Advent Songs

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Alay Namin

(Fr. Carlo Magno Marcelo)

Alay namin sa Iyong pagdating,


kabutihan, pag-asa't mga pusong tapat.
Samo namin ay Iyong dinggin,
galak at kapayapaan nawa ay kamtin.

Itong alak at tinapay, mga bungang alay:


halo ng pawis at biyaya ng langit.
Sa aming pag-ibig sa kapwang kapatid,
bubunga ng buhay na Iyong bigay.

(Balik sa "Alay namin")

HALINA O, HESUS
(Nemesio S. Que, SJ)

1. Naghihintay kami sa Iyong pagdating,


gabi at araw kami’y nananabik.
Ginapi ang sala, ng dusa at sakit
Hesus, hanggang kailan
kami magtitiis.

Halina, O Hesus na Mananakop,


ang Iyong bayan, palayain Mong lubos.

2. Inaasam namin ang Iyong pagdatal,


ang paghahari Mo’y aming hinihintay;
Hesus, hangad nami’y liwanag Mong tunay
na S’ya naming tanglaw sa landas ng buhay.

Halina, O Hesus na Mananakop,


ang Iyong bayan, kalingain Mong lubos.

PANGINOON, MASDAN MO... DINGGIN MO


Danilo B. Isidro, SJ
Nemesio S. Que, SJ
1. Panginoon, masdan Mo ang bayang sa ’Yo’y naghihintay, naghihirap, tigib ng sindak at alipin ng
kasalanan.
2. Panginoon, dinggin Mo ang karaingan ng ’Yong bayan, umaasa sa ’Yong pagdating at sa dulot
Mong kaligtasan.
Koro: O kay tagal naghihintay ng ’Yong bayan sa ’Yong pagdatal. O kay tagal inasam kaganapan ng
’Yong kaharian.
3. Panginoon, lingapin Mo bayang sa ’Yo’y umaasa, iligtas Mo kami’t marapating sa kaharia’y isama.

You might also like