Professional Documents
Culture Documents
AP3
AP3
Layunin
Nabibigyang kahulugan ang likas na yaman
Natutukoy ang iba-ibang uri ng likas na yaman
III. Pamamaraan
A. Panimula
Tingnan ang larawan ng mga anyong lupa at anyong tubig.
Pag-usapan ang tungkol sa larawan.
Alin sa mga anyong lupa at anyong tubig ang mayroon sa inyong komunidad?
B. Paglinang
a. Pagganyak
Tingnan ang larawan. (likas na yaman)
Ano ang masasabi mo sa larawan?
Ano ang tawag natin sa mga ito?
Alam mo ba kung ano ang kahulugan ng likas na yaman?
Ano-ano ang yamang nakukuha mula sa likas na yaman ng iyong komunidad?
b. Paglalahad
Basahin ang talata na nasa LM, p. 147.
c. Pagtalakay
1. Ano ang kahulugan ng likas na yaman?
2. Ano ang tawag sa mga bagay na nakukuha sa mga anyong lupa? sa anyong tubig?
3. Magbigay ng mga likas na yaman.
d. Paglalahat
Ang likas na yaman ay mga bagay na nagmumula sa kalikasan tulad ng lupa, kabundukan,
kagubatan, karagatan, mga ilog at lawa maging ang mga deposito ng mineral.
Ang mga bagay na nakukuha sa mga anyong lupa ay tinatawag na yamang lupa.
Ang mga bagay na nakukuha sa mga anyong tubig ay tinatawag na yamang tubig.
e. Paglalapat
Gumuhit ng 5 likas na yaman.
IV. Pagtataya
Piliin sa mga sumusunod na salita ang likas na yaman. Isulat ang tamang sagot.
1. lapis mesa isda
2. bahay bulaklak laptop
3. mangga TV aklat
4. papel ginto lambat
5. palay bag kahon
V. Takdang Gawain
Magtala ng 5 likas na yaman na matatagpuan sa anyong lupa at 5 likas na yaman matatagpuan
sa anyong tubig.
I. Layunin
Natutukoy ang mga yamang nakukuha sa anyong lupa at anyong tubig
III. Pamamaraan
A. Panimula
a. Balik-aral
Ano ang likas na yaman?
Saan ito matatagpuan?
Magbigay ng mga halimbawa nito.
B. Paglinang
a. Pagganyak
Tingnan ang mga larawan. Ano ang makikita ninyo rito? (dagat, kabundukan, ilog, kapatagan,
atbp)
b. Paglalahad
Pangkatang Gawain
Pagmasdan ang mga nasa larawan.
Alin sa mga larawan sa kahon ang yamang lupa? Kulayan ng dilaw ang mga ito.Alin sa
mga larawan ang mga yamang tubig? Kulayan ang mga itong asul.
d. Paglalahat
Ang mga bagay na nakukuha sa mga anyong lupa ay tinatawag na yamang lupa.
Ang mga bagay na nakukuha sa mga anyong tubig ay tinatawag na yamang tubig.
e. Paglalapat
Gumuhit ng 3 likas na yaman na makikita sa anyong tubig at 3 likas na yaman na makikita sa
anyong lupa. Kulayan ito.
IV. Pagtataya
V. Takdang Gawain
Gumupit sa magazine o dyaryo ng mga likas na yaman. Idikit ito sa iyong kuwaderno.
I. Layunin
Naiisa-isa ang mga likas na yamang nagpapakilala sa komunidad
III. Pamamaraan
A. Panimula
Anong likas na yaman ang matatagpuan sa anyong tubig? Anyong lupa?
B. Paglinang
a. Paggyanyak
Saan kayo nakatira? Saan matatagpuan ang iyong komunidad? Anong mga likas na yaman ang
makikita rito?
b. Paglalahad
Tingnan ang mga larawan na inihanda ng guro. Ito ang ilan sa mga likas na yaman na makikita sa
iyong komunidad. Pag-usapan ito.
c. Pagtalakay
1. Ano-anong anyong lupa mayroon sa iyong kumunidad? Anong yaman ang nakukuha
rito?
