Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Mitolohiya II – Ang Alamat ng Huling Dragon (Isang Fiction)

Sa malawak na kabundukan ng Astera ay naninirahan ang mga dragon.‘Di tulad ng ibang uri ng hayop,
kung ikukumpara ang mga dragon ay kakaunti lamang ang kanilang populasyon.Kasamang naninirahan
ng kanilang napakalimitadong bilang sa kagubatan ng Astera, ay ang maraming klase ng hayop, kabilang
na ang iilang uri ng dinosaur na herbivores tulad nila.Malaki ang dinosaur kaya’t hindi kataka-takang
sila’y kinatatakutan ng mga maliit na hayop kahit ang katotohanan ay hindi naman sila basta-basta
pumapaslang, maliban na lamang kung sila’y nasa bingit ng panganib. Ngunit maliban sa kanila, ang higit
na totoong nakakatakot ay ang mga dragon. Dahil sila’y higit na malaki, higit na matapang, higit na
mabangis at higit na mas mapanganib at nakalisik ang mga mata ng dragon na kumikislap sa dilim.May
mahaba at matulis silang buntot na halos singhaba na ng kanilang katawan.Singtalim ng espada ang
matitigas nilang mga kuko.Matatalas ang tila sibat nilang mga ngipin at pangil.Makakapal na animo’y
yerong bakal ang kanilang kaliskis na tila hindi nasusugatan.At malalapad ang kanilang mga pakpak na
nagpapahilakbot sa mga hayop ng Astera sa tuwing ito’y pumapagaspas at kinatatakutan sila ng lahat ng
uri ng hayop sa gubat, kahit na ang kapwa nila dambuhalang mga dinosaur. Bukod sa pambihirang tapang
at lakas nila na hindi kayang tumbasan ng kahit anong hayop — sila nga’y may kakayahan ring lumipad
nang mataas, nang malayo at nang mabilis.

Itinuring na panginoon ng mga hayop ang mga dragon.

Bagama’t ang mga dragon ng Astera ay kinatatakutan dahil sa likas nilang kabangisan, hindi naman nila
ito inaabuso upang makapambiktima ng ibang mga hayop at ginagawa lamang nila ito upang
maipagtanggol ang kani-kanilang sarili. Maliban kay Smaug.Si Smaug ay kaiba sa kanyang mga kalahing
dragon — kilala siya sa Astera bilang pinakamasama at pinakamalupit sa kanilang uri.

sa puno at mga halaman ang kagubatan ng Astera. Sagana rin ito sa malinis at malinaw na tubig kaya’t
maraming iba pang uri ng mga hayop ang dito’y naninirahan. At sa lawak ng Gubat Astera sapat na sapat
na ito upang matustusan ang pangangailangan ng lahat ng mga hayop dito kahit pa sa kalahi ni
Smaug.Subalit si Smaug ay sakim at makasarili.Itinuring niyang kanyang kaharian ang Astera — ang
kabundukan, ang kagubatan at lahat ng mga halaman at punong nakatirik dito. Ang sinumang
pumapasok sa kanyang teritoryo ay kanyang binibiktima at pinapaslang. Datapwa’t hindi sang-ayon ang
mga kauri niyang dragon sa kanyang ginagawang kalupitan hindi naman nila ito mapigilan. Si Smaug ang
pinakamarahas, pinakamalakas at pinakamabangis na drajgon ng Astera.“Groooowl!” nakakahilakbot na
boses ni Smaug ang naghahari sa tuwing walang awa at walang pagkasawa niyang pinapaslang ang
sinumang hayop na kanyang makikitang mapasuong sa gubat na kanya umanong teritoryo — ‘wag
lamang makabahagi sa yaman ng Astera. Sa angking kasamaan, bangis at lupit niya’y unti-unting
nababawasan ang bilang ng mga dinosaur na herbivores at iba pang kaawa-awang mga hayop na
kanyang biktima. Minsan na ngang nagkaroon nang malawakang paglikas ng mga hayop dito; mula sa
Astera patungo sa ibang kagubatang ligtas sa kapahamakan dahil sa kanya.Ngunit hindi sa lahat ng oras
ay kayang bantayan at tanuran ni Smaug ang gubat na kanya umanong kaharian. May pagkakataong
napapagod at nahahapo rin siya dahil sa dami ng mga hayop na kanyang nais paslangin o palayasin at
dahil na rin sa lawak ng sukat ng Astera.Sadyang maramot si Smaug. Hindi niya hihintaying siya’y
mapagkaisahan ng mga dinosaur at ibang mga hayop na matapang. Bagama’t hindi nagkukulang ang
kapwa niya dragon sa pagpapaalalang hayaan na ang ibang hayop na makibahagi sa mga pagkain ng
gubat tutal naman ay masagana ang Astera sa mga puno, halaman at prutas. Ngunit patuloy lang si
Smaug sa pagmamalupit.

