Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Reaksyong Papel sa Napanood

Pamagat: Cyberbullying and Suicide: 13 Reasons Why


Joanna Marie S. Forges | Grade 12 – St. Benedict
Ipinasa kay:
Bb. Mariane Joyce C. Adviento

1. Mga Layunin
Karamihan sa mga kabataan ay nakakaranas ng pang-aapi sa kanilang mga
kaibigan, kaklase, o di kaya’y mga kamag-anak. Dito natin makikita ang masamang epekto
nito lalo na sa mga taong mahina ang kanilang kalooban o sa mga taong walang kalaban
laban. Karamihan sa mga biktima ng Cyberbullying ay maaaring gumawa ng desisyon na
patayin ang sarili.
Sa reaksyong papel na ito, tampulan into ang isang orihinal na Netflix show na
aking napanood noong nakaraan na buwan. Sa pagbibigay ko ng reaksyon ukol dito,
layunin ng papel na ito na, (1) hikayatin ang mga kabataan na panoorin ng responsible
(iminumungkahing may kasamang magulang) ang palabas na ito upang magkaroon ng
kamalayan lalo na sa mga taong nakapaligid sa kanila, (2) upang maging alerto sa mga
naoobserbahan na galaw ng ibang tao, lalo na kung may kaugnayan sa pang-aapi, (3) upang
alam kung ano ang gagawin kung sakaling ito’y mangyari.

2. Mahalagang Puntos
 13 Reasons Why: Cyberbullying and Suicide
 Mahahalagang Kaisipan
a. Ang 13 Reasons Why ay isang young adult novel na isinulat ni Jay Asher noong
2007 at ito’y nagawan ng isang serye sa Netflix at naging executive producer si
Selena Gomez. Ang serye na ito ng Netflix ay ipinapakilala ang isang high
school student na si Clay Jensen at ang kanyang kaklase Hannah Baker, na
nagpakamatay. Nang-iwan siya ng 13 cassette tapes na kung saan dito niya
ipinapaliwanag kung bakit niya pinatay ang sarili niya. Bawat tape ay nagawa
para sa bawat taong na kung saan responsible sa kanyang pagkamatay.
b. Sa palabas na ito ay nagkaroon ng maraming kontrobersiya, lalo na’t karamihan
sa mga magulang at mga guro sa iba’t-ibang eskwelahan ay nagsasabing ito ay
mapanganib na panoorin ng mga kabataan. Sa pagunlad storya, may pangyayari
na kung saan dito ipinapakita ang sexual assault, rape, underage drinking,
driving under the influence, body shaming, and suicide.
c. Sa debu ng nasabing palabas, sa mismong website na ginawa ng Netflix para sa
13 Reasons Why, dito nakikita ang iba’t ibang mga link ng mga suicide
helplines. 1-800-273-8255 ang hotline na isinagawa ng National Suicide
Prevention Hotline sa U.S.A. Maasahan natin na may roon ring suicide

