Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Filipino, “Wika ng Saliksik”.

Tayong mga Pilipino ay hindi nabubulag sa

katotohanan na sa lahat na uri ng ating gawain ay nangangailangan ito ng pananaliksik,

mula sa ulam na dapat nating kainin hanggang sa paghanap ng mga paraan upang

mabigyang sagot ang mga katanungag bumabagabag sa ating isipan at solusyon sa mga

problemang ating nararanasan araw-araw at ang paghahanap ng mga mahalagang

impormasyon. Sa ating pagsasaliksik ay napakahalaga ng papel na ginagampanan ng

Wikang Filipino. Ito ang midyum sa paglikha at pagpalaganap ng pambansang

karunungan at kaunlaran. Bilang isang mag-aaral ay hinihikayat ko ang kapwa ko

estudyante na gamitin at linangin ang Wikang Filipino sa ating pananaliksik sa iba’t

ibang mga larangan lalo na sa larangan ng agham at matematika. Kung gumawa ka ng

thesis o research paper ay gamitin mo ang wikang Filipino sa pagsulat ng mga salita at

pangungusap nito, kung may balak ka sumulat ng sarili mong libro ay isulat mo ito sa

wikang Filipino, kung gusto kang gumawa ng blog o website gamitin mo ang wikang

Filipino, kung ikaw ay doktor at nagpapayo ka ng mga maysakit, gamitin mo ang wikang

Filipino. Kahit ang mga kabataang ngayon ay nalulong sa makabagong uso gaya ng K-

pop ay hindi natin dapat kalimutan ang ating sariling wika. Gawin natin ito hindi

lamang sa taong ito, kung hindi pati na rin sa mga susunod pa na mga taon. Wikang

Filipino, makahihigit ay wala, kahit anumang sandata, makapagtitibay sa bansa,

paggamit ng sariling wika ang tinikala. Ito’y ating palaganapin, linangin at mahalin.

Gawin natin ang parte natin upang mapalaganap ang karungan at ang kaunlaran sa

ating tahanan at komunidad gamit ang ating sariling Wikang Filipino, Wika ng Saliksik.

You might also like