Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Albert Einstein

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Si Albert Einstein[1] (14 Marso 1879–18 Abril 1955) ay isang Aleman-Swiss-Amerikanong pisikong
teoretikal na kinikilala bilang isa sa pinakamahalagang siyentipiko sa ika-dalawampung siglo at isa sa
pinakamahusay na pisikong nabuhay sa kasaysayan ng agham. Ang pinakamahalagang papel na kanyang
ginampanan sa agham ay ang pagbuo ng espesyal na teoriya ng relatibidad at teoriyang pangkalahatang
relatibidad. Sa karagdagan, marami siyang naiambag sa teoriyang quantum at mekanikang estadistikal.
Siya ay naparangalan ng Gantimpalang Nobel sa kanyang paliwanag sa epektong photoelektrika noong
1905.

Si Einstein ay nakilala sa buong mundo matapos na mapatunayan ang prediksiyon ng kanyang teoriyang
pangkalahatang relatibidad na ang sinag(light rays) ng malalayong bituin ay malilihis ng grabidad ng
araw. Ito ay napatunayan noong 7 Nobyembre 1919 sa ekspedisyon na ginawa ng mga inglaterong
siyentipiko upang pagmasdan ang Eklipseng solar na naganap nang taong iyon sa Aprika.

Dahil sa kanyang katalinuhan at orihinalidad, ang salitang "Einstein" ay naging sinonimo ng salitang
"henyo".

Mga nilalaman [itago]

1 Talambuhay

2 Mga Akda at ang kanyang doktorado

3 Akdang Annus Mirabilis

4 Kalagitnaang mga Taon

5 Pangkalahatang relatibidad

6 Pagdalaw sa ibang bansa

7 Pagtira sa Estados Unidos

8 Ikalawang Digmaang Pandaigdig at Proyektong Manhattan

9 Huling buhay at kamatayan

10 Mga sanggunian

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Einstein sa edad na 3 noong 1882.


Ipinanganak si Einstein noong 14 Marso 1879 sa lungsod ng Ulm sa Württemberg, Alemanya, mga 100
km silangan ng Stuttgart. Ang kanyang ama ay si Hermman Einstein, isang tagapagtinda at inhinyero at
ang kanyang ina ay si Pauline Koch. Noong 1880, ang pamilya ay nagtungo sa Munich at itinatag ng
kanyang tiyuhin at ama ang Elektrotechnische Fabrik J. Einstein & Cie, isang kompanyang gumagawa ng
mga elektronikong bagay gamit ang prinsipyo ng diretsong kuryente.

Albert Einstein

Albert Einstein, 1921

Kapanganakan 14 Marso 1879

Ulm, Kaharian ng Württemberg, Imperyong Aleman

Kamatayan 18 Abril 1955 (edad 76)

Princeton, New Jersey, Estados Unidos

Tirahan Alemanya, Italya, Switzerland, Estados Unidos

Pagkamamamayan Württemberg/Alemanya (1879–96)

Switzerland (1901–55)

Austriya (1911–12)

Alemanya (1914–33)

Estados Unidos (1940–55)

Larangan Pisika

Institusyon Opisinang patentong Swiss(Bern)

Unibersidad ng Zurich

Charles Unibersidad ng Prague

ETH Zurich

Akademiyang Prusiano ng mga Agham

Institutong Kaiser Wilhelm

Unibersidad ng Leiden

Instituto ng Mataas na Pag-aaral

Alma mater ETH Zurich

Unibersidad ng Zurich
Tagapayo sa pagkaduktor Alfred Kleiner

Iba pang mga tagapayong pang-akademiya Heinrich Friedrich Weber

Notable students Ernst G. Straus

Nathan Rosen

Kinikilala dahil sa Pangkalahatang relatibidad

Espesyal na relatibidad

Epektong potoelektrika

Galaw Brownian

Pagkakatumbas na masa-enerhiya

Mga ekwasyong field ni Einstein

Klasikal na pinagsamang mga teoriya ng field

Estadistikang Bose–Einstein

Natatanging mga gantimpala Gantimpalang Nobel (1921)

Medalyang Copley (1925)

Medalyang Max Planck (1929)

Ang tao ng siglo

Lagda

Si Einstein sa edad na 14 noong 1893.

