Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 63

Catholic Bishops’ Conference of the Philippines

Committee on Basic Ecclesial Communities

BEC
Evangelization &
FormationModules

Tagalog Version
Introduction

The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines has designated 2017 as


Year of the Parish as Communion of Communities. As part of the preparation and
celebration, the diocesan, vicariate and parish BEC Formation Teams are
encouraged to conduct formation sessions that will promote or revitalize the Basic
Ecclesial Communities (BECs) in their respective dioceses, parishes and local
communities. Some have already their own formation modules and while others
are looking for one. Thus, we have come out with this BEC Evangelization
Modules which they may find useful. This is the Cebuano version.
There are nine sessions and they can be conducted as an intensive week-end
seminar, or for nine consecutive evenings or by installment over several weeks. It
is best that it be given first to the members of the diocesan/parish BEC formation
teams and core-groups. The formation teams can then facilitate this at the barangay
level or purok level in the BEC chapels if they have any. Streamers and posters can
be dissiminated to inform the people about it. The parish priests and/or their
parochial vicars should accompany the members of the formation team as they
conduct these formation sessions – even if not the whole time. This is an
expression of the missionary nature of the parish – mission/evangelization
conducted within the parish.
The members of the formation team should come together before each
session to pray for divine assistance and guidance. Above all, they should pray that
through these sessions, the hearts and minds of the participants will be touched,
personal conversion experienced and the BECs will grow and be renewed.
The modules are not written in stone, so we leave to the BEC Formation
Teams to modify the process, be more creative, add songs and make it suitable to
the audience. The content for the input are the basic ideas so those giving these
lectures may add their personal experience, illustrations and stories.
These modules may be used not only during the Year of the Parish as
Communion of Communities but also even after it as a way of forming BECs or
revitalizing these.

Fr. Amado L. Picardal, CSsR


Executive Secretary
CBCP-BEC Committee
Module 1
Pakikipagtagpo kay Hesus

Daloy ng mga Gawain

1. Pagtanggap at Oryentasyon
2. Pambungad na Awit
3. Pambungad na Panalangin
4. Pagbasa ng Ebanghelyo: Marcos 8:27-29 ff
5. Pansariling Pagninilay (habang nakatingin sa imahe ng Kabanal-banalang
Puso ni Hesus) na may saliw ng musikang instrumental
6. Pagbabahaginan sa maliit na grupo (Ang mga kalahok ay hahatiin sa maliliit
na grupo na may lima hanggang pitong kalahok bawat grupo. Kung nais
nila, maaaring maghanda sila ng natatanging pamamaraan ng pagbabahagi
nito sa malaking grupo.)
7. Pangkalahatang Pagbabahaginan
8. Pagpapalalim/Pagbibigay ng Input (mula sa isang tagapagsalita
9. Tahimik na pagninilay na susundan ng panalangin ng pagpapasalamat (mula
sa isa sa mga kalahok)
10.Pangwakas na Panalangin

Pagtanggap/Panimula

Ang tema ng ating unang sesyon ay: Pakikipagtagpo Kay Hesus.


Bakit ba natin dapat pag-usapan at pagnilayan si Hesus?
Dahil Siya ang sentro n gating pananampalataya at Siya ang sentro ng ating
Simbahan – ng Kristiyanong Pamayanan.
Ang ating programa ng Bagong Ebanghelisasyon at dapat nakasentro at nakatuon
sa pagkilala at pakikipagtagpo kay Hesus upang makasunod tayo sa Kanya at
makapamuhay bilang kanyang mga alagad.
Ayon sa Mensahe ng Synod of Bishops sa Bagong Ebanghelisasyon:
“Ang pagdadala sa lahat ng tao patungo kay Hesus, upang makasalamuha at
makatagpo nila, ay isang pangangailang nagmumula sa lahat ng panig ng mundo,
yaong ng mga nauna at ng mga bagong ebanghelisasyon.
Tinatawag natin angating mga sarili bilang mga Kristiyano. Ngunit gaano nga ba
natin kakilala si Hesus?
Paano natin siya nakakatagpo at nakakasalamuha sa ating buhay?
Namumuhay ba talaga tayo bilang kanyang mga alagad?
Tayo ay magtitipon bilang isang pamayanan sa mga susunod na gawain na
tutulong sa atin upang makilala at makatagpo si Hesus.
Inaasahan na bilang bunga nito, mapapanibago nito ang ating mga buhay at
magsusumikap na makapamuhay bilang mga tunay at tapat niyang alagad – bilang
kabahagi ng Simbahan at ng mga Basic Ecclesial Communities (BEC).

Pagpapalalim/Pagbibigay ng Input (#8)

(Ang tagapagsalita ay maaaring magsimula ng pagpapalalim at pagbibigay ng


input sa paamagitan ng pagbubuod ng mga naibahagi sa pangkalahatan. Narito ang
ilang mga puntos para sa pagbibigay ng input.)
Ayon sa PCP II ang pangunahing tanong ay:
Paano tayo mamumuhay bilang mga Kristiyano? Paano tayo makakapamuhay
bilang mga Pilipinong Katoliko?
Ang sagot ay magdadala sa atin sa persona at pagkatao ni Kristo.
Nagbibigay ng buod ng Kristolohiya ang PCP II tungkol dito na muling bumabalik
mula sa Kredo:
Hesus ng Nazaret, lalang ng Espiritu Santo at ipinanganak ni Santa Marian
Birhen.
Hesus na nangaral at gumawa ng mga himala.
Ipinako sa krus at ipinagpakasakit ni Pontio Pilato, namatay, nanaog si
kinaroroonan ng mga yumao at nabuhay na mag-uli.
Hesus na nabubuhay at naghahari sa kanan ng Ama – ngunit nananatili sa piling
natin.

Ayon sa PCP II: “Paano mamumuhay bilang mga Kristiyanong Katoliko:


KILALANIN, MAHALIN, SUMUNOD kay Kristo sa Simbahan.
Ito ang dahilan kung bakit natin kailangan pagnilayan ang MUKHA at ang PUSO
ni Hesus
Upang muli nating balikan ang kanyang kwento
Upang buong katapatan at paninindigan natin itong maibahagi sa ating kapwa.”
Pagsasalaysay ng Kwento ni Hesus

(Kung mayroong LCD projector, maaaring ipakita ang isang maikling video
tungkol kay Hesus mula sa youtube.)
Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang
Salita ay Diyos. Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos. Nilikha ang lahatng
bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa
pamamagitan niya. Ang nilikha sa kanya ay may buhay, at ang buhay ay siyang
ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi
kailanman ng kadiliman…
Ang Salita ay nagging tao at nanirahan sa piling naming. Nakita naming ang
kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos
ng kagandahang-loob at ng katotohanan.
(Juan 1:1-5, 14)

Si Hesus, Anak ng Diyos, ay isinugo ng Ama alang-alang sa kanyang pagmamahal


at pag-ibig
Siya ay ipinaglihi, lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Ipinanganak kabilang sa mga mahihirap, at lumaki kabilang sa mga mahihirap na
taga-Nazaret
Siya ay lumaking tulad natin.

Sa pagbibinyag sa kanya, ipinahayag ng Ama na Siya ang kanyang bugtong na


Anak at napuspos ng Espiritu Santo
Matapos ang kanyang pagtigil at pag-aayuno sa ilang ay sinimulan na Niya ang
kanyang ministeryo.
Tinawag Niya ang kanyang mga unang alagad na naging kasa-kasama niya sa
pagpunta sa iba’t ibang bayan ng Israel.

Ipinahayag niya ang pagdating ng kaharian ng Diyos


lalo na sa mga mahihirap
sa pamamagitan ng kanyang mga Salita at Gawa
na konkretong ipinapakita sa kanyang mga pagpapagaling at pagpapalayas ng mga
demonyo
at isinisimbulo ng kanyang pakikisalo.

Tinuligsa niya ang mga kasalanan at kasamaan sa lipunan,


Kaya’t nakabangga niya ang mga nasa kapangyarihan.
Ang pagpasok Niya sa Jerusalem at pagpapalayas sa mga nagpapalit ng salapi ay
ikinagalit ng kanyang mga kaaaway.
Kumain Siya ng huling hapunan kasama ang kanyang mga alagad
Kung saan inialay niya ang tinapay at ang alak –
tanda ng kanyang katawan at dugo –
na kanyang lubusang iaalay sa kinabukasan.
Hinugasan niya ang mga paa ng kanyang mga alagad – na
Simbulo ng kanyang buhay at kamatayan –
Buhay na punung-puno ng pagmamahal sa paglilingkod na lubos na ipinakita ng
kanyang kamatayan.

Ipinagkanulo siya ng isa sa kanyang mga alagad,


Iniharap sa Sanhedrin at sa Gobernador ng Roma, ipinako sa krus bilang isang
criminal at namatay, biktima ng kawalang-hustisya.
Nang maka-ikatlong araw ay nabuhay na mag-uli
Umakyat sa langit at inatasan ang kanyang mga alagad na ipagpatuloy ang
kanyang misyon.
Siya ngayong ay naluluklok sa kanan ng Ama.

Ang Kristong muling nabuhay ay patuloy na nananahan sa piling natin: “Tandaan


ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”

Siya ay nasa ating kasaysayan at sa kwento ng buhay ng bawat tao.


Maari natin siyang makatagpo at makasalamuha sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay.
Siya ay kapiling natin sa ating Kristiyanong Pamayanan – ang Simbahan – na
kanyang katawan.
Siya ay nasa mga Banal na Sakramento – lalo na sa Banal na Eukaristiya
Maaari tayong dumalangin sa kanya at siya ay nakikinig sa ating mga panalangin.
Siya ay nasa mukha ng mga dukha at mga nangangailangan:
“Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa isa sa mga alagad ko, siya man ang
pinakahamak, ako ang inyong tinutulungan.”

At sa wakas ng panahon, muli siyang babalik sa kaluwalhatian at huhukom sa mga


nabubuhay at nangamatay na tao.
Isasakatuparan niya ang kanyang pagtubos sa atin at siya ay lubos na
magtatagumpay mula sa kapangyarihan ng kasalanan at kasamaan.
Hesus ng Nazaret: Ang Kanyang Karakter at Personalidad

1. Pagkiling para sa mga Dukha

Si Hesus ay ipinanganak na kabilang sa mga dukha at lumaking kaisa nila


Siya ay naging isa sa mga dukha, siya ay nakiisa sa kanila
Ipinahayag niya ang mabuting balita ng kaharian/paglaya sa mga dukha
Karamihan ng kanyang mga pinagaling at pinakain ay mga mahihirap
Ibinilang niya ang kanyang sarili sa mga mahihirap (nang gawin ninyo ito sa
isa sa mga alagad ko, siya man ang pinakahamak, ako ang inyong
tinutulungan)

2. Pagiging malapit sa Kalikasan

Malapit siya sa kalikasan, maayos ang pakiramdam sa kagubatan at


kabundukan.
Wala siyang permanenteng tahanan, palagi siyang kumikilos at naglalakbay

3. Nananalangin

Iginigugol niya ang marami niyang panahon ng pananahimik, pag-iisa at


pananalangin sa mga kaparangan, kabundukan at sa ilang.
Ito ay nagpapakita ng kanyang maayos na relasyon at pakikiisa sa Diyos
Ama na tinatawag niyang ABBA

4. Nakikisalo kasama ang kanyang mga kaibigan

Hindi siya mapag-isa katulad ni Juan Bautista


Minsan lamang siya mag-ayuno, at madalas ay kasalo ng kanyang mga
kaibigan.
Ang pakikisalo niya sa hapag ay bahagi ng kanyang ministeryo:
Ito ay simbulo ng kanyang pakikipagkaibigan at pakikiisa sa mga tao

5. Malalim na pakikiisa/pakikipagkaibigan sa iba

Si Hesus ay isang taong may kakayahang makipagrelasyon ng malalim sa


iba. Nagagawa niyang pakisamahan ang iba bilang kanyang mga kaibigan.
Malalim ang kanyang relasyon sa kanyang mga alagad: Hindi ko na kayo
itinuturing na mga alipin,… itinuring ko kayog mga kaibigan.
Nakaya at nagawa niyang sabihin sa kanila: “Mag-ibigan kayo gaya ng pag-
ibig ko sa inyo.”
Maging sa kanyang mga alagad, mayroong mga malalapit sa kanya: Pedro,
Santiago, Juan at Andres.
Nakikipagkaibigan siya sa mga dukha, inihiwalay at itinakwil ng lipunan.
Ikina-eskandalo ito ng mga Pariseo na tinawag siyang: “Matakaw at
manginginom, kaibigan ng mga taga-singil ng buwis at mga makasalanan.”
Ang simbulo ng malalim niyang relasyon at pakikipagkaibigan sa iba ay ang
kanyang pakikisalo sa hapag.”

6. Nakikisalamuha at nagpapahalaga sa mga kababaihan

Tinatrato niya ang mga kababaihan ng may respeto at mayroon siyang mga
kaibigang babae.
(mula sa Ebanghelyo ayon kay San Lucas, Binisita ni Hesus is Marta at
Maria)
Maraming kababaihan ang mga sumunod kay Hesus – na namahala sa
kanyang mga pangangailangan at nanatili maging hanggan sa Kalbaryo.
Kung kaya, masasabi natin ibinilang niya ang mga kababaihan bilang
kanyang mga kaibigan at mga alagad. Ito ay kakaiba sa kapanahunang iyon
kung kalian ang mga kababaihan ay itinuturing na mabababa.
Sa Ebanghelyo ni San Juan mayroon isang senaryo na nakikiramay at
pinalalakas ni Hesus ang loob nina Marta at Maria sa panahon ng kanilang
kapighatian.
Siya ay lubhang naaapektuhan.
Malapit at malalim rin ang kanyang relasyon kay Maria Magdalena na
kanyang pinagpakitaan nang siya ay mabuhay na mag-uli.

7. Puno ng Habag

Siya ay isang taong puno ng habag at malasakit sa mga dukha, mga


itinakwil, mga maysakit, inilayo, mga naghihirap at inaapi.
“Nahabag siya sa kanila kaya’t pinagaling niya ang mga maysakit na dala
nila.” (Mt. 14:14)
Ang salitang habag ay hindi sapat upang lubos na mailarawan ang
naramdaman ni Hesus.
Sa salitang Griyego ito ay “splagchnizomai” na tumutukoy sa kagustuhang
kumilos na nagmumula sa sariling kalooban.
Kung kaya, si Hesus ay madaling naaapektuhan ng paghihirap ng kanyang
kapwa.
Ang lahat ng kanyang mga mahimalang ginawa ay namumula sa kanyang
habag.
Ang kanyang mga ginawang pagpapatawad ay dumadaloy mula sa kanyang
habag.
Madali siyang mapangiti at mapatawa.
Madali rin siyang umiyak, lalung-lalo na nang mamatay ang kanyang
kaibigang si Lazaro at nang makita niya ang isang balong namatayan ng
anak.

8. May lakas at tapang ng loob

Si Hesus ay hindi natatakot na harapin ang kasamaan.


Hindi siya natatakot na tuligsain ang mga Pariseo na tinawag niyang mga
mapagkunwari.
Kinundena o tinuligsa niya ang mga Pariseo dahil labis-labis ang kanilang
pagpapahalaga sa mga batas at kabanalan samantalang kinalilimutan ang
pagiging mahabagin.
Hindi siya natatakot na suwayin ang batas ng Araw ng Pamamahinga kapalit
ng paggawa ng mabuti sa kapwa.
Hindi siya natatakot na palayasin ang mga namamalit ng salapi mula sa
templo.
Kahit siya ay naging mababang-loob, hindi naman siya nananatiling
mahinahon sa lahat ng oras, nagagalit rin siya sa pagharap sa kasamaan.

