Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

CIVIL SERVICE COMMISSION (KOMISYON SA SERBISYO SIBIL)

Ipinagkakatiwala ng konstitusyon sa Civil Service Commission (CSC) ang


pamamalakad ng serbisyo sibil, pati ng lahat ng sangay at ahensya ng pamahalaan, at
korporasyong pag-aari o kontrolado ng pamahalaan.

Ang CSC ang tumatayong punong tanggapan na nangangasiwa sa mga empleado ng


pamahalaan. Inatasan itong magsagawa ng mga hakbang na magpapaangat ng sigla,
kahusayan, integridad, pagkabukas, pagkaprogresibo, at pagkamagalang sa mga
kasapi ng burukrasya. Naatasan din itong paigtingin ang sistema ng paggagantimpala
sa mga ahensya ng gobyerno, pag-isahin ang mga programang pampaunlad ng
yamang-tao ukol sa lahat ng antas at ranggo, at magtaguyod ng isang kapaligirang
tumutulong sa pagiging tapat at responsable ng mga taong-gobyerno.

Isinasagawa ng CSC ang Career Service Eligibility examinations para sa mga


nagnanais maging opisyal at empleado ng pamahalaan.

Pinamumunuan ang CSC ng isang tagapangulo at dalawang komisyoner, na itatalaga


ng Pangulo—nang may pagsang-ayon ng Commision on Appointment (Komisyon sa
Paghirang)—para sa iisang terminong tatagal nang pitong taon. Kailangang taglayin ng
mga pinuno ng CSC ang sumusunod na kuwalipikasyon:

1. mamamayang likas na ipinanganak bilang Pilipino;


2. hindi kukulang sa tatlumpu’’t limang taon ang gulang;
3. napatunayan na ang kakayahan sa pamamahalang pampubliko; at
4. hindi naging kandidato sa kahit anong halal na posisyon bago ang kanilang
paghirang.

Mga Opisyal

Tagapangulo:

Francisco Duque III

Mga Komisyoner:

Nestor Martinez

Nieves Osorio

COMMISSION ON ELECTION (KOMISYON SA HALALAN)

Ang Commission on Elections (COMELEC) ang punong ahensya ng pamahalaan na


responsable sa pagsasagawa ng regular at espesyal na halalan sa bansa. Tulad ng
ibang lupong pansaligang batas, isang independiyente at nagsasariling ahensya ang
COMELEC. Malayo ito sa impluwensya o pangingialam ng tatlong sangay, na
nagbibigay-daan sa pagsasagawa ng malaya, patas, at tapat na halalan.

Ayon sa konstitusyon, saklaw ng COMELEC ang sumusunod na kapangyarihan at


tungkulin:

 Ipatupad at pangasiwaan ang lahat ng batas at tuntuning may kinalaman sa


pagsasagawa ng halalan, plebisito, inisyatibo, reperendum, at pagbawi ng
katungkulan.
 Gamitin ang eksklusibong kapangyarihan sa mga protestang may kaugnayan sa
halalan, resulta at kuwalipikasyon ng mga pinunong-halal sa mga rehiyon,
probinsya, at lungsod; pati na ang kapangyarihang bawiin ang pasya ng
mabababang hukuman hinggil sa mga protestang may kaugnayan sa pinunong-
halal ng mga munisipalidad o barangay.
 Pagpasyahan lahat ng katanungang nakaaapekto sa halalan, kasama ang
pagtukoy ng bilang at lokasyon ng mga botohan, paghirang ng mga opisyal at
inspektor habang halalan, at pagrerehistro ng mga botante.
 Pakilusin ang mga ahensyang tagapagpatupad ng batas, kasama ang Armed
Forces of the Philippines (AFP), upang siguruhin ang mapayapa, maayos, at
mapagkakatiwalaang halalan.
 Magrehistro ng mga partidong pampolitika, organisasyon o koalisyon, at bigyang-
kapangyarihan ang mga citizen’s arms/watchdogs o mga sibilyang magbabantay
sa lagay ng mga balota para siguruhing walang dayaang magaganap.
 Maghain ng mga petisyon sa korte para sa pagtanggap o di-pagtanggap ng mga
botante, at mag-imbestiga at magsakdal ng mga kaso ng paglabag sa batas
panghalalan, kasama na ang pandaraya at mga maling pamamaraan.
 Magrekomenda sa Kongreso ng mga hakbang upang paliitin ang paggasta sa
halalan, limitahan ang lugar para sa mga pampropagandang materyales;
hadlangan at parusahan ang lahat ng anyo ng pandaraya sa eleksyon, at mga
nuisance candidate o panggulong kandidato.
 Magsumite sa Pangulo at Kongreso ng komprehensibong ulat ng bawat
naisagawang halalan, plebisito, inisyatibo, reperendum, o pagbawi ng
katungkulan.