1|Page
prevention hotline dito sa Pilipinas, Manila Lifeline Centre: 02-896-9191 at ang
The Natasha Goulbourn Foundation: 02-804-4673.
d. Sa bawat episode ng 13 Reasons Why ay ipinapakita ang laman ng isang
cassette tape. Sa episodes 9, 12, at 13, dito ipinapakita ang maseselang bahagi
ng istorya. Ngunit ang pinakamaselang episodyo ay ang 13 dahil dito
ipinapakita ang talagang rason kung bakit itinuloy ni Hannah Baker ang
pagpatay ng kanyang sarili. (Kung hindi niyo po kayang ma-spoil,
iminumungkahi kong lumaktaw sa mga susunod kong pangungusap)
Pagkatapos na pinagisipan ni Hannah ng mabuti kung papaano niyang patayin
ang kanyang sarili, dumaan siya sa bahay nila Bryce Walker, kung saan may
nagtitipon dito. Nung karamihan na sa mga tao ay umalis na, unti-unting
pinagsamantalahan ni Bryce si Hannah ngunit hindi ito tinigilan ni Hannah. Sa
susunod na araw, nagpakamatay na siya.
 Mga Batayan
a. May mga isinagawang batas sa Pilipinas para sa mga biktima ng panggagahasa,
ito ay ang Republic Act No. 8353 o ang tinatawag na “The Anti-Rape Law of
1997”. “Prior to 1997, rape is considered committed by having carnal
knowledge of a woman: (1) by using force or intimidation; (2) when the woman
is deprived of reason or otherwise unconscious; or (3) when the woman is under
twelve years of age or is demented”.
b. Isa rin naming batas ay ang Republic Act 10627, o ang Anti-Bullying Act of
2013. Sa ilalim ng batas, itinuturing na bullying ang, "any severe or repeated
use by one by one or more students of a written, verbal or electronic expression,
or a physical act or gesture, or any combination thereof, directed at another
student that has the effect of actually causing or placing the latter in reasonable
fear of physical or emotional harm or damage to his property; creating a hostile
environment at school for the other student; infringing on the rights of the other
student at school or materially and substantially disrupting the education
process or the orderly operation of a school”.
 Mensahe
Ang palabas na ito ay ipinapakita ang karaniwang problema ng karamihan sa mga
estyudante sa panahong ito. Katulad ni Hannah, maraming estyudante ang
nakakaranas ng pang-aapi at minsan ang kanilang resolusyon na lamang ay ang
pagpapakamatay. Ang pagiiwan ni Hannah ng kanyang mga inirecord na tapes ay
ipinapasabi kung ano ang nagawa ng mga taong nakatanggap nito at kung ano ang
naging epekto nito sa buhay niya. Ginawa niya ang mga ito upang maipasa ito sa
iba at para maiwasan na magawa ang pagkakamali na ginawa niya at ang mga taong
may ginawa, at walang ginawa para sa kanya.

3. Reaksyon

2|Page
Ang nagustuhan ko sa istorya ay ipinakita nila ang mga importanteng mga paksa sa
paraan ng pagbibigay ng mga ispesipikong detalye. Katulad na lamang sa pagkamatay ni
Hannah Baker, nagbigay siya ng tape na naayon sa bawat taong may kaugnayan sa
pagkamatay niya, at ito’y ipinaliwanag niya sa haba ng isang oras bawat episodyo.
Maliban sa pagbibigay ng detalye, napansin ko rin na may progreso ang istorya.
Ito’y nagsimula sa maliit na bagay lamang hanggang sa makarating ito sa limitasyon ng
bida. Hindi nila ikinakailangang idiin ang opinyon ng ibang karakter sa istorya dahil
nakadepende na ang mangungunawa ayon na sa nanonood.
Isang krimen na napansin ko dito ay ang panggagahasa. Sa tingin ko ay may naging
kasalanan si Hannah Baker kung bakit nangyari ito sa kanya at sa kanyang matalik na
kaibigan. Ngunit kinain ito ng konsensya niya kaya’t itinuloy niyang patayin ang sarili
niya.
Katulad ni Hannah, si Clay Jensen na kahit napapansin na niya na nasa emotional
breakdown stage na si Hannah, wala parin siyang ginawa. Napansin niya ito ngunit wala
siyang ginawa. Ngunit makatwiran naman ang naging wakas. Walang totoong nanalo sa
laban. Namatay parin si Hannah at kahit anong gawin ni Clay, hinding hindi na niya
maibabalik ang buhay ni Hannah.