Ang mag-anak na Einstein, bagamat mga Hudyo ay hindi mga striktong Hudyo. Sa katunayan, siya'y
ipinag-aral sa isang Katolikong paaralan. Bagamat mayroong mga problema sa pananalita, si Einstein ay
naging matalinong mag-aaral. Habang siya ay lumalaki, kinakitaan siya ng mga kakayahang gumuhit ng
mga modelo sa pisika, mag-imbento ng mga simpleng makina at kalaunan ay magtaglay ng mataas na
kakayahan sa matematika. Isang araw noong 1889, dumalaw ang malapit na kaibigan ng mga Einstein na
si Max Talmud, binigyan ang batang Einstein ng mga aklat gaya ng aklat ni Immanuel Kant na Kritik der
reinen Vernunft (Critique ng Dalisay na Katwiran) at Mga Elemento ni Euclid.

Si Einstein ay pumasok sa paaralan kung saan siya nagkamit ng edukasyon. Sinimulan niyang mag-aral ng
matematika sa gulang na labindalawa; noong 1891, tinuruan niya ang kanyang sarili ng heometriyang
Euclidean mula sa isang munting aklat pampaaralan at sinimulan din niyang mag-aral ng kalkulo. Habang
nasa Gymnasium, nakipag-alitan siya sa mga awtoridad at pinuna ang kanilang patakaran dahil
naniniwala siya na ang pagkatuto at malikhaing pag iisip ay nawawala sa striktong pamamaraan ng
pagsasaulo na pinatutupad ng paaralan.

Einstein's matriculation certificate at the age of 17. The heading reads "The Education Committee of the
Canton of Aargau." His scores were German 5, French 3, Italian 5, History 6, Geography 4, Algebra 6,
Geometry 6, Descriptive Geometry 6, Physics 6, Chemistry 5, Natural History 5, Art Drawing 4, Technical
Drawing 4. The scores are 6 = excellent, 5 = good, 4 = sufficient, 3 = poor, 2 = very poor, 1 = unusable.

Sertipikong matrikulasyon ni Einstein sa edad na 17 na nagpapakita ng kanyang mga huling grado mula
sa Aargau Kantonsschule (sa iskalang 1-6, ang 6 mahusay na marka).

Noong 1894, pagkatapos na bumagsak ang negosyong elektrokemikal ng kanyang amang si Herman,
lumipat ang mag-anal na Einstein sa Pavia mula sa Munich. Ang Pavia, ay isang lungsod sa Italya malapit
sa Milan. Ang unang akdang siyentipiko ni Einstein noong 1895 nang siya ay 16 taong gulang ang Über
die Untersuchung des Ätherzustandes im magnetischen Felde (Hinggil sa Imbestigasyon ng Estado ng
Aether sa Magnetikong Field) na ipinadala sa kanyang tiyuhing si Caesar Koch para sa opinyon ng
eksperto ngunit hindi kailanman nailimbag. Nanatili si Einstein sa Munich upang tapusin ang kanyang
edukasyon ngunit isang termino lamang ang kanyang natapos. Umalis siya ng Gymnasium noong
tagsibol ng 1895 upang samahan ang kanyang pamilya sa Pavia. Tumigil siya ng isang taon at kalahati
bago ang huling pagsusulit ng hindi sinasabi sa kanyang mga magulang. Kanyang hinikayat ang paaralan
na payagan siyang umalis na may sulat medikal mula sa isang doktor ngunit ito ay nangangahulugan na
wala siyang makukuhang sertipikong pang sekundarya. Noong taong iyon, sa gulang na 16, kanyang
ginawa ang isang eksperimento na kilala sa tawag na "Salamin ni Albert Einstein". Matapos tumingin sa
isang salamin, kanyang siniyasat kung anong mangyayari sa kanyang larawan kung siya'y gumagagalaw
sa bilis ng liwanag; ang kanyang konklusyon na ang bilis ng liwanag ay independiyente sa nagmamasid ay
siyang kalaunang naging isa sa postulado ng espesyal na relatibidad.

Bagaman siya ay nakapasa sa bahaging matematika at agham ng pagsusulit upang makapasok sa sa