Binubuo ang COMELEC ng isang tagapangulo at anim na komisyoner, na itatalaga ng


Pangulo—nang may pagsang-ayon ng Commision on Appointment (Komisyon sa
Paghirang)—para sa iisang terminong tatagal nang pitong taon. Kailangang taglayin ng
mga pinuno ng COMELEC ang mga sumusunod na kuwalipikasyon:

1. mamamayang likas na ipinanganak bilang Pilipino;


2. hindi kukulang sa tatlumpu’’t limang taon ang gulang;
3. nakapagtapos ng kolehiyo; at
4. hindi naging kandidato sa kahit anong halal na posisyon bago ang kanilang
paghirang.
Dagdag pa rito, kailangang kasapi ng Philippine Bar ang tagapangulo at karamihan sa
mga komisyoner, at naging abala sila sa larangan ng batas nang di-bababa sa
sampung taon.

Mga Opisyal

Tagapangulo:

Sixto Brillantes Jr.

Mga Komisyoner:

Lucenito Tagle

Elias Yusoph

Christian Robert Lim

Maria Gracia Cielo Padaca

Al Parreño

Louie Tito Guia


COMMISSION ON AUDIT (KOMISYON SA AWDIT)

Haraya na maging lupong lalaban sa katiwalian, itinatag ang Commission on Audit


(COA) upang mag-awdit, magsiyasat, at magsaayos ng lahat ng kuwentang patungkol
sa kita, pondo, paggugol at ari-ariang angkin o hawak ng mga ahensyang
pampamahalaan; kasama na ang ibang mga lupong pansaligang batas, korporasyong
pag-aari o kontrolado ng pamahalaan, pampamahalaang unibersidad at kolehiyo, at
mga organisasyong sibil na tumatanggap ng tulong na pondo mula sa gobyerno.

Kasama sa kapangyarihan at tungkulin ng COA, ayon sa nakasaad sa konstituyon, ang:

 Pagpapalaganap ng mga batas at alituntunin sa pagtutuos (accounting) at pag-


aawdit; kasama na ang paghadlang at di-pagpapahintulot sa iregular, di-
kinakailangan, labis-labis, magarbo, o di-makatarungang paggamit ng mga
pondo at ari-arian ng pamahalaan.
 Magsumite ng taunang ulat sa Pangulo at Kongreso tungkol sa pinansyal na
kondisyon at gawain ng pamahalaan.
 Magrekomenda ng mga hakbang para pabutihin ang pagkaepisyente at
pagkaepektibo ng mga gawain ng pamahalaan.
 Itago ang pangkalahatang mga talatuusan (accounts) ng pamahalaan, at
ipreserba ang mga garantiya (voucher) at mga suportang dokumento ukol dito.
 Pagpasyahan ang kahit anong kasong inihain dito sa loob ng 60 araw.
Binubuo ang COA ng isang tagapangulo at dalawang komisyoner, na itatalaga ng
Pangulo—nang may pagsang-ayon ng Commision on Appointment (Komisyon sa
Paghirang)—para sa iisang terminong tatagal nang pitong taon. Kailangang taglayin ng
mga pinuno ng COA ang mga sumusunod na kuwalipikasyon:

