Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

ENRILE VOCATIONAL HIGH SCHOOL

NATIONAL HIGHWAY BARANGAY II,ENRILE ,


Pangatlong Markahang Pagsusulit sa Filipino 11
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Pangalan:_____________________________________________ Marka:______________________
Baitang at Seksyon:_____________________________________ Petsa: _______________________

I.PAGPIPILI
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag at piliin lamang ang titik ng pinakamalapit na sagot. Isulat
ang sagot sa patlang.
1. Ito ay uri ng texto na nagbibigay ng mga impormasyong nakapagpapalawak ng kaalaman at nagbibigay
liwanag sa mga paksang inilahad upang mapawi nang lubos ang pag-aalinlangan.
A. Argumentatibo B. Deskriptibo C. Impormatibo D. Naratibo
2. Sa pagtatanim ng palay, kinakailangan munang ihanda ang lupang pagtataniman. Pagkatapos nito, ihanda
ang binhi at paggawa ng punlaan. Kinakailangan ding lagyan ng abono ang punla. Sa pagpapatubig,
kinakailangang panatilihing mamasa-masa ang lupa nang isang linggo. Huwag ding kalimutan tanggalan ng
damo ang palayan sa loob ng unang 40 araw. Sa anong katanungan sumasagot ang impormasyong ito?
A.sino B.saan C.paano D. kalian
3. Ito ay mga tekstong impormatibo maliban sa isa.
A. almanac B. encyclopedia C. diksyunaryo D. maikling kwento
4. Alin sa sumusunod ang hindi halimbawa ng tekstong impormatibo?
A. Ang atlas ay naglalaman ng mga mapa.
B. Pareho lang ang gamit ng diksiyonaryo at thesaurus.
C. Ang almanac ay naglalaman ng mga tala patungkol sa nagdaan at kasalukuyang panahon.
D. Ang thesaurus ay sangguniang babasahin na naglalaman ng kasingkahulugan ng isang salita.
5. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagbibigay ng tiyak na impormasyon?
A. Nagdidilim ang kalangitan, marahil ay uulan.
B. Hindi lahat ng umuurong sa laban ay matatawag na duwag.
C. Maayos magdala ng damit si Tina kaya maraming humahanga sa kaniya.
D. Ang pahayagan ay isang babasahing naglalaman ng napapanahong impormasyon.
6. Alin sa sumusunod na pangungusap ang hindi nagbibigay ng tiyak na impormasyon?
A. Malaki ang naitutulong ng social media sa kabataan sa pagtuklas ng karunungan.
B. Ang Taj Mahal sa India ay ipinatayo ni Emperador Shah Jahan para sa kaniyang asawa.
C. Si Charles Darwin ay isang siyentipiko na tanyag sa kaniyang Theory of Evolution.
D. Ang agham o siyensiya ay isang sistematikong proseso upang makabuo o makapagtamo ng isang
bagong kaalaman.
7. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng isang tekstong impormatibo?
A. Ang isang tekstong impormatibo ay sumasagot sa mga tanong na gaya ng sino, ano, o paano.
B. Ang tekstong impormatibo ay mayaman sa impormasyon na makukuha ng mambabasa.
C. Ang tekstong impormatibo ay malaman sa opinyon ng manunulat at likhang-isip lamang.
D. Ang tono ng isang tekstong impormatibo ay kadalasang obhetibo.
8. Alin sa sumusunod na pangungusap ang tekstong impormatibo?
A. Ang pyramid ay matatagpuan sa Egypt.
B. Maraming nabibighani sa taglay niyang kagandahan at kabutihang-loob.
C. Malaki ang impluwensiya ng social media sa pagkatuto ng kabataan sa kasalukuyan.
D. Nararapat na mag-aral ang estudyante ng kaniyang aralin kahit na walang pagsusulit.
9. Alin sa sumusunod na pangungusap ang hindi nagtataglay ng tekstong impormatibo?
A. Si Vincent van Gogh ay kilala sa kaniyang obra na The Starry Night.
B. Ang ilan pa sa mga naipinta ni Vincent van Gogh ay ang Irises, The Potato Eaters, at Starry Night
Over the Rhone.
C. Nagawa niya ang mga obrang ito dahil sa angking galing sa pagpinta na sadyang gustong-gusto
niyang gawin.
D. Si Vincent van Gogh ay ipinanganak noong ika-20 ng Marso 1853 at namatay noong ika-29 ng
Hulyo 1890.
10. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng isang tekstong impormatibo?
A. Si Zeus ay ama ni Hercules.
B. Matatapang ang lahing Griyego.
C. Walang katulad ang lakas ni Hercules.
D. Mahirap matalo sa labanan ang may dugong Griyego.

