Panalangin para Sa Kagalingan Sa Mahal Na Poong Hesus Nazareno

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panalangin Para Sa Kagalingan sa Mahal na Poong

Hesus Nazareno

Diyos Ama sa langit, sinasamba at pinupuri ka namin. Ikaw


na aming Diyos at manlilikha. Kami ay nagpapasalamat sa di
mabilang na pagpapala, pangangailangang ispiritwal at material
na naipagkaloob mo na sa aming buhay. Ngayon, muling
bumabaling kami syo, dahil kanino pa kami maaaring tumakbo?
Ikaw ang tanging Diyos, tagapagkaloob ng lahat ng mga
mabubuting handog. Naninikluhod kami na naway
maipagkaloob mo sa amin, di karapatdapat na lingkod, ang buo
at ganap na pagpapagaling ng aming ispiritu at kaluluwa, ng
aming pag iisip, puso at kalooban; ng aming damdamin, alaala
at imahinasyon; ng aming mga ugat, buto at katawan- ang
buong pagkatao, mula sa tuktok ng ulo hanggang sa dulo ng
aming mga paa. Hipuin mo ang bahagi ng aming katawan na
nakakaramdam ng sakit at alalahanin. Ninanais namin ito
upang umayon kami sa buhay na ninanais mo para sa amin.
Ngunit kailangan namin ang aming kalusugan, lakas at enerhiya
upang magampanan naming ganap ang pagtupad sa mga
tungkulin ng estado ng buhay na nilaan mo sa habang
panahon.
Hinihiling namin ang pagpapagaling na ito sa ngalan ng
iyong anak, si Hesus Nazareno, ANG MANGGAGAMOT.
Nakamit na namin ang di matatawarang halaga ng biyaya
at kapangyarihan ng pagpapagaling sa kanyang mahigpit na
paghihirap at kamatayan sa krus.
“Sa pamamagitan niya, natubos na tayo upang maging
ganap. Sa pamamagitan ng kanyang sugat, tayo ay
napagaling.”
Salamat sa pagtugon mo sa panalanging ito ngayon na
aming hinihiling, dahil kami ay tunay na nananalig sa salita ng
iyong anak, Hesus Nazareno:
“ Hingin mo at ikaw ay makatatanggap. Hanapin mo at ikaw
ay makasusumpong. Kumatok at ikay pagbubuksan.”
Bagaman, nalalaman na namin ang sagot mo “ Oo,
gagawin ko. “ Maaari kaming maghintay upang maging ganap
ang pagpapagaling. Kaya buong tiwala naming inilalagay ang
aming sarili sa iyong mga kamay. Nalalaman naming ang
kabutihang dulot ng karamdamang ito. Tanging hiling namin ay
magdulot ang pagpapagaling na ito ng iyong karangalan at
kaluwalhatian, na magpapabanal sa aming sarili at sa iba at
makapagpapatatag ng pananampalataya at pag-asa sa iyong
sambayanan. Amen.

You might also like