Pederal na Politeknikong Instituto ng Zurich, na ngayon ay tinatawag na ETH Zurich, ang kanyang
pagbagsak sa sining liberal na bahagi ay naging hadlang; siya'y ipinadala ng kanyang pamilya sa Aarau,
Switzerland upang tapusin ang kanyang edukasyong pang sekondarya at naging maliwanag na siya'y
hindi magiging isang inhenyerong elektrikal na gaya ng kagustuhan ng kanyang ama. Doon, siya'y nag-
aral ng hindi karaniwang itinuturong teoryang electromagnetika ni Maxwell. Kanyang nakamit ang
diploma noong Setyembre 1896. Sa panahong ito, siya'y tumuloy sa pamilya ni Propesor Jost Winteler at
nahumaling kay Marie, ang kanilang anak na babae at ang kanyang unang kasintahan. Ang kapatid ni
Einstein na babae na si Maja, isa sa pinakamalapit niyang kompidante, ay kalaunang ikinasal sa kanilang
anak na si Paul at ang kanyang kaibigan na si Michele Besso ay ikinasal naman sa kanilang isa pang anak
na babae na si Anna. Si Einstein ay kalaunang pumasok sa Pederal na Polyteknikong Instituto ng Zurich
noong Oktubre at lumipat sa Zurich, habang si Marie ay lumipat sa Olsberg Switzerland para sa
trabahong pagtuturo. Noon ding taong iyon, kanyang tinalikdan ang kanyang pagkamamamayang
Württemberg.
Sa tagsibol ng 1896, isang Serbiano na nangngangalang Mileva Maric ay nagsimulang pumasok bilang
estudyanteng medikal sa Unibersidad ng Zurich, ngunit pagkatapos ng isang termino ay lumipat sa
Pederal na Politeknikong Instituto ng Zurich. Siya ang natatanging babae nang taong iyon na magkakamit
ng parehas na diploma na kinukuha ni Einstein. Ang relasyon ni Maric kay Einstein ay nabuo sa isang
pag-iibigan sa mga sumunod na taon.

Noong 1900, nabigyan si Einstein ng diploma sa pagtuturo ng Pederal na Politeknikong Instituto ng


Zurich. Nilimbag ni Einstein ang kanyang unang akda tungkol sa pwersang kapilyaridad ng panginuming
straw na pinamagatang "Folgerungen aus den Capillaritätserscheinungen" ("Mga konsekwensiya ng mga
pagmamasid ng penomenang kapilyaridad") na matatagpuan sa "Annalen der Physik" bolyum 4, pahina
513. Dito, kanyang sinubukang pagsamahin ang lahat ng batas ng pisika, ang pagtatangkang patuloy na
gagawin sa kanyang buong buhay. Sa pamamagitan ng kanyang kaibigan na si Michele Besso, isang
inhinyero, si Einstein ay pinakilala sa mga akda ni Ernst Mach, at sa kalaunan ay itinuring ni Einstein si
Mach na "isa sa pinakamagaling na nagpapatunog na tabla sa Europa" para sa mga ideyang pampisikal.
Nang mga panahong ito, tinalakay ni Einstein ang kanyang mga interes pang agham sa malalapit na
kaibigan, kasama na sina Besso at Maric. Tinawag ng grupo ang kanilang sarili na "Olympia Academy". Si
Einstein at Maric ay may isang anak na babae sa labas ng matrimonya, si Lieserl Einstein, na ipinanganak
noong Enero 1902. Ang kanyang kapalaran ay hindi alam. Ang iba'y naniniwala na siya'y namatay noong
sanggol pa lamang, samantalang ang iba nama'y naniniwala na siya ay pinaampon.

Mga Akda at ang kanyang doktorado[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Einstein ay hindi makahanap ng trabaho sa pagtuturo pagkatapos ng makamit ang kanyang diploma.
Ang ama ng kanyang kamag-aral ay tumulong sa kanyang makahanap ng trabaho bilang isang katulong
na tagasuring teknikal sa isang Tanggapang Swiss Patento(Swiss Patento) noong 1902. Doon, si Einstein
ay sumuri ng kahalagahan ng mga aplikasyong patento na isinumite ng mga imbentor at ito'y
nangangailangan ng kaalaman sa pisika para maunawaan. Ang kanyang trabaho ay suriin ang mga
kasangkapang elektromagnetiko.

Pinakasalan ni Einstein si Mileva Maric noong 6 Enero 1903. Ang pagpapakasal ni Einstein kay Maric na
isang matematiko ay pagsasamang personal at intelektwal.

Noong 1903, ang posisyon ni Einstein sa Tanggapang Swiss Patento ay ginawang permanente. Kanyang
nakamit ang kanyang doktorado sa Unibersidad ng Zurich matapos isumite ang kanyang tesis na "Eine
neue Bestimmung der Moleküldimensionen" ("Ang bagong pagtukoy ng mga dimensiyong molekyular")
noong 1905.

Akdang Annus Mirabilis[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong 1905, si Einstein ay sumulat ng apat na artikulo na naging bahagi sa pundasyon ng modernong
pisika. Karamihan sa mga pisiko ay umaayon na tatlo sa mga akdang iyon(Galaw Brownian, epektong
photoelektrika, at espesyal na relatibidad) ang nararapat magkamit ng Gantimpalang Nobel. Sa mga
akdang ito, ang paliwanag ni Einstein ng epektong photoelektrika ang tanging binanggit ng komiteng
Nobel sa Parangal.