4. Saloobing pansarili
Dalawa ang natutunan ko sa 13 Reasons Why. Isa, may mga bagay na kailangan
mong gawin bago pa ito mawala. Sa bawat karakter sa istorya ay nakagawa ng pagkakamali
na rineregret nila hanggang ngayon. (Iminumungkahi kong panoorin muna ang palabas
bago basahin ang mga susunod kong pahayag). Una ay si Hannah Baker, alam nating lahat
na siya’y nakasentro sa istoryang ito. Aaminin natin na siya mismo ay may naging
kasalanan sa lahat ng ito. Ngunit kung papanoorin mo, bawat karakter sa istorya ay may
nagawang kasalanan na hindi lamang nakaapekto sa buhay ni Hannah kundi pati sa kani-
kanilang mga buhay.
Pangalawang aral, may mga bagay na kahit anong gawin mo, hindi mo na
maibabalik pa. Kapag natapos na, natapos na. Kaya’t kailangang pag-isipan mo mabuti ang
iyong gagawin bago mo pa ito pagsisihan sa kinabukasan.

5. Mga Sanggunian
(n.d.). Retrieved January 02, 2018, from https://jlp-law.com/blog/anti-bullying-act-of-
2013-republic-act-10627/

Howard, J. (2017, July 31). '13 Reasons Why' tied to rise in suicide searches online.
Retrieved January 02, 2018, from http://edition.cnn.com/2017/07/31/health/13-reasons-
why-suicide-study/index.html

3|Page
Joselito Guianan Chan, Managing Partner, Chan Robles and Associates Law Firm. (n.d.).
CRALAW. Retrieved January 02, 2018, from
http://www.chanrobles.com/republicactno8353.htm#.WjGF37puJs

Joselito Guianan Chan, Managing Partner, Chan Robles and Associates Law Firm. (n.d.).
CRALAW. Retrieved January 02, 2018, from
http://www.chanrobles.com/republicactno8353.htm#.WjGF37puJs

Summary of Each Cassette Tape. (n.d.). Retrieved January 02, 2018, from
https://thirteenreasonswhyenglish.weebly.com/summary-of-each-cassette-tape.html

Why Schools Are Warning Parents About Netflix's Series 13 Reasons Why. (n.d.).
Retrieved January 02, 2018, from http://people.com/human-interest/schools-sending-
letters-to-parents-about-13-reasons-why/

4|Page
Reaksyong Papel sa Napakinggan
Pamagat: Cyberbullying and Suicide: Blue Whale Game
Joanna Marie S. Forges | Grade 12 – St. Benedict
Ipinasa kay:
Bb. Mariane Joyce C. Adviento

1. Mga Layunin
Sa pagunlad ng teknolohiya, marami sa atin ay nakakdiskubre ng iba’t ibang bagay,
karamihan ay may naitutulong sa mundo at may mga iba naman na nagiging mapanganib
sa mundo. Sa nakaraan na dalawang taon, naririnig ko sa aking mga kaibigan ang isang
laruan na kumakalat sa internet, at ito ay ang “The Blue Whale Game”.
Kaya’t sa reaksyong papel na ito, layunin nitong, (1) maibigay ang impormasyon
tungkol sa laruan na ito upang maiwasan, at alam ang gagawin kung sakaling makatanggap
ito, (2) hikayatin ang mambabasa na iwasan ang ano mang mapanganib na laroon na
ibinibigay ng kahit sino man at (3) kung sakaling may pinagdadaanan, iminumungkahing
magpakita sa isang eksperto na maaaring makatulong sa problema.