2. Ano-anong anyong tubig mayroon sa iyong komunidad? Anong yaman ang nakukuha
rito?
d. Paglalahat
Sagana sa yamang lupa at yamang tubig ang bawat komunidad. May iba-ibang anyong
lupa at anyong tubig na pinagkukunang yaman ng bawat komunidad.
e. Paglalapat
A. Iguhit sa papel ang mga yamang lupa at yamang tubig na nakukuha sa iyong
komunidad. Kulayan.
3.
4.
5.
V. Takdang Gawain
Paano mo pangangalagaan ang mga likas na yaman sa iyong komunidad? Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.
I. Layunin
Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga likas na yamang nagpapakilala sa komunidad sa
malikhaing paraan
III. Pamamaraan
A. Panimula
a. Balik-aral
ano-anong likas na yaman ang makikita sa iyong komunidad?
B. Paglinang
a. Pagganyak
Pansinin ang iyong kapaligiran. Paano mo ito pangangalagaan?
b. Paglalahad
Gumawa ng poster tungkol sa pangangalaga ng mga yamang tubig at yamang lupa. Lagyan
ito ng pamagat.
c. Pagtalakay
Paano mo pangangalagaan ang mga likas na yaman sa iyong kapaligiran?
d. Paglalahat
Mahalaga ang mga yamang lupa at yamang tubig kaya’t dapat pangalagaan. Ang mga ito
ang pangunahing pinagkukunan ng pang-araw-araw na pangangailangan ng mga
naninirahan sa komunidad upang mabuhay.
e. Paglalapat
Gumawa ng isang babala tungkol sa pangangalaga sa mga yamang lupa at yamang tubig.
Isulat sa cartolina. Idikit sa mga daanang lugar upang mabasa ng mga mag-aaral.
IV. Pagtataya
I. Layunin
Nabibigyang-kahulugan ang salitang “hanapbuhay”
Natutukoy ang mga hanapbuhay ng mga tao sa komunidad
III. Pamamaraan
A. Panimula
Ano-ano ang mga hanapbuhay ng mga tao sa inyong komunidad?
Pag-usapan ang mga ito.
Iugnay sa aralin.
B. Paglahahad
Tingnan ang mga larawan sa LM,p.
Ano-anong hanapbuhay ang mga ito?
Pag-usapan ito.
C. Pagtalakay
Ano ang kahulugan ng hanapbuhay?
Ano-ano ang hanapbuhay na inilarawan sa iyong binasa?
Anong hanapbuhay pa ang inyong nalalaman?
D. Paglalahat
Ano ang ibig sabihin ng hanapbuhay?
Ano-anong hanapbuhay ang ating tinalakay?
E. Paglalapat
Hanapin sa loob ng kahon ang tinutukoy na hanapbuhay sa bawat bilang. Isulat ang
sagot sa papel.
Bumbero
Pulis
Karpintero
Magsasaka
Doktor
Dentista
1. Gumagawa ng ating tirahan. ______________
2. Humuhuli sa masasamang tao. ______________
3. Gumagamot sa mga may sakit._______________
4. Nangangalaga sa ating ngipin. _______________
5. Sumusugpo sa sunog sa komunidad. ______________
IV. Pagtataya
Anong hanapbuhay ang tinutukoy sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.
2. Nanghuhuli ng mga isda at iba pang mga pagkaing-dagat tulad ng hipon, alimasag at pusit.
A. tubero B. dentista C. guro
V. Takdang Gawain
Gumupit sa dyaryo o magazine ng iba’t ibang hanapbuhay. Idikit ito sa iyong kuwaderno.
November 27,2018
ARALING PANLIPUNAN
1:10-1:50
I. Layunin
Nahihinuha/naiuugnay ang epekto ng kapaligiran sa uri ng hanapbuhay at pinagkukunang
yaman sa komunidad
III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Ano-anong hanapbuhay ang ating pinag-aralan kahapon?
C. Paglalahad
Basahin ang talata.
D. Pagtalakay
1. Ano ang kaugnayan ng katangiang pisikal ng isang lugar sa uri ng hanapbuhay ng mga
naninirahan dito?