Prepared by:MRS. MARILOU T. CRUZ Page 1


Lumikha ka ng makina, at yao’y pinasuso ng langis, ng karbon, ng singaw, at sa pagkahayok ang
kinain ng makina ay isinusuka; at lilikha ng usok, dumi, kemikal na tapon, na lumalason sa hangin, sa tubig,
sa lupa….

Polusyon ni Bienvenido A. Ramos, pp140-144 mula sa Daloy ng Diwa ni Guimarie atbp.

11. Ipinahihiwatig ng kaisipan sa talata na ang tao ay


A.Maghangad ng kapangyarihan
B. Palalo at matayog ang ambisyon
C. Matagumpay dahil siya ay nakalikha ng maraming bagay
D. Maraming ilusyon at mapusok kaya kalikasan ay napipinsala
“Sapat nang may isa kang nalalaman,” wika ng President ng Executive Development Academy (EDA),”
ngunit dito mo ibubuhos ang iyong kakayahan.”

Magtatagumpay Ka Rin ni Greg Laconsay


12.Itinuturo ng pahayag ng President na .
A. Magsikap para magkaroon ng talent
B. Paunlarin ang natamong kaalaman at kakayahan
C. Makuntento kung anuman ang kakayahan
D. Ibigay ang buong tiyaga sa pagtratrabaho
“Hindi mo kailangang malaman kung ano ang kabanalan o kung saan ito mananahan. Sapat na ang
makadama ka ng kapayapaan sa iyong sarili. Iyon ay langit!”

13.Ipinahahayag ng talatang binasa na ang


A. Tinatawag na langit ay kasaganaan ng pamumuhay ang katumbas
B. Tao ang gumagawa ng sarili niyang pagpapasya
C. Sarili rin ang makapagbibigay ng katiwasayan sa buhay
D. Palaging pagdarasal ay tanda ng kabanalan at kabaitan
14. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya ngayong malaman kung paano at bakit nagbabagong anyo ang
mga ito. Hawak niya ang isang tekstong may pamagat na “Ang Pagbabagong Anyo ng Salagubang.”Anong
uri ito ng tekstong impormatibo.
A. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan
B. Pag-uulat Pang-impormasyon
C. Pagpapaliwanag
D. Wala sa nabanggit
15. Anong teksto ang may layuning maglarawan ng tao, bagay, lugar, at pangyayari?
A. ekspositori B. naratibo C. deskriptibo D. argumentatibo
16. Ano ang detalyadong paglalarawan ng teksto?
A. teknikal B. masining C. impresyonistiko D. karaniwan
17. Ito ay subhetibo ang paglalarawan dahil sangkot dito ang saloobin ng manunulat. Ano ito?
A. gamit ng wika B. teknikal C. karaniwan D. masining
18. Tukuyin ang ginamit na katangian sa tekstong deskriptibo. Ang mahaba niyang buhok, mabining paglakad,
at mahusay na pagsagot ang nagdala kay Pia Wurtzbach sa tagumpay.
A.teknikal B.impresyunistik C. masining D. karaniwan
19. Tukuyin ang ginamit na katangian sa tekstong deskriptibo. Nakatutuwa ang masisipag na mag-aaral ng
kanilang paaralan dahil sila ay pawang kabataang patuloy na nagsusunog ng kilay upang makakuha ng
matataas na marka.
A. masining B.karaniwan C.gamit ng wika D. impresyonistiko
20. Tukuyin ang ginamit na katangian sa tekstong deskriptibo.Napakahirap talaga ang mag-apply ngayon ng
trabaho. Napakahaba ng pila ng mga aplikante sa labas ng gusali ng kompanya. Napakainit pa naman ng
sikat ng araw.
A.gamit ng wika B.teknikal C. impresyonistiko D. karaniwan
21. Tukuyin ang ginamit na katangian sa tekstong deskriptibo. Nakita ko ang unti-unting pagkibot ng kaniyang
labi at unti-unti ring pagsungaw ng luha sa kaniyang mga mata, hanggang sa hindi na niya naitago ang
pinipigil na pag-iyak bunga ng malalim na sugat na nilikha ng paglalayo.
A. karaniwan B.teknikal C. gamit ng wika D. masining
22. Piliin ang pahayag na nagtataglay ng katangian ng tekstong deskriptibo.
Prepared by:MRS. MARILOU T. CRUZ Page 2
A. Bilog ang mundo.
B. Ang maikling kuwento ay isa sa mga anyo ng panitikan.
C. Ang eleksyon ay magaganap sa susunod na buwan.
D. Bakit naging mabilis ang pagtaas ng baha?