2. Mahalagang Puntos
 The Blue Whale Game: Suicide and Cybercrime
 Mahahalagang Kaisipan
a. Ang The Blue Whale Game ay isang laruan na naging viral sa internet lalo na
sa bansang Russia. Ito ay ibinibigay ng hindi kinikilalang mga tao upang i-
download at laruin ito. Ikinakailangang tapusin ito sa loob ng 50 na araw upang
masabing nanalo ka sa laruang ito. Isa sa mga utos na kinakailangang gawin ay
ang paghihiwa ng iyong katawan sa hugis na balyena (whale), na kung saan
naging batayan sa pangalan ng laruan. Sa huling araw, iuutos na patayin ang
sarili upang manalo sa laruan.
b. Ang unang kaso ng Blue Whale Game ay nagsimula noong 2015 na kung saan
mayroong 18 anyos na babae ang tumalon sa tulay ng Portugal bilang isa sa
mga utos na kailangang gawin. May mga salitang “Sim” at “F 57” na nakaguhit
sa kanyang katawan na ginamitan umano ng kutsilyo.
c. Noong 2016, natagpuan ang sinasabing ringleader o ang nagimbento ng
sinabing laruan. Si Philip Budeikinq, isang 21 na anyos na lalaki ay kinasuhan
ng paggawa ng mga iba’t-ibang grupo sa taong 2013-2016 na kung saan
itinataguyod ang pagbibigti. Itinuturi niya ang kanyang mga biniktima na
“biological waste” at idiniin na sila’y naging masaya sa desisyon nilang
pagpapakamatay.
d. Isa ang Russia na kung saan karamihan sa mga kabataan ay nabibiktima dahil
sa laruang ito. Noong March 2017, may naibalita na higit 130 na mga kaso ang
5|Page
naiuugnay sa laruang ito. Noong nakaraang Pebrero, isang 15 na anyos
(Veronika Volkova) at 16 na anyos (Yulia Konstantinova) na mga babae ay
tumalon sa isang ika-14th na palapag ng isang gusali pagkatapos nilang
nakompleto ang 50 na utos na ibinigay sa kanila. Ngunit bago sila namatay,
nang-iwan na sila ng kanilang mga mensahe na isang litrato ng kulay asul na
balyena sa mga iba’t ibang social media platforms.
 Mga Batayan
Sa Pilipinas, ang Act No. 3815 ay isang kilos sa pagrebisa ng mga penal codes at
mga iba pang penal laws. Sa ilalim dito ang Article 253 na kung saan ipinaliwanag
ang kahulugan ng giving assistance to suicide bilang, “any person who shall assist
another to commit suicide shall suffer the penalty of prision mayor; if such person
leads his assistance to another to the extent of doing the killing himself, he shall
suffer the penalty of reclusion temporal”. Kung kaya’y dito sumasailalim ang
krimen na ginawa ni Philip Budeiking. Maaaring makulong sa 6 hanggang 20 na
taon, ngunit kapag hindi natuloy ang pagpapakamatay ng biktima, makukulong na
lamang siya sa 1 hanggang 6 na buwan (arresto mayor).
 Mensahe
Ang bawat kilos ng tao ay nakakaapekto sa iba. Kaya’t maraming kabataan ang
nakakaranas ng depresyon dahil sa masamang pananaw nila sa mundo. Ang
nakakapagpabagabag ay may mga taong gumagawa at huhanap parin ng kasamaa
para sa sari-sarili nilang aliwan, at hindi nila iniisip ang kapakanan ng ibang tao.
Kaya’y hanga’t maari, kinakailangan nating maging matatag sa kahit ano mang
problema na madadatnan natin.

3. Reaksyon
Noong narinig ko ang laruan ito, akala ko ito’y kawili-wili at hindi inaasahang
naiuugnay pala ito sa kasamaan. Madaming websites sa internet ang nakakapagsabing
mapanganib ito at marami nang namatay dahil sa laruang ito. Sinasabi nila na ang target
ng mga tagagawa ay ang mga taong mahina ang kalooban at malubha ang sakit nila sa
depresyon o dikaya’y nagdadalawang-isip na sa pagpapakamatay.
Nagulat ako nang mabalita ko na may roon talagang tao na namamatay dahil sa
laruang ito. Sa isipan ko, tinanong ko kung bakit nila nagagawa ito. Hindi ako mapakali sa
realisasyon na pagod na pagod na talaga sila sa buhay at sa mga taong nasa paligid nila.
Siguro sila’y biktima ng bullying at ginusto na lamang mamatay kaysa naman sa
pangmatagalang tukso at sakit ang natatanggap nila.
Sa pagsusuri ko sa laruang ito, malapit na akong nakarating sa deep web na bahagi
ng internet na kung saan maaari mong hanapin ang laruang ito. Ngunit hindi ko itinuloy,
dahil alam kong hindi ito kinakailangan at alam kong ako’y may control sa aking sarili.
Para sa akin, sana ganito ang ginawa ng mga nabiktima sa laruang ito, dapat marunong
silang hindi sumangayon at tumalikod sa panganib.

