Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Si Donya Victorina De Espadaña ay isang Pilipinang nagpapanggap na isang

taga Europea. Siya ay asawa ni Don Tiburcio De Espadaña na nagpapanggap


naman bilang isang doktor. Hindi rin tanggap ni Donya Victorina na sya ay
isang Pilipino kung kaya’t ganoon na lamang kalaki ang galit nya sa mga
indio. Si Donya Victorina ay mapanghamak at mapagmata rin sa mga kapwa
Pilipino. Tinuturing din nya ang kanyang sarili na mas angat o mataas sa iba.
Si Donya Victorina ay gumanap sa nobelang El Filibusterismo bilang tiyahin
na pilay ni Paulita Gomez. Si Donya Victorina rin ang palaging kasama ni
Paulita tuwing magkikita sila ni Isagani ngunit ang donya ay mas gusto si
Juanito Pelaez para sa pamangkin. Nagkaroon ako ng interes sa karakter ni
Donya Victorina dahil gustong maipakita at ilantad ng grupo namin ang
negatibong katangian nya na Colonial Mentality. Ito ay ang pagtangkilik sa
produkto at kultura ng ibang bansa, na kung saan si Donya Victorina ay pilit
na ginagaya ang mga uso sa Europa ngunit nagmumukha lamang syang
katawa-tawa sa kanyang ginagawa.

You might also like