahil hindi sila
nakapagambag ng kaunting baria para sa mga prayle. Dahil dito ay sila ay nakitilan ng
buhay, at iyon ang nakita natin sa ikalawang taludtod, nakitilan ng buhay habang
nananalangin eto.