9. Malaya

Siya ay tunay na malaya.


Kumikilos siya mula sa kanyang sariling paniniwala at paninindigan.
Hindi siya napipigilang ng kanyang kultura, mga gawi at mga batas ng
kanyang panahon.
Hindi siya alipin ng pansariling pagtingin, takot, pagkamakasarili at pang-
aabuso.

10.Para sa iba

Hindi siya namuhay para lamang sa kanyang sarili.


Namuhay siya para sa iba – para sa paglilinkod sa kaharian at sa
sangkatauhan.
Punung-puno siya ng pagnanais para sa kaharian.
Siya ay isang taong punung-puno ng pag-ibig para sa iba – lalo na sa mga
mahihirap, mahihina, at mga walang kumakalinga.

11.Buo ang pagkatao

Pinagsasama niya ang kanyang lakas ng personalidad at pagiging mahinahon


Nagagawa niyang magalit, tumawa at lumuha
Siya ay taong may panahon sa pagkilos at pananalangin at pagninilay
Iginagalang niya ang mga batas at tradisyon ngunit kung kinakailangan ay
isinasaalang alang niya ito.
Siya ay puno ng habag ngunit nakakaya niyang tuligsain ang mga nangaapi
at nang-aabuso sa mga tao.
Siya ay nag-aayuno ngunit masayang nakikisalo rin sa kanyang mga
kaibigan
Siya ay nananatiling matapang at malakas ang loob at hindi natitinag sa
kabila ng pagharap sa takot, at handing harapin maging ang kamatayan.

Sino nga ba talaga si Hesus? Ano ba ang sinasabi ng ating pananampalataya


tungkol sa kanya?

Hesus na Kristo

Ang salitang Kristo ay hango mula sa salitang Latin “Christus” na translasyon


mula sa salitang Hebreo: Mashiach o Messiah, na nangangahulugang Ang
Pinahiran ng Langis, ang puspos ng Espiritung Mesiyas – propeta, hari at paring
Mesiyas.

Bilang Propeta
Ipinahayag niya ang pagdating ng kaharian ng Diyos
Tinutuligsa niya ang kasamaan
Tinatawag niya ang mga tao sa pagbabago

Bilang Hari
Siya ay naparito upang maglingkod at hindi upang paglingkuran
Siya ay tumugon sa mga pangangailangan ng mga tao.
Inialay niya ang kanyang buhay sa krus – na nagpapakita ng kanyang ang
mapagmahal na paglilingkod.
Bilang Pari
Ang kanyang buong buhay ay isang pag-aalay sa Diyos
Sa kanyang huling hapunan inialay niya ang tinapay at alak bilang tanda ng
pagbibigay niya ng kanyang sarili, pagsasakripisyo ng sarili sa krus.

Hesus ang Tagapagligtas

Isa sa mga titulong ginamit sa pagkakakilanlan at misyon ni Hesus ay bilang


Tagapagligtas.
Ang pangalang Hesus (Yeshua sa Hebreo) ay nangangahulugang Tagapagligtas (si
Yahweh ay nagliligtas)
Ang titulong ito ay maaari ring maging kasingkahulugan ng mga salitang
Tagatubos at sa Tagapagpalaya.

Sa pamamagitan ng kanyang pagkakatawang-tao, ministeryo, pagkamatay at


muling pagkabuhay, ibinigay ni Hesus ang biyaya ng kaligtasan – siya ang
tagapagdala ng kaligtasan.
Ang kaligtasan ay nagmumula sa kanyang pagpapahayag at pagpapakilala sa
kaharian ng Diyos, at sa pamamagitan ng kanyang pagkamatay at muling
pagkabuhay.

Iniligtas niya tayo mula at para sa:


Kaligtasan mula sa kasalanan at kasamaan
Manipestasyon ng kasamaan: paghihirap, sakit, pang-aabuso, pagtatakwil,
kamatayan, atbp.
Lahat ng mga umaalipin sa atin: pagkamakasarili, pang-aabuso, pride,
adiksyon, atbp.

Kaligtasan para sa: pakikipag-isa – sa Diyos at sa kapwa (paglago para sa


kaharian = pakikipag-isa)

Hesus - Diyos at Panginoon

“At dahil dito, siya’y lubusang itinaas ng Diyos, at ibinigay sa kanya ang
pangalang higit sa lahat ng pangalan. Sa gayon, sa pangalan ni Hesus ay luluhod
at magpupuri ang lahat ng nasa lagnit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. At para
sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama, ang lahat ay magpapahayag na si Hesu-Kristo
ang Panginoon.” (Filipos 2:9-11)
Ito ang titulo na ginagamit natin kay Hesus lalo na sa ating mga panalangin at mga
liturhiya.
Ang ipahayag si Hesus bilang Panginoon ay pagpapahayag ng kanyang kabanalan
at kapangyarihan at ang pagtanggap ng kanyang presensya sa ating mga ginagawa
sa ating buhay, sa Simbahan at sa sangkalahatan.
Ang sabihing si Hesus ay Panginoon ay pagsang-ayon na siya ay tunay na Diyos.
Si Hesus ay hindi lamang isang tauhan sa nakaraan na minsang nanahan sa piling
natin o di kaya naman ay isang katauhan sa hinaharap na darating – si Hesus ay
buhay ngayon – siya ay Panginoon.
Siya ay isang taong namamahala sa ating buhay, ang patutunguhan ng ating
pagsamba at mga panalangin.
Ang ipahayag ang pagiging Panginoon ni Hesus ay pagtanggap sa pangkalahatan
niyang kapangyarihan.
Ang muling nabuhay na Panginoon ay nananatili ngayon sa ating buhay, siya ay
kumakatok sa pintuan ng ating buhay at inaanyayahan tayong patungo sa isang
personal na pakikipagrelasyon sa kanya.
Sa ating mga personal na panalangin, tayo ay nananatili sa kanyang presensya
Sa mga oras ng pangangailangan at paghihirap, sinasabi natin sa kanya –
“Panginoon, tulungan/iligtas mo po ako
Patuloy siyang nagiging ilaw at gabay natin sa gitna ng kadiliman.
Module 2.Pagtugon kay Hesus:
Pagbabago, Pananampalataya at
Pagiging Alagad
Daloy ng mga Gawain
1. Pansariling Pagninilay (mayroong background music)
(mga gabay na tanong: Ano ang mga pangyayari sa aking buhay na lubusan
at tunay kong naramdaman ang presensya ng Panginoon? Paano niya
binago ang aking buhay? Paano ako lumago sa aking pananampalataya at
nakapamuhay bilang mga alagad ni Hesus?
2. Pagbabahaginan sa maliit na grupo (ang lahat ay inaanyayahang ibahagi
ang kanyang sariling kwento o patotoo)
3. Pagbabahaginan sa malaking grupo (isa mula sa bawat grupo – ito ay
personal na pagbabahagi o pagpapatotoo)
4. Pagpapalalim/Pagbibigay ng Input
5. Rito ng Pagsisisi

Pagpapalalim/Input

“Ang matagal nang paglalaban sa pagitan ng kabutihan at kasamaan,


pananampalataya at takot ay dapat na ipakita bilang mahalagang kondisyon,
isang pangunahing sangkap patungo sa tawag ng pagbabago ni Kristo… Ang
Bagong Ebanghelisasyon ay nangangailangan ng pansarili at pangkalahatang
pagbabago.”(ika-13 Synod ng mga Obispo)

Marami sa atin ang isinilang sa Kristiyanong pamilya at maagang nabinyagan


”nabinyagan ngunit hindi napagpahayagan ng ebanghelyo – hindi dumadaan sa
nakakapagpanibagong-buhay na pakikipagtagpo kay Hesus na magdadala patungo
sa pagbabago”
Mayroong tatlong uri ng mga Kristiyano:
 Kristiyano sa pangalan (nominal)
 Kristiyano lamang minsan (seasonal)
 Iyong mga nagsusumikap na mabuhay bilang mga tapat na alagad ni Hesus.

Kristiyano sa Pangalan

Kristiyan/Katoliko sa pangalan
“practical atheists” – namumuhay na parang walang Diyos, at hindi
mahalaga si Kristo
Walang kaalam-alam sa mga turo ng Simbahan o hindi nila tinatanggap o
sinusunod ang mga ito
Alipin ng kasalanan at puro pansariling kaligayahan lamang, kayamanan at
kapangyarihan
Hindi namumuhay bilang mga tapt na tagasunod ni Kristo.

Kristiyano’ng Weder-Weder (pang-okasyon)

Kristiyano tuwing Linggo (kapag silay ay nagsisimba), ngunit ibang buhay


mayroon sila sa araw ng Lunes hanggang Sabado.
Ang iba ay Kristiyano kapag pista, Adbiyento, Pasko, Mahal na Araw
Ang iba ay pinipili lamang kung aling turo ng Simbahan ang kanilang
susundin
Ang iba ay parang may magkaibang katauhan, sobrang relihiyoso/relihiyosa
ngunit imoral ang pamumuhay.

Kristiyanong aktibong nagsasabuhay

Sila ang mga taong lumago sa pananampalataya


Maaaring dati silang Kristiyano sa pangalan o Kristiyano lamang minsan
ngunit sila ay dumaan sa isang makarelihiyosong karanasan o
makapagpanibagong karanasan na nagpabago sa kanilang buhay
Patuloy silang lumalago sa pananampalataya at namumuhay bilang mga
tapat niyang tagasunod

Ang ating tugon sa pakikipagtagpo kay Hesus: Pagbabagong-puso at


Pananampalataya (pagiging disipulo)
“…magsisi na kayo’t talikuran ang inyong mga kasalanan. Paniwalaan na ninyo
ang Magandang Balita!” (Marcos 1:15)
Pakinggan natin si San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Efeso 4:17-24
“Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, at wala silang pang-unawa. Dahil sa
kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na
kaloob ng Diyos. Sila’y naging alipin ng kahalayan, at wala na silang kahihiyan
kaunti man lamang. Wala na silang inaatupag kundi pawing kalaswaan. Hindi
ganyang ang natutuhan ninyo tungkol kay Kristo. Napakinggan naninyo ang aral
ni Hesus at natutuhan na ninyo ang katotohanang nasa kanya. Iwanan na ninny
ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na
napapahak dahil sa masasamang pagnanasa. Magbago na kayo ng diwa at pag-
iisip; at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan
ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa
katotohanan.”

Pagbabagong-puso (Metanoia)

Personal na pakikipagtagpo kay Kristo – sa pamamagitan ng kanyang Salita at mga


pangyayari sa ating buhay
Pananampalata kay Kristo bilang Panginoon at Tagapagligtas
Pagtalikod mula sa mga kasalanan at kasamaan (ang madilim na bahagi)
Pag-iwan sa dating sarili at mga gawain ng kasamaan (pagkamakasarili,
katakawan, kurapsyon, kawalang-moral, bisyo, atbp.)

“Dati,kayo’y nasa kadiliman, ngunit ngayo’y nasa kaliwanagan na, sapagkat


kayo’y nasa Panginoon. Mamuhay kayo ngayon nang nararapat sa mga taong
nasa liwanag. Sapagkat pawang mabuti, matuwid at totoo ang ginagawa ng
namumuhay sa liwanag. Pag-aralan ninyo kung ano ang kalugod-lugod sa
Panginoon. Huwag na kayong makikisama sa mga taong gumagawa ng mga bagay
na walang ibinubungang kabutihan. Sa halip ay ibunyag ninyo ang mga iyon.”
Efeso 5:8-11

Nangangahulugan ito na ang pagbabagong-puso ay,


Pamumuhay bilang bagong sarili at pamumuhay sa liwanag
(pagsasabuhay sa mga birtud ni Kristo – kabutihang-loob, pagmamalasakit,
pag-ibig, paglilingkod, kababaang-loob, katotohanan, atbp.)
Pagiging bagong tao, pagiging pinakamabuting sarili natin
Paglago sa Pananampalataya

Ang paglago sa Pananampalataya:


Pananampalataya bilang Paniniwala (pagtanggap) sa mga katotohanang
inihayag ni Hesus (doktrina – Kredo)
Pananampalataya bilang Pagtitiwala kay Hesus
Pananampalataya bilang Pagtalima sa paggawa

Pananampalataya: Paniniwala kay Hesus at sa lahat ng kanyang itinuturo


(Kredo)
Paniniwala sa Banal at hindi nakikitang katotohanan
Diyos bilang Mapagmahal na Ama – ang Tagapag-likha at Tagapagpalaya
Hesus ang Bugtong na Anak – isinugo ng Ama upang tupdin ang plano ng
Kaligtasan
Espiritu Santo – isinugo ng Ama at ni Hesus upang palakasin ang Simbahan
at ipagpatuloy ang misyon ni Hesus

Lumalago tayo sa pananampalataya sa ating paniniwala sa pamamagitan ng


pakikinig sa Salita ng Diyos.
Hinahayaan natin ang ating sarili na pagpahayagan ni Kristo, ito ay
nangangahulugan ng pakikinig sa kanyang mga salita at mga itinuturo.
Hinahayaan natin ang kanyang salita na hipuin ang ating mga puso, upang
pagpanibaguhin tayo, at baguhin ang ating buhay.
Ito ay nangangailangan ng pag-aaral sa mga itinuturo at mga pagpapahalaga
ni Hesus na matatagpuan sa Bibliya at ayon sa pagtuturo ng Simbahan.
(dogmatic, moral, social teachings)
Kailangan nating basahin at pag-aralan ang Bibliya at ang mga turo ng
Simbahan (katekesis)

Pagpapahayag ng Salita ng Diyos


Bilang mga alagad ipinagpapatuloy natin ang misyon ng pagpapahayag ng
Mabuting Balita ng kaharian sa iba
Ito ay hindi lamang gawain ng mga pari ngunit bilang mga layko rin
Ang paglago sa pananampalataya ay nangangahulugan na ang bawat isa sa
atin ay tinatanggap ang responsibilidad ng misyon – ang mapuno ng
pagmamahal sa paglilingkod.

“Ang Mundo ay higit na nakikinig sa mga saksi kaysa sa mga tagapagturo.” Pablo
VI
Ipahayag natin ang Salita ng Diyos hindi lamang sa pamamagitan n gating
mga salita ngunit pati na rin na ating pamumuhay – nagiging saksi tayo ng
Salita sa pamamamagitan ng gawi at kilos, paano tayo namumuhay.
Ang pinaka-epektibong paraan ng pagpapahayag ng mga turo ni Hesus, tulad
ng pag-ibig, pagmamalasakit, paglilingkod, pagkamakatotohanan,
pagpapatawad ay ang isabuhay ang ating ipinapahayag.

Pananampalataya: Pagtitiwala kay Hesus

Malalim, personal at puno ng pagmamahal na pakikipagrelasyon kay Hesus


na ating tagapagligtas na laging sasaatin
Hayag at pinapalalim sa pananalangin
Ipinagdiriwang sa mga sakramento – lalo na sa banal na Eukaristiya

Pananalangin:Pagpapahayag ng pagtitiwala kay Hesus


Sa tuwing tayo ay nananalangin, ipinapahayag natin an gating
pananampalataya at pagtitiwala kay Kristo
Naniniwala tayo na ang ating Panginoon ay malapit lang sa atin at nakikinig
siya sa ating mga panalangin
Nagtitiwala tayo sa kanya at umaasa a pakikinggan niya ang ating mga
panalangin.
Ang pananalangin ay hindi lamang paghingi ng mga biyaya sa Panginoon,
ngunit ito rin ay pagkakataon upang humingi ng kanyang kapatawaran at
upang makapagpasalamat sa kanya.

