Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

GRADE 9

1. Ang etimolohiya (pinagmulan ng salita) ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at kung
paano nag-iba ang kanilang anyo at ibig sabihin sa paglipas ng panahon.

2. Ang Elehiya ay tula para sa mga yumaoy na kamaganak o mahal sa buhay.

3. Elemento ng elehiya

4. PANG-URI NA NAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN


5. MAIKLING KWENTO
Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa
isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.

6. TUNGGALIAN NG MAIKLING KWENTO


-4. SULIRANIN O TUNGGALIAN
Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang
tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa
Tao/lipunan.

Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa
lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.

7. Pang-ugnay

Pang-angkop – ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganap lamang
ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang-angkop.

a. Ang pang-angkop na – na ay ginagamit kapag a ng unang salita ay natatapos s katinig maliban sa n. Hindi
ito isinusulat ng nakadkit sa unang salita. Inihihwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita ng panuring.
b. Ang pang-angkop ng –ng ay ginagamit kung ang unang salita at nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito
sa unang salita.

Kapag ang unang salita naman ay nagtatapossa n tinatanggal o kinakaltas ang n at ikinakabit ang –ng

2. Pang-ukol – ito ay isang uri ng pang-ugnay na nagsasaad ng kuagnayan ng pangngalan o panghalip sa


ibang salita sa pangungusap.
Halimbawa:
Para sa, ukol sa, laban sa, alinsunod sa, labag sa, ayon sa, para kay/kina, ukol kay/ kina

3. Pangtanig – ito ay bahagi ng salitang nag-uuganay ng isang salita o kaispan sa isa pang salita o kaisipan
sa isang pangungusap.

a. Pamukod – ginagamit upang itangi ang isa sa isa pang bagay.


b. Paninsay o pasalungat – ginagamit kung nagsasaaad ng pagsalungat
Halimbawa:
Subalit, datapwat, bagama’t
c. Panubali o Panlinaw – nagsasaaad ng panubali o pasakali.
d. Pananhi – tumutugon sa tanong na bakit, nagsasaaad kadakilaan
Halimbawa:
Sapagkat, dahil sa, palibahasa
8. Ang alamat ay isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan
ng mga bagay-bagay sa daigdig.

9. Pang-abay
Pamanahon[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na
taglay ng pandiwa. Mayroon itong tatlong uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng
dalas. Halimbawa ng may pananda ang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
at hanggang. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na mayroong
pananda ang "Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?". Ang walang pananda ay mayroong
mga salitang katulad ng kahapon, kanina, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa.
Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na walang pananda ang "Manonood
kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino." Ang pang-abay na pamanahon na
nagsasaad ng dalas ay mayroong mga salitang katulad ng araw-araw, tuwing umaga, taun-taon, at
iba pa. Isang halimbawa ng paggamit na ganito ang "Tuwing buwan ng Mayo ay nagdaraos kami sa
aming pook ng santakrusan."[2] Ito ay ang pinakamadali na pang-abay.

Panlunan[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang pang-abay na panlunan ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng lugar kung saan naganap
ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos
sa pangungusap; sa ibang pananalita ay tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan
ng kilos sa pandiwa. Halimbawa nito ang "Nagpunta sa lalawigan ang mag-anak upang dalawin ang
kanilang mga kamag-anak."[3] Karaniwan ding ginagamit sa pangungusap na mayroong pang-abay
na panlunan ang mga pariralang sa, kina o kay. Ginagamit ang sa kapag ang kasunod ay
isang pangngalang pambalana o isang panghalip. Samantala, ginagamit naman
ang kay at kina kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao. Halimbawa
nito Halimbawa na ang mga pangungusap na "Maraming masasarap na ulam ang
itinitinda sa kantina." at ang "Nagpaluto ako kina Aling Inggay ng masarap na mamon para sa
kaarawan.

Pamaraan[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang pang-abay na pamaraan ay ang pang-abay na naglalarawan kung paano naganap, nagaganap,
o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay ang
mga panandang nang, na, at -ng. Halimbawa nito ay magaling, mabilis, maaga, masipag, mabait,
atbp. Halimbawa sa paggamit nito ang pangungusap "Sinakal niya ako nang mahigpit", "Mahusay
bumigkas ng tula ang batang si Boy".

10. ASPEKTONG PANDIWA


Ang pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigaybuhay sa isang lipon ng mga salita. Ito ay binubuo
ng salitangugat at panlapi. Maaaring gumagamit ng isda o higit pang panlapi sa pagbuo ng salitang kilos
na ito. Ang panlaping ginagamit sa mga pandiwa at tinatawag na panlaping makadiwa.

Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapakita kung kalian nagyari, nangyayari, o ipagpapatuloy pa ang kilos.

1. Aspektong Naganap o Perpekto – ito ay nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos.
Halimbawa:
Umalis Sa kani-kanilang mga bansa ang mga dayuhang negosyante.

Pawatas Perpektibo
Umalis umalis
Magnegosyo nagnegosyo
Bigyan binigyan

Aspektong Katatapos – nangangahulugan itong katatapos pa lamang ng kilos o pandiwa. Nabubuo ito sa
pamamagitan ng paglalagay ng panlaping ka at paguulit sa unang pantig ng isang salita. Ito ay nasa ilalim
din ng aspektong perpektibo.
Halimbawa:

Pawatas Katatapos
Magbigay kabibigay
Mag-ayos kaaayos
Mag-usap kauusap
2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo – ito ay nagsasaad ng ang inumpisahang kilos ay patuloy pa ring
ginagawa at hindi pa tapos.
Halimbawa:
Pawatas Imperpektibo

Magpasalamat nagpapasalamat
Ipaalam ipinapaaalam
3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo – ang kilos ay hindi pa nauumpisahan at gagawin pa lamang.

Halimbawa:

Pawatas Kontemplatibo
Mabunga magbubunga
Kumita kikita
Kumilos kikilos

You might also like