Isang marahas na hakbang ang gagawin ni Smaug na ikagagalit at ikamumuhi ng lahat sa kanya.
“Awoooh! Awooooh!” Maiingay na alulong ng iba’t ibang uri ng hayop ang gumising sa dapat na tahimik
na umaga ng Astera.Nagulantang ang lahat, na sira na ang malagong kagubatan ng Astera!

Nakatumba ang maraming mga puno.Nabunot mula sa pagkakatanim ang karamihan sa mga halaman at
kahit ang mga prutas nito’y halos hindi na mapapakinabangan.Sa isang magdamag lang ay nawala ang
kayamanan ng gubat. At si Smaug ang may kasalanan at kagagawan ng lahat ng ito. At hindi na lang mga
dinosaur o maliliit na mga hayop ng gubat sa Astera ang nadismaya at nagalit ng husto kay Smaug kundi
pati ang kapwa niya dinosaur ay namuhi na rin sa karahasang kanyang ginawa.

“Ngunit ang nais ko lang ay maprotektahan ang ating gubat.” Pangangatwiran ni Smaug nang siya’y
inuusig at sinusumbatan ng kapwa niya dragon. “Ilang panahon lang ang kakailanganin upang ang mga
halaman at puno sa gubat ng Astera ay muling tumubo at lumago. Pinalilikas ko lamang ang mga hayop
na hindi natin kauri, wala silang lugar at puwang sa ating tahanan!”Ngunit hindi pinalampas ng ibang
mga dragon ang ginawang ito ni Smaug. Siya’y pinalayas sa kuwebang kanilang tinitirhan.

Balak ni Smaug na pansamantalang mamuhay mag-isa sa gubat na ‘di kalayuan sa Astera.

Si Mielikki ay diyosa ng kagubatan. Ito’y nalungkot, nagitla at nasagad sa galit sa kasamaan at kasakimang
ginawa ni Smaug sa kagubatan ng Astera. Ang kariktan ng gubat na kanyang pinangalagaan sa mahabang
panahon ng kanyang pagiging diyosa ay biglang naglaho sa kamay ng palalong dragon.“Walang
kapatawaran ang ginawang ito ni Smaug! Kailangan niyang maparusahan dahil sa kanyang labis na
kasamaan!” galit na sambit ni Mielikki.

“Smaug!” pasigaw na tawag ng diyosa ng kagubatan kay Smaug na sumulpot at nagpakita sa kanyang
harapan. “Dahil sa iyong labis na kapalaluan at kasakiman ay dapat kang maparusahan. Hindi mo pag-
aari ang Gubat Astera at kahit na anong gubat sa kalupaan! Katulad ka rin ng ibang mga hayop na
nakikihati at nakikibahagi lang sa yaman ng gubat. Wala kang pag-aari sa lugar na ito kaya’t wala kang
karapatang lapastanganin ang anumang kagubatan lalo na ang Astera!”

“Bilang kaparusahan sa iyong lahat ng kasamaan — tatanggalan kita ng boses at mawawalan ka ng


kakayanang magsalita. Sa halip na boses ay apoy ang lalabas sa iyong bibig sa tuwing tatangkain mong
magsalita! Dahil ang mga kasama mong dragon ay hindi ka nagawang pigilan sa iyong kalabisan,
idadamay ko na rin sila sa iyong parusa! Lahat ng uri ng dragon ay apoy ang lalabas sa bibig sa halip na
tinig!” nagngangalit ang tono ng boses ni Mielikki.
“Sandali…!” hindi na nasundan pa ang sasabihin ni Smaug ay naglaho na ang diyosa ng kagubatan.
Ipagtatanggol niya sana ang mga kasamahang dragon, sasabihin niya sanang siya na lang ang patawan ng
kaparusahan at ‘wag na silang idawit pa.