Pagdiriwang ng mga Sakramento


Bilang mga tagasunod ni Hesus, ipinapahayag natin ang ating
pananampalataya sa aktibong pakikiisa sa pagdiriwang ng banal na
Eukaristiya – ang sakramento ng altar – pagsasalo, ng ating pakikiisa kay
Kristo at sa bawat isa.
Sa sakramento ng pakikipagkasundo ipinapahayag natin ang ating
pananampalataya sa Panginoon at sa kanyang awa at habag habang
ipinapahayag natin ang ating pagsisisi sa ating mga kasalanan at
kagustuhang makapagbagong-buhay.

Pananampalataya: Pagtalima sa mga utos ni Hesus

“ang pananampalatayang walang gawa ay patay”


Ang pananampalataya ay konkretong ipinapahayag at ipinapakita sa
pamamagitan ng mga mapagmahal na paggawa at paglilingkod
Pagkalinga para sa mga dukha, Pag-aalaga para sa mundo
Paggawa upang ang kaharian ng Diyos ay maging isang katotohanang
reyalidad: pagsulong ng hustisya, kapayapaan, paglago, paglaya, integridad
ng sangnilikha.

Paano natin maipapahayag ng konkreto ang ating mapagmahal na


paglilingkod sa iba lalo na sa ganitong sitwasyon kung saan sobra ang
kahirapan, digmaan at kaguluhan?
Ang ating mapagmahal na paglilingkod sa iba ay dapat na konkretong
maipahayag sa pamamagitan ng ating pagkalinga sa mga nangangailangan,
pag-aalaga para sa mundo, pagkiling para sa mga mahihirap, ating mga
gawain para sa hustisya, paglaya at kapayapaan.
Sa isang sitwasyon kung saan mayroong kahirapan, tinatawagan tayo na
gawin ang lahat ng ating makakaya upang mabawasan ito.
Sa sitwasyon ng digmaan at kaguluhan, tinatawagan tayo bilang mga
tagapagtaguyod ng kapayapaan.

Kailangan tratuhin natin ng ayon sa hustisya at malasakit ang mga taong


naglilinkod para sa atin (sa kanilang sahod, at pagbabahagi ng kinita)
Saanman tayo nagtatrabaho (sa gobyerno, para sa edukasyon o pribadong
sector) kailangang siguraduhin nating ito ay magiging paglilingkod para sa
ating kapwa.
Kailangang maiwasan natin na mapasama sa kurapsyon at tumulong sa
pagpapatigil nito.
Kailangan gamitin natin an galing, mga talento, kakayahan at kayamanan
para sa ikabubuti ng iba at sa pagbabago ng ating lipunan.
Kailangang maglingkod tayo ng walang hinihintay na kapalit sa ating
parokya, diyosesis, charitable institutions, at pribadong organisasyon, atbp.

Ang pagsasabuhay ng pananampalataya ay pagiging isang tunay na alagad ni


Hesus na
Nakikinig sa Salita ng Diyos at ipinapahayag ito
Nagtitiwala kay Hesus at dumadalangin sa kanya
Tumatalima sa kanyang mg autos ng pag-ibig at paglilingkod

Pangkalahatang Pananampalataya
Ang pananampalataya ay hindi lamang personal
Ito rin ay pangkalahatan
Tayo ay isinilang sa mga Kristiyanong pamayanan – Simbahan – na siyang
pamayanan ng pananampalataya
Nakakaranas tayo ng pagbabagong-puso sa loob ng Kristiyanong pamayanan
Lumalago tayo sa pananampalataya sa Kristiyanong pamayanan
Isinasabuhay natin ang pananampalataya bilang isang pamayanan

Kung kaya, ang pagbabagong-puso ay nangangahulugan ng pagtanggap kay Hesus


bilang sentro ng ating buhay, at pagtalikod mula sa mga kasalanan, paglago sa
pananalig sa kanya at pagiging tunay na alagad bilang kasapi ng Kristiyanong
pamayanan – ang Simbahan.

____________________________________________________________

Pagdiriwang ng Sakramento ng Pakikipagkasundo


Pagsisiyasat ng Budhi

Balikan natin ang ating buhay at siyasatin ang ating budhi. Nalalaman ang ating
pagiging makasalanan, balikan natin ang ating mga kasalanan at pagkukulang –
ang mga masasama nating nagawa at ang mga mabubuting hindi natin naisagawa.

1. Para sa mga pagkakataong hindi ka naming pinansin at hindi naipakita sa iyo


ang aming pagmamahal para sa iyo, at hinayaang sambahin ng aming sarili
ang mga diyus-diyosan – ang mga diyos ng kayamanan, kapangyarihan, luho
at bisyo, Panginoon maawa ka:
2. Para sa mga pagkakataong ginamit naming ang inyong pangalan sa walang-
kabuluhan, ng sumpain naming ang iba at baliin ang aming mga pangako sa
iyo, Panginoon, maawa ka:
3. Para sa mga pagkakataong na hindi kami nakapaglaan ng oras para sa
pananalangin at pagpapahinga at hindi kami nakisama sa Kristiyanong
pamayanan sa pagsamba sa iyo lalo na sa mga Linggo at araw na nararapat,
Panginoon, maawa ka:
4. Para sa mga pagkakataong hindi naming naipakita ang aming paggalang at
pagmamahal para sa aming mga magulang at matatanda, Panginoon, maawa
ka:
Para sa mga pagkakataong hindi namin naisagawa at naisakatuparan ang
aming mga responsibilidad na pangalagaan ang aming mga anak, Panginoon,
maawa ka:
5. Sa mga pagkakataong hindi naming napahalagahan ang dignidad at buhay
ng iba sa pamamagitan ng aborsyon, pagpatay, pagpapahirap at iba’t-ibang
uri ng kaguluhan, Panginoon, maawa ka:
Para sa mga pagkakataong naabuso naming ang aming kasama sa buhay at
mga anak, Panginoon, maawa ka:
Para sa mga pagkakataong inabuso naming ang aming sarili sa pagpapabaya
na magumon sa droga, alak at iba pang mga bisyo, Panginoon, maawa ka:
Sa aming hindi pagkilos para sa kapayapaan at pagkakasundo sa aming mga
tahanan, pamayanan at lupain, Panginoon, maawa ka:
6. Para sa mga pagkakataong hindi naming napangatawanan ang aming mga
pangako sa kasal sa pagkawala ng pag-ibig at pagkalinga para sa aming mga
asawa, sa pangangalunya ay kalaswaan, Panginoon, maawa ka:
Para sa mga pagkakataong hindi naming naigalang ang dignidad ng iba at
ginamit sila bilang mga bagay at hindi bilang mga taong dapat mahalin,
Panginoon, maawa ka:
7. Para sa mga pagkakataong kami ay naging alipin ng labis na pagnanasa para
sa kayamanan at materyal na bagay at naging kabahagi sa pagnanakaw,
kurapsyon, pangingikil at hindi pagbibigay ng tamang pasahod sa aming
mga maggagawa, Panginoon, maawa ka:
Para sa mga pagkakataong hinayaan naming ang aming mga sarili na
gamitin bilang instrumento ng kawalang-hustisya at pagpapahirap sa iba, at
pakikisangkot sa pagpapahirap ng iba, Panginoon, maawa ka:
Para sa mga pagkakataong pinatitigas naming ang aming mga puso at
nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan sa pangangailangan ng iba lalo
na ng mga dukha, at sa hindi pagtulong sa kanila at hindi pagbabahagi ng
panahon, talento at kayaman, Panginoon, maawa ka:
8. Para sa mga pagkakataong naging bigo kami sa pagsasabi ng katotohanan at
pakikisangkot sa pagsisinungaling at panloloko, Panginoon, maawa ka:
9. Para sa mga pagkakataong hindi kami nakapagmahal at nakapaglingkod sa
aming kapwa, Panginoon, maawa ka:
10.Para sa mga pagkakataong hindi kami nakapamuhay bilang mga tunay at
tapat mong tagasunod at alagad, at sa aming pamumuhay bilang mga
Kristiyano lamang sa pangalan, Panginoon, maawa ka:
Nawa ay kaawaan tayo ng Makapangyarihang Diyos, patawarin sa ating mga
kasalanan at patnubayan tayo tungo sa buhay na walang hanggan. Amen.

(ang rito ng pakikipagkasundo ay magtatapos sa pamamagitan ng pag-awit ng


“Panginoon, Maawa Ka” – o anumang kahalintulad nito sa lokal na lenggwahe.
Kung mayroong pari, maaari siyang magbigay ng basbas ng pagpapatawad sa
pangkalahatan o maaaring sundan ito ng pangungumpisal kung hindi naman
sobrang karamihan ang mga kalahok)
Module 3:
Sambayanan ng mga Alagad:
Ang Simbahan

Daloy ng mga Gawain:


1. Pambungad na Awit
2. Pambungad na Panalangin
3. Pagbabahaginan sa maliliit na grupo
(gabay na tanong: Ano o sino ang Simbahan para sa iyo?) (pinagmulan,
katangi-an at misyon ng Simbahan)
4. Pag-uulat (simple o maparaan)
5. Pagpapalalim/Pagbibigay Input
6. Pangwakas na Awit/Panalangin

Pagpapalalim/Input

Pag-usbong ng Simbahan

Tinipon ni Hesus ang kanyang mga alagad at binuo sila bilang isang pamayanan.
Kalooban niya na ang mga susunod sa kanya ay magiging kabahagi ng kanyang
pamayanan ng mga alagad.

Sa araw ng Pentekostes, ang Espiritu Santo ay bumaba sa mga apostol at ibang


mga tagasunod ni Hesus. At doon nagsimula ang Simbahan – ang katawan ni
Kristo.
Sa loob ng higit sa dalawang libong taon, ang Simbahan ay lumago at kumalat sa
buong mundo.
Nagsimula ito bilang isang maliit na pamayanan na nakaugnay sa isa.
Kalaunan ay naging isa itong malaking institusyon na ang mga kasapi ay nawalan
ng pagpapahalaga sa pamayanan.
Nawalan ng aktibong pakikisangkot ang mga layko sa buhay at misyon ng
simbahan.
Ang karamihan ay naging Kristiyano lamang sa pangalan na hindi namumuhay
bilang mga tunay na disipulo ni Hesus.

Pananaw ng isang Nakapagpanibagong Simbahan noong


Ikalawang Konseho sa Vatican

Ang tawag ng Pagpapanibago sa Vatican II


Noong 1962-1965, si Juan XXIII ay nagpatawag ng Konseho ng Vaticano
para sa pagpapanibago ng Simbahan – para sa “aggiornamento”
Ito ay isang konseho ng Simbahan sa simbahan
Ang layon ng Simbahan sa Vatican II ay matatagpuan sa Lumen Gentium,
ang “dogmatikong konstitusyon ng Simbahan”
Ang Gaudium et Spes, “pastoral na konstitusyon ng Simbahan sa
Makabagong Mundo,” ay nagbibigay sa atin ng layon ng Simbahan sa relasyon
nito sa kasalukuyang panahon at mga responsibilidad nito sa kultura, pulitika,
ekonomiya at iba pang bahagi ng sekular na buhay.

Mga turo tungkol sa Simbahan ng Vatican II:


 Pakikiisa
 Bayan ng Diyos nakikiisa sa misyon ni Kristo bilang Pari, Propeta at Hari
 Ang mga tagapamuno para sa paglilingkod sa bayan ng Diyos
 Ang aktibong bahagi ng mga layko sa buhay at misyon ng simbahan
 Ang panglipunang misyon ng Simbahan

Simbahan bilang Pakikiisa (Communion)

Simbulo ng pagkakaisa (pakikiisa) sa bayan ng Diyos at sa pagitan ng Diyos at


sangkatauhan (Lumen Gentium [lG] 1)
Ang pakikiisa sa buhay, pag-ibig at katotohanan (LG 9)
Isang pamayanan ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig (LG 8)
(modelo ng pakikiisa at pagkakaisa)

Simbahan bilang Bayan ng Diyos(People of God

Mula sa larawan na ibinibigay ng Bagong Tipan sa Simbahan bilang bayan ng


Diyos sa bagong kasunduan
Nauugnay sa Triplex Munus – ang tatlong misyon ni Kristo bilang Pari, Propeta at
Hari
Ang bayan ng Diyos ay itinuturing bilang propeta, pari at hari sa kanyang angking
katangian at misyon

Mala-Propetang Bayan ng Diyos

Ang buong bayan ng Diyos ay nakikibahagi sa maka-propetang misyon ni Kristo.


Ang pamayanang ito ay nagiging buo sa pamamagitan ng Salita ng Diyos
Ang pamayanang ito ay nakikinig sa Salita, nagpapahayag ng Salita at nagiging
saksi nito.

Mala-paring Bayan ng Diyos

Ang buong bayan ng Diyos ay nakikibahagi sa pagkapari ni Kristo


Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng aktibong pakikiisa sa mg liturhikal at
sacramental na pagdiriwang.
Ang maka-ministeryong pagkapari ay para sa paglilingkod sa pagkapari ng bayan
ng Diyos, sila ang nangunguna at tumutulong upang maisagawa ng mga layko ang
kanilang bahagi sa pagkapari ni Kristo.

Mala-hari/Lingkod na Bayan ng Diyos

Ang bayan ng Diyos bilang mala-haring bayan


Ang pagka-hari ay isinasabuhay sa diwa ng paglilingkod
Ipinapahayag nila ang paglilingkod na ito sa pagbubuo ng kaharian ng Diyos –
kaharian ng hustisya, kapayapaan, pag-ibig at katotohanan.
Ang Simbahan ay may responsibilidad na labanan ang kasamaan at panibaguhin
ang lipunan.

Ang mga Katungkulan para sa Paglilingkod sa Bayan ng Diyos.

Ang pamumuno o mga katungkulan sa Simbahan (Santo Papa, mga Obispo, Pari at
Diyakono) ay para sa paglilingkod sa bayan ng Diyos
Ang awtoridad at pamumuno ay isasabuhay sa espiritu ng may kababaang-loob na
paglilingkod
Isang pangkabuuang modelo ang mga naordinahan: Mala-propeta, Mala-pari,
Mala-lingkod na pamumuno sa pangkalahatang pagtingin.
Aktibong Partisipasyon o Pakikilahok ng mga Layko

Ang mga layko ay mayroong karapatan at responsibilidad na aktibong makiisa sa


buhay at misyon ng Simbahan.
Sila ay nakikilahok sa tatlong misyon o gawain ni Kristo at ng Simbahan – maka-
propeta, maka-pari at maka-hari/lingkod na misyon.

Panlipunang Misyon ng Simbahan

Ang misyon ng Simbahan ay hindi lamang pang-espiritwal o maka-relihiyoso. Ang


simbahan ay mayroong tungkulin na tumugon sa pang-lipunang, pang-politikal,
pang-ekonomiya, pang-kultura at mga hangarin ng mga tao.
Ang Simbahan ay kailangang aktibong makiisa sa pagpapanibago ng lipunan at
isulong ang kapayapaan, hustisya at paglago.

