Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

SURING PANTANGHALAN

I. PAMAGAT
Noli Me Tangere - 'ANG BUHAY AT PAG-IBIG NINA RIZAL AT IBARRA'
II. DIREKTOR
Ms. Anne Villegas
III. TAUHAN/GINAMPANAN
• Juan Rodrigo as Jose Rizal • Leo Precilla as Tenyente Guevarra /
Kapitan Heneral / Kapitan Basilio /
• Ranty Portento as Crisostomo Ibarra
Leon
• Kris Bernal as Maria Clara / Leonor
• Alvin Mañago as Guwardiya 1 / G.
• Algene Mañago as Elias Laruja / Sepulturero
• Richard Gutierrez as Pilosopong • Gerome Quiaoit as Guwardiya 2 /
Tasyo / Don Tiburcio Sakristan Mayor / Alkalde / Linares
• Sarah Aragones as Sisa / Binibini • Jefferson Lee as Guwardiya 3 /
Albino / Pale Man / Sepulturero
• Angelo Arac as Basilio
• Roxanne Mañago-Ferreras as Sinang
• Alvin Maghanoy as Crispin
/ Binibini / Woman
• Sonny Alcantara as Padre Damaso
• Michelle Dayupay as Doña Victorina
• Bernard Carritero as Padre Salvi / / Doña Consolacion / Kusinera
Bisita
• Jana Trias as Tiya Isabel
• Pet Yanga as Alperes / Alalay ni
Ibarra / Ama ni Ibarra

IV. BUOD

Pagkatapos nag-aral at namalagi ng pitong taon sa Europa ay nagbalik si


Crisostomo Ibarra sa Pilipinas. Ito’y pinaghandaan ni Kapitan Tiyago, ama ni Maria
Clara na kasintahan ni Ibarra, sa pamamagitan ng isang salo-salo na dinaluhan ng
ilan sa mga matataas ang antas sa lipunan. Kinabukasan ay dinalaw ni Ibarra si
Maria Clara at inalala ang kanilang pagmamahalan na nagsimula pa sa kanilang
pagkabata. Bago pumunta ng San Diego si Ibarra ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente
Guevarra ang pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael. Ayon sa Tinyente, si
Don Rafael ay pinagbintangan ni Padre Damaso na pumatay sa kubrador kaya siya’y
binilanggo hanggang nagkasakit at namatay sa kulungan. At dahil sukdulan ang
kasamaan ni Padre Damaso ay pinahukay ang bangkay ng kanyang ama at itinapon
na lang ito sa lawa. Ngunit sa halip na maghiganti ay ipinagpatuloy niya ang balak ng
kanyang ama na magpatayo ng paaralan. Kamuntikan ng mapatay si Ibarra, kung
hindi lang nailigtas ni Elias, sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng
paaralan. At muntik naman masaksak ni Ibarra si Padre Damaso napigilan lang ito ni
Maria Clara. Sinamantala ni Padre Damaso ang pagkakataon na sirain at utusan si
Kapitan Tiyago na itigil ang kasunduan ng pagpapakasal nina Ibarra at Maria
Clara. Walang kamalay-malay na napagbintangan si Ibarra noong sinalakay ng mga
taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at siya’y ibinilanggo. Ginawa lahat upang
hindi makalaya si Ibarra kabilang na dito ang ang sulat ni Ibarra kay Maria Clara na
pinalitan. At kung saan nalaman na ang tunay na ama ni Maria Clara ay si Padre
Damaso. Inanunsyo sa bahay ni Kapitan Tiyago ang pagpapakasal nina Maria Clara
at Linares habang lihim na kinausap ni Ibarra si Clara at nagpaalam bago siya
tuluyang tumakas. Tuluyan ng tumakas si Ibarra at sumakay ng bangka ngunit
naabutan sila kaya tumulon sa tubig si Elias upang iligaw sila. Pinaputukan siya ng
mga sibil sa akalaang siya ay si Ibarra hanggang mapatay nila ito. Nagmadre na lang
si Maria Clara ng nabalitaan ang pagkamatay ni Ibarra. Bago nawalan ng hininga si
Elias ang huling habilin niya ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay
dahil sa pagtatanggol sa bayan.