6|Page
4. Saloobing pansarili
Sa paggawa ko ng reaskyong papel na ito, napagtanto ko na lahat tayo ay may
pinag-dadaanan. May sari-sarili tayong mga problema, yung iba pinili nilang magpatulong
ngunit yung iba naman, kinikimkim na lamang. Minsan, wala sa atin ang nakakaalam kung
kelan magpapakamatay ang isang tao. Parang isang lobo iyan, patuloy itong tumataas
ngunit hindi mo malalaman kung kalian ito mawawalan ng hangin at mahuhulog.
Aaminin kong isa akong biktima sa pang-aapi o di kaya’y pangtutukso, ngunit
nakakaya kong kontrolin ang aking emosyon at pag-iisip. Noon akala ko malulutas ko ang
aking mga problema sa paraan ng pagpapakamatay, ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko
maitulak ang sarili ko na saktan ang aking sarili. Mahirap pala ang pagplano ng
pagpapakamatay, paano na kaya kapag itinuloy mo? Ang mas nakakaalarma, may mga
taong magtutulak saiyo kagaya na lamang ang laruan na The Blue Whale Game.
May mga panahon na kinakailangan na nating burahin an gating mga isipan, lalo
na kung alam mong sarili mo lang naman pala ang msasaktan.

5. Mga Sanggunian
(n.d.). Retrieved January 02, 2018, from
http://www.lawphil.net/statutes/acts/act_3815_1930.html

Game linked to teenage deaths. (2017, May 01). Retrieved January 02, 2018, from
http://www.news.com.au/lifestyle/real-life/news-life/blue-whale-suicide-game-linked-to-
130-teen-deaths-is-just-tip-of-the-iceberg-in-the-worlds-suicide-capital/news-
story/62a3f76de05d14db4100fd81a511714c

Krishnan, A. (2017, May 04). 'Blue Whale' suicide game is pushing teenagers to take their
life! App sets a date for player's death in this internet challenge. Retrieved January 02,
2018, from http://www.india.com/buzz/blue-whale-suicide-game-is-pushing-teenagers-to-
take-their-life-app-sets-a-date-for-players-death-in-this-internet-challenge-2081518/

Russia, W. S. (2017, July 19). Blue Whale suicide 'game' ringleader is jailed for three years
in Russia for inciting young people to kill themselves. Retrieved January 02, 2018, from
http://www.dailymail.co.uk/news/article-4709894/Blue-Whale-suicide-game-ringleader-
jailed-Russia.html

Will Stewart In Russia For Mailonline. (2017, February 27). Russian teenagers committing
suicide 'as part of bizarre social media GAME called Blue Whale', police say. Retrieved
January 02, 2018, from http://www.dailymail.co.uk/news/article-4264838/Teenagers-
committing-suicide-social-media-GAME.html

7|Page
Reaksyong Papel sa Nabasa
Pamagat: Cyberbullying and Suicide: The Amanda Todd Case
Joanna Marie S. Forges | Grade 12 – St. Benedict
Ipinasa kay:
Bb. Mariane Joyce C. Adviento

