Professional Documents
Culture Documents
LESSON PLAN FORMAT in Filipino For Pokus NG Pandiwa
LESSON PLAN FORMAT in Filipino For Pokus NG Pandiwa
Takdang Panahon: Apat na Araw BANGHAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO Kaukulang Petsa: Ika-7-10 ng Enero taong 2014
Baitang/ Taon: Ikaanim na Baitang Ikatlong Markahan Tagapagturo: Bb. Mary Claudine A. Entera
Pangkat: Charity, Hope, Humility, Joy SY: 2013-2014 Iniwasto ni: Gng. Marie Lennette Granado
II. Interaksyon
A. PAGLALAHAD SA ARALIN
Balikan ang buod ng dula na nasa pisara.
Ang buod ng dula:
[1]Si ama ay nagtungo sa America. [2]Pinagsisilbihan ni ama ang ospital. B: (Basahin nang sabay-sabay.)
[3] Araw-araw inihahatid niya ang gamot sa mga pasyente. [4] Ang bawat
batang pasyente ay ibinibili ng mga laruan. [5] Ipinanghahawi ng
kalungkotan ang mga laruang binili. [6] Pero ang kanyang paglayo naman
ang ikinalulungkot namin.
B. PAGTATALAKAY SA ARALIN
1. Basahin ang unang pangungusap. B:Si ama ay nagtungo sa America.
*Ano ang pandiwa sa pangungusap? B: Ang pandiwa sa pangungusap ay nagtungo.
*Sino ang gumaganap ng kilos? B: Ang gumaganap ng kilos ay ang simuno/ ama.
*Saang bahagi ng pangungusap nakikita ang ama? B: Nakikita ang ama sa bahagi ng simuno.
*Ano ang pokus ng pandiwa? B: Ang pokus ng pandiwa ay gumaganap ng kilos.
*Ano ang tawag natin sa unang pokus ng pandiwa? B: Ang tawag natin sa unang pokus ng pandiwa ay pokus sa tagaganap.
D. Paglalahat
Ano ang natutunan ninyo ngayon? B: Ang natutunan ko sa araw na ito ay ang tatlong katangian ng pokus ng pandiwa at ang
mga katangian nito.
III. Integrasyon
A. PAGPAPAHALAGA
1. Bakit mahalaga na pag-aralan natin ang pokus sa tagaganap? B: Mahalaga na pag-aralan natin ang pokus sa tagaganap sa ating buhay upang ating
matukoy kung sino ang gumagawa ng kilos.
2. Mahalaga bang masuri natin ang ikinikilos natin? B: Mahalaga na masuri natin ang ikinikilos natin dahil dapat na bantayan natin ang tamang
kilos natin sa araw-araw upang hindi tayo makasakit ng iba.
3. Bakit mahalaga na pag-aralan natin ang pokus sa layon? B: Mahalaga na pag-aralan natin ang pokus sa layon upang ating masuri ang gol o layunin
ng isang tao.
4. Importante ba na may gol ang tao sa buhay? B: Importe na magkaroon tayo ng gol sa buhay dahil ito ang makatutulong sa atin upang
makamit ang mithiin sa buhay.
5. Bakit mahalaga na pag-aralan natin ang pokus ng ganapan? B: Mahalaga na pag-aralan natin ang pokus ng ganapan upang ating malaman kung saan
eksakto naganap ang isang pangyayari.
6. Gaano kahalaga ang kaalaman sa mga lugar ng pinangyarihan? B: Ang kahalagahan nito ay makatutulong sa paglutas ng mga suliranin o krimen na talamak
sa panahon ngayon.
II. Interaksyon
A. PAGTATALAKAY SA ARALIN
Ipagpatuloy natin ang mga naiwang tatlong pokus ng pandiwa. (Ang mga mag-aaral ay nagbabasa ng buod at sumusuri sa bawat pangungusap)
(Idikit uli ang buod ng dula at ipabasa ang tatlong
pangungusap na natitira at suriin.)
1. Basahin ang ikaapat na pangungusap. B: Ang bawat batang pasyente ay ibinibili ng mga laruan.
*Ano ang pandiwa sa pangungusap? B: Ang pandiwa sa pangungusap ay ibinibili.
* Ano ang ibinili? B: Ang ibinili ay mga laruan.
* Sino ang tatanggap ng binili? B: Ang tatanggap ng binili ay ang mga bata.
*Ano ang pokus ng pandiwa? B: Ang pokus ng pandiwa ang tumatanggap ng kilos.
*Ano ang tawag natin sa ikaapat na pokus ng pandiwa? B: Ang tawag natin sa ikaapat na pokus ng pandiwa ay pokus sa tagatanggap.