Isinumite ni Einstein ang mga akdang ito sa "Annalen der Physik". Ito'y karaniwang tinatawag na "Mga
papel na Annus Mirabilis" (mula sa Annus mirabilis, Latin ng 'taon ng mga kamangha-mangha'). Ang
International Union of Pure and Applied Physics (IUPAP) ay ipinagdiwang at inalala ang ika 100 taon ng
pagkakalimbag ng mga akda ni Einstein noon 1905 bilang "Taong Pandaigdig ng Pisika 2005".

Ang unang akda na pinamagatang "Über einen die Erzeugung und Verwandlung des Lichtes
betreffenden heuristischen Gesichtspunkt" ("Hinggil sa pananaw heuristiko tungkol sa produksiyon at
transpormasyon ng liwanag") ang direktang tinukoy sa Gantimpalang Nobel. Sa papel na ito, pinalawig ni
Einstein ang hipotesis ni Max Planck ng mga munting bahagi ng elementong enerhiya sa kanyang sariling
hypotesis na ang enerhiyang electromagnetika ay sinisipsip o inilalabas ng bagay sa quanta ng hv kung
saan ang h ay konstanteng Planck at ang v ay prekwensiya ng liwanag, na nagbibigay ng bagong batas na

Emax = hν − P

upang ipaliwanag ang epektong photoelektrika, gayundin ang mga katangiang photoluminesensiya at
photoionisasyon. Ginamit ni Einstein ang batas na ito upang isalarawan ang epektong Volta(1906), ang
produksiyon ng pang sekundaryang katodong sinag at ang mataas na prekwensiyang hangganan ng
Bremsstrahlung (1911). Ang pinakamahalagang kontribusyon ni Einstein ay ang kanyang asersyong ang
kwantisasyon ng enerhiya ay panloob na katangian ng liwanag imbis na ng interaksiyon sa pagitan ng
materya at liwanag na gaya ng paniniwala ni Max Planck. Isa pa sa karaniwanang nakakaligtaang resulta
ng papel na ito ay ang kanyang mahusay na pagtatantiya ng bilang Avogadro. Bagaman hindi
iminungkahi ni Einstein na ang liwanag ay isang partikulo sa akdang ito; ang konseptong "photon" ay
hindi imininungkahi hanggang 1909.

Ang kanyang ikalawang artikulo noong 1905, na tinatawag na "Über die von der molekularkinetischen
Theorie der Wärme geforderte Bewegung von in ruhenden Flüssigkeiten suspendierten Teilchen"
("Hinggil sa galaw na kailangan ng molekyular na teoriyang kinetiko ng init-ng maliliit na mga partikulo
na nakabitin sa isang hindi gumagalaw na likido") ay sumasakop sa kanyang pag-aaral sa galaw
Brownian. Ito ay nagbigay ng ebidensiyang empirikal sa eksistensiya ng mga atomo. Bago ang papel na
ito, ang mga atomo ay pinaniniwalaang makabuluhang konsepto ngunit pinagtatalunan ng mga kemiko
at pisiko kung ang atomo ay mga tunay na bagay. Ang pagtalakay estatistikal ni Einstein sa kalikasan nito
ay nagbigay sa mga eksperimentalista ng paraan ng pagbilang ng atomo sa pamamagitan ng ordinaryong
mikroskopyo. Si Wilhelm Ostwald, isa sa mga pinuno ng eskwelang anti-atomo, ay kalaunang napaniwala
sa eksistensiya ng atomo dahil sa kumpletong paliwanag ni Einstein sa galaw Brownian. Ipinaliwanag din
ni Louis Bachelier ang Galaw Brownian noong 1900.

Ang ikatlong papel ni Einstein, ang "Zur Elektrodynamik bewegter Körper" (Hinggil sa elektrodinamika ng
mga gumagalaw na katawan") ay inilimbag noong Hunyo 1905. Ang akdang ito ay nagpakilala sa
teoriyang espesyal na relatibidad, ang teoriya ng panahon, distansiya, masa at enerhiya na umaayon sa
elektromagnetismo ngunit hindi kasama ang pwersa ng grabidad. Habang binubuo ang papel na ito,
sumulat si Einstein kay Mileva tungkol sa "ating akda sa galaw relatibo" at ito'y nagdulot para sa iba na
magtanong kung si Mileva ay may papel na ginampanan sa pagbuo nito. Ilang historyan ang naniniwala
na si Einstein at si Mileva ay may kaalaman na ang kilalang Pranses na si Henri Poincaré ay naglimbag ng
ekwasyon ng relatibidad, mga ilang linggo bago isumite ni Einstein ang kanyang papel. Marami ang
naniniwala na ito'y independiyente. Gayundin, pinagtatalunan kung alam ni Einstein ang akda ni Hendrik
Lorentz noong 1904 na naglalaman ng karamihan sa teoriya na tinukoy ni Poincaré.