Pagbubuod:

 Isang pangkalahatang layon ng Simabahan


 Isang pangkabuuang layon ng Simbahan. Hindi lamang sumasambang
pamayanan ngunit maka-propeta at lingkod na pamayanan
 Aktibong pakikiisa ng mga layko sa buhay at misyon ng Simbahan
 Ang pamumuno o mga katungkulan: para sa pamumuno, pagsasabuhay,
hayaan ang mga layko na aktibong makiisa sa maka-propeta, maka-pari,
maka-lingkod na misyon ng Simbahan
 Pakialam para sa kaayusan ng mundo (pang-ekonomiya, pang-pulitika,
pang-kultura) – para sa hustisya at kapayapaan.

Pagkatapos ng Ikalawang Konseho Vaticano (1965) sumunod ang panahon ng


pagtanggap at pagpapatupad sa layon ng Simbahan bilang isang Napagpanibagong
Simbahan. Ang Ikalawang Konsehong Plenaryo ng Pilipinas (PCP II 1991) ay
kabahagi sa pagtanggap nito.
Pananaw ng Ikalawang Konsehong Plenaryo sa Pilipinas para sa
Nagpanibagong Simbahan

Ang Simbahan bilang Sambayanan ng mga Alagad na ang mga kasapi ay


namumuhay sa Pakikiisa at nakikilahok sa misyon ni Kristo bilang mala-
propeta, mala-pari, mala-haring bayan ng Diyos
At bilang Simbahan ng mga Dukha

Ang impluwensya ng Vatican II sa pananaw ng PCP II bilang Simbahan


Simbahan bilang Pagkakaisa
Simbahan ng bayan ng Diyos – maka-propeta, maka-pari,at maka-hari
Pagbibigay-tuon sa Pagpapanibago ng Simbahan
(Ang PCP II ay tanggapan ng higit pang pag-unlad ng ekesyolohiya ng
Vatican II)

Bagong pag-unlad/dagdad sa PCP II:


Ang pamayanan ng mga Disipulo bilang tema na nagsasama-sama sa iba’t
ibang modelo
Ang Simbahan ng mga Dukha
Ang Munting Kapitbahayang Kristiyano BECs bilang daan ng
pagsasakatawan at pagdadala sa local ng simbahan sa mga nasa ilalim ng
lipunan

Ang Pananaw ng Simbahan bilang Komunyon ayon sa Ikalawang Plenaryo


Konseho sa Pilipinas (PCP II)

“Sa isang pamayanan ang isang Kristiyano ay lumalago sa


pananampalataya. Tayo ay tinatawag bilang indibidwal, at ang bawat isa ay
kailangang tumugon. Ngunit tinatawagan tayo ni Kristo na bumuo ng mga
pamayanan. Nais niyang ang Simbahan ay maging “pag-iisa ng buhay, pag-
ibig at katotohanan” (LG9) “ pamayanan ng pananampalataya, pag-asa at
pag-ibig” (LG8). Ipinahayag ito ng mga unang alagad sa kanilang buhay.
Bumuo sila ng pamayanan na kung saan itinuon nila ang kanilang sarili sa
mga turo ng mga apostoles at sa pampamayanang buhay, sa paghahati ng
tinapay at mga panalangin” (Gawa 2:42). Sila ay naging “isa sa puso at
isip” at ibinahagi maging kanilang mga ari-arian kaya isa man sa kanila ay
hindi nangailangan (Gawa 4: 32-35)
Pangkalahatang pagtingin ng Simbahan sa PCP II:
Ang Simbahan bilang isang komunyon o pagsasama-sama ay higit na
nagpapakita sa pangkalahatang pagtingin ng Simbahan
Ang Simbahan ay nakikita bilang isang Kristiyanong pamayanan kung saan
ang mga Kristiyano ay lumalago sa pananampalataya.
Si Kristo ang tumatawag sa kanyang mga tagasunod upang bumuo ng mga
Pamayanang Kristiyano

Ang Pangsimbahang Pagsasama-sama ay nangangahulugang


Pagkakaisa sa pagkakaiba-iba at pagkakapantay-pantay sa dignidad.
Ang pagkakaisang ito ay ipinapahayag sa “pagbabahaginan at pinagsasama-
samang pagtatagpo ng iba’t ibang kasapi” – pagbabahaginan ng mga
materyal na bagay – ng oras, talento at kayamanan – ay isang konkretong
pagpapakita ng pagmamahal, pagkakaibigan at pakikiisa sa lahat ng mga
kasapi.
Inuulit ng PCP II ang Lumen Gentium, ang Code ng Canon Law at ni Juan
Pablo II sa pagsang-ayon sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng mga
mananampalataya na hindi isinasantabi ang katungkulan sa pamumuno sa
Simbahan:
“Ang pagkakapantay-pantay sa Kristiyanong dignidad ay nalalayo sa
pansimbahang katungkulan. Mayroong mga katungkulan sa pamumuno na
nagsasagawa ng pamumuno sa mga pamayanang Kristiyano sa
pamamagitan ng kalooban ng Panginoon. Ngunit ang mga katungkulang ito
ay para sa paglilingkod at hindi sa kagalingan.”

May iba’t ibang baitang ng pagpasabuhay ng Komunyon – ng pagkakaisa o


pagbubuklod :
-Sa loob ng bawat lokal na pamayanang Kristiyano/Lokal na Simbahan
(intra-communitarian) sa bawat pamilya/kasapi/maliliit na pamayanan
(BECs)
-Sa pagitan ng bawat lokal na Kristiyanong pamayanan/lokal na Simbahan
(inter-communitarian/universal level)
-Ang See ng Roma at ang mga Obispo ang sentro at tagapagsuporta ng
komunyon o pag-iisa sa iba pang mga Kristiyanong Simbahan/tradisyon
(pang-ekumenikal)

“Ang Simbahan ng mga Simbahan, a pag-iisa ng mga pagsasama-sama, nakikita


bilang komunyon ng mga lokal na simbahan, nakakalat sa buong mundo, ang
bawat isa ay komunyon ng mga binyagan, pinagkakaisa ng isang pananampalataya,
ipinagdiriwang ang pagkakaisa sa banal na Eukaristiya, nagbabahagi ng anumang
mayroon sila.”

Ang Simbahan bilang mala-Propetang Bayan sa PCP II

“Sa pamamagitan ng isang di-pangkaraniwang pagpapahalaga sa


pananampalataya” (Sensus Fidei)
Ang bayan ng Diyos ay tumatanggap sa Salita ng Diyos at isinasabuhay ito.
Sila ay dapat na magbahagi ng Salita ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang
pamumuhay at pagsasabuhay nito (PCP II, 119)
Mayroong isang Tagapagturo (Magisterium) na nagpapakahulugan ng may
awtoridad at pag-iwas sa kamalian sa Salita ng Diyos.”

Mayroon itong misyon ng pagpapahayag ng Mabuting Balita –


isang misyon ng Ebanghelisasyon at katekesis.
Tinatawag rin ito bilang budhi ng lipunan – ito ay isang misyon ng pagtakwil sa
kasamaan at lahat ng mga manipestasyon nito: kawalang-hustisya, pang-aapi,
kaguluhan, ang kultura ng kamatayan.
Nagiging saksi ito sa mundo at tinatawagan ang mga tao para sa pagbabagong-
puso.

Ang mala-propetang misyon ng Simbahan ay maaaring maisagawa sa


pangkalahatan at lokas na bahagi sa pamamagitan ng mga nasa katungkulan at mga
layko,
Ang buong simbahan ay magasasagawa ng maka-propetang misyong ito sa ilalim
ng paggabay at pamumuno ng mga turo ng Simbahan.

Ang Simbahan ay mala-Paring Bayan ng Diyos

Ang Simbahan ay sumasamba at nagdiriwang na pamayanan.


Ang pagkapari ng mga mananampalataya ay naipapahayag sa buo at aktibong
pakikisangkot sa mga liturhikal at sakramental na pagdiriwang.
Ang pampubliko at pangkalahatang katangian ng liturhiya
Ang liturhiya ay hindi lamang gawain ng mga naordinahang ministro, ito ay
gawain ni Kristo at gawain ng Simbahan – ang pamayanang Kristiyano
Ang mga Layko ay may karapatan at tungkuling makiisa sa mga pang-liturhiyang
pagdiriwang
Ang hindi bahagi ng eukaristiyang liturhiya ay maaaring pamunuan ng mga layko
kung wala ang pari.
Ang mala-paring misyon ng Simbahan ay hindi lamang naipapahayag sa liturhiya.
Dapat ito ay naihahayag rin araw-araw na pamumuhay – sa pag-aalay ng sarili at
pagsasakripisyo ng sarili (kahit sa pagiging martir kung kinakailangan), sa
pagiging laging kaisa kay Kristo at sa kanyang mga kapwa mananampalataya.

Ang mala-Hari/Lingkod na Bayan ng Diyos

Ipinapahayag ng PCP II na isa sa mga katangian ng Simbahan bilang bayan ng


Diyos ay ang maging mala-haring bayan.
Ang paghaharing ito ay isinasabuhay sa paglaban sa kasalan sa lahat at loob ng
kapaligiran (social sin)
Naipapakita rin ito sa pamamagitan ng paglilingkod – paglilingkod kay Kristo sa
ating kapwa.
Ang paglilingkod na ito ay konkretong ipinapahayag sa mga paraan upang
pagbutihin ang mundong ito bilang tahanan.
Ang Kristiyanong pamumuhay bilang pagmamahal sa paglilingkod na inihahayag
sa pagkalinga sa mga nangangailangan at sa mundo.
Ito rin ay konkretong naipapakita sa mga gawain para sa katarungan at kapayapaan
Ang pinagmumulan ay si Hesus na dumating upang maglingkod at hindi ang
paglingkuran.

Ang Simbahan bilang maka-Haring bayan ay tinatawag bilang Lingkod Simbahan.


Ang misyon ng simbahan ay hindi lamang puro pang-espiritwal.
Ang Simbahan ay tinatawagan maging mapagmasid sa mga sitwasyon ng
kahirapan, kawalang-katarungan, paglalaban ng may armas, paglabag sa
karapatang pantao, at hindi pag-aalaga sa ekolohiya.
Tumatawag ang PCP II para sa pagpapanibago ng paglilingkod sa pangkalahatan at
upang ang Simbahan ay aktibong makiisa sa mga gawain para sa katarungan,
kapayapaan, pag-unlad at integridad ng nilikha.
Ang Simbahan ay dapat na makisangkot para sa pagbabago ng lipunan.

Ang Simbahan ng mga Dukha

Ang pinakakilalang imahe ng Simbahan sa PCP II – ang Simbahan ng mga Dukha.


Hindi ito nangangahulugan ng Simbahan na binubuo lamang ng mga dukha.
Ang buong Simbahan – lahat ng binyagang kasapi – ay bahagi ng Simbahan ng
mga Dukha.
Ito ay nangangailangan ng mga pinuno at kasapi ng Simbahan na yayakap sa
maka-ebanghelyong kahirapan – na lubos na dumidepende sa kabutihang-loob ng
Diyos, namumuhay sa simpleng pamumuhay at ibinabahagi ang kanilang mga ari-
arian sa mga dukha.
Silang mga hindi dukha ay tinatawagan ng pagkiling para sa mga dukha, makiisa
sa mga mahihirap at ipagtanggol ang kanilang karapatan.
Ang mga mahihirap na kasapi ay pinapalakas at tinatawagan na aktibong
makilahok sa buhay at misyon ng Simbahan.

“Ang Simbahan ng mga dukha ay Simbahan kung saan ang mga dukha ay
tinatanggap, pinakikinggan at aktibong nakikiisa… ang tunay na Simbahan
ng mga dukha ay tumutulong para sa kailangang pagbabago ng lipunan.”
(Juan Pablo II)
Module 4:
Sambayanan ng mga Alagad
Munting Sambayanang Kristiano
Daloy ng mga Gawain
1. Pambungad na Awit
2. Pambungad na Panalangin
3. Pagbabahaginan sa Maliit na Grupo:
(Gabay na tanong kung wala pang MSK o BECs: Ano ang iyong pananaw sa
pamayanang Kristiyano sa inyong lugar? Paanong ang Simbahan ay higit na
tunay na mararanasan sa inyong lugar – kapitbahayan?
Gabay na tanong kung mayroon ng MSK o BECs: Ano ang iyong
pagkaunawa tungkol sa BECs o MSK? Ilarawan ang isang ganap na maunlad
na MSK o BECs?
4. Pag-uulat: (simple o maparaan)
5. Pagpapalalim/Pagbibigay ng Input

Pagpapalalim/Input

Ang Santo Papa Juan Pablo II ay naglarawan kung ano ang BEC o MSK:

“Ito ay mga grupo ng mga Kristiyano na, sa lebel ng kanilang pamilya… sama-
samang nananalangin, nagbabasa ng Salita ng Diyos, nag-aaral ng
pananampalataya, nagtatalakayan tungkol sa mga maka-tao at maka-simbahang
problema na may pagtingin sa pangkalahatang pagbibigay ng sarili..
“Ito ay mga pamayanan na binuo ng mga pamparokyang pamayanan, na nanatiling
iisa at nagkakaisa.
Sila ay nagmula sa mga rural na lugar, at nagiging pampaalsa ng Kristiyanong
pamumuhay, sa pagkalinga sa mga dukha at itinakwil, at sa paglalaan ng sarili para
sa pagbabago ng lipunan.” (Redemptoris Missio 51)
Ang MSK/BECs ay nagsimula sa Brazil at Pilipinas pagkatapos ng Vatican II.
Di-kalaunan ay kumalat ito sa ibang bahagi ng Latin America, Africa, Asia at
North America.
Naging bahagi ito ng mga gawain pagkatapos ng Vatican II para panibaguhin ang
buhay parokya at ipakilala ang pangkalahatang karanasan ng Simbahan – isang
bagong paraan ng pagiging Simbahan.
Kung kaya, ang pagbubuo ng BECs o MSK ay isa sa mga paraan upang
maisakatuparan ang mga pagbabago sa Simbahan na sinimulan noong Vatican II.

Sa Pilipinas, ang pinakaunang MSK o BECs ay sa Mindanao taong 1960. Ang


Mindanao-Sulu Pastoral Conference (MSPC) ang nanguna sa pagbubuo ng mga
BECs sa buong Mindanao.
Mayroong iba’t ibang pagsusubok na bumuo ng BECs sa Visayas at Luzon sa mga
taong 1970 hanggang 1980.
Noong 1991, ginaya ng PCP II ang paraan ng pagbubuo ng mga BECs bilang
pampastoral na gawain ng Simbahan sa Pilipinas at nagbunga ng ganitong utos:
“Ang mga BEC sa ilalim ng iba’t ibang pangalan ay dapat na maipakilala
para sa pangkabuuang pamumuhay ng bokasyong Kristiyano sa mga rural o
urban areas.”
(PCP II decree 109)

Pangkabuuang Pagpapaliwanag:

Ang mga BECs ay mga lokal na pamayanan na binubuo ng mga Katolikong layko
sa loob ng isang parokya, kalimitan sa pagitan o loob ng mga kapitbahayan at mga
barangay.
Sila ay nabubuo sa pangunguna ng kura-paroko at ng mga pampastoral na lingkod
na mga layko o ng grupo ng tagapaghubog ng isang parokya, kalimitan ay bahagi
ng pang-diyosesis na programa
Sila ay maliit na bahagi ng parokya (ang parokya bilang binubuo ng mga
pinagsasama-samang BECs)
Sila ay pinamumunuan ng mga lider layko, sila ay hawak ng mga kura-paroko na
siyang nagtataglay ng pangkabuuang pamumuno sa lahat ng BECs na sakop ng
parokya.