2. Anong uri ng hanapbuhay ng mga tao sa iyong komunidad?
E. Paglalahat
Ano ang epekto ng kapaligiran sa hanapbuhay ng nakatira dito?
F. Paglalapat
Kopyahin sa papel ang graphic organizer sa ibaba. Isulat ang mga hanapbuhay sa iyong
komunidad.
Hanapbuhay sa
Aking
Komunidad
IV. Pagtataya
Suriin ang mga nakatalang hanapbuhay sa bawat bilang. Piliin sa loob ng kahon ang angkop
na lugar. Isulat sa papel ang letra ng tamang sagot.
A. Tabing-dagat D. Lungsod
B. Kapatagan E. Talampas
C. Kabundukan F. Industriyal
V. Takdang Gawain
Isagawa ang sumusunod:
1. Maghanda ng malapad na papel o manila paper at krayola.
2. Iguhit ang hanapbuhay ng iyong tatay. Kulayan.
3. Magtanong sa tatay ng kanyang karanasan tungkol sa kanyang hanapbuhay.
Sumulat ng maikling kuwento.
4. Ikuwento ito sa klase gamit ang iginuhit na hanapbuhay nito.
November 28,2018
ARALING PANLIPUNAN
1:10-1:50
I. Layunin
Nakapangangalap ng kuwento tungkol sa karanasan ng isang taong may hanapbuhay
Naipaliliwanag ang epekto ng hanapbuhay o kawalan ng hanapbuhay sa pamilya at komunidad
III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Magbigay ng uri ng kapaligiran at ang hanapbuhay ng mga tao dito.
C. Paglalahad
Gamitin ang ginawang interbyu ng mga bata sa taong may hanapbuhay.
D. Pagtalakay
1. Ano ang maitutulong ng taong may hanapbuhay sa kaniyang komunidad at sa kaniyang
pamilya?
2. Ano ang mangyayari kung walang hanapbuhay ang isang tao?
E. Paglalahat
Ano ang epekto sa komunidad at sa pamilya ang pagkakaroon ng hanapbuhay o kawalan ng
hanapbuhay?
F. Paglalapat
Gawin ang Gawin D na nasa LM.
IV. Pagtataya
Gamitin ang multi-flow map upang maipakita ang epektong pagkakaroon ng
hanapbuhay sa pamilya at sa komunidad.
PAGKAKAROON
NG
HANAPBUHAY
EPEKTO SA EPEKTO SA
PAMILYA KOMUNIDAD
WALANG
HANAPBUHAY
V. Takdang Gawain
I. Layunin
Natutukoy ang mga produktong matatagpuan sa komunidad at ang pinanggagalingan nito
III. Pamamaraan
A. Panimula
Awit
B. Pagganyak
Narito ang mga produkto ng peanut butter, pastillas, suman, banana chips, kendi at iba.
Pag-usapan ang pinagmulan ng mga produktong ito.
C. Paglalahad
Anong produkto ang mayroon sa ating komunidad?
Saan kaya ang pinanggalingan ng mga ito?
Magpakita ng larawan ng mga produkto na matatagpuan sa sariling komunidad.
Pag-usapan ang mga ito.
D. Pagtalakay
- Ano-anong produkto ang mayroon sa ating komunidad?
- Saan ang pinanggalingan ng mga ito?
E. Paglalahat
Ang bawat komunidad ay may mga ipinagmamalaking produkto na nanggagaling sa mga
sangkap mula sa mga yamang lupa at yamang tubig.
F. Paglalapat
Piliin sa mga produkto ang nagmula sa iyong komunidad. Iguhit ito sa iyong papel.
IV. Pagtataya
Tukuyin sa mga sumusunod na produkto ang nagmula sa iyong komunidad. Isulat ang Oo kung
nagmula ito sa komunidad at Hindi kung hindi.