Ang ikaapat na papel na "Ist die Trägheit eines Körpers von seinem Energieinhalt abhängig?" ("Ang
inersiya ba ng isang katawan ay nakasalalay sa nilalamang enerhiya?") na inilimbag noong 1905,
ipinakita ni Einstein na mula sa aksiyoma ng relatibidad, na posibleng mahinuha ang ekwasyon na
nagpapakitang ang enerhiya at materya ay magkatumbas. Ang katumbas na enerhiya ng isang halaga ng
masa ay ang masa na pinadami ng bilis ng liwanag(c) na pinadami sa sarili nito: E = mc².

Bagaman si Poincare ang unang naglimbag ng "ekwasyong enerhiya" , ito ay iba ng kaunti sa anyo: m = E
/ c²

Kalagitnaang mga Taon[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 1906, si Einstein ay naiangat sa ikalawang klaseng teknikal na tagasuri. Noong 1908, si Einstein ay
nabigyan ng lisensiya sa Bern, Switzerland bilang Privatdozent. Sa mga panahong ito, inilarawan ni
Einstein kung bakit bughaw ang kalangitan sa kanyang papel na "Ukol sa phenomenon ng kritikal na
opalensensiya" kung saan ipinapakita ang pagsasamang epekto ng paghahasik ng liwanag sa
pamamagitan ng indibidwal na mga molekula sa atmospero. Noong 1911, si Einstein ay naging unang
katulong na propesor sa Unibersidad ng Zurich at kalaunan ay naging ganap na propesor sa seksiyon ng
lenggwaheng Aleman ng Charles Universidad ng Prague. Habang nasa Prague, si Einstein ay naglathala
ng isang papel na tumatawag sa mga astronomo na subukin ang dalawang prediksiyon ng kanyang
teoriya ng relatibidad: ang pagkababaluktot ng liwanag sa grabitasyonal na field na masusukat sa isang
eklipseng solar; at ang pulangpaglipat(redshift) ng mga linyang solar spektral relatibo sa mga linyang
spektral na nalilikha ng ibabaw ng Mundo. Isang astronomo na nagngangalang Erwin Freundlich ang
nagsimulang makipagtulungan kay Einstein at umalerto sa ibang mga astronomo sa buong mundo
tungkol sa pagsubok astronimikal ng teoriya ni Einstein. Noong 1912, si Einstein ay bumalik sa Zurich
upang maging ganap na propesor sa ETH Zurich. Noong panahong iyon, siya'y malapit na
nakipagtulungan sa matematikong si Marcel Grossmann na nagpapakilala sa kanya sa Heometriyang
Riemannian. Noong 1912, sinimulang tawagin ni Einstein ang panahon(time) bilang ikaapat na
dimensiyon (bagaman naunang nagawa ito ni H.G. Wells sa akdang The Time Machine noong 1805).

Noong 1914, bago magsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig, si Einstein ay nanirahan sa Berlin,
Alemanya bilang propesor ng isang lokal na unibersidad at naging isang kasapi ng Akademya ng Pang-
Agham ng Prussia. Kanyang kinuha ang pagkamamamayan ng Prussia. Mula 1914 hanggang 1933, siya'y
naglingkod bilang direktor ng Institutong Kaiser Wilhelm para sa Pisika sa Berlin. Kanya ring hinawakan
ang posisyong ng di-pangkaraniwang propesor sa Unibersidad ng Leiden mula 1920 hanggang 1946 kung
saan palagi siyang nagbibigay ng pangtuturo.

Noong 1917, inilathala ni Einstein ang "Zur Quantentheorie der Strahlung," Physkalische Zeitschrift 18,
121–128" ("Hinggil sa mekanikang quantum ng radiasyon"). Ang artikulong ito ay nagpakilala ng
konseptong stimuladong emisyon(stimulated emmission), ang prinsipyong pisikal na nagpapahintulot sa
amplikasyon ng liwanag sa laser. Kanya ring inilimbag ang akda nang taong iyon na gumagamit ng
teoriyang pangkalahatang relatibidad upang imodelo ang kilos ng buong uniberso na siyang naglatag ng
entablado sa modernong kosmolohiya. Sa akdang ito, nilikha niya ang kanyang tinatawag na
"pinakamatinding pagkakamali": ang konstanteng kosmolohikal.