Lumipad patungo sa kuwebang kinalalagyan ng kasama niyang dragon si Smaug. Sasabihin niya sana ang
babalang mula sa diyosa ng kagubatan. Hihingi siya ng tawad sa kanyang mga nagawa, kukumbinsihin
niya ang ibang dragon na muli siyang tanggapin at mangangakong hindi na muling mauulit pa ang
kanyang kapangahasan.

Ngunit huli na ang lahat.

Sa pagbuka ng bibig ni Smaug ay apoy nga ang lumabas dito! Agad na nag-apoy at nasunog ang mga
dragong kanyang kasama. Sa kalituhan ni Smaug ay ni hindi niya man lang naitikom ang kanyang bibig.
Lumayo ang mga kapwa dragon sa kanya. Ngunit sa halos sabay-sabay na pagbuka ng bibig ng mga
dragon at dahil sa pagkabigla, apoy ang lumabas sa kani-kanilang bibig! Nataranta ang mga dragon at
sila-sila’y nagpalitan ng apoy.

Nasunog ang lahat ng dragon ng Astera. Maliban kay Smaug.

Naubos ang lahat ng kanyang kalahi at tanging siya na lamang ang natira.

Sa labis na galit sa kanyang sarili — lumipad nang pagkataas-taas si Smaug..

Malayong malayo sa Gubat Astera na kanyang inangkin. Gubat na kanyang sinira dahil sa pagiging
makasarili.

Ilang panahon pa ang binilang saka tumigil sa paglipad at paglayo si Smaug.

Napadpad siya sa lugar kung saan nais niyang matulog nang napakatagal.

Napadpad siya sa kuweba kung saan walang nakakakilala sa kanya at sa kanyang uri.Napadpad siya kung
saan itinuturing na isa lamang alamat at karakter sa mitolohiya ang mga dragon.

Napunta siya sa kabundukan na kung tawagin ng mga tao ay Bundok Erebor.

At doon na siya nagpasyang manatiling manirahan nang palihim.

– wakas –

NON FICTION

Ang aking Pamilya

Sa pamilya natin unang madarama ang pag-ibig. Ito ang kauna-unahang paaralan na napagdaanan ng
sinumang tao na nabuhay sa mundo. Pamilya ang karamay sa bawat sakit at pighati. Pamilya rin ang
kasalo sa kahit kaunting ligaya. Ako po si Clair at ito ang aking kwento.
Masaya ang aming pamilya, si Tatay ay responsable at mapagmahal na Ama at si Nanay naman ay
maunawain at masipag na ilaw ng sambahayan. Apat kaming magkakapatid at ako ang pangalawa.
Maligaya kaming namumuhay sa Surigao.

Minana ni Tatay sa kaniyang mga yumaong magulang ang medyo malaki-laking bahay at dalawang
ektaryang lupain. Napakasipag ni Tatay at gamay na gamay ang pagtatanim. Nagawa niyang palaguin ang
lupa at sa loob ng sampung taon ay trumiple ang aming lupa. Kapag kasi maganda ang ani ay bumibiling
muli ng lupa si Tatay.

pribadong paaralan kami nagsisipag-aral na magkakapatid at nabibili namin ang lahat ng kailangan
namin pati na rin mga gusto namin.

Ngunit dumating ang isang hagupit sa aming buhay na sumubok sa katatagan ng aming
pamilya.Nakursunadahan ng isang mayamang negosyante ang aming mga lupain. Pagtatayuan daw niya
ng isang malaking mall. Ipinagbili na kasing unti-unti ng mga kapit-bahay namin ang kanilang lupa at ang
kay Tatay na lamang ang hindi.

Pilit nila kaming ginigipit, tinatakot para lamang ipagbili ang lupa. Hanggang sa nagulat na lamang si Tatay
nang maglabas sila ng dokumento na pag-aari na pala nila ang lupa. Sang-ayon sa kasulatan ay hindi daw
si Tatay ang tunay na nagmamay-ari ng lupa kundi ang isang kong Tiyuhin na ganid. Ang lupa kasing
pamana ay walang titulo subalit pag-aari na ito ng ninuno ni Tatay bago pa raw dumating ang mga
kastlila.