Ang mga kasapi ay nagnanais na makapamuhay bilang mga tunay na alagad ni


Hesus.
Sila ay malapit sa isa’t isa at nakikipag-ugnayan sa iba bilang mga kaibigan at
kapatid sa Panginoon.
Palagi silang nagtitipon upang
magbahaginan sa Salita ng Diyos at isabuhay ito sa kanilang pang-araw araw
na pamumuhay
manalangin at ipagdiwang ang kanilang pananampalataya
at gumawa o humanap ng paraan upang makatulong sa iba at paglingkuran
ang isa’t isa at ang mga nangangailangan lalo na ang mga dukha.

Iba’t ibang uri ng BECs:


Chapel-based local communities.
Matutukoy bilang isang barangay o sitio – nagtitipon sila sa kapilya

Chapel-based local communities with neighborhood cells


Sila ay nahahati sa mga kapitbahayan at nagtitipon sila sa kanilang mga
tahanan.
Ang buong pamayanan ay nagtitipon sa kapilya para sa Bible-service at sa banal na
Eukaristiya.

Family-groupings/neighborhood cells without chapels


Kapitbahayan, walang kapilya o tuklong. Sila ay nagtitipon sa kanilang mga
tahanan para sa prayer-meeting/bible-sharing, at sa pampublikong lugar para sa
Eukaristiya at mga pagtitipon

Terminolohiya:

Ang terminong Basic Ecclesial Communities ay isang opisyal na terminong


ginagamit para sa mga maliliit Kristiyanong pamayanan na binubuo ng
magkakapitbahayan at barangay sakop ng parokya.
Sila rin ay tinatawag na Basic Christian Community, Small Christian Community,
Gagmayng Kristohanong Katilingban, Gagmayng simbahanong Katilingban,
Munting Sambayanang Kristiyano, Kristohanong Kasilinganan, Damayan at iba
pang lokal na pangalan).

Pamayanan (Community)
-Sila ay mga pamayanan, hindi isang samahan, prayer groups, samahan o
asosasyon.
-Hindi sila isang espesyal na grupo ngunit isang matibay na kapaligiran.
-Ang mga kasapi ay namumuhay ng malapit sa isa’t isa at nakikipag-
ugnayan sa isa’t isa
-Sila ay mga lokal na pamayanan – sa kapitbahayan, barangay, etc.
-Ang mga BECs ay iba sa mga inatasang organisasyon, o trans-parochial
faith-communities na bahagi ng kilusan para sa pagpapanibago sa Simbahan.
Munti (Basic)
Tumutukoy ito sa laki ng mga BECs.
Ang munting pamayanan ay maliit at sapat na para ang mga kasapi nito ay
makilala ang isa’t isa ng lubusan at makapag-ugnayan bilang mga kaibigan
ngunit hindi sobrang kaliitan upang maging isang barkadahan sa halip na
pamayanan.
Ang isang BEC ay maaaring binubuo ng apatnapu hanggang sa dalawang
daang pamilya sa loob na isang barangay.
Ang malaking BEC ay maaaring hatiin sa ilang mga selda o maliit na grupo
ng mga pamilyang mula lima hanggang sampu. Ito ay kung nais. Ngunit ito
ay mahalaga lalo na kung ang barangay ay may kalakihan. Kung ang
barangay naman ay hindi kalakihan, hindi na kailangan pang hatiin ito sa
mga maliliit na grupo.
Ang selda o kapitbahayang grupo ay bahagi ng BEC at dapat na nakaugnay
sa isa’t isa. Kailangang iwasang matukoy ang BEC bilang eksklusib na
kapitbahayang grupo na sa katotohanan ay bahagi lamang ng BECs.
Ang terminong munti o basic ay maaari ring tumukoy sa kinalalagyang
lokasyon ng BECs – sila ay nasa babang bahagi ng lipunan, kasama ng mga
dukha at ng mga pinakamaliit.

Pansimbahan (Ecclesial)
Ang mga BEC ay sinasabing pansimbahan o eklesyal na pamayanan dahil
sila ay bagong paraan ng pagiging simbahan – sila ang Simbahan sa ibaba –
sa kanilang kapitbahayan o barangay
Sila ang Simbahan sa mga pinakamaliliit.
Ngunit, ang pagka-eklesyal ng BEC ay mula sa pagiging bahagi ng parokya
at diyosesis – sa ilalim ng pamamahala at paggabay ng mga naordinahan
(kura-paroko at Obispo).

Pagpapaliwanag mula sa PCP II:

”Sila ay mga maliliit na pamayanang Kristiyano, kalimitan ay mga pamilya na


natitipon sa Salita ng Diyos at ng Banal na Eukaristiya.
Ang mga pamayanang ito ay kaisa ng kanilang mga pastol ngunit palagiang
dinadalaw ng kanilang lider-layko.
Ang mga kasapi ay kilala ang bawat isa at nagbabahagi hindi lamang ng Salita ng
Diyos at ng Eukaristiya ngunit maging ang kanilang mga materyal at espiritwal na
aspeto.
Mayroon sila ng malakas na pakiramdam ng pagtanggap at responsibilidad para
sa isa’t isa.” (par 138)

“Kalimitan ay nagmumula sa mga nasa ibaba ng lipunan, kabilang sa mga


dukhang magsasaka at manggagawa,
Ang mga BEC ay patuloy na isinasabuhay ang kanilang pananampalataya sa
kanilang pang-araw araw na buhay.
Sila ay ginagabayan at tinutulungan ng palagiang katekesis.
Ang kahirapan at ang kanilang pananampalataya ang nagpapasulong sa kanilang
mga kasapi tungo sa pakikiisa sa isa’t isa.
Pagsulong ng katarungan
At patungo sa maayos na pagdiriwang ng buhay sa liturhiya.” (par 139)

Mga Katangian ng mga BEC ayon sa PCP II:

1. Maliliit na pamayanan (binubuo ng mga pamilya) na ang mga kasapi ay


mayroong pakiramdam na sila ay tanggap at nagkakaisa sa isa’t isa at sa
kanilang pastol (koinonia)
2. Sila ay nagbabahagi ng Salita ng Diyos at nagagabayan ng palagiang
katekesis (kerygma)
3. Natitipon sila sa Eukaristiya at mayroong masiglang pagdiriwang ng buhay
sa liturhiya (leitourgia)
4. Nagbabahagi sila ng kanilang mga ari-arian at nakikisangkot sa mga kilos na
nagsusulong para sa katarungan at kapayapaan at pagbabago sa lipunan.
(diakonia)
5. Sila ay nagmumula at kabilang sa mga dukha at pinalalakas ang mga
mahihina.

BECs: Pagpapahayag ng Pananaw ng PCP II sa Napagpanibagong Simbahan:

“Ang pananaw ng Simbahan bilang pakikiisa, pakikilahok at misyon, tungkol sa


Simbahan bilang mala-pari, mala-propeta, at mala-haring bayan, at bilang
Simbahan ng mga Dukha – simbahang napagpanibago – ay kasalukuyang nakikita
sa pagpapahayag ng natatanging pagkilos na ito ng simbahan. Ito ay ang
pagsusulong para sa Basic Ecclesial Communities.” (par 137)

Bilang bagong paraan ng pagiging Simbahan, ang mga BEC ay nakikibahagi sa


kalikasan at misyon ng Simbahan.
Kung kaya ang mga BEC ay:
Sambayanan ng mga Alagad
Ang mga kasapi ay namumuhay sa pagsasama-sama o pagkakaisa
Nakikiisa sa misyon ni Kristo
Bilang mala-propeta/nagpapahayag ng ebanghelyo at nagiging saksing
pamayanan
Bilang mala-pari/sumasambang pamayanan/sambayanan
Bilang mala-hari/lingkod na sambayanan
At bilang Simbahan ng mga Dukha.

Sa pamamagitan ng mga BEC, ang simbahan ay nararanasan bilang pamayanan ng


mga alagad.
Ang mga layko ay nakakaranas ang pagkakaisa/komunyon – nararanasan nila ang
pakiramdam ng pagkasangkot, pagkakaisa at pagkakaibigan sa isa’t isa sa kanilang
mga kapitbahayan, pamayanan at parokya.
Ang mga layko ay nagsasabuhay ng kanilang bokasyon bilang bayan ng Diyos na
nakikiisa kay Kristo sa kanyang maka-propeta, maka-pari at maka-haring misyon.
Nakikiisa sila sa misyon bilang mga napagpahayagan at nagpapahayag na
pamayanan – tagapagtaguyod ng makabagong ebanghelisasyon.
Aktibo silang nakikiisa sa mga pangliturhiyang pagdiriwang bilang sambayanan
Pinaglilingkuran nila ang isa’t isa at ang mga nangangailangan at nakikiis sa
pagsulong ng katarungan, kapayapaan, pag-unlad at integridad ng sangnilikha.
Ang simbahan ay nagiging tunay na Simbahan ng mga Dukha – kung saan ang
mga dukha ay hindi lamang patunguhan ng pagkiling ng Simbahan ngunit nagiging
tagapagtaguyod ng mapagpalayang misyon ng Simbahan.

Ang Kultura ng BEC


Ang BEC ay hindi lamang isang gawain o grupo ng kapitbahayan na
nagtitipon upang magnilay sa Salita ng Diyos.
Higit sa lahat ito ay pamamaraan ng buhay, pamamaraan ng pamumuhay, ang
kaganapan ng buhay Kristiyano, pamamaraan ng pakikipag-ugnayan, pag-iisip at
pagkilos, pamamaraan ng pamumuhay bilang mga alagad ni Hesus bilang
pamayanan – bagong pamamaraan ng pagiging Simbahan.
Kaya, maaari nating sabihing ang BEC ay isang kultura – pamamaraan ng buhay
BEC.

Mayroong pitong haligi ng Kultura ng BEC:

1. Pansariling pagpapanibago at Pagbabagong-puso (Metanoia)


2. Komunyon/pag-iisa at pangkalahatang buhay (Koinonia)
3. Ang Salita ng Diyos na pinakikinggan, pinapahayag at pinatototohanan
(Kerygma, Katekesis)
4. Panalangin at pang-Liturhiyang Pagdiriwang (Leitourgia)
5. Paglilingkod/Gawaing panlipunan (Diakonia)
6. Pagkiling para sa mga Dukha
7. Aktibong pakikilahok ng mga kasapi at Lingkod na Pamumuno

Sa ating ikalawang yugto, natalakay na natin ang unang haligi ng kultura ng BEC –
pansariling pagpapanibago at pagbabagong-puso (metanoia).
Module 5:
Pagkakaisa at Ugnayan sa
BEC/MSK (Communion)

Daloy ng mga Gawain

1. Pambungad na Panalangin
2. Pambungad na Awit
3. Pagbasa: Juan 17:20-21, Gawa 2:42-45, 4:32-35
4. Input
5. Workshop: Pagbabahagi sa Maliit na grupo
(gabay na tanong: Paanong ang Komunyon o Pag-uugnayan ay
nararanasan sa BEC? Paano natin ito higit na mapapalalim?)
6. Pag-uulat
7. Pagbubuod at pagsasama-sama ng mga pagbabahagi
8. Pangwakas na Panalangin
Pangwakas na Awit

Input:

Ang pag-uugnayan/komunyon ay tumutukoy sa relasyon ng mga kasapi ng


Simbahan
Ipinapakita ng pagkakaisa, pakikiisa at pagbabahaginan
Na nagmumula sa iisang pananampalataya,
Na ipinagdiriwang sa paghahati ng tinapay (pagsa-salosalo at Yukaristiya(
At konkretong ipinapahayag sa pagbabahaginan ng mga material na pag-aari.

Hindi lamang Salita ng Diyos o Eukaristiya ang pinagbabahaginan ngunit pati na


ang material na bagay.
Ang komunyon na ito ay nagiging posible dahil sa presensya ng Espiritu Santo
Ang Trinidad na komunyon ng mga banal na persona – Ama, Anak at ay ang
pundasyon at modelo ng pansimbahang komunyon.

Ang pagkakaisa at pagbabahaginan ay maaaring maganap sa iba’t ibang lebel ng


Simbahan – maaaring pangkabuuan at lokal, pang-diyosesis at pamparokya,
Sa loob ng mga pamayanan at sa bawat pamayanan,
Sa pamilya at sa bawat pamilya.

Ayon kay Santo Juan Pablo II sa Redemptoris Missio #51:


Ang BEC ay tunay na pagpapahayag ng komunyon at pamamaraan patungo sa
higit na malalalim pang komunyon.

Ang mga BEC ay maaaring sabihing bukal ng mga pansimbahang komunyon.


Sa mga pamayanang ito ang komunyon ay higit na malapit at konkretong
nararanasan.
May pakiramdam ng pagtanggap at responsibilidad para sa isa’t isa.
Ang mga kasapi ay mamuhay bilang pamayanan ng mga kaibigan ng Panginoon.
Pinatutunguhan nila ang bawat isa bilang mga kapuso, kapamilya, kapatid,
kaibigan
Ang pananaw ng Simbahan bilang komunyon ay makatiyak na ang BEC ay hindi
nagiging hiwalay, nagsasarili at paloob na tumitinging pamayanan.
Ito ay nagsusulong ng pagkakaisa at pakikiisa sa ibang BECs.
Ang parokya mismo ang nagiging daluyan o komunyon ng mga BEC.
Ang eklesyolohiya ng komunyon ay nangangailangan na ang BEC ay mapag-isa sa
kanilang mga pastol at mapanatili ang ugnayan sa lokal at pangkabuuang
Simbahan.
Kung wala ang ugnayan, ang mga BEC ay hindi maituturing na pansimbahang
pamayanan o pamamaraan ng pagiging Simbahan.

Ang pagbabahaginan ng mga materyal na ari-arian ay isang mahalagan


pagpapahayag ng komunyon sa Bagong Tipan at sa mga dokumento ng mga
Konseho ng Simbahan.
Ito ay isang pag-iisip na maraming BEC ang sinusubukang isabuhay.
Kaya, maraming mga paunang tulong at mga proyektong napagkukunan ng pondo
na tumutulong sa mga kasaping nangangailangan.
Ang ilang BEC sa mga rural na lugar ay nagtayo ng sakahang pangkalahatan.
Marami ang nagtatag ng mga kooperatiba.
Ang mga kalimitang ginagawang ito ay nagmumula sa prinsipyo ng pakibahagi ng
materyal na bagay at pagsangkot sa pang-ekonomiyang gawain bilang mga
pamayanan.
Sila ay nagbibigay ng mga maaaring pagpapahalaga at maaaring tularan na
pagkilos para sa panlipunan at pang-ekonomiyang pagbabago.
Sa halip na isulong ang mga pagpapahalagang sangkot sa kapitalismo
Tulad ng pagka-makasarili at pagkagumon sa kayamanan, ang mga proyektong ito
ay nagmumula sa itinuturo ng Ebanghelyo tulad ng pagbabahaginan,
pagtutulungan at pampamayanang tungkulin.
Habang ang mga proyektong ito ay minsang natutukoy bilang mga hindi pan-
relihiyosong gawain, sa katunayan sila ay mga konkretong pagpapahayag ng
komunyon – pamayanan ng mga pangangailangan.
Sa pamamagitan ng mga proyektong ito ang BEC ay nakakayang tugunan ang
problema ng kahirapan at pagpapahirap sa iba.
Sa pamamagitan ng prinsipyo ng pangkalahatang pag-aari ng paraan ng paglikha
ng mga produkto at pagbabahaginan, ang BEC ay nakakatulong upang lumikha ng
isang lipunan kung saan walang sinuman ang mangangailangan.
Ito ang magiging kaganapan ng pagiging pamayanang Kristiyano na tinutukoy sa
mga Gawa at papapalapit na Kaharian ng Diyos.