Noong 14 Mayo 1904, ang unang anak ni Albert at Mileva, si Hans Albert Einstein ay ipinanganak. Ang
kanilang ikalawang anak na lalaki, si Eduard Einstein ay ipinanganak noong 28 Hulyo 1910. Si Hans Albert
ay naging propesor ng inhinyerong hydraulic sa Unibersidad ng California sa Berkeley. Hindi siya malapit
sa kanyang ama, bagaman pareho silang may interes sa musika at paglalayag. Si Eduard, ang
nakababatang kapatid ay nagnais na maging isang tagasiyasat Freudian ngunit ipinasok sa isang
institusyong pang-isipan sanhi ng sakit na eskisopreniya at doon namatay. Si Einstein ay nakipaghiwalay
kay Mileva noong 14 Pebrero 1919 at nagpakasal sa kanyang pinsang si Elsa Löwenthal noong 2 Hunyo
1919 (ipinanganak na Einstein: Löwenthal ang apelyido ng kanyang unang asawang si Max). Siya ay
tatlong taong gulang na mas matanda kay Albert at kanya siyang inalagaan matapos dumanas si Albert
ng nerbiyosong pagkabalisa kasama ng matinding sakit sa tiyan. Wala silang naging anak.

Pangkalahatang relatibidad[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Teoriyang pangkalahatang relatibidad

Sa pangkalahatang relatibidad, ang grabidad ay kurbada(pagkakabaluktot) na dulot ng presensiya ng


materya(sa larawang ito ay kumakatawan sa mundo) sa espasyo-panahon. Ang kurbadong landas ang
orbito na sinusundan ng buwan sa pag-ikot nito sa mundo.

Noong Nobyembre 1915, sinimulan ni Einstein ang sunod sunod na pagtuturo sa Akdemyang Pang-
Agham ng Prussia kung saan kanyang isinalarawan ang bagong teoriya ng grabidad, na kilala bilang
teoriya ng pangkalahatang relatibidad. Ang huling pagtuturo ay nagwakas sa isang pagpapakilala ng
ekwasyon na pumalit sa batas grabidad ni Newton, ang Ekwasyong Field. Ang teoryang ito ay tumuturing
na ang lahat ng nagmamasid ay pantay pantay, hindi lamang sa mga gumagalaw na pantay ang bilis. Sa
pangkalahatang relatibidad, ang grabidad ay hindi isang pwersa(na gaya ng sa batas grabidad ni Isaac
Newton) kundi ito ay sanhi ng kurbada(pagkakabaluktot) ng espasyo-panahon.

Naglimbag si Einstein ng mga akda tungkol sa pangkalahatang relatibidad na hindi makukuha sa labas ng
Aleman sanhi ng digmaan. Ang balitang tungkol sa bagong teoriya ni Einstein ay umabot sa mga
astronomong Ingles at Amerikano sa pamamagitan ng pisikong Dutch na sina Hendrik Antoon Lorentz at
Paul Ehrenfest at ang kanilang kasamang si Willem de Sitter, Direktor ng Obserbatoryong Leiden. Siya'y
naakit sa bagong teoriya ito at naging pangunahing tagapagtaguyod at tagapagpakilala nito. Karamihan
sa mga astronomo ay hindi nagustuhan ang heometrisasyon ni Einstein ng grabidad at naniniwalang ang
mga prediksiyon ng pagbaluktot ng liwanag at grabitasyonal na pulangpaglipat(gravitational redshift) ay
hindi tama. Noong 1917, ang mga astronomo sa Obserbatoryong Bundok Wilson sa Timog California ay
naglimbag ng resulta ng pagsisisyasat na spektropiko ng solar spektrum na nagpapakita na walang
grabitasyonal na pulangpaglipat sa Araw. Noong 1918, ang mga astronomo sa Obserbatoryong Lick sa
Hilagang California ay nakakuha ng larawan ng eklipseng solar na namasdan sa Estados Unidos.
Pagkatapos ng digmaan, kanilang ipinahayag ang kanilang pagsisiyasat na nagsasabing ang prediksiyong
pagkabaluktot ng liwanag ng pangkalahatang relatibidad ay mali; ngunit ang pagsisiyasat na ito ay hindi
nailimbag sanhi ng mga pagkakamali.