“Maniwala ka sa akin, magagamot ng doctor ang katawan pero kailangan ng tao ang lunas pati sa
kanyang isip at kaluluwa.”

Hango sa: Aanhin Ninyo Yan? Ni Villas Mariwat salin ni L. Bautista, Pluma IV, p. 119

23. Ipinahihiwatig ng matalinghagang pangungusap ang .


A. Paghahanap ng tamang doctor na susuri sa sakit
B. Pangangalaga ng buong katauhan
C. Kapayapaan sa sarili
D. Lunas sa anumang sakit

Subalit mali ka! Puso mo’y tatagan. At magtiwala ka sa Poong Maykapal, bawat pagkabigo’y palapit
sa hakbang.

Sa kahit mahuli’y… tiyak na tagumpay.

Hango sa: Filipino sa pakikipagtalastasan at pagpapahalaga IV ni C. Fajardo p. 289.


24. Ang larawang diwa sa binasang saknong ay pinatutungkulan ang tao na .
A. Walang pangarap sa buhay
B. Ambisyoso ngunit nakaranas ng di magandang kapalaran
C. May simpleng pangarap sa buhay
D. Bigo at nawawalan ng pag- asa sa magandang bukas
25. Ito ay mga halimbawa ng anapora maliban sa isa.
A. Si Julya ay naglalakad sa kalye ngunit nadapa siya.
B. Nakapili na ng damit na bibilhin si Kayla ngunit nakita niyang kulang ang perang dala niya.
C. Sumali si Hanesh sa Paligsahan at nanalo siya.
D. Siya ang dahilan kung bakit nabasag ang salamin. Tumatakbo si Josh sa loob ng silid kanina.
26. Ano ang katangian ng isang tekstong naratibo?
A. Ito ay nagsasaad ng tiyak na emosyon ng manunulat.
B. Ito ay naghahatid ng kalinawan sa bagay-bagay o pangyayari.
C. Ito ay nagpapahiwatig ng mga kaisipan ng mambabasa o tagapakinig.
D. Ito ay nagpapahayag ng tiyak na impormasyon patungkol sa isang pangyayari.
27. Ang tesktong naratibo ay kilala rin sa tawag na _______.
A. tektong nagpapaliwanag
B. tekstong nagsasalaysay
C. tekstong may sanhi at bunga
D. tekstong nagbibigay-pahiwatig
28. Ang tekstong naratibo ay maaaring maihanay sa piksiyon o di-piksiyon na kuwento. Alin sa sumusunod
ang hindi halimbawa ng piksiyon?
A. kuwentong bayan B. korido C. parabula D. talaarawan
29. Alin sa sumusunod ang hindi halimbawa ng isang naratibong piksiyon?
A. Bangkang Papel
B. Kwento ni Mabuti
C. Kasaysayan ng Pilipinas
D. Paglalayag sa Puso ng Isang Bata
30. Alin sa sumusunod ang maaaring maihanay sa tekstong naratibo?
A. mga editoyal C. tekstong nagsasaad ng sanhi at bunga
B. mga akdang pampanitikan D. mga lathalain
31. Saang elemento ng kuwento mailalapat ang pangungusap na mababasa sa itaas?
A. tauhan B. tagpuan C. banghay D. kasukdulan
32. Ito ay pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.
A. tauhan B. tagpuan C. banghay D. diksiyon
33. Naghahanda si Miguel ng isang talumpati para sa kaniyang mga kapuwa mag-aaral na nasa ika-11 baitang
para sa Buwan ng Wika. Alin sa sumusunod na elemento sa pagbigkas ang nararapat na isaalang-alang ni
Miguel sa pagpili ng paksang kaniyang bibigkasin?
A. tinig B. kumpas at galaw C. diksiyon D. ekspresiyon ng mukha
Pagpipilian para sa aytem 34-35