1. Mga Layunin
Kapansin-pansin ang pag-unlad ng teknolohiya sa mundo, kaya naman naiimbento
ang iba’t-ibang laruan o di kaya’y applications na mapapakinabangan sa karamihan ng
bagay. Sa panahon ngayon, maaari ka nang makipag-usap sa ibang tao sa mundo, malayo
man o malapit, basta’t gamit ang iba’t-ibang social media platforms. Ngunit minsa’y
inaabuso natin ang paggamit ng internet. May mga bagay na nadidiskubre natin ng
aksidente, may mga bagay na hindi natin akalain na mapanganib pala, at minsan ang
patutungo nito’y maaaring ikamatay mo.
Ang bahagi nito sa kabuuang reaksyong papel ay layunin na (1) bigyang depinisyon
ang paggamit ng social media, (2) masuri ang cyberbullying at kung ano ang ugnay nito sa
suicide, at (3) tangkilikin ang responsableng paggamit ng internet sa mga kabataan.

2. Mahalagang Puntos
 The Amanda Todd Case: Cyberbullying and Suicide
 Mahahalagang Kaisipan
a. Ang Facebook, Youtube, Instagram at Twitter ay mga pinakamasikat na social
media platforms na hindi lamang pakikipag-komunika sa mga taong malalayo
kundi maaari ring mag-upload ng mga larawan, videos, makipag-chat o
makipag-usap at iba’t-iba pang gamit nito. Ayon sa obserbasyon at
pananaliksik, karamihan sa mga gumagamit ng social media ay nasa edad na
13-29.
b. Noong nakaraang Oktubre 2012, may nagpakamatay na 15 anyos na dalaga na
si Amanda Todd. Si Amanda Todd ay nagpost ng isang video sa Youtube. Dito
niya ibinunyag ang kanyang buhay na kung saan siya’y naabuso, natukso, at
napagsamantalahan sa internet. Gumamit siya ng mga nasulatan na cards upang
ipahayag ang kanyang mensahe.
c. Lumaki si Amanda Todd na masiyahin at namuhay ng maginhawa, hanggang
sa naipakilala siya sa isang hindi kilalang account sa Facebook. Ang taong ito
ay tila linigawan siya at sinuyuan siya ng mga matatamis na salita sa punto na
nakombinsi niya si Amanda na ipakita ang kanyang pribadong parte ng kanyang
katawan. Pagkalipas ng isang taon, naging viral ang kanyang litrato kung kaya’t
natukso siya sa eskwelahan, at kinailangan niyang magpalipat-lipat ng mga
eskwelahan. Ang kanyang reputasyon ay nasira, wala siyang mga kaibigan, at
siya’y patuloy na tinukso ng kanyang mga kaklase. Karamihan parin ng mga

8|Page
tao ay itinuturing hangal ang kanyang naging desisyon na pagpapakamatay.
Ang iba naman ay sinasabing ito’y nararapat sa kanya.
d. Sa Abril 2014, naaresto na ang lalaking nagkalat ng litrato ni Amanda na kung
saan ito’y bungad ng kanyang pagpapakamatay. Ang sabi ng awtoridad ay may
mga nagawang krimen na rin ang suspek kagaya ng, “extortion, internet luring,
criminal harassment, and child pornography”.
 Mga Batayan
May mga batas sa Pilipinas na maaring panlaban sa bullying. Ang Republic Act No.
10627 o ang tinatawag na “Anti-Bullying Act of 2013”, layunin nitong pigilana ang
bullying sa anumang paraan na naoobserbahan sa eskwelahan. Si Amanda Todd ay
maaari ring ipaglaban ang kanyang karapatan bilang isang menor de edad sa batas
na, Republic Act 7610 o ang “Special Protection of Children Against Abuse,
Exploitation, and Discrimination Act”, na kung saan ang lumabag sa batas nito ay
maaaring makulong sa 6 hanggang sa 12 na taon.
 Mensahe
Ang mga makabagong teknolohiya ay dapat nating ingatan, lalo na kung hindi natin
alam kung ano ang peligro na maaari nitong maidudulot sa buhay natin. Sa kaso ni
Amanda Todd, nagsikap siyang iwasan ang mga bullies ngunit patuloy parin siyang
tinutukso dahil sa isang pagkakamali na nagawa niya, at ito’y naging sanhi sa
pagpapakamatay niya.