Ang Ikalawang Haligi ng Kultura ng BEC (Komunyon/Koinonia)

Ang mga kasapi ng mga BEC ay dapat na mamuhay ayon sa mga sumusunod:
-Tayo ay pamilya/pamayanan, tayo ay malapit sa isa’t isa, namumuhay tayo bilang
magkakaibigan, kumakalinga tayo sa isa’t isa, inaalagaan natin ang isa’t isa,
nagbabahagi tayo sa isa’t isa ng ating oras, talento at kayamanan,
-Malimit tayong nagsasama-sama upang higit na palalimin pa ang ating ugnayan
-Habang sinisikap nating maging malapit sa isa’t isa, iginagalang natin ang mga
hangganan at iginagalang ang isa’t isa. Hindi natin pagsasamantalahan ang isa’t
isa.
-Tayo ay pamayanan ng magkakapantay at nakikita ang ating pagkakaiba ng mga
tungkulin at biyaya.
-Kapag mayroon tayong mga hindi pagkakasundo, nagsusumikap tayo na
makapag-usap at makapag-ayos.
-Tayo ay naka-ugnay sa ibang kapitbahayan sa loob ng mga BEC, at iba pang BEC
sa parokya, tayo ay bahagi ng mas malaking pamayanan – parokya, diyosesis, at
simbahan sa pangkabuuan.
-Hindi natin inihihiwalay ang ating sarili sa higit na malawak na simbahan kung
saan tayo ay nakakonekta. Sa ganitong pagtingin, ipinapakita natin ang ating
pakikiisa sa ating mga pastol – pari, Obispo, at sa ating Santo Papa.
-Tayo ay bukas sa pakikipag-diyalogo sa pananampalataya at buhay sa mga taong
mula sa ibang pananampalataya at relihiyosong tradisyon – lalo na sa ibang mga
Kristiyanong kabilang sa ibang sekta at pati sa mga Muslim.
Module 6: Ang
BEC/MSK
Mala-Propetang Pamayanan

Daloy ng mga Gawain


1. Pambungad na Awit/Panalangin
2. Pagbasa: Lukas 4:16-18
3. Input
4. Pagbabahaginan sa Maliit na Grupo
(Ano ang iyong karanasan bilang maka-propeta/nagpapahayag ng
ebanghelyong pamayanan? Ano pa ang maaari mong magawa para
maisagawa ang iyong maka-propetang misyon?)
5. Pag-uulat
6. Pagbubuod ng mga Pagbabahagi
7. Konsensus/Pagtatalaga ng Sarili (Ano ang nais ng pamayanan)
8. Panalangin ng mga Kahilingan
9. Pangwakas na Panalangin at Awit

Input:

Ang misyon ni Kristo ay maka-propeta.


Siya ay dumating upang ipahayag ang Mabuting Balita ng Kaharian ng Diyos –
ang Mabuting Balita ng Kaligtasan.
Itinakwil niya ang kasalanan at kasamaan at lahat ng nagpapakita nito.
Tinatawag niya ang mga tao para sa pagbabagong-puso.
Ipinagpapatuloy ng Simbahan ang misyon ni Kristo – simbahan bilang maka-
propetang bayan, nagpapahayag at nagsasabuhay na pamayanan ng ebanghelyo.

Ang lahat ng mga Kristiyano, dahil sa kanilang binyag, ay nakikibahagi sa misyon


ni Kristo. Ang misyong ito ay dapt na isabuhay hindi lamang bilang sarili kung
hindi pati na rin bilang nasa pamayanan at bilang pamayanan.
Ang mga BEC, na bagong daan ng pagiging Simbahan, ay maka-
propeta/nagsasabuhay na pamayanan.
Sila ay nakikibahagi sa maka-propetang misyon ni Kristo at ng Simbahan.

Sila ay mga napagpahayagan na mga pamayanan na nakikinig sa Salita ng Diyos.


Hinahayaan nila ang kanilang mga sarili na hipuin ng Salita ng Diyos,
Pagbaguhin ng Salita ng Diyos.
Ang mga BEC ay bunga ng ebanghelisasyon – ng pagpapahayag ng Salita – at
patuloy silang lumalago sa pamamagitan ng patuloy na ebanghelisasyon.

Ang mga BEC ay nagiging tagapagpahayag ng ebanghelisasyon, nagbabahagi ng


kanilang pananampalataya at nagpapahayag ng Salita ng Diyos sa iba, inaabot ang
mga malayo sa Simbahan, tumatawag para sa pagbabagong-puso at upang
mamuhay bilang mga tunay na misyonerong alagad ni Kristo.

Pinapalalim nila ang kanilang pagkaunawa sa kanilang pananampalataya sa


pamamagitan ng regular na katekesis.
Ito ay nangangailangan ng pagkakatuto sa mga turo at doktrina nga Simbahan at
ibinabahagi ito sa iba.
Bilang mga nagsasabuhay na pamayanan, ang mga BEC ay kailangang
magsabuhay rin ng Salita ng Diyos.

Ang maka-propetang misyon ng mga BEC ay hindi lamang sa gawain ng


ebanghelisasyon at katekesis.
Nangangailangan rin ito ng paghuhubog ng budhi at pagiging konsesya ng lipunan.
Nangangahulugan ito ng pag-alam kung ano ang tama at mali, ano ang mabuti at
masama at itinuturo ito sa iba,

Ang mala-propetang misyon ay may pagpapahayag at pagtatakwil.


1. pagpapahayag ng mensahe tungkol sa pagdating ng kaharian ng Diyos –
mensahe ng kaligtasan, ng katarungan, kapayapaan at kalayaan.
2. pagtatakwil at pagbabatikos sa kasalanan at kasamaan sa lipunan
(halimbawa; ang pagsamba sa kapangyarihan at kayamanan, kawalang
katarungan, pang-aapi, at kultura ng kamatayan).

Ang mga programa at mga gawaing ito ang konkretong nagpapahayag ng maka-
propetang katangian ng mga BEC.
seminar para sa ebanghelisasyon at iba pang mga seminar (bible-seminar)
pamayanan o kapitbahayan bible-sharing, ebanghelisasyon sa pamilya, programa
para sa kaalamang panlipunan,
kaalaman ukol sa katarungan,
pang-kateketikong programa (para sa mga bata, kabataan, at mga matatanda)

Ang madalas na gawain ay ang bible-sharing/reflection kung saan ang mga kasapi
ng mga BEC ay nagtitipon sa kanilang mga tahanan o sa kanilang kapilya upang
magnilay sa Salita ng Diyos at sa kanilang konkretong kinalalagyan.
Sa liwanag ng kanilang pananampalataya sila nagninilay para sa kanilang
konkretong pagtugon

Maraming paraan sa pagbabahaginan ng Salita ng Diyos.


Ang pamayanan ang bahala kung aling paraan ang kanilang gagamitin.
Hindi nila kailangang pumili at gumamit ng iisang paraan lamang sa
pagbabahaginan ng Salita.

Ang mga pagbasa ay kalimitang kinukuha mula sa mga pagbasa sa darating na


Linggo.
Maaari ring pumili ng anumang pagbasa na naaangkop sa kanilan sitwasyon o
okasyon.

Simple Bible-sharing (Bibliambit)


1. Pambungad na Awit/Panalangin
2. Pagbasa ng Salita
3. Tahimik na Pagninilay
4. Pagbabahaginan ng mga Pagninilay
5. Panalangin ng Bayan
6. Panalangin ng Pagpapasalamat/Panghuling Awit

Makalipang
1. Maayong Balita – Pagbasa ng Ebanghelyo
2. Kasinatian – Pagbabahaginan ng Pagninilay sa Ebanghelyo mula sa kanilang mga
karanasan
3. Lihok – Pagtatalakayan o pagpaplano kung ano ang gagawin bilang tugon sa kanilang
mga pangangailangan o problemang kinakaharap
4. Pangamuyo – Panalangin ng Paghingi ng tulong at Pangwakas na Panalangin

Pitong-hakbang (Seven-Steps Gospel Sharing)


1. Anyayahan natin ang Panginoon (Pambungad na Panalangin)
2. Babasahain natin ang salita (Pagbasa ng Ebanghelyo)
3. Pipili tayo ng kataga/salita/parirala at pagninilayan ito
4. Hahayaan natin na magsalita ang Diyos sa atin sa katahimikan
5. Ibabahagi natin kung ano ang ating narinig sa ating puso
6. Tatalakayin natin ang ating mga gagawin
7. Mananalangin tayo

Modified Lectio Divina


1. Invocatio (Pagdamdam sa presensya ng Diyos)
2. Proclamatio (Pagbasa sa Salita)
3. Meditatio (Pagninilay sa Salita – sinusubukang unawain ang salita – Ano ba ang nais
sabihin ng Diyos sa akin)
4. Oratio (Ang panalangin na nagmumula sa mga pagninilay – Ano ang nais nating sabihin
sa Diyos)
5. Contemplatio (Tahimik na pagninilay sa presensya ng Diyos)
6. Collatio (Pagbabahaginan sa pampraktikal na pagtingin sa pagbasa, paggawa ng mga
resolusyon, - sa ano ba ang kailangang gawin, mga gagawing pagbabago para sa sarili at
sa mga sitwasyon)
7. Actio (Pagpaplano para sa mga gagawin)

Mayroon rin mga BEC na gumagawa ng family evangelization sessions (Visita


Familia).

Pinupuri ni Santo Juan Pablo ang mga BEC “mga instrumento ng paghuhubog at
ebanghelisasyon… paraan ng ebanghelisasyon at pagpapahayag ng Mabuting
Balita”
Kinikilala naman ni Papa Francisco ang bahagi ng mga BEC bilang
tagapagtaguyod ng ebanghelisasyon: “Ang BEC ay pinagmumulan ng pag-unlad sa
Simbahan at itinataas ng Espiritu para sa ebanghelisasyon sa ibang lugar at
sektor” (Mensahe para sa BEC Assembly sa Brazil 2013, mula sa EG 29)

Ang ikatlong Haligi ng Kulturang BEC (Kerygma)

Ang mga kasapi ng BEC ay dapat mamuhay sa mga sumusunod:

-Ang Salita ng Diyos na naitala sa Bibliya at pinagnilayan sa mga tradisyon at turo


ng Simbahan bilang gabay sa buhay
-Tayo ay laging nagtitipon upang makinig at magbahaginan sa Salita ng Diyos
-Hinahayaan natin na ang Salita ng Diyos ay hamunin tayo patuloy na pagbaguhin
nito ang ating buhay.
-Ipinapahayag natin ang Salita ng Diyos sa iba, pagbabahagi ng Mabuting Balit
nang may kagalakan.
-Patuloy tayong nag-aaral upang higit na palalimin ang ang ating kaalaman ant
pagka-unawa sa Salita at sa mga turo ng Simbahan.
-Pinanghahawakan natin ang turo ng Simbahan sa mga aspeto ng pananampalataya
at moralidad – kasama na ang panlipunan nitong mga turo na nagtataguyod sa
kapayapaan, katarungan, kalayaan, karapatang-pantao at paggalang sa buhay.
-Kung kinakailangan ay magpapahayag at magsasalita tayo laban sa anumang
nagpapakita ng kasamaan at kultura ng kamatayan sa paligid natin – tulad ng;
aborsyon, digmaan, mataas na kapitalismo, kawalang-katarungan, pang-aapi,
kurapsyon, paglabag sa karapatang-pantao, pagsira sa ekolohiya, atbp at isabuhay
it pang-araw araw.
-Namumuhay tayo at nagsasabuhay ng Mabuting Balita. Handa nating tanggapin
ang kapalit at mga tungkulin ng ating maka-propetang misyon – pagtatakwil, pag-
uusig at maging pagka-martir.
Module 7: MSK/BEC – Mala-Pari,
Sumasambang Pamayanan

Daloy ng mga Gawain


1. Pambungad na Awit/Panalangin
2. Pagbasa 1 Pedro 2:1-10
3. Input
4. Pagbabahaginan sa Maliit na Grupo
(Ano ang iyong mga karanasan bilang maka-pari/sumasambang
pamayanan? Ano pa ang maaari mong gawin upang maisakatuparan ang
misyong ito?)
5. Pag-uulat
6. Pagbubuod ng mga napagbahaginan
7. Konsensus/Komitment (Ano ang nais gawin ng pamayanan?)
8. Panalangin ng Paghingi
9. Pangwakas na Panalangin at Awit

Input:

Madalas nating iniuugnay ang pagkapari sa mga na-ordinahan lamang.


Ngunit, kailangan din nating alalahanin na ang Simbahan mismo – ang
sambayanang Kristiyano ay – mala-paring sambayanan.
Ito ang binibigyang pansin ng pagbasa mula sa 1 Pedro 2:1-10
Ito rin ang pinag-uugatan ng turo ng Vatican II na nagpapahayag na ang buong
Simbahan bilang maka-paring sambayanan ay nakikibahagi sa pagkapari ni Kristo.

Sumasang-ayon ang sulat sa mga Hebreo na si Kristo ang pinakapunong pari.


Ngunit ang pagkapring ito ay ipinapahayag hindi sa pag-aalay ng mga hayop nguni
sa pag-aalay ng kanyang katawan at dugo sa krus.
Ang pag-aalay ng tinapay at alak sa huling hapunan na sinabing ni Hesus bilang
kanyang katawan at dugo ay nagbibigay ng kahulugan sa pag-aalay niya ng sarili
sa krus sa Kalbaryo.
Ang kanyang mga tagasunod ay nagsasama-sama ayon sa pag-aalaala sa kanya at
ipagdiwang ang kanyang pag-aalay ng sari sa krus na nagbigay ng kaligtasan sa
buong mundo at pinasinayaan ang kaharian ng Diyos.

Ang lahat ng nabinyagan – kasama ang mga layko ay nakikibahagi maka-paring


misyon ni Kristo at ng Simbahan.
Ito ay naisasagawa sa aktibong pakikiisa sa pang-liturhiyang pagdiriwang. (lalo na
sa Eukaristiya)
Binibigyan diin ng Vatican II sa Sacrosanctum Concilium ang buo at aktibong
pakikiisa sa liturhiya.

Nangangahulugan ito na ang liturhiya – lalo na ang Eukaristiya ay dapat nakapag-


anyaya para sa pakikiisa.
Hinid lamang ito gawain ng tagapamuno – ngunit kailangan ito ay maging
pagdiriwang ng buong sambayanan
Ito rin ay nangangailangan ng aktibong pakikiisa sa paghahanda ng liturhiya, sa
mga panalangin, at sa pag-awit.

Ang pagkaparing ito ay naipapahayag din sa pamamagitan ng mga panalangin at


iba pang mga debosyon – tulad ng rosaryo, nobena, prusisyon, pagdiriwang ng
mga kapistahan, atbp.
Ito rin ay nasusunod sa pamamagitan ng pamumuhay ng banal – buhay pag-aalay
ng sarili – kabilang ang pag-aalay ng katawan at dugo – para sa iba kung
kinakailangan.

Ang pagka-paring ito ay hindi lamang naisasabuhay sa pansariling paraan ngunit


maging sa pamayanan – sa pamamagitan ng BEC.

Kaya, ang mga BEC sa katangian at misyon nito ay isang maka-paring pamayanan.
Ito ay pamayanang sumasamba.
Ito ay nagiging makatotohanan sa tuwing ang mga kasapi ng pamayanan ay
nagtitipon upang aktibong makiisa sa pagdiriwang ng liturhiya – lalo na ng Banal
na Misa – ang Banal na Eukaristiya.
Kaya, ang misa ay hindi lamang pagdiriwang ng simbahan sa parokya kundi pati
na ng mga BEC sa lokal na pamayanan sakop ng parokya.