2. Basahin ang ikalimang pangungusap. B: Ipinanghahawi ng kalungkotan ang mga laruang binili.
*Ano ang pandiwa sa ikalimang pangungusap? B: Ang pandiwa sa ikalimang pangungusap ay ipinanghahawi.
*Ano ang ginagamit upang mahawi ang kalungkutan? B: Ang ginagamit upang mahawi ang kalungkutan ay ang mga laruan.
*Ano ang pokus ng pandiwa? B: Ang pokus ng pandiwa ay tumutukoy sa gamit.
*Ano ang tawag natin sa ikalimang pokus ng pandiwa? B: Ang tawag natin sa ikalimang pokus ng pandiwa ay pokus sa gamit.
3. Basahin ang ikaanim pangungusap. B: Pero ang kanyang paglayo naman ang ikinalulungkot namin.
*Ano ang pandiwa sa ikaanim na pangungusap? B: Ang pandiwa nito ay ikinalulungkot.
*Ano ang sanhi o dahilan ng inyong pagkalungkot? B: Ang sanhi o dahilan n gaming pagkalungkot ay ang kanyang paglayo.
*Ano ang pokus ng pandiwa? B: Ang pokus ng pandiwa ay nagpapakita ng sanhi o dahilan.
*Ano ang tawag natin sa ikaanim na pokus ng pandiwa? B: Ang tawag natin sa ikaanim na pokus ng pandiwa ay pokus sa sanhi.
E. Paglalahat
Ano ang natutunan ninyo ngayon? B: Ang natutunan namin ngayong araw ay ang tatlong uri ng pokus ng pandiwa, ang pokus
sa tagatanggap, pokus sa gamit at pokus sa sanhi.
IV. Integrasyon
A. PAGPAPAHALAGA
1. Bakit mahalaga na pag-aralan natin ang pokus sa tagatanggap? B: Mahalaga na pag-aaralan natin ang pokus sa tagatanggap sa ating buhay upang ating
matukoy kung sino ang tatanggap ng kilos.
2. Ano ang mangyayari kung hindi makarating ang iyong mensahe B: Kung hindi makarating ang aking mensahe sa taong aking nais papadalhan ay
sa taong iyong pinadalhan? magkakaroon kami ng hindi pagkakaunawaan.
3. Bakit mahalaga na pag-aralan natin ang pokus sa gamit? B: Mahalaga na pag-aralan natin ang pokus sa gamit upang ating malaman kung ano ang
bagay na ginamit.
4. Bakit mahalaga na ating malaman ang tamang paggamit ng B: Mahalaga na ating malaman ang tamang paggamit ng mga bagay-bagay upang hindi
mga bagay-bagay? tayo maaksidente.
5. Magbigay ng isang pangyayari kung saan nagkamali ka ng B: Nagkamali ako sa paggamit ng plantsa, sobrang init ng plantsa kaya nasunog ang damit
paggamit sa isang bagay ko.
6. Bakit mahalaga na pag-aralan natin ang pokus sa sanhi? B: Mahalaga na pag-aralan natin ang pokus sanhi upang ating malaman kung ano ang
dahilan ng bunga.
7. Bakit kaya tayo napapagalitan? B: Tayo ay napapagalitan dahil may mali tayo na ginawa.
II. Interaksyon
A. Pagsusuri ng Halimbawa:
Si Mario ay natulog.
o Ano ang pandiwa sa pangungusap? B: Ang pandiwa sa pangungusap ay natulog.
o Sino ang gumagawa ng kilos? B: Ang gumagawa ng kilos ay si Mario.
o Anong uri ng pokus ng pandiwa ito? B: Ang pangungusap na iyan ang pokus sa tagaganap.
Ang bata ay ibinili ng mansanas.
o Ano ang salitang kilos sa pangungusap? B: Ang pandiwa sa pangungusap ay ibinili.
o Ano ang layon ng ibinili? B: Ang layon ng ibinili ay bata?
o Anong uri ng pokus ito? B: Ito ay pokus sa layon.
Ang mall ang pinagbilihan ko ng pantalon.
o Ano ang pandiwa sa pangungusap? B: Ang pandiwa sa pangungusap ay bumili.
o Saan ka bumili ng pantalon? B: Bumuli ako ng pantalon sa mall.
o Anong uri ng pokus ng pandiwa ito? B: Ito ay pokus sa ganapan.
Ibinili ko ng gamot si nanay.
o Ano ang pandiwa sa pangungusap? B: Ang pandiwa sa pangungusap ay ibinili.
o Sino ang tumanggap ng biniling gamot? B: Ang tumanggap ng gamot na binili ay si nanay.
o Anong uri ng pokus ng pandiwa ito? B: Ito ay pokus sa tagatanggap.
