Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MALAMASUSING BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG TULA

I. Ang Pamagat : Mga Dasal sa Tag-ulan

II. Layunin:

a. Natutukoy ang sukat at tugma ng tula;


b. Nabibigyan ng kahulugan ang mga mahihirap na salita;
c. Nakalilikha ng matatalinhagang paglalarawam sa kanilang isipan batay sa napakinggang tula;
at
d. Napapahalagahan ang sariling talento.

III. Mga Kagamitan:

a. Tsart
b. Plaskards
c. Powerpoint presentation

IV. Pamamaraan:

a. Panimulang Pagtaya at Pagganyak


Tatanungin sa mga bata ang mga sumusunod na tanong:
- Mga bata, nananalangin ba kayo araw-araw?
- Kanino kayo nananalangin?
- Anu-ano ang mga bagay na ipinagpapasalamat niyo tuwing kayo’y nananalangin?
- Anu-ano ang mga bagay na hinihiling niyo sa inyong panalangin?
b. Pagpapalawak ng talasalitaan
Pasasagutan sa klase ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagbibigay-kahulugan sa mga
nakasalungguhit na salita.

Panuto-Basahin ang sumusunod na pangungusap. Ibigay ang kahulugan ng mga


nakasalungguhit na salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.
1. Kumakampay ang mga dahon ng akasya.
2. Nagkakandirit sa putikan ang mga bata.
3. Ang ulan sa ami’y rumaragasa.
4. Humuhugong ang hangin na tila nagtatawag pa ng kasamang tutungkab sa mga
bubungan.
c. Presentasyon
Babasahin ng malakas ng guro ang tula. Habang nagbabasa ang guro, hayaang ipikit ng mga
bata ang kanilang mga mata upang damhin ang mga salita at makapaglilikha ng
matalinhagang paglalarawan sa kanilang isipan.
d. Pagpapayaman
Sa pangalawang pagkakataon, ang mga bata ay maghahanap ng kapareha. Sa bawat pares,
may isang magbabasa ng tula habang nakikinig naman ang isa.
Gabay na Tanong:
1. Naglalahad ba ng kwento ang tula?
2. Tungkol saan ang tula?
3. Sino ang nagsasalita sa tula?
4. Ano ang hiling ng mga munting bata sa ating Panginoon?
5. Ano ang nais ipakita, ipadama, at ipaisip sa atin ng sumulat ng tulang “ Mga Dasal sa
Tag-ulan”?
e. Pagpapalawig
Pangkatang Gawain.
Papangkatin ng guro ang mga bata batay sa bilang ng saknong ng tula. Ibibigay ng bawat
grupo ang bilang ng taludtod at pagpapantigin-pantigin ang bawat taludtod sa
pamamagitan ng pagpapalakpak. Babasahin din ng bawat grupo ang mga huling salita sa
bawat taludtod.

Tanong: May sukat ba at tugma ang tula?


f. Sintesis
g. Pangwakas na pagsusuri
Ipaguguhit sa kanila ang mga larawang nabuo sa kanilang isipan sa isang kapirasong papel.

Inihanda ni:

Ana Marie F. Pagarigan

BEEd IV-A

Ipinahanda ni:

Bb. Arlene Molina


Instruktor

You might also like