Sa mga BEC, ang misa ay ipinagdiriwang ng isang beses sa isang buwan o


makalipas ang dalawang buwan.
Ang misang ito ay higit na malaking pagdiriwang at makahulugan.
Ito ay pagdiriwang ng tunay na pamayanan na ang mga kasapi ay hindi iba sa
bawat isa, kilala nila ang isa’t isa, nakakapamuhay sila ng komunyon – sa
pagkakaisa, pagkakaibigan at pagbabahaginan.
Kaya ito ay pagdiriwang ng pakikipag-isa kay Kristo at sa isa’t isa.
Sa ilang mga BEC, mayroong mga tinatawag na agape pagkatapos ng Eukaristiya
(mula sa Misa patungong Mesa)
Walang kaukulang halaga na ibinibigay para sa pari sa mga misang ito. Ito ay
boluntaryong pag-aalay. ito rin ang pagkakataon kung kailang ang mga miyembro
ng pamayanan ay maarig magdala ng kanilang mga alay (modified tithing).

Mayroon ring mga parokya na may misa para sa mga BEC sa kanilang simbahan
mismo.
Nangangahulugan ito na ang mga BEC na malapit sa parokya ay maaaring maging
sponsor sa Misa sa Linggo.
Ang pag-e-esponsor sa misa ay nangangailangan na ang tagapagbasa ay
manggagaling mismo sa BEC, ang mga miyembro ng BEC ang magdadala ng mga
alay, at kahit ang choir ay mula rin sa mga BEC.

Ang mga misang may nobena sa paghahanda sa pista ay maaari ring esponsoran ng
mga BEC Zones. Ang Misa de Gallo bago ang pasko ay maaari rin.

Dahil ang mga BEC ay hindi makakapagdiwan ng Misa linggo-linggo, ang mga
kasapi at iba’t ibang selda ng kapitbahayan o grupo ng mga pamily ay maaari pa
ring sama-samang pumunta tuwing Linggo o Sabado ng gabi para sa Liturhiya ng
Salita na walang Pari. Ito rin ay kilala bilang Kasaulogan sa Pulong, Panimbahon,
Katilingbanong Pag-ampo, atbp.
Sa ibang mga parokya sa rural, mayroong tinatawag na Bible Service na maaaring
makapangumunyon ang mga tao.
Ang mga pagbasa para sa araw ng Linggo an ginagamit.
Ang Liturhiyang ito ay pinangungunahan ng isang lider-layko na pinamamahalaan
at sinasanay sa parokya.
Ang mga selda ng BEC ay maaring maging sponsor ng panlingguhan Bible-
Service o Liturhiya ng Salita.

Ang iba pang uri ng mga debosyon at panalangin ay maaaring gamitin sa mga BEC
tulad halimbawa:
Lingguhang nobena sa Ina ng Laging Saklolo (Miyerkules), Block Rosary (lalo na
sa buwan ng Rosaryo), Via Crucis/Daan ng Krus (tuwing Biyernes sa panahon
Kwaresma), para-Liturgy services sa Mahal na mga Araw lalo na sa mga BEC na
nasa malayong lugar, atbp.
Ang pagdiriwang ng kapistahan at mga nobena para sa mga santo ay maaari ring
ipagdiwang ng mga BEC.

Ang paghahanda para sa mga sakramento (pre-Baptisma, pre-Confirmation, atbp)


ay maaaring isagawa sa mga BEC.

Ang Bible-Service para sa mga maysakit na miyembro ng mga BEC ay maaari ring
gawin sa mga bahay o sa kapilya.

Para sa mga BEC sa rural o sakahang lugar, ang ritwal para sa pagtatanim at pag-
aani ay maaaring ipagdiwang sa sakahan.
Ang mga BEC ay nagsusumikap na pagsamahin ang kanilang buhay at mga
pinagdadaanan sa liturhiya.
Para sa mga BEC na kasangkot sa pangangalaga ng kapaligiran – sila man ay
lumalaban sa ilegal na pamumutol ng puno o mina – sila ay maaaring magdiwang
ng Bible-service o magdiwang ng misa kasama ang kanilang pari bago, habang, at
pagkatapos ng kanilang gawain.
Ang mga BEC na sangkot sa pagtataguyod ng kapayapaan ay maaari ring
magkaroon ng pang-Liturhiya o panalangin.
Maaari ring magkaroon ng Liturhiya para sa BEC na nagsisimula sa kanilang
Income Generating Projects o programang pangkabuhayan.

Maaaring bumuo ang mga BEC ng komite para sa liturhiya na mamamahala sa


mga pagpaplano at paghahanda ng mga liturhiya sa BEC.
Kaya, ang mga Panalangin at Liturhiya ay mahalagang bahagi ng kultura ng BEC

Ika-apat na Haligi ng Kulturang BEC: Panalangin at Eukaristiya (Leitourgia)

Ang ating relasyon sa Diyos at sa isa’t isa ay maaaring palalimin sa pamamagitan


ng panalangin.

Naglalaan tayo ng panahon para sa personal na pananalangin.

Tayoo ay nagtitipon-tipon kahit isang beses sa isang linggo para sa panlahatang


pananalangin o pang-liturhiyang pagdiriwang.l
Tayo ay nagsasama-sama bilang isang pamayanan upang magdiwang ng
Eukaristiya (depende sa panahon ng pari – isang beses sa isang buwan o dalawang
buwan)

Ipinagdiriwang natin ang ating kapistahan at mga pang-liturhiyang panahon bilang


isang pamayanan – Adbiyento, Pasko, Kwaresma at Panahon ng Pagkabuhay.

Buong-puso at aktibo tayong nakikilahok sa mga pang-liturhiyang pagdiriwang sa


ating pamayanan at sa parokya.

Nagsusumikap tayo na gawing makahulugan at maka-kultura at naka-ugnay sa


ating pang-araw araw na buhay pati mga pagsubok ang ating mga pang-liturhiyang
pagdiriwang.
Module 8: MSK/BEC
Mala-Hari, Naglilingkod na
Pamayanan
Daloy ng mga Gawain
1. Pambungad na Awit/Panalangin
2. Pagbasa: Santiago 2:14-20
3. Input
4. Pagbabahaginan sa Maliit na Grupo
(Ano ang iyong mga karanasan bilang maka-hari/lingkod na pamayanan?
Anu-ano ang mga problema na inyong nakaharap bilang pamayanan at ano
ang maaari ninyong gawain upang maisakatuparan ang misyong ito?)
5. Pag-uulat
6. Pagbubuod ng mga pagbabahagi
7. Konsensus/Komitment (Ano ang nais gawin ng pamayanan?)
8. Panalangin ng Paghingi
9. Pangwakas na Panalangin at Awit

Input:

Ang ministeryo ni Hesus ay hindi lamang binubuo ng pagpapahayag sa pagdating


ng kaharian ng Diyos. Hindi lamang siya tumugon sa espiritwal na
pangangailangan ng mga tao.
Pinagaling niya ang mga maysakit, inaruga ang mga naaapi, pinakain ang mga
nagugutom, kinalinga niya ang mga dukha.
May malasakit siya para sa mga maliliit at sa mga nahihirapan.
Ang mga himalang kanyang ginawa na nakakapagpalaya ay hindi lamang
ekspresyon ng kanyang pag-ibig at malasakit,
ito ay nagpapakita at nagpapahayag ng presensya ng kaharian ng Diyos.
Siya ay dumating upang itatag at pasinayaan ang kaharian ng Diyos.
Nagsumikap siya upang magapi ang kasamaan.
Ang lahat ng mga ito ay pagpapakita ng kanyang maka-haring misyon.
Ang kanyang pagka-hari ay naisasabuhay niya hindi sa pamamagitan ng
kapangyarihan ngunit sa pamamagitan ng paglilingkod niya.
Siya ay naparito upang maglingkod at hindi upang paglingkuran. Si Kristong Hari
ay lingkod ng lahat.

Ang Simbahan, ayon sa Vatican II, ay maka-haring bayan na nagpapatuloy sa


maka-Hari/lingkod na misyon ni Kristo.

Ang maka-Haring misyon ng Simbahan ay misyon ng paglilingkod na


ipinapahayag sa pagsusumikap nitong labanan ang paghahari ng kasamaan sa puso
ng mga tao at sa lipunan at sa mga gawain para sa Kaharian.
Kung kaya ang simbahan ay tinatawagan bilang Lingkod na pamayanan – lingkod
ng Diyos at ng sangkatauhan, lingkod ng kaharian.
Ang Simbahan ay patuloy na kumikilos upang ang kaharian ng Diyos ay maitatag
sa mundo at sa buhay ng bawat tao.

Ang mga gawain para sa kaharian ay nasa mga paraang na nagdadala ng


pagbabago sa lipunan:
Gawain mula sa pag-ibig
Gawain para sa pag-unlad at paglago
Pagtataguyod ng katarungan at kapayapaan
Pagtatanggol sa karapatang-pantao
Pagpapahalaga sa integridad ng nilikha (kapaligiran)
Pagsusulong ng higit na kalayaaan.

Ang mga layko ay tinatawagang maging aktibong kalahok ng Simbahan sa misyon


nito sa lipunan lalo na sa mga aspetong malapit sila – sa ekonomiya, pulitika,
kultura, kapaligiran, atbp.

Ang aktibong nakikiisa sa maka-Haring misyon ni Kristo.


Dahil ang maka-Haring misyon ay naipapahayag sa paglilingkod, ang mga BEC ay
inaanyayahang maging mga lingkod na pamayanan.
Sila ay nakikiisa sa pagtatatag ng kaharian ng Diyos dito sa lupa sa pamamagitan
ng pagtataguyod ng kapayapaan at katarungan, integral na pag-unlad at kalayaan,
at sa integridad ng nilikha.
Narito ang ilang programa at gawain nagpapahayag o nagpapakita ng maka-
Hari/Lingkod na katanginan ng mga BEC:

a. panlipunan at pang-ekonomiyang proyekto na tumutugon sa


pangangailangan ng mga tao – proyektong pangkabuhayan, kooperatiba,
panlahatang pagsasaka, organic na pagsasaka, community-based health
program, kaukulang teknolohiya, atbp.
b. kampanya para sa ekolohiya: laban sa ilegal na pagputol ng mga puno, laban
sa mga dam, laban sa mina, muling pagtatanim ng mga puno, atbp.
c. pagtataguyod at pagtatanggol sa karapatang-pantao
d. pagtulong sa mga botante at pagkilos para sa malinis at tapat na eleksyon.
e. pagtataguyod ng kapayapaan, pagtatatag ng mga lugar pangkapayapaan,
diyalogo sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano,
f. protesta laban sa mga polisiya ng gobyerno (VFA, Charter Change, RH
Law, atbp.)

Ang mga uri ng mga gawain na isinasagawa ng BEC ay depende sa konkretong


sitwasyon at pangangailan ng mga tao.
Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, ang BEC ay maaaring maging instrumento
ng panlipunang pagbabago.
Sa Redemptoris Missio, tinawag ni Juan Pablo II ang mga BEC bilang
tagapagtaguyod ng pagbabago sa lipunan: “Sila ay naka-ugat sa mga maliliit at
malalayong lugar, at nagiging pampaalsa ng Kristiyanong pamumuhay, ng
pagkalinga para sa mga dukha, at ng komitment para sa pagbabago sa lipunan.”
(RM 51)

Ang ikalimang Haligi ng Kultura ng BEC: Panlipunang Gawain (Diakonia)

Tayo ay nananalig na ang pananampalataya na walang kaakibat ng mabuting gawa


ay patay. Ang pananampalataya ay kailangang ipakita sa ating buhay ng
paglilingkod.

Bilang isang pamayanan tayo ay nag-aalala para sa ating mga kapatid na nasa
pangangailangan at ipinapakita natin sa kanila ang ating pagmamahal at pagkalinga
sa kanila sa konkretong pamamaraan.

Tayo ay nagtitipon upang tingnan ang ating kalagayan – panlipunan, ekonomiya,


pulitika, ekolohiya.
Tinutukoy natin ang mga problema, isyu at mga pangangailangan na kailangan
nating tugunan bilang isang pamayanan.

Tayo ay aktibo na nakikiisa sa mga proseso ng pagpaplano, pagpapatupad at


ebalwasyon sa mga programa at mga proyekto na ating itutugon sa mga natukoy na
problema at pangangailangan.

Tayo ay ginagabayan ng mga panlipunang turo ng Simbahan, lalo na ng prinsipyo


para sa kabutihan ng lahat, pangkabuuang pag-unlad, dignidad ng tao, katarungan,
kapayapaan, integridad ng sangnilikha. Itinatatag natin ang kaharian ng Diyos at
ang mga pagpapahalaga nito dito sa lupa.

Ibinabahagi natin ang ating panahon, talento at kayamanan sa ating pamayanan


upang maisakatuparan ang ating misyon.
Nakikipag-ugnayan tayo sa ating mga pamayanan, grupo at mga taong may
mabuting loob sa pagsusumikap para sa panlipunang pagbabago.
Hindi natin hinahayaan ang ating sarili na magamit at makontrol ng mga
ideolohiya, partidong pulitikal at mga kilusan.

Itinatakwil natin ang terorismo at kaguluhan bilang daan upang makapagdala ng


pagbabago sa lipunan at sundan ang landas ng kapayapaan at aktibong laban sa
kaguluhan.
Module 9: MSK/BEC
Simbahan ng mga Dukha

Daloy ng mga Gawain

1. Pambungad na Awit/Panalangin
2. Pagbasa: Lukas 6:20-23 o Mateo 25:31-45
3. Input
4. Pagbabahaginan sa maliit na grupo
(Ang inyo bang mga BECs ay nagiging tunay na Simbahan ng mga Dukha?
Kung oo, sa anong paraan? Anu-ano ang iyong mga karanasan ukol dito?)
5. Pag-uulat
6. Pagbubuod ng mga pagbabahagi
7. Konsensus/Komitment (ano ang nais gawin ng pamayanan)
8. Panalangin ng Paghingi ng tulong
9. Pangwakas na Panalangin at Awit

Input:

Si Hesus ay isinilang ng dukha kabilang sa mga dukha.


Ang unang tumanggap sa kanya ay ang mga dukha.
Lumaki siya kasama ng mga dukha.
Kung kaya, ang Anak ng Diyos ay hindi lamang naging tao, ngunit naging dukha
rin. Sa pamamagitan nito, pinili ni Hesus na kumiling sa mga dukha.

Ang kahirapan ni Hesus ay hindi lamang kahirapan sa buhay (o sa uri ng


pamumuhay)
Ngunit kahirapan rin sa kanyang tunay na kalikasan sa pamamagitan ng lubos na
pag-asa o pag-depende sa Ama.
Ang kahirapang ito ay tinatawag na kenosis, paglimot sa sarili na tinutukoy ni San
Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Filipos (Filipos 2:6-11)
Kung kaya, ang mga ginawa ni Hesus tulad ng ibang tao lalo na sa kahirapan,
pang-hihiya, pagtatakwil, at kamatayan sa krus ay maaaring tawaging kenosis o
paglimot sa sarili.

