You are on page 1of 1

KABATAAN: NOON VS NGAYON

“Kabataan ang pag-asa ng bayan”


Salita ni Rizal na kaniyang binitiwan
Na talagang tumatak sa puso’t isipan
Sa mamamayan, ito tila’y palaisipan

Ating ibalik-tanaw ang kabataan noon


Gawi’y pag-aaral, umaga hanggang hapon
Hindi alintana ang kakarampot na baon
Basta’t makapag-aral ng buong taon

Kabataa’y ngayon, Facebook ang atupag


Hawak ang cellphone maging sa hapag
Selfie pa rin hanggang sa pagkalapag
Hindi na masasabing isang masipag

Higit na ang naidulot ng teknolohiya


Estudyante’y ginagawang pabaya
Maging ang grado ay pababa ng pababa
Tila plano sa buhay ay wala

© Andrea A. Igup

You might also like