Nang magkaroon ng eklipseng solar noong 1919, si Arthur Eddington ay namuno ng pagsukat ng
pagkabaluktot ng liwanag ng bituin habang dumadaan papalapit sa araw na nagreresulta sa posisyon
nito na malayo sa Araw. Ang epektong ito ay tinatawag na paglelenteng grabitasyonal(gravitational
lensing) at katumbas sa dalawang ulit na prediksiyong Newton. Ang obserbasyon ay ginawa sa Sobral,
Ceara, Brazil gayundin sa isla ng Principe sa Kanlurang pampang ng Aprika. Ipinahayag ni Eddington na
ang resultang ito ay kumumpirma sa prediksiyon ni Einstein at ang diyaryong The Times na nag-ulat ng
kumpirmasyong ito noong Nobyembre 7 nang taong iyon ang siyang nagpalago ng kasikatan ni Einstein.

Pagdalaw sa ibang bansa[baguhin | baguhin ang batayan]

Dinalaw ni Einstein ang New York City sa unang pagkakataon ng 2 Abril 1921 kung saan siya binigyan ng
opisyal na pagtanggap ng Alkaldeng si John Francis Hylan. Ito ay sinundan ng 3 linggong mga pagtuturo
at mga pagtanggap. Noong 1922, siya ay naglakbay sa buong Asya at kalaunan sa Palestina bilang bahagi
ng 6 na buwang ekskursiyon at pagsasalita. Kabilang sa mga dinalaw niya ang Singapore, Ceylon, at
Hapon. Ang kanyang unang pagtuturo sa Tokyo ay tumagal ng apat na oras at nakipagkita sa emperador
at emperatris sa palasyo nito. Ayon kay Einstein sa kanyang isang liham sa kanyang mga anak, "sa lahat
ng mga nakilala kong tao, ang pinakagusto ko ang mga Hapones, sila ay mapagpakumbaba, matalino,
maalalahanin at may pakiramdam sa sining." Noong Pebrero 1933 habang siya ay dumadalaw sa Estados
Unidos ay nagpasya siyang hindi na bumalik sa Alemanya dahil sa pag-akyat sa kapangyarihan ng Nazi sa
ilalim ni Adolf Hitler. Kanyang dinalaw ang maraming mga unibersidad sa Amerika. Siya at ang kanyang
asawang si Elsa ay bumalik sa pamamagitan ng barko sa Belgium sa wakas ng Marso. Sa kanilang
paglalayag, ipinaalam sa kanilang ang kanilang cottage ay nilusob ng mga Nazi at sinamsam ang kanilang
bangkang panlayag. Sa pagtuntong nila sa Antwerp noong Marso 28, agad silang tumungo sa
konsuladong Aleman kung saan ibinalik ni Einstein ang kanyang pasaporte at pormal na tumalikod sa
kanyang pagkamamayang Aleman. Pagkatapos ng ilang taon, ipinagbili ng mga Nazi ang kanyang bangka
at ginawang kampo ng kabataang Aryan ang kanyang cottage. Noong maagang Abril 1933, nalaman ni
Einstein na nagpasa ng mga batas ang bagong pamahalaang Aleman na nagbabawal sa mga Hudyo sa
paghawak ng anumang mga posisyong opisyal kabilang ang pagtuturo sa mga unibdersidad. Pagkatapos
ng isang buwan, ang mga akda ni Einstein ang kasama sa mga pinuntirya ng pagsusunog ng mga aklat ng
Nazi at idineklara ni Joseph Goebbels na "ang intelektuwalismong Hudyo ay patay na". Nalaman rin ni
Einstein na ang kanyang pangalan ay nasa listahan ng mga pinupinturya ng asasinasyon na may
gantimpalang $5,000 sa kanyang ulo. Ang isang magasin na Aleman ay nagsama kay Einstein sa talaan ng
mga kaaway ng rehimeng Aleman na may pariralang "hindi pa binibigti". Tumira siya sa Belgium ng ilang
buwan bago temporaryong tumira sa Inglatera.