Ang mga mahihirap ang pangunahing paksa at patunguhan ng mga pangangaral at


paggawa ni Hesus.
Ipinahayag ni Hesus ang Mabuting Balita sa mga dukha.
Marami sa mga himalang kanyang ginawa ay para sa mga dukha – pagpapakita ng
kanyang malasakit.
Tinawag ni Hesus na mapapalad ang mga dukha dahil sumasakanila ang kaharian
ng Diyos.
Itinuring ni Hesus ang kanyang sarili bilang isang dukha.
“…, nang gawin ninyo ito sa isa sa mga alagad ko, siya man ang pinakahamak, ako
ang inyong tinulungan.” (Mateo 25:31-46)

Ipinahayag niya ang lahat ay huhusgahan ayon sa kanilang pag-ibig at malasakit


para sa mga dukha. Ang mga dukha ang kumakatawan sa mukha ni Kristo.

Tulad ni Hesus, tayong kanyang mga alagad ay dapat magpakita ng ating malasakit
sa mga dukha, pagkiling sa mga dukha, at magkaroon ng labis na pag-ibig para sa
mga dukha at pakikiisa sa mga dukha.
Ang ating mapagpalayang mga pagkilos ay para sa mga dukha at naisasagawa
kasama ng mga dukha. Tulad ni Hesus, ito ay nangangailangan ng lubos na
paglimot sa sarili – kenosis – hindi paghawak sa kapangyarihan, kayamanan at
luho o pagkilala ngunit maging aba at mababang-loob na lingkod, pagiging isa sa
mga dukha, pagtingin sa pamamagitan ng mata ng mga dukha, paghihirap kasama
ang mga dukha.

Ang Simbahan ay tinatawagan upang maging Simbahan ng mga Dukha.


Ayon kay Papa Francisco:
“Ito ang dahilan kung bakit nais ko ang isang Simbahan na dukha at para sa
mga dukha. Hayaan natin an gating sarili na mapagpahayagan nila…
Tinatawagan tayo na hanapin si Kristo sa kanila, ipahiram ang ating mga
tinig para sa kanila at maging kaibigan sila,
Makinig sa kanila, makipag-usap sa kanila at yakapin ang misteryosong
karunungan na nais ibahagi sa atin ng Diyos sa pamamagitan nila”
(Evangelii Gaudium 168)

Ang pananaw na ito ng Simbahan ay unang ipinahayag ni Papa Juan XXIII na


nanguna sa Vatican II. Ayon sa Lumen Gentium 8:
“Kung paanong isinakatuparan ni Kristo ang kanyang pagliligtas mula sa
kahirapan at pang-aapi, gayundin ang Simbahan ay tinatawag na sumunod sa
parehong landas kung nais niyang ibahagi ang bunga ng kaligtasan sa iba.
‘Si Kristo Hesus, kahit na siya’y likas at tunay na Diyos, hindi niya
ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang hinubad
ang pagiging kapantay ng Diyos. At naging katulad ng isang alipin.
Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao. (Filipos 2:6-7). At Hindi
kaila sa inyo ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Hesu-Kristo, kahit
na mayaman, nging mahirap siya upang mapayaman kayo sa pamamagitan
ng kanyang pagiging mahirap.
Tulad nito, ang Simbahan, kahit na nangangailangan ng mga tao upang
maisakatuparan ang kanyang mga misyon, ay hindi itinatag upang
magkaroon ng dangal na makalupa, ngunit magpahayag, sa pamamagitan ng
kanyang halimbawa, kababaang-loob at pagtanggi sa sarili.”

Binibigyang-diin ng artikulong ito ang ideya ng kenosis – paglimot sa sarili ni


Kristo.
Ang simbahan din ay dapat sumailalim sa tinatawag na kenosis.
Maliban sa pagsunod sa landas ng maka-ebanghelyong kahirapan, ang Simbahan
ay tinatawag upang itaas ang kondisyon ng mga dukha, maglingkod sa mga dukha.
Kaya, ang Simbahan, ay sumusunod sa halimbawa ng kahirapan ni Kristo at sa
kanyang pagkalinga sa kanila.

Unang itinaas ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) ang


pananaw ng Simbahan bilang Simbahan ng mga Dukha noon 1971 sa isang sulat
pam-pastoral:
“Malaking bahagi ng ating mga kababayan ay namumuhay sa mga
kondisyon na araw na araw ay hindi na nagiging maka-tao at hindi kayang
tiisin. Sila ay mga dukha. Sila ay mahina. Pinagkaitan sa pang-ekonomiya,
walang kapangyarihan sa pulitika, madali silang mabiktima ng anumang uri
ng walang-katarungang pang-aabuso… Ang Simbahan sa Pilipinas ay
nakikita na dapat siyang maging higit na Simbahan ng mga Dukha… Hindi
ito nangangahulugan na ang mga mayayaman at makapangyarihan ay
inihihiwalay na sa buhay ng Bayan ng Diyos; sa kabilang banda, ito ay isang
seryosong paanyaya sa kanila upang makiisa nang higit pa sa buhay na iyon.
Upang maging handa sila na magbigay sa mga dukha at sa mga mahihina ng
anumang nararapat sa kanila sa ngalan ng katarungan: kabahagi sa yaman
ng ating bayan na nararapat sa ating dignidad; kabahagi sa kapangyarihan na
kailangan nila upang maging mga malayang mamamayan.”
Ang pananaw ng Simbahan ng mga Dukha ay inako ng PCP II. Ayon sa PCP II,
ang Simbahan ng mga Dukha ay hindi nangangahulugan na ang simbahan lamang
ng mga dukha at ihiwalay ang mga mayayaman, sapagkat ang Simbahan ay dapat
na yakapin ang lahat, mahirap man o mayaman (PCP II 124)

Mayroong labindalawang talata na inilaan para sa Simbahan ng mga Dukha


na mayroong sumusunod na tema:

1. Pagyakap at pagsasabuhay ng maka-ebanghelyong kahirapan


2. Natatanging pagmamahal para sa mga dukha
3. Pag-ibig sa pagkiling para sa mga dukha.
4. Hindi pang-aapi sa mga dukha
5. Atensyon para sa preference
6. Pakikiisa at pakikipagtulungan sa mga dukha
7. Pagtatanggol at pagbabantay para sa karapatan ng mga dukha
8. Ang mga dukha bilang mga napagpahayagan at mga tagapagpahayag
9. Simpleng pamumuhay ng mga pastol at pinuno
10.Pagbabago ng sentro ng mga pamayanan para sa mga dukha
11.Pagsunod kay Kristo sa pamamagitan ng kahirapan
12.Aktibong pakikiisa ng mga dukha sa misyon ng Simbahan

Tatlong kahulugan ang maaaring makuha mula sa labindalawang talata:


1. Pagyakap sa maka-ebanghelyong kahirapan, pagbabahagi at pamumuhay sa
kasimplehan (3 par)
2. Pagkiling para sa mga dukha (7 par)
3. Aktibong pakikiisa sa mga dukha sa buhay at misyon ng Simbahan (2 par)

Kaya, ang Simbahan ng mga Dukha ay nangangahulugan na:


1. Dapat yakapin ng mga pinuno at kasapi ng Simbahan ang maka-
ebanghelyong kahirapan, mamuhay ng simple, ibahagi ang kanilang ari-
arian sa mga dukha.
2. Ang mga hindi dukha (lalo na ang mga kaparian, relihiyoso, at ang mga
nakaluluwag) ay tinatawagan para sa pagkiling sa mga dukha, makiisa sa
mga dukha at ipagtanggol ang kanilang karapatan.
Ang ebanghelisasyon, katekesis at mga programang panlipunan ay dapat
nakatuon sa mga dukha.
3. Ang mga dukhang kasapi ay binibigyang-lakas at tinatawagan na aktibong
makiisa sa buhay at misyon ng Simbahan at para sa pagbabago ng lipunan.
Ang mga BEC ay konkretong pagpapahayag ng Simbahan ng mga Dukha

Ang mga BEC ay nagmula kabilang sa mga dukha – nagpapakita na ang


pangunahing pinagkakatuunan ay ang mga dukha (sentro ng pagtingin)
Sa pamamagitan ng mga BEC, ang mga dukhang kasapi na inilayo na ay
nakakaramdam na sila ay kabilang (komunyon) sa Simbahan
Nabibigyan sila ng pagkakataon na aktibong makiisa sa maka-propeta, maka-pari
at panlipunang misyon ng Simbahan.

Malaking bahagi ng mga kasapi ay nagmumula sa mga dukha


Sa mga BEC, ang mga dukha ay nakakaranas ng maka-simbahang komunyon –
nararamdaman nilang sila ay tinatanggap, alam nila na sila tanggap at pagkakaisa,
pakikiisa sa loob ng pamayanan at sa buong Simbahan.
Mayroon kaisahan sa pagitang ng mga dukha at hindi.
Mayroong pantay na pagtingin at dignidad.
Ang mga dukha ay nakakatanggap mula sa pagbabaginan sa mga pamayanan –
pagbabahagi ng panahon, talento at kayamanan.
Sila rin ay nakakapagbahagi kahit na ang pinakamaliit na mayroon sila.

Sa mga BEC, ang mga dukha ang pinagtutuunan ng ebanghelisasyon – ang


Mabuting Balita ng kaligtasan at paglaya ay ipinapahayag sa mga dukha.
Ang mga dukha rin ay nagiging mga tagapagpahayag – tagapagdala ng Mabuting
Balita.
Ang mga dukha ay aktibong nakikiisa sa maka-propetang misyong ni Kristo at ng
Simbahan.
Ang mga hindi dukha ay napapagpahayagan ng mga dukha. Hindi lamang sa
pamamagitan ng kanilang mga salita ngunit maging ng kanilang pagiging saksi sa
buhay at simpleng pananampalataya.

Sa mga BEC, ang mga dukha ay maaaring aktibong makiisa sa iba’t ibang
pagdiriwang ng liturhiya.

Sa mga BEC, ang mga nakakaluwag ay nakakapagpakita ng kanilang pakikiisa sa


mga dukha, nagbabahagi ng kanilan yaman sa mga mahihirap. Nagkakaroon sila
ng mga programa at proyekto na nagbibigay ng lakas at pagkakataon para sa mga
dukha.
Sa mga BEC, ang mga dukha ay hindi lamang tagatanggap ng mga tulong, sila rin
ay maaaring aktibong makiisa sa lahat ng mga gawain at programa na sila rin ang
makikinabang.
Ang mga dukha ay nagiging aktibong kaisa sa proseso ng pagbabago ng lipunan –
sa pagkilos para sa pag-unlad at pag-ahon mula sa kahirapan, kapayapaan,
katarungan at pagkalinga sa daigdig.

Ayon kay Juan Pablo II:


“Ang mga BEC ay nagmumula sa mga malalayo at rural na lugar, at nagiging
pampaalsa ng buhay Kristiyano, ng pagkalinga sa mga dukha at itinakwil, at ng
paglalaan ng sarili para sa pagbabago ng lipunan.” RM 51

Ang ika-anim na Haligi ng Kulturang BEC (Pagkiling para sa mga Dukha)

Niyayakap natin ang maka-ebanghelyong kahirapan.


Tayo ay lubos na umaasa sa Diyos.
Muli nating pinapahalagahan ang ating komitment at pagkiling para sa mga
mahihirap.
Namumuhay tayo ng simple at itinuturing natin ang ating sarili bilang mga
pinagkakatiwalaan ng mga biyaya ng Diyos kasama ang ating panahon, talento at
mga ari-arian sa mga dukha.
Sisiguraduhin natin na ang mga dukha sa ating paligid ay buong-pusong makikiisa
sa buhay at mapagpalayang misyon ng Simbahan at sa ating lokal na pamayanan,
lalo na sa ating pagtataguyod para sa kalayaan, pangkabuuang pag-unlad ng tao,
katarungan, kapayapaan, at integridad ng sangnilikha.
Nagsusumikap tayong maging tunay na Simbahan ng mga Dukha.
Mga Awitin

Munting Sambayang Kristiano


(Fr. Amado Picardal, CSsR)

C-F-G-C//

C F G C
Nagkakaisa ang lahat sa isip at damdamin
C F G C
Nakikinig, nagpapahayag ng Salita ng Dios.
C F G
Nagdarasal, nagbabahaginan ng Tinapay ng
C
Buhay
F G
Walang sinumang naghihirap kami’y
C – C7
nagdadamayan.

Koro:

F G C
Munting Sambayanang Kristiano
Dm G C – C7
Bayan ng mga Alagad ni Jesus
F G C
Munting Sambayanang Iglesya.
Dm G FC
Bayan ng mga Alagad ni Jesus

Hindi na kami mga bulag, hindi pipi, hindi pilay.


Nakikita ang kapatid na nangangailangan.
Namamahayag ng Magandang Balita ng kaligtasan.
Kumikilos para sa kapayapaan at kaginhawaan (koro)
Sambayanan ng mga Alagad

Koro:
//Bayang nagpapahayag ng mabuting balita
Bayang nananalangin at naglilingkod.//

Tayo ang sambayanan ng mga alagad


Nagkakaisa at nakikilahok sa Misyon ni Kristo.
Bayang mala-pari, propeta at hari,
Sambayanan ng mga dukha
Iglesyang maralita

Tayo ang sambayanan ng mga alagad


Pinagkakaisa't pinagbubuklod ng Panginoon.
Nagbabahaginan ng salita at Eukaristiya
At mga ari-arian matalik na kaibigan. (koro)

Tayo ang sambayanan ng mga alagad


Bayang nakikinig sa Salita ng Dios
At nagpapahayag ng Magandang Balita
Ng ating kaligtasan at kaharian ng Dios.

Tayo ang sambayanan ng mga alagad


Nanalangin at Sumasamba sa Panginoon.
Handang magbubuwis ng sariling buhay
Gaya ni Kristo ang dakilang punong pari. (koro)

Tayo ang sambayanan ng mga alagad


Bayang naglilingkod sa Panginoon
Kumikilos para sa hustisya at kapayapaan

Nakikibaka’t nagpalaganap ng Kaharian ng Dios.


Tayo ang sambayanan ng mga alagad
sumasanib at pumapanig sa mga mahirap.
Walang ibang pinanaligan kundi ang Panginoon
Masigasig na lumalahok sa misyon ni Kristo (koro)
Suggested Schedule for Intensive BEC Evangelization Seminar/Retreat

(The Intensive Schedule can be used as a live-in retreat-seminar for the members
of the Parish BEC Formation Team/Core Group/Leaders in a retreat house which
can be conducted by the diocesan formation team or a mission-evangelization team
at the diocesan or parish level. It can also be used as a weekend for the whole
community/BEC in their chapel to be conducted by the parish formation team. It is
highly recommended that the parish priest should be present at least in the opening
and closing Mass and even give one of the inputs/talks)

Friday PM

4 pm – arrival/registration
6 - Opening Liturgy/Mass/Orientation
7 - Dinner
8 – Module 1: Encountering Jesus
Saturday

8:00 – Module 2: Personal Conversion & Discipleship


10:00 – break
10:20 – Module 3: Discipleship in Community – the Church
12:15 – lunch break
1:00 - Singing
2:00 – Module 4: Discipleship in Community – BEC
4:00 – break
4:20 – Module 5: BECs – Locus of Communion
6:20 – Personal Reflection/Liturgy
7:00 – Dinner
8:00 – Module 6: BECs & Prophetic Mission (Evangelization)
Sunday

8:00 – Module 7: BECs & Priestly Mission (Liturgy)


10:00 – break
10:20 – Module 8: BECs & Kingly/Servant Mission (Social Action)
12:15 – lunch break
2:00 – Module 9: BECs & Church of the Poor
4:00 – break
4:30 – Closing Liturgy/Mass

You might also like