Ang sinasabing Tiyuhin namin na nagbenta ay pinsang makaapat ni tatay.Lumaban si Tatay ng batas sa
batas. Ipinagbili niya ang ibang lupa para gastusin sa husgado. Subalit paanong mananalo ang isang
kagaya ni tatay laban sa dambuhalang kumpanya. Dumating ang panahon an natutuliro na si tatay. Gusto
na niyang sugurin ang Tiyuhin naming ganid. Dumadalas na rin ang mga death threat at pananakot sa
amin. ay kinausap namin si Tatay

“ Tay, hindi naman po mahalaga ang lupa. Ang mahalaga po ay ang buhay natin at ang pamilya natin.
Lisanin na po natin ang lugar na ito” Tinig iyon ni Ate“ Lupa natin ang mga ito. Ito ang ipamamana ko sa
inyo kapag nawala kami ng Nanay n’yo. Hindi natin ito iiwan” mariing pahayag ni Tatay .“ Pero Itay, lagi na
po kaming natatakot at hindi na makatulog sa gabi. Naapektuhan na po ang pag-aaral namin. Ayaw po
namin na may masamang mangyari sa inyo” patuloy na pakiusap ni Ate ang loob ni Tatay.

Nagpasya kaming magpunta sa Maynila, sa bahay ng isa niyang pinsan..Maykaya ang aming kaanak sa
Maynila, may ari daw sila ng isang mini-mart. Inaasahan namin na tatanggapin nila kami ng maayos dahil
kapag bumibisita sila sa Surigao ay para silang mga hari at reyna kung istimahin namin.Ngunit, bakit
nagkaganoon?

Sa una lamang sila mabuti sa amin. Nang magtatlong buwan na kami ay nagpakita na ng pagkairita ang
aming mga kaanak. Nagdadabog sila kapag kami ay kaharap. Nagsisigawan sila na para bang sa amin galit
at hindi lamang masabi na magsilayas na kami.
Hindi naman kami manhid, kaya kahit hindi namin alam ang pupuntahan ay nagpunta kami sa
iskwater.Namulot kami ng mga plywood, yero at karton.

Pinagtagni-tagni na rin namin ang aming mga kumot. Mababait naman ang iba naming mga kapit-bahay.
Ang iba kasi ay taga Surigao din kaya tinulungan nila kami sa pagtatayo ng aming Barong-Barong.

pala sa iskwater, bukod sa lagi kang kinakabahan dahil baka ipa-demolish ng may-ari ang lugar ay
talagang mahirap lalo na at umuulan. Ilang gabi din yata kaming nag-iiyakan dahil hindi kami sanay sa
ganoong buhay.

Nagpuputik ang lugar kapag umuulan, tumutulo din sa loob ng aming barong-barong. Napakalamok din
kapag gabi at umaalingasaw ang amoy ng estero. Wala rin kaming kubeta, nagsisidumi lamang kami sa
arenola at aaminin ko na itinatapon namin sa estero. Naliligo na rin kami sa malaking Batya, isang balde
lang yata ang tubig na gamit namin sa paliligo.

Napakahirap sa iskwater.Masasabing magulo din ang lugar, may mga maliliit na awayan ang magkakapit-
bahay dahil sa mga tsismisan. Pugad na rin ito ng mga adik at mga petty criminal. Ngunit sa kabila ng
lahat ng ito ay tao pa rin kami na naninirahan dito at lahat ng tao ay may kakayahang magmahal at
magbagong-buhay.

lamang makasabay kami sa buhay Maynila ay nagtrabaho ang aming mga magulang at si Ate sa mga
pabrika. Salamat at may baon kaming pera na ginastos sa pag-aaply gaya ng pagkuha ng NBI clearance at
iba pang papeles na kailangan para matanggap sa trabaho.

ako ang pangalawang pinakamatanda ay ako naman ang naging bahala sa pag-aayos at paglilinis ng
Baronbg-Barong. Akon a rin ang nagluluto at naglalaba, tinutulungan naman ako ng mga nakababata ko
pang kapatid.

na nasa ganon kaming sitwasyon ay nakahihinga pa rin kami ng maluwag. Sabi nga ni Nanay ang
mahalaga ay sama-sama kami at hindi nagsisipaghiwalay. Nang 18 na si Ate ay nagpaalam itong mag-
abroad, nakarating siya sa Singapore.Dahil sa kaniya ay naging maayos-ayos ang aming buhay. Naipabato
namin ang aming bahay at nakabili kami ng mga kasangkapan.

