Ay isang pagkaing lutong paraiso Anang iba naman ay lutong impyerno Ewan ko kung alin dito ang totoo, Marahil sa langgam ang tao natuto Sapagkat una na ang hayop na ito.
At tayong Pilipino sa Kastila lamang
Umano natuto ng paghahalikan Sa Amerikano tayo nasanay Ng gawang paghalik kahit sa lansangan.
Datapwat sa aking ganang pagkabatid
Tayo’y may sarili’t katutubong halik May halik Pilipino may halik Ingles May halik Kastila at may halik Intsik.
Ang halik ng Intsik ay pahigup-laway
Pisngi’y ginagawang mangkok ng linugaw Parang humuhithit sa kwako ng apyan Parang pumapangos ng tubong sinambay
Ang halik ng Ingles ay pasipsip-suso
Dikdikan ng labi’t ngudnguran ng nguso Datapwa ang atin, ang halik Pilipino Ay hinid pasipsip ni hindi pasupsop Kung hindi pasiil, paamoy, pasinghot.
Ang halik ay bugtong na kataka-taka
Pabango ng puso at ng kaluluwa Sa iisang tao ay walang halaga Ngunit pulot gata kapag sa dalawa.
Ang halik ay mahal,banal at dakila
Ngunit nahihingi kung sa munting bata Ito’y ninanakaw ng mga binata Ngunit binibili ng mga matanda.
Ang halik sa sanggol isang kautangan
Sa mutyang kasuyo ito’y karapatan Tanda ng pag-ibig, ng damdaming banal Ngunit balatkayo ng pusong tulisan.
Ang halik sa sinta pag-asang sariwa
Sa mutyang asawa’y pagsintang dakila Datapwat sa isang dalagang matanda Ang halik ay isang pagkakawanggawa.