Prepared by:MRS. MARILOU T. CRUZ Page 3


A. Ang May-akda C. Katunggaling Tauhan
B. Kasamang Tauhan D. Pangunahing Tauhan
34. Ang kanyang mga katangian ay ibinabatay sa tungkulin o papel na kanyang gagampanan sa kabuoan ng
akda.
35. Ang pangunahing papel o tungkulin niya ay sumuporta, o magsilbing hingahan, o kapalagayang-loob ng
pangungahing tauhan.

Para sa Aytem 36-38

Isang hatinggabi may isang estrangherong nanloob sa tindahan ni Nai Phan. Kinukuha niya ang
kinita sa buong araw. Habang inaabot ni Nai Phan ang pera ay napansin niya itong balisa at parang
napilitan lang sa ginawang panloloob.

”Bilisan mo, baka nga maraming taong naghihintay roon sa iyo. Iniisip kung mag-uuwi ka ng pera o
hindi. Maraming buhay ang maaaring nakadepende sa pag- uwi mo na may dalang pera. Hindi ako
magsasalita sa mga pulis. Kunin mo na ito, “ ang patuloy na salita ni Nai Phan.

Paglipas ng isang buwan, ang estranghero ay nagsadyang muli sa tindahan ni Nai Phan upang ibalik
ang perang kinuha at magpasalamat sa kanyang kabutihan. Nang dahil sa perang iyun ay nasagot nito ang
pangangailangan ng maysakit niyang anak.

Si Nai Phan ay tuwang- tuwa sa nangyayari kaya niyakag niya ang estranghero na magminindal
muna sa kanyang tindahan at sila ay naging magkaibigan

36. Ang kasukdulan ng kuwento ay


A. Kulang sa igting ang tunggalian sa pagitan ng tauhan at pangyayari.
B. Nagpahiwatig ng banayad na banghay o takbo ng kuwento
C. Nag- iwan ng malalim na tanong sa mga mambabasa
D. Hindi angkop saw akas ng kuwento
37. Nagwakas ang kuwento na
A. May solusyon at kasiyahan sa puso ng mga tauhan
B. May naiwang suliranin sa pangunahing tauhan
C. May tunggalian sa mga prinsipyo at pagpapahalaga
D. Bitin at taliwas sa realidad o katotohanan
38. Anong kaisipan ang maiuugnay sa binasang bahagi ng kuwento?
A. Ang taong nagigipit ay palaging natutulungan at may biyayang dumarating
B. Kailangang tumanaw ng utang na loob ang taong natulungan
C. Ang taong may ginintuang puso ay bukas- palad kaninuman
D. Upang matiyak ang kaligtasan piliin lamang ang taong tutulungan

Ito ay halaw sa El Filibusterismo. Para sa Aytem 39.


