Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MGA TEORYA NG WIKA

Ayon sa mga antropologo, kasabay na sumibol sa mundo ang wika at lahi. Masasabing
ang kanilang wika noon ay kasing kahulugan ng ginagamit ng mga hayop. Subalit sa paglipas ng
panahon, kasabay sa pag-unlad ng kultura ng tao ay umunlad din ang wika.
Bago pa man dumating ang panahong ito, may ilang teorya na ang nalathala o nagpalipat-
lipat sa pamamagitan ng bibig na maaaring gawing batayan ng pinagmulan ng wika sa daigdig.
1. TEORYANG BOW-WOW – ayon sa teoryang ito, ginagawa ng tao ang mga tunog
na likha ng kalikasan. Ikinakabit nila ang mga tunog na ito upang sabihin ang pinagmulan o
tukuyin ang pinanggalingan.
HALIMBAWA: langitngit ng puno ng kawayan, dagundong ng kulog, ihip ng hangin, hampas
ng alon sa malaking bato, ungol at huni ng mga hayop, lagaslas ng tubig sa batis.
2. TEORYANG DING-DONG – ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa
kapaligiran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay.
HALIMBAWA: tunog ng kampana, relo/orasan, tren
3. TEORYANG POOH-POOH – unang natutong magsalita ang mga tao, ayon sa
teoryang ito ng hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin.
Ipinalagay rin na ang tao ang siyang lumilikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan
dito.
HALIMBAWA: pagtawa, pag-iyak, pagkabigla, pagtataka, pagdaing at iba pang bulalas ng
damdamin
4. TEORYANG YUM-YUM – ipinalagay ng teoryang ito na ang mga salitang nilikha
ng tao ay nagsasaad na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas o aksyon. Pinakikilos
dito ang bahagi ng katawan upang makagawa ng aksyon.
HALIMBAWA: pagbabago ng posisyon ng dila ng bibig – ditto pinakikilos ang dila
5. TEORYANG YO-HE-HO - ang teoryang ito ay ang pagbuo ng salita bunga ng
puwersang pisikal.
HALIMBAWA: Pagbuhat ng mabibigat, pagsuntok, pagkarate, paag-ire
6. TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY – ayon sa teoryang ito, ang wika ay nag-
ugat sa mga tunog na nililikha sa nga ritwalat sa kalaunan ay nagpabagu-bago at nilapatan ng
iba’t-ibang kahulugan. Ang ritwal ay sinasabayan ng mga awit, sayaw, incantations o bulong at
pagsigaw.
HALIMBAWA: pagluluto at paglilinis ng bahay, pakikidigma at pag-aani
7. TEORYANG TA-TA – ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay
ng tao na kanyang ginagawa sa bawat particular na okasyon ay ginagaya at binibigyan ito ng
tunog ata ng tunog ay nagiging salita. Ang “ta-ta” sa Frances ay paalam o “goodbye”. Ang
kumpas ng kamay ay ginagaya ng dila nang pababa at pataas kapag binibigkas ang salotang TA-
TA.
8. TEORYANG SING-SONG – ipinalalagay ng teoryang ito na ang wika ay buhat sa di
masawatang pag-awit ng mga kauna-unahang tao sa daigdig.
9. TEORYA NI PRIMMITICHUS (Hari ng Ehipto) – ayon sa haring ito, natututong
magsalita ang tao kahit wala itong naririnig na wikang sinasalita sa kanyang paligid.
10. TEORYANG GALING SA BIBLYA – ito ay matatagpuan sa Genesis 11:1-9 na
tungkol sa kwentong “Tore ng Babel”.

You might also like