3. Reaksyon
Sa pagpasok ng aming bakasyon para sa Pasko at Bagong Taon, aaminin ko na
ilang oras kong hindi tinigilan ang paglalaro ng aking celpon. Lagi kong tinitignan ang
aking mga social media apps katulad na lamang ng Facebook, Twitter, Instagram, at
Youtube. Napansin ko na madami pala akong nakikitang tao na hindi ko naman kilala sa
totoong buhay ngunit maaari parin akong makipagugnayan sa kanila, ngunit hindi ko
naman gagawin iyon dahil alam kong may posibilidad na ako’y mailalagay sa panganib.
Sa nangyari kay Amanda, ang masasabi ko ay hindi lamang ang nagkalat ng litrato
ang may kasalanan dito kundi si Amanda din. Hindi ko maintindihan kung ano ang
pumasok sa isipan niya at ginusto niyang ipakita ang pribadong parte ng kanyang katawan.
Gayon pa man, huwag nating husgaan ang isang tao dahil sa isang pagkakamali niya, dito
pumasok ang problema, Sa bawat paglipat niya ng eskwelahan, mas nauna ang
alingawngaw at hindi na nila binigyan ng pagkakataon upang tubusin ang sarili niya.
Nang napagisipan na gawin ulit ng suspek ang takutin siya, pinili na niyang patayin
ang sarili niya dahil hindi na niya kayang labanan ang sakit ng mga salita na naririnig niya
sa ibang tao tungkol sa kanya. Naiintindihan ko ang nagawang desisyon ni Amanda dahil
ang tanging pagpipilian na lamang niya ay habang buhay siyang matutukso o mawala na
lamang siya upang matapos na ang lahat. Minsan kasi may mga taong sumusobra na kaya’t
ang epekto nito nasosobrahan din sa hindi inaakalang paraan.

9|Page
4. Saloobing pansarili
Simula noong umunlad ng lubos ang teknolohiya, ang tanging inaatupag na lamang
natin ay ang ating mga gadgets. Para ikinulong natin ang ating mga sarili sa riyalidad.
Minsan nga’y nasosobrahan natin ito at maaari tayong makadiskubre ng mga bagay na
maaaring ipahamak natin. Nakaugalian na sa ating mga pinoy ang pagiging chismosa’t
chimoso at karamihan sa atin ay naghahanap ng paraan upang tugunan ang ating
kuryusidad. May kasabihan nga na “curiosity kills you”, kaya’t kailangan mong isipin ng
mabuti ang iyong gagawin.
Napagtanto ko rin na, bakit hindi nating subukang iwasan ang paggamit ng gadgets
dahil hindi lamang ito nakakasakit sa pisikal na kasulugan natin kundi pati na rin ang ating
sosyal, emosyonal, at spiritual na kalusugan? Bakit hindi nating subukang iwasan ang mga
bagay alam nating sasaktan lang tayo? Bakit hindi nating iwasang magsalita ng mga bagay-
bagay na hindi naman talaga nating alam ang buong istorya bago pa tayong makasakit ng
ibang tao?
Alalahanin natin na hindi natin nakokontrol ang pag-iisip ng ibang tao, pero maari
natin itong ipasintabi muna ang masasamang saloobin at bigyan natin ng paglilinaw ang
mabuti at tamang pagtingin ng mga bagay-bagay.

5. Mga Sanggunian
(n.d.). Retrieved January 02, 2018, from
http://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra1992/ra_7610_1992.html

Republic Act No. 10627 | GOVPH. (n.d.). Retrieved January 02, 2018, from
http://www.officialgazette.gov.ph/2013/09/12/republic-act-no-10627/

The Unforgettable Amanda Todd Story. (2017, May 19). Retrieved January 02, 2018,
from https://nobullying.com/amanda-todd-story/

10 | P a g e

You might also like