Naniniwala Ka Ba Sa Forever

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

NANINIWALA KA BA SA

FOREVER?”-(tekstong
argumentatibo)
May FOREVER, at maniniwala akong may forever hangga’t may
nagmamahal at minamahal. Ang Forever kase hindi lang naman yan nakatuon sa pag-
ibig lang sa kapareha mo na dapat mo lang paglaanan, bagkus ito ay nakabase sa
lawak at kakayahan mong magmahal sa mga nakapalibot sayo. Para sa akin
maituturing mong forever ang pagmamahal kahit isa ka lang na nagmamahal, ibig
sabihin mananatiling mahal mo siya kahit walang tugon ng pagmamahal mula sa
iyong sinta. Hangga’t may kakayahan kang magmahal at may nagmamahal
naniniwala ako at maniniwala parin ako sa forever. Sapagkat ang tao’y nabubuhay sa
pagmamahal at pagmamahal lamang. Para sa akin isang kahibangan ang pagiging
bitter, sila kase yung mga hindi naniniwala sa forever dahil nasaktan sila, pero ganoon
naman sadya kapag nagmamahal, masasaktan at masasaktan ka dahil kaakibat nito
ang sakit at kabiguan. “Hindi ka pa kase nagmahal at nasaktan kaya hindi mo alam
ang pakiramdam ng isang bitter?”, alam ko ang pakiramdam na yan dahil lahat naman
tayo nasasaktan kapag nagmamahal, pero hindi yun dahilan para itaga sa sarili mo na
walang forever. Huwag mong ikulong ang galit at sakit na nararamdaman mo dahil
lang sa nasaktan ka. Huwag mong ituon ang sarili mo o pagmamahal mo sa iisang tao
lamanng dahil hindi mo namamalayan mahal ka ng mga taong nakapalibot sa iyo,
yung mga taong hindi mo napapansin, yung mga taong nasa likod mo lang.
Huwag nating ibase ang forever sa litiral na paraan, dahil Oo lahat may katapusan,
lahat ay mamamatay, lahat ng bagay binibigyan ng life span. Pero hindi ito ang
basehan na wala talagang forever. Ang pagmamahal ng Diyos sa atin, di ba forever
yun?, ang pagmamahal natin sa pamilya natin, sa mga kaibigan natin, sa lahat ng
taong mahalaga sa atin di ba forever yun? Hangga’t naniniwala ka at may
pagmamahal kang nadadama, may FOREVER, maniwala ka.

You might also like