“Hindi, ibig kong karunungan ang taglayin noong dapat magtaglay, noong makapag-iingat sa kanya,”
ang sagot ni Padre Florentino kay Isagani. “Kapag nagpakita ang mga mag- aaral ng katibayan ng pag- ibig sa
kanya, mag binatang marunong magtanggol sa kanilang karangalan at igalang ito, ay magkakaroon ng
karunungan, magkakaroon ng mga gurong may paglingap.”

39. Sa pahayag ni Padre Florentino, anong kaisipan ang mabubuo rito?


A. Ang karunungan ay para lamang sa taong naghahangad nito at buo ang determinasyon
B. Ang karunungan ay mailap sa taong umaasam lamang nito ngunit di buo ang loob
C. Kailangang sumailalim sa mga pagsubok ang sinumang nais makapag- aral
D. May mga taong may pribelehiyong makapag- aral lamang
Pagpipilian para sa aytem 40-43
A. sekwensyal B. kronolohikal C. prosidyural D. sistematikal
40. Ang _ ay tumutukoy sa serye o pagkakasunod-sunod ng mga bagay o gawaing magkakaugnay sa isa’t isa.
41. Ang paksa ng kaayusang _ ay mga tao o bagay na inilalahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na
baryabol na tumutukoy sa edad, distansya, halaga, lokasyon, bilang, dami, at iba pa.
42. Ang _ ay nagtuturo kung paano isasakatuparan ang isang serye ng gawain upang matamo ang
inaasahang resulta.
43. Alin sa tatlong kaayusan ng pagsusunod-sunod ang pinakasumasagot sa tanong “paano?”
44. Bakit ang kaayusang prosidyural ay tinatawag ding tekstong prosidyural?
A. Iisa lamang ang pinagtutuunang paksa na nagpapakita ng proseso

Prepared by:MRS. MARILOU T. CRUZ Page 4


B. Naghahatid nang pangmatagalang kaalaman kung paano gawin ang isang gawain
C. Naglalaman ng mga kaalamang isinasaulo lamang
D. Tinatalakay ang mga detalye ng lahat ng bagay
45. Paano nakatutulong sa pagpapaunlad ng tekstong isinusulat ang tekstong prosidyural?
A. Nagsisilbing gabay
B. Nagiging lunsaran
C. Reperensya para sa paksa
D. Ginagawang burador sa pagsulat