Kahit kami ay iskwater ay naging kumpleto kami sa mga kagamitan.Patuloy pa rin kaming nagsikap
hanggang sa na-regular si Tatay sa trabaho at si Nanay naman ay nakabili ng makinang panahi at sa bahay
na lamang nagtrabaho.

Pinag-aral din ako ni Ate sa PUP. Awang-awa nga ako kay Ate, siya sana ang pinakamatalino sa amin.Alam
ko na gustong-gusto niyang mag-aral subalit dahil sa pagmamahal sa pamilya ay nagsakripisyo siya para
sa amin.Masasabi kong nagsasakripisyo din ako, pilit kong iniwasan ang mga manliligaw ko dahil hindi ko
ipagpapalit ang aking pamilya sa kaligayahang pansarili. Nakita ko na ganoon din ang ginagawa ng aking
mga kapatid.Nag-aaral din ang mga kapatid ko, parehas silang nasa Hayskul.

Dumating na naman ang dagok sa aming buhay. Ipinademolish ng mayor ang mg iskwater. Binibigyan
naman kami ng relocation pero sa San Jose del Monte, Bulacan daw.
Malayo sa aming paaralan at sa trabaho ni Tatay. Kaya sa halip na mag- relocate ay humanap na lamang
kami ng ibang mapag-iiskwatan.Naging ganoon ang buhay namin, puno ng panganib, pagsubok,
kalungkutan subalit kami ay maligaya pa rin dahil patuloy kaming nagmamahalan at nagkakaisa bilang
pamilya.

ang pinakamaligayang sandali nang makatapos ako ng kursong accountancy. Huminto ang isa kong
kapatid sa pag-aaral para bigyang- daan ang aking pagre-review. Salamat sa Diyos at ako ay nakapasa sa
pagsusulit at naging ganap na accountant.

Anim na buwan matapos akong nagkaroon ng trabaho ay kumuha na ako ng disenteng Boarding house
para sa aming magpapamilya. Masayang-masaya si Ate. Ilang taon na naman ang lumipas at nakatapos
na naman ang aking dalawang kapatid.

Ang isa ay Food Technologist at ang isa ay Guro sa elementarya.Ganito pala ang pamilya, kahit anong
pagdaanan ay kailangan lamang ang pagtutulungan at pagkakaisa. Salamat sa Diyos at nagtagumpay
kami. Ngayon ay may bahay na kaming hinuhulugan sa isang subdibisyon sa Cavite.

Si Ate na sobrang sakripisyo ang ginawa para sa amin? Nasa Amerika na siya ngayon, pinakasalan siya ng
isang Sundalong Amerikano. May isa na silang anak at maayos ang kaniyang buhay. Ganoon pala kapag
inuna mo ang ibang tao bago ang iyong sarili ay pagpapalain ka ng Maykapal. Nilalakad na rin ni Ate ang
mga papeles ng aming mga magulang para makuha niya sila sa Amerika.

Ito ang aming kuwento, pamilyang nagsikap na magkaisa sa kabila ng kalungkutan. Pinatibay kami ng
pagmamahaln sa kabila ng kahirapan. Nagtagumpay kami dahil sa pagtutulungan. Patuloy kaming
tumatatag dahil sa pamamatnubay ng Diyos.

CONCEPT OF TEXTURE

Monophonic
Literally meaning one voice, monophonic texture (monophony) refers to a single melodic line, though it
may be played by one or many instruments. The voices may be in exact unison or in different octaves, as
long as the same notes and rhythms are played. Nonpitched rhythmic accompaniment may be present
as well. A few examples of monophony include group singing of simple tunes such as “Happy Birthday”
or “The Star Spangled Banner,” a solo trumpet playing “Taps,” or someone whistling a song.Texture-1

Homophonic
Homophonic texture (homophony) is the most common texture in Western music, both classical and
popular. It is defined as having one voice, a melody, which stands out from background accompaniment.