____1. Peanut butter
____2. Pastillas
____3. Mais
____4. Yema cake
____5. sapatos
V. Takdang Gawain
Magtanong sa magulang kung ano-ano pa ang mga produkto na makikita sa iyong komunidad.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
December 5,2018
ARALING PANLIPUNAN
1:10-1:50
I. Layunin
Naiisa-isa ang mga produktong nagpapakilala sa komunidad
III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Ano-anong produkto ang makikita sa ating komunidad?
D. Paglalahad
Pangkatin ang klase sa tatlo. Ipagawa ang mga gawain.
Pangkat 1- Pumili sa mga larawan ng produktong nagmula sa komunidad. Idikit ito sa manila
paper.
Pangkat 2- Gumuhit ng 10 produkto na nagmula sa komunidad. Kulayan ito.
Pangkat 3- Magtala ng 10 produkto na nagmula sa komunidad. Isulat ito sa manila paper.
E. Pagtalakay
Ano-anong produkto ang matatagpuan sa sariling komunidad?
Saan ito nagmula?
F. Paglalahat
V. Takdang Gawain
Saan matatagpuan ang iyong komunidad? Ano-anong produkto ang makikita rito?
December 6,2018
ARALING PANLIPUNAN
1:10-1:50
I. Layunin
Naiuugnay ang produktong matatagpuan sa komunindad sa uri ng kapaligiran
III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Magbigay ng mga produktong matatagpuan sa komunidad.
C. Pagganyak
Buuin ang mga larawan. Ano-ano ang nabuo ninyo? Ano kayang mga produkto ang
matatagpuan dito?
D. Paglalahad
Basahin ang talata sa LM, p. 163-166. Pag-usapan ang mga ito.
E. Pagtalakay
- Ano-anong komunidad ang matatagpuan sa lambak? Bulubundukin? Kapatagan? Tabing-
dagat? Lungsod?
F. Paglalahat
Ang bawat komunidad ay may mga ipinagmamalaking produkto na nanggagaling sa mga
sangkap mula sa mga yamang lupa at yamang tubig.
May mga produkto na nagpapakilala sa komunidad.
G. Paglalapat
Sumulat ng 2 produkto na matatagpuan sa:
a. lambak
b. kapatagan
c. bulubundukin
d. tabing-dagat
e. lungsod
IV. Pagtataya
Pagtambalin ang produkto sa Kolum A sa uri ng kapaligiran na nagmula ito sa Kolum B. isulat
ang letra ng wastong sagot.
Kolum A Kolum B
V. Takdang Gawain
Paano mo pahahalagahan ang mga produkto sa iyong komunidad? Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.
December 7,2018
ARALING PANLIPUNAN
1:10-1:50
I. Layunin
Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga produkto ng komunidad sa iba-ibang pamamaraan
III. Pamamaraan
A. Panimula
Awit
C. Pagganyak
Tingnan ang larawan. Ano ang masasabi ninyo sa larawan? Tama ba ang kanilang ginagawa?
Bakit? Bakit hindi?
D. Paglalahad
Pangkatin ang klase sa apat. Ipagawa ang gawain s apamamagitan ng role playing. Pabunutin
ang bawat pangkat kung anong sitwasyon ang kanilang iaarte.
E. Pagtatalakay
Paano mo pahahalagan ang produkto ng iyong komunidad?
Tinatangkilik mo ba ang produkto ng iyong komunidad? Bakit? Bakit hindi?
Ano ang gagawin mo kung may nakita kang hindi nagmamahal sa kapaligiran na pinagkukunan
ninyo ng mga produkto?
F. Paglalahat
Ang pagtangkilik sa sariling produkto ay nagpapakita ng pagpapahalaga rito.
G. Paglalapat
Gawin ang Gawain sa LM, p. 168.
IV. Pagtataya
Iguhit sa short bond paper kung paano mo pahahalagahan ang mga produktong makikita sa
iyong komundad. Kulayan ito.
January 3,2018
ARALING PANLIPUNAN
1:10-1:50
I. Layunin
Naitatala ang pangunahing pangangailangan ng pamilya sa isang komunidad
Nabibigyang kahulugan ang salitang badyet
Nakaggawa ng simpleng badyet para sa isang araw base sa talaan ng pangangailangan
Naiuugnay ang hanapbuhay sa pangangailangan ng pamilya
Nakabubuo ng paglalahat tungkol sa kahalagahan ng hanapbuhay sa pamumuhay ng mga tao sa
komunidad
III. Pamamaraan
A. Panimula
Brainstorming
Magkano ang baon mo araw-araw?