46. Kung gagawan ng tekstong prosidyural ang pangangalap ng datos ukol sa paksa ng pananaliksik, ano ang
unang hakbang na dapat gawin?
A. Isulat ang mga mahahalagang ideya ukol sa paksa.
B. Pumili ng aklatang posibleng maraming babasahin ukol sa paksa.
C. Magsaliksik ng mga impormasyon ukol sa paksa.
D. Sipiin ang mga impormasyong nabasa.
47. Ito ang unang hakbang sa pangangalap ng datos.
A. Isulat ang mahahalagang ideya ukol sa paksa
B. Magsaliksik sa mga aklatan at maging sa mga mapagkakatiwalaang website
C. Sikaping magkaroon ng kopya ng mga nakalap na impormasyon
D. Muling basahin at pag-aralang mabuti ang mga impormasyon
48. Ito ang unang hakbang sa pagsulat ng tulang Malaya.
A. Pagpili ng paksa
B. Hayaang maglakbay ang imahinasyon ukol sa paksa
C. Isulat nang isulat ang mga nabubuong taludtod
D. Basahin ang mga taludtod na naisulat
49. Ito ang unang hakbang sa pagsulat ng pananaliksik.
A. Pagpili at paglimita ng paksa
B. Pagbuo ng konseptong papel
C. Paghahanda ng bibliography
D. Pagbuo ng pansamantalang balangkas
50. Ano ang ikatlong hakbang sa paggawa ng parol?
A. Bumuo ng dalawang bituin gamit ang mga patpat ng kawayan.
B. Pagkabitin ang mga dulo ng kawayan gamit ang mga inihandang tali.
C. Ilagay sa gitna ng pinagkabit na kawayan ang apat na patpat ng kawayan para lumobo ang
balangkas ng iyong parol.
D. Balutin ng papel de hapon o cellophane ang balangkas ng parol.
51. Alin sa sumusunod ang layunin ng tekstong persuweysib?
A. maglahad ng bagong kaalaman
B. manghikayat o mangumbinse
C. magkuwento ng mga pangyayari
D. mangatwiran tungkol sa isang isyu
52. Ang persuweysib ay isang _ na dapat linangin at matutuhan.
A. kasanayan B. kaalaman C. alituntunin D. hanapbuhay
53. Alin sa sumusunod ang ginagamitan ng panghihikayat?
A. balita B. lathalain C. kasaysayan D. patalastas
54. Ang paglalahad ng sapat na katibayan o ebidensya kaugnay ng paksa ay labis na nakakaapekto sa
panghihikayat. Anong paraan ang tinutukoy?
A. logos B. pathos C. ethos D. kairos
55. Sa Ethos, naiimpluwensyahan ng _ ng tagapagsalita ang paniniwala ng mga tagapakinig.
A. isip B. damdamin C. kredibilidad D. ugali
56. Ang Pathos ay pag-apila sa_ ng mga tagapakinig.
A. isip B. saloobin C. karakter D. damdamin
57. Alin sa sumusunod ang hindi nagtataglay ng katangian ng tekstong persuweysib?
A. editorial B.advertisement C. talumpati D. balita
58. Ang tekstong persuweysib ay naipagkakamali kung minsan sa tekstong _.
A. naratibo B. expositori C. deskriptibo D. argumentatibo
59. Alin sa sumusunod ang mga halimbawa ng tekstong persuweysib?
A. liham pangangalakal
B. pangulong tudling o editoryal
C. talumpati sa rally
D. sulating pananaliksik
60. Bakit maahalagang malinang ang kasanayan sa panghihikayat?
A. Maaari itong gawing puhunang kasanayan sa hanapbuhay.
B. Maaari kang makatagpo ng bagong kaibigan.