The accompaniment may be simple chords or a harmony with melodic interest, but in either case, the
main melody must be clearly distinguishable. Homophony can be anything from a singer accompanied
by guitar chords, to compositions by classical composers.Texture-2

Polyphonic
Polyphonic texture (polyphony or counterpoint) involves multiple melodic voices, all of equal
importance, occurring simultaneously. This complex, dense texture is typical of Renaissance and baroque
music. Keep in mind, though, that multiple voices does not necessarily mean multiple instruments;

polyphonic music can be played on a single keyboard instrument or guitar. Many examples of polyphony
can be found in the music of Bach. All rounds, canons, and fugues (where melodies enter at different
times) are considered polyphonic.Texture-3

HEALTH MEDICINE AS HEALTH PRODUCT

Over-the-counter (OTC) drugs are medicines sold directly to a consumer without a prescription from a
healthcare professional,[1] as opposed to prescription drugs, which may be sold only to consumers
possessing a valid prescription.
EXAMPLE :
 Acetaminophen (Tylenol)
 Ibuprofen (Advil, Motrin)
 Dextromethorphan (Robitussin)
 Loratadine (Claritin 24H)
 Pseudoephedrine(Sudafed)
 Naloxone (Narcan Nasal, Narcan)

These drugs are usually located on shelves in pharmacies, grocery stores, and even in gas stations. OTC
medicines treat a variety symptoms due to illness including pain, coughs and colds, diarrhea, heartburn,
constipation, acne, and others.

Prescription is an order that is written by you, the physician (or medical student with signature by a
physician) to tell the pharmacist what medication you want your patient to take. ... Often times, for “as
needed” medications, there is a symptom included for when it is to be taken.

EXAMPLES : SAMPLE OF PRESCRIPTION WRITING

 Delasone, Sterapred (prednisone) ...


 Amoxil (amoxicillin) ...
 Neurontin (gabapentin) ...
 Prinivil, Zestril (lisinopril) ...
 Lipitor (atorvastatin) ...
 Glucophage (metformin)
 Vicodin, Norco, Xodol (hydrocodone, acetaminophen)
 Synthroid, Levoxyl, Unithroid (levothyroxine)

All example are the most prescribed drug by the doctor.

Mercury is the smallest and innermost planet in the Solar

System. Its orbital period around the Sun of 87.97 days is

the shortest of all the planets in the Solar System.

It is named after the Roman deity Mercury,

the messenger of the gods.

Venus is the second planet from the Sun, orbiting it every


224.7 Earth days. It has the longest rotation period of

any planet in the Solar System and rotates in the

opposite direction to most other planets.

It does not have any natural satellites.

It is named after the Roman goddess of love and beauty.

Earth is the third planet from the Sun and the only

astronomical object known to harbor life.

According to radiometric dating and other sources

of evidence, Earth formed over 4.5 billion years ago.

Earth's gravity interacts with other objects in space,

especially the Sun and the Moon, Earth's only natural

satellite.

Mars is the fourth planet from the Sun and the second

-smallest planet in the Solar System after Mercury.

In English, Mars carries a name of the Roman god of war,

and is often referred to as the "Red Planet"[15][16]

Gobecause the reddish iron oxide prevalent on its surface

gives it a reddish appearance that is distinctive among

the astronomical bodies visible to the naked eye.[17]


Jupiter is the fifth planet from the Sun and the largest

in the Solar System. It is a giant planet with a mass

one-thousandth that of the Sun, but two-and-a-half times

that of all the other planets in the Solar System combined.

Saturn is the sixth planet from the Sun and the

second-largest in the Solar System, after Jupiter.

It is a gas giant with an average radius about nine

times that of Earth. It has only one-eighth the

average density of Earth, but with its larger volume

Saturn is over 95 times more massive.

Uranus is the seventh planet from the Sun. It has the

third-largest planetary radius and fourth-largest planetary

mass in the Solar System. Uranus is similar in

composition to Neptune, and both have bulk chemical

compositions which differ from that of the larger

gas giants Jupiter and Saturn.


Neptune is the eighth and farthest known planet from

the Sun in the Solar System. In the Solar System,

it is the fourth-largest planet by diameter, the

third-most-massive planet, and the densest giant planet.

Pluto is a dwarf planet in the Kuiper belt, a ring of bodies

beyond Neptune. It was the first Kuiper belt object to be

discovered and is the largest known plutoid. Pluto was

discovered by Clyde Tombaugh in 1930 and was

originally considered to be the ninth planet from the Sun.

You might also like