1. mamamayang likas na ipinanganak bilang Pilipino;


2. hindi kukulang sa tatlumpu’’t limang taon ang gulang;
3. isang certified public accountant, na di-bababa sa sampung taon ang karanasan
sa pag-aawdit, o kasapi ng Philippine Bar na naging abala sa larangan ng batas
nang di-bababa sa sampung taon; at
4. hindi naging kandidato sa kahit anong halal na posisyon bago ang kanilang
paghirang.

Dagdag pa, nakasaad sa konstitusyon na hindi kailanman maaari na ang tagapangulo


at ang mga komisyoner ng COA ay mula sa parehong propesyon.

Mga Opisyal

Tagapangulo:

Maria Gracia Pulido-Tan

Mga Komisyoner:

Heidi Mendoza

Jose Fabia

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS (KOMISYON SA KARAPATANG PANTAO)

Bukod sa tatlong lupong nalikha ng Artikulo IX ng konstitusyon, itinatag naman ng


Seksyon 17 at 18 ng Artikulo XIII at ng Administrative Code of 1987 ang isa pang
nagsasariling lupon na Commission on Human Rights (CHR).

Saklaw ng kapangyarihan at tungkulin ng CHR ang sumusunod:

 Imbestigahan ang lahat ng anyo ng paglabag sa karapatang pantao kasama na


ang mga karapatang sibil at politikal.
 Magbigay ng angkop na legal na hakbang para sa pagtatanggol ng karapatang
pantao ng lahat ng mamamayang nasa Pilipinas, maging mga Pilipinong nasa
ibang bansa.
 Magtakda ng mga hakbang upang maiwasan ang paglabag sa karapatang
pantao at magkaloob ng tulong-legal sa mga kapuspalad na nilapastangan ang
karapatang pantao o nangangailangan ng proteksyon.
 Gamitin ang kapangyarihang bumisita sa mga bilangguan at piitan.
 Magtagtag ng programa para sa pananaliksik, edukasyon, at impormasyon
upang lalong payabungin ang matayog na pagtingin sa kahalagahan ng
karapatang pantao.
 Magrekomenda sa Kongreso ng mabibisang hakbang upang magsulong ng
karapatang pantao, at magkaloob ng tulong-pinansyal sa mga biktima, o kanilang
mga pamilya.
 Subaybayan at tiyakin ang pagsunod ng pamahalaan sa mga obligasyong takda
ng kasunduang pandaigdig ukol sa karapatang pantao.
 Magbigay ng immunity o pagpapawalang-bisa ng pagsasakdal sa kahit sinong
may testimonya o hawak na ebidensyang kailangan sa pagtuklas ng katotohanan
sa kahit anong kasong iniimbestigahan ng CHR.

Binubuo ang CHR ng isang tagapangulo at apat na komisyoner, na itatalaga ng


Pangulo para sa iisang terminong tatagal nang pitong taon. Kailangang taglayin ng mga
pinuno ng CHR ang mga sumusunod na kuwalipikasyon:

1. mamamayang likas na ipinanganak bilang Pilipino;


2. hindi kukulang sa tatlumpu’’t limang taon ang gulang; at
3. hindi naging kandidato sa kahit anong halal na posisyon bago ang kanilang
paghirang.

Dagdag pa, nakasaad sa konstitusyon na kailangang karamihan sa mga nabanggit na


opisyal ay kasapi ng Philippine Bar.

Mga Opisyal

Tagapangulo:

Loretta Ann Rosales

Mga Komisyoner:

Cecilia Rachel Quisumbing

Ma. Victoria Cardona

Norberto dela Cruz

Jose Manuel Mamauag

You might also like