Prepared by:MRS. MARILOU T. CRUZ Page 5


C. Nakapag-aanyaya ito ng bagong libangan.
D. Daan ito tungo sa pagsugpo ng katiwalian.
61. Ano ang katangian ng isang tekstong argumentatibo?
A. Ito ay naglalahad ng mga katwiran.
B. Ito ay nagbibigay-aliw at kasiyahan sa mambabasa.
C. Ito ay nagpapakita ng mga tunggalian, simbolismo, at pahiwatig.
D. Ito ay nagpapahayag ng mabisa at kongkretong kongklusyon patungkol sa isang isyu.
62. Ano ang isa sa mga pinakamahalagang nilalaman ng tekstong argumentatibo?
A. katuwiran B. talinghaga C. pangarap D. kuwento
63. Ano ang nagagawa ng paggamit ng mga cohesive device sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng teksto?
A. Organisado ang paghahanay ng mga kaisipan.
B. Nagkakaroon ng mabigat na katwiran
C. Napagsasama-sama ang mga opinyon
D. Nakabubuo ng kongklusyon
64. Ano ang isyung pinagtutuunang pansin sa pahayag? Karapatan ng bawat bata ang makapag-aral. Subalit
dahil sa kahirapan, karamihan sa kanila ay napipilitang maghanapbuhay sa murang edad. Ang gawaing
gaya nito ay mas kilala sa tawag na child labor.
A. Isyu patungkol sa karapatan ng bawat kabataan
B. Isyu patungkol sa kahirapan na umiiral sa buong mundo
C. Isyu patungkol sa sapilitang paghahanapbuhay ng kabataan sa murang edad
D. Isyu patungkol sa kakulangan ng sapat na edukasyon ng kabataan sa kasalukuyan
65. Alin sa sumusunod na pahayag ang angkop upang maging isang tekstong argumentatibo?
A. Ang mabisang paraan ng paggamit ng contraceptive.
B. Nakasalalay ang pag-unlad ng bansa sa pag-unlad ng ekonomiya.
C. Ang kahirapan ay hindi hadlang sa pag-unlad sa buhay ng isang tao.
D. Ang pagkakakilanlan ng isang bansa ay nakabatay sa kaniyang wika at kultura.
66. Alin sa sumusunod na pangungusap ang maaaring matawag at maihanay sa tekstong argumentatibo?
A. Ang tubig ay buhay.
B. Ang pagkain ay isang pangunahing pangangailangan.
C. Walang sinuman ang nabubuhay para sa kaniyang sarili lamang.
D. Ang Diyos ang siyang may gawa ng lahat ng bagay dito sa ating mundo.
67. Alin sa sumusunod na isyu ang maaaring maihanay sa tekstong argumentatibo?
A. Pagsugpo sa kriminalidad
B. Ang nagawa ng siyensya sa ating lipunan
C. Ang mahusay na pagbuo at pagpaplano ng pamilya
D. Ang pantay na karapatan ng kalalakihan at kababaihan
68. Ano ang isyung pinagtutuunang pansin sa pahayag? Wala na nga yatang ligtas na lugar sa kasalukuyan.
Hindi na maiiwasan ang sakuna lalo na kung kalikasan na ang may gawa. Nariyan ang lindol, bagyo na
sasabayan ng mataas na pagbaha, at iba pa. Kung titingnan, nasa tao na rin ang kasagutan para sa
kaniyang kaligtasan sa mga ganitong klaseng sakuna.
A. Isyu patungkol sa kalamidad sa buong mundo
B. Isyu patungkol sa mga ligtas na lugar kapag dumating ang kalamidad
C. Isyu patungkol sa kaalamang pangkaligtasan kapag nahaharap sa kalamidad
D. Isyu patungkol sa nararapat na gawing solusyon upang maiwasan ang mga kalamidad
69. Ano ang isyung pinagtutuunang pansin sa pahayag? Sadyang malawak na nga ang nagiging impluwensya
ng social media lalo na sa kabataan. Karamihan sa kabataan ngayon ay natutuon na lamang ang pansin
sa paggamit ng social media. Hindi na nga yata kompleto ang araw ng kabataan sa kasalukuyan kung
hindi sila gumagamit nito. Subalit hindi lamang masamang epekto ang nararapat pagtuunang pansin dito
dahil may nagagawa at naibibigay na mabuting epekto ang social media sa atin.
A. Isyu patungkol sa malawak na impluwensya ng social media
B. Isyu sa mabuti at masamang epekto ng social media lalo na sa kabataan
C. Isyu patungkol sa madalas na paggamit ng social media lalo na ng kabataan
D. Isyu patungkol sa iba’t ibang social media na ginagamit ng kabataan sa kasalukuyan
70. Ano ang isyung pinagtutuunang pansin sa pahayag? Earth hour ang tawag sa panandaliang hindi
paggamit ng ilaw ng buong mundo. Dito naipakikita kung paano nagtutulungan ang bawat isa upang
matugunan ang pandaigdigang isyu ng climate change. Sa pamamagitan nito, natutulungan ang mundo na
mapababa ang antas ng climate change na nararanasan natin sa kasalukuyan.
A. Isyu patungkol sa panahon
B. Isyu patungkol sa silbi ng Earth hour sa mundo
C. Isyu patungkol sa epekto ng climate change sa mundo
D. Isyu patungkol sa pagtutulungan ng bawat isa upang mapababa ang antas ng climate change

“Walang natatanging daan tungo sa pagtuklas ng karunungan kundi ang ating kaalaman”

Prepared by:MRS. MARILOU T. CRUZ Page 6


PREPARED BY: CHECKED BY: APPROVED BY:

MARILOU T. CRUZ LORETO L. GAGUTAN JR. ELISA B. LAGGUI


SUBJECT TEACHER SHS COORDINATOR PRINCIPAL III

Prepared by:MRS. MARILOU T. CRUZ Page 7

You might also like