Ipanghiwa mo ang bagong kutsilyo.
o Ano ang pandiwa sa pangungusap? B: Ang pandiwa sa pangungusap ay panghiwa.
o Ano ang ganamit mong panghiwa? B: Ang ginamit kong panghiwa ay kutsilyo.
o Anong uri ng pokus ng pandiwa ito? B: ito ay pokus ng gamit.
Ikinababahala niya ang masamang panahon.
o Ano ang pandiwa sa pangungusap? B: Ang pandiwa sa pangungusap ay ikinabahala.
o Ano ang dahilan ng kanyang pagkabahala? B: Ang dahilan ng kanyang pagkabahala ay ang masamang panahon.
o Anong uri ng pokus ng pandiwa ito? B: Ito ay pokus sa sanhi.
B. Paglalahat
Ano ang natutunan mo ngayong araw? B: Ang natutunan ko ngayong araw na ito ay ang anim na pokus ng pandiwa.
III. Integrasyon
A. PAGPAPAHALAGA
Bakit mahalagang ating matuonan ng pansin ang mga pokus B: Mahalagang ating matuonan ng pansin ang mga pokus ng pandiwa upang ating
ng pandiwa? malaman ang mga puntong binibigyang pokus sa ng mga bagay, tao, at pangyayari sa ating
buhay.
Bakit dapat bigyan ng pokus ang mga pangyayari sa ating B: Dapat bigyan ng pokus ang mga pangyayari sa ating buhay dahil ang bawat pangyayari
buhay? ay mga kaakibat ng mga aral na kinakailangan natin na matutunan upang hindi natin maulit
ang ating mga pagkakamali.
(Ikaapat na araw ika-10 ng Enero)
I. Introduksyon
1. Ano ang ginawa natin kahapon? B: Ang ginawa natin kahapon ay ating hinimay ang mga halimbawa ng mga uri ng pokus ng
pandiwa.
A. Rebyu
Ibigay ang anim na uri ng pokus ng pandiwa. B: Ang anim na pokus ng pandiwa ay pokus ng tagaganap, pokus sa layon, pokus sa
ganapan, pokus sa tagatanggap, pokus sa gamit at pokus sa sanhi.
II. Interaksyon
1. Ano ang binibigyang diin ng pokus ng tagaganap? B: Ang binigyang diin ng pokus sa tagaganap ay ang gumagawa ng kilos.
2. Ano ang binibigyang diin ng pokus ng layon? B: Ang binibigyang diin ng pokus sa layon ay ang pinaglalaanan ng kilos o gol at layunin ng
pandiwa.
3. Ano ang binibigyang diin ng pokus ng ganapan? B: Ang binigyang diin ng pokus sa ganapan ay ang lugar kung saan naganap ang kilos.
4. Ano ang binibigyang diin ng pokus ng tagatanggap? B: Ang binibigyang diin ng pokus sa tagatanggap ay kung para kanino nakalaan ang kilos.
5. Ano ang binibigyang diin ng pokus ng gamit? B: Ang binibigyang diin ng pokus sa gamit ang kung ano ang bagay na tinutukoy ng kilos.
6. Ano ang binibigyang diin ng pokus ng sanhi? B: Ang binibigyang diin ng pokus sa sanhi ay kung ano ang dahilan sa bunga sa
pangungusap.
III. Integrasyon
A. PAGPAPAHALAGA
1. Paano mo mapapanatili ang iyong kaalaman tungkol sa B:Mapapanatili ko ang aking kaalaman tungkol sa pokus ng pandiwa sa pamamagitan ng
pokus ng pandiwa? paggamit nito araw-araw.
2. Sa pakikipagkumonikasyon, bakit mahalaga na ating B: Mahalaga na ating mabigyan ng diin ang mga importante na mga paksa upang ito ang
mabigyan ng diin ang mga importante na mga paksa? mabigyan nga pokus ng mga tagapakinig.
3. Ano ang mangyayari kung wala tayong pokus sa pakikipag- B: Maaring pagmulan ito ng hindi pagkakaunawaan.
usap?
B. PAGLINANG NG KASANAYAN
Hatiin ang klase sa apat. Ang bawat grupo ay dapat makapagsulat
ng isang talata gamit ang mga pokus ng pandiwa.
Ang bawat grupo ay pipili ng tatlo hanggang apat na uri ng
pokus ng pandiwa na kanilang gagamitin sa pagbuo ng
talata. Sasalungguhitan nila ang pandiwa at ang paksa sa
pangungusap. Tatlong pangungusap ang pinakamababa.
C. EBALWASYON (pagsusulit)
D. TAKDANG-ARALIN
Basahin ang kwentong Kung Saan may Pagmamahalan sa pahina
275.