Sapat ba ang iyong baon sa iyong pangangailangan sa eskwela?
Paano mo pinakakasya ang iyong baon?
May naiipon ka ba mula sa iyong baon?
Pag-usapan ang sagot ng mga Bata.
Iugnay sa aralin.
B. Paglinang
Sagutin ang mga tanong sa Alamin Mo sa LM, p. 170.
Basahin ang talata tungkol sa “Pangangailangan ng Tao sa Komunidad” sa LM, p. 170-
171.
Sagutin at talakayin ang mga tanong.
Gawin ang Gawin Mo
Gawain A
- Basahin ang kuwento at sagutan ang mga tanong tungkol dito.
Gawain B
- Gumawa ng badyet para sa isang araw na gastusin sa pagpasok sa paaralan gamit ang
ginawang talaan.
- Sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Gawain C
- Isulat ang ginawa sa talaang inihanda ng guro.
- Sagutin ang mga tanong tungkol dito.
- Pag-usapan ang mga sagot ng mga Bata.
Gawain D
- Basahin ang sitwasyon at sagutin ang mga tanong.
- Isulat ang sagot sa inyong papel.
Patnubayan ang mga Bata sa pagbuo ng paglalahat. Bigyang diin ang kaisipang dapat
tandaan na nasa Tandaan Mo.
IV. Pagtataya
Sagutan ang Natutuhan Ko sa LM, p. 175-176.
V. Takdang Gawain
Magsagawa ng panayam sa pinuno ng iyong komunidad.
Alamin ang kanyang tungkulin sa komunidad.
Magtanong sa magulang kung ano ang katangian ng pinuno ng iyong komunidad.
Itala ang impormasyong nakalap sa iyong notebook.
I. Layunin
Nabibigyang kahulugan ang salitang “pinuno” at “pamumuno”
Natutukoy ang mga pinuno ng iba-ibang bahagi ng komunidad
Nailalarawan ang katangian ng isang karapat-dapat na pinuno
Nasasabi kung bakit kailangan ang pinuno
Natutukoy ang tungkulin ng mga pinuno sa komunidad
III. Pamamaraan
A. Panimula
Kilala mo ba kung sino ang pinuno sa ating komunidad?
Paano kayo tinutulungan ng inyong pinuno sa komundad?
Ano sa palagay mo ang mangyayari kung walang pinuno?
Pag-usapan ang sagot ng mga Bata.
B. Paglinang
Ipabasa sa mga Bata ang Basahin sa modyul, p. 180-181.
Talakayin ang bawat katangian na dapat taglayin ng isang mahusay na pinuno.
Tanong
Mayroon ka bang kilalang pinuno na tumutugon sa mga katangiang nabanggit?
Tumutupad ba siya sa kaniyang mga tungkulin?
Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kaniyang kuwento at kung sino siya?
Ipagawa ang mga gawain
Gawain A
Pag-ugnayin ang larawan sa hanay A at hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Gawain B
Magsagawa ng panayam sa sinumang pinuno sa inyong komunidad.
Alamin ang katangian ng bawat isa at ang kaniyang ginagawang paglilingkod sa
komunidad.
Iulat sa klase ang resulta ng panayam. Gamitin ang tsart sa modyul.
Gawain C
Sumulat ng liham pasasalamat sa paborito mong pinuno bilang pagpapahalaga sa
kaniyang nagawa sa iyong komunidad. Gamitin ang halimbawa nasa modyul.
V. Culminating Activity
Tagis-talino
Kumuha ng kapartner. Bigyan ng 3 minuto ang mga Bata upang makapaghanda. Sa anong
balagtasan ay ipagmamalaki ng bawat isa ang kanilang mga pinuno sa komunidad. Magbigay ng
2 minuto sa bawat gagawing presentasyon.