Pagtira sa Estados Unidos[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong Oktubre 1933, si Einstein ay bumalik sa Estados Unidos at kumuha ng posisyon sa Institute for
Advanced Study sa Princeton, New Jersey na nangailangan ng kanyang presensiya ng 6 na buwan kada
taon. Sa panahong ito ay hindi pa rin siya nakakapagpasya sa kanyang hinaharap. May mga alok sa kanya
sa mga unibersidad sa Europa kabilang ang Oxford ngunit noong 1935 ay nagpasyang manatili nang
permanente sa Estados Unidos at nag-apply para sa pagkamamamayan. Ang kanyang kaugnayan sa
Institute for Advanced Study ay tumagal hanggang sa kanyang kamatayan noong 1955. Siya ang isa sa
apat na napili dito kabilang sina John von Neumann at Kurt Gödel na kanyang naging malapit na
kaibigan. Sa panahong ito nang tangkain ni Einstein na buuin ang teoriyang nagkakaisang field at
pamalian ang tinatanggap na interpretasyon ng pisikang quantum ngunit parehong hindi naging
matagumpay.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig at Proyektong Manhattan[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Einstein noong 1947.

Noong 1939, ang isang pangkat ng mga siyentipikong Hungariano kabilang si Leó Szilárd ay nagtangkang
umalerto sa Washington hinggil sa patuloy na pagsasaliksik ng bombang atomiko ng Nazi ngunit ito ay
hindi pinansin. Itinuring ni Einstein at Szilárd kasama ng ibang mga refugee na sina Edward Teller at
Eugene Wigner na kanilang responsibilidad na alertuhin ang mga Amerikano sa posibilidad na manalo
ang mga siyentipikong Aleman sa karera ng paggawa ng bombang atomiko at magbabala sa mga
Amerikano na si Hitler ay higit na handang bumalimg sa paggamit ng gayong sandata. Noong tag-init
nang 1939 mga ilang buwan bago ang pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europa, si
Einstein ay nahikayat na ipahiram ang kanyang prestihiyo sa pamamagitan ng pagsulat ng liham kasama
ni Szilárd kay Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos upang alertuhin ito sa posibilidad nito.
Nirekomiyenda rin ng liham sa pamahalaan ng Estados Unidos na magbigay pansin at maging tuwirang
sangkot sa pagsasaliksik ng uranium at nauugnay na pagsasaliksik ng kadenang reaksiyon. Dahil sa liham
ni Einstein at kanyang pakikipagkita kay Roosevelt, ang Estados Unidos ay pumasok sa karera sa pagbuo
ng bombang atomiko na humuhugot ng malaking mga pinagkukunang materyal, pangsalapi at pang-
agham upang simulan ng Proyektong Manhattan. Ang Estados Unidos ang tanging bansa na
matagumpay na nakagawa ng bombang atomiko noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Bilang kasapi ng National Association for the Advancement of Colored People (NAACP) sa Princeton,
nangampanya siya para sa mga karapatang sibil ng mga Aprikanong Amerikano at nakipagtugunan sa
aktibista ng mga karapatang sibil na si W. E. B. Du Bois. Noong 1946, tinawag ni Einstein ang rasismo sa
Amerika bilang "pinakamalalang sakit". Kanyang kalaunang isinaad na "ang prehudisyo sa lahi ay sa
kasawiang palad naging isang tradisyong Amerikano na walang panunuring ipinasa mula sa isang
henerasyon tungo sa isa pa. Ang tanging mga lunas ay kaliwanagan at edukasyon". Noong 1940, si
Einstein ay naging isang mamamayang Amerikano.

Huling buhay at kamatayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa huli nang kanyang buhay ay naging behetaryano si Einstein. Pagkatapos ng kamatayan ng unang
pangulo ng Israel na si Chaim Weizmann noong Nobyembre 1952, ang Punong Ministrong si David Ben-
Gurion ay nag-alok kay Einstein ng posisyon ng Pangulo ng Israel na isang posisyong halos seremonyal.
Ang alok ay itinanghal ng ambahador ng Israel sa Washington na si Abba Eban na nagpaliwanag na ang
alok "ay kumakatawan sa pinakamalalim na paggalang na ilalagay ng mga Hudyo sa anuman sa mga anak
na lalake nito. Gayunpaman, si Einstein ay tumanggi at sumagot na siya ay malalim na napukaw at sabay
na nalungkot at nahiya na hindi niya ito matatanggap.

Noong 17, 1955, si Einstein ay nakaranas ng pagdurugo sa loob ng kanyang katawan na sanhi ng
pumutok aortikong aneurismo. Kanyang kinuha ang drapto ng talumpati na kanyang inihahanda para sa
pagpapakita sa telebisyon na umaalala sa ikapitong anibersaryo ng Estado ng Israel sa hospital.
Gayunpaman, hindi niya ito nakumpleto. Namatay siya sa Princeton Hospital noong sumunod na umaga
sa edad na 76

You might also like