January 7,2018
ARALING PANLIPUNAN
1:10-1:50
I. Layunin
Nasasabi na ang pamumuno ay paglilingkod sa komunidad
Nakikilala at nailalarawan ang katangian at nagawa ng mga naglilingkod sa komunidad
Naisasalaysay ang mga mahahalagang tao/pamilyang nakaimpluwensya sa iba-ibang
larangan sa buhay-komunidad
III. Pamamaraan
A. Panimula
1. Pangkatin ang mga Bata ayon sa kinabibilangang komunidad. Ipakita ang mga larawan ng
mga taong nagbibigay ng paglilingkod sa komunidad.
2. Mayroon bang taong naglilingkod sa inyong komunidad tulad n gating napag-usapan?
3. Aling pangkat ang may pinakamaraming community helpers?
4. Pag-usapan ang pangkatang gawain.
B. Paglinang
1. Basahin ang susing tanong sa Alamin Mo sa LM,p. 188.
2. Basahin ang teksto sa basahin p. 188-192 at pag-aralan.
3. Sagutan ang mga tanong tungkol dito.
4. Ipagawa ang mga gawain sa LM.
Gawain A
Iguhit sa papel ang mga taong naglilingkod para sa kalusugan sa iyong komunidad.
Gawain B
Gawin ang pagsasanay sa LM, p. 193.
Gawain C
Kunin ang larawan ng taong kilala sa iba-ibang larangan sa iyong komunidad.
Idikit ang larawan sa kartolina at bumuo ng collage.
Lagyan ito ng pamagat.
Ipaskil ito at ikwento sa klase.
5. Pag-usapan at bigyang diin ang mga kaisipang nakatala sa kahon ng Tandaan Mo.
IV. Pagtataya
Sagutan ang gawain sa Natutuhan Ko sa LM p. 195.
V. Culminating Activity
Magtanghal ng eksibit ng mga Bata. Imbitahan ang inyong magulang.
January 8,2018
ARALING PANLIPUNAN
1:10-1:50
I. Layunin
1. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng maganda at di magandang pamumuno sa komunidad
2. Nahihinuha ang epekto ng magandang pamumuno at paglilingkod sa komunidad
3. Nahihinuha ang epekto ng di magandang pamumuno at paglilingkod sa komunidad
4. Nakapagbibigay ng mungkahi kung ano ang mga maaaring gawin upangn palakasin ang tama,
maayos at makatwirang pamumuno
III. Pamamaraan
A. Panimula
Awit sa himig ng Magtanim ay Di-Biro.
Ano-ano ang katangian ng isang pinuno sa awit? Ano ang bunga kung ang pinuno ay may
ganitong katangian?
B. Paglinang
Sagutan ang Alamin Natin sa LM, p. 197.
Talakayin ang mga kasagutan. Hingin ang saloobin ng mga mag-aaral sa uri ng
pamumuno sa kanilang komunidad.
Basahin ang talata tungkol sa “Epekto ng Pamumuno at Paglilingkod sa Komunidad”.
Pag-aralan ang larawan ng epekto ng mabuting pamumuno at di-mabuting pamumuno.
Nagkaroon na ba sa inyong komunidad ng di-mabuti ang pamumuno ng
kapitan/punongguro ng paaralan? Anong nangyari?
Ano ang epekto ng maganda at di-magandang pamumuno at paglilingkod sa
komunidad?
Gawin ang mga Gawain A at Gawain B sa LM, p. 199-200.
Iulat ang ginawa ng bawat pangkat.
Gawin ang Gawain C sa LM p. 201.
Iwasto ang sagot ng mga Bata.
Gabayan ang klase sa pagbuo ng paglalahat. Basahin ang Tandaan Mo sa LM.
IV. Pagtataya
Sagutan ang Natutuhan Mo sa LM, p. 203.
V. Culminating Activity
Pumili ng isang lingkod-bayan sa iyong komunidad na iyong hinahangaan.
Gumawa ng isang maikling salaysay tungkol sa kanya;
Bakit mo siya hinahangaan/nagugustuhan?
Ano ang kanyang ginagawa?