V. KAISIPAN (3)

Ang mga kaisipang nakuha ko sa dula ay una, ang pagpaslang sa mga taong
naparatangan ngunit hindi napapatunayan ay isang karumal-dumal na krimen dahil hindi
nagkaroon ang taong iyon ng hustisya sa kaniyang sarili. Pangalawa ay ang pagmamahal ni
Ibarra sa kaniyang bansa, pamilya at lalo na sa kasintahan niyang si Maria Clara. Pangatlo,
hindi lahat ng nasa paligid mo ay mapapagkatiwalaan mo, halimbawa na lamang ay ang
pagpatay sa ama ni Ibarra, bigla na lamang nagsulputan ang kaniyang mga kaaway.

vi. PAGSUSURI SA ASPETONG TEKNIKAL


A. ISKRIP
Para sa akin, maganda ang pagkakagawa ng iskrip at naiintindihan ko ang mga
salitang ginamit dito. Ang hindi ko lang nagustuhan ay gumagamit sila ng mga modernong
salita na hindi naman nagawa noong panahon pa ni Rizal pero sa kabuuan, naintindihan ko
naman na ginawa iyon para sa aming mga estudyante na kung saa'y lahat kami makaka-
"relate" sa mga salitang iyon

B. DIREKSYON
Ang direksyon o daloy ng kwento ay naging matagumpay at naintindihan ko ng
mabuti kung ano talaga ang nais ipahiwatig ng dula.

C. DISENYONG SET
Maganda ang naging disenyong set ng dula dahil ang daloy ng kwento ay
naiintindihan. Maganda ang disenyo dahil ito'y makukulay.

D. KOSTYUM
Ang kostyum ng mga gumanap ay kaaya-ayang tignan dahil ito'y nakabase sa
panahon ni Rizal. Tama lang na ganon ang mga kasuotan na sinuot ng mga aktor dahil ito'y
bumagay sa tema ng kwento at napansin din ang mga kaaya-ayang kasuotan ng mga
Pilipino/Pilipina.

E. PAGLALAPAT NG TUNOG/MUSIKA
Ang paglalapat ng tunog at musika ay naging maayos. Talaga namang naiintindihan
ko ang sinasabi ng mga gumaganap at ang mga musika o tunog ay bumabagay sa kung
anong nangyayari sa dula. Sabay ang pagpasok at maganda din ang paglabas ng mga tunog
na ginamit nila.

F. PAGGAMIT NG ILAW
Maganda ang paggamit ng ilaw dahil nakita ko kung saan talaga nakapokus ang dula
at ito'y bumabagay sa kaganapan ng nangyayari sa dula.

G. PAGGANAP NG MGA ARTISTA


Mahusay na gumanap ang mga artista at ako'y nasiyahan kung paano sila
magbatuhan ng kanilang mga diyalogo. Ako'y humanga sa artista na gumanap bilang Sisa
dahil ang kaniyang pagganap ay tila'y nangingibabaw ang nais nya ipahiwatig at pati
kalungkutan niya'y nadarama mo kapag siya ang gumaganap, ibang klase ang kaniyang
talento.

VII. IMPLIKASYON NG DULA SA KASALUKUYANG


PANAHON (2)
Sa kasalukuyang panahon, makikita mo pa rin na madaming tao ang makasarili at
tinatanggi ang katarungan para sa ibang tao. Iniisip parin nila ang kanilang sarili para sa
kanilang kapangyarihan. Ang halimbawa nito ay ang mga politiko na hanggang ngayo'y
kinokurakot ang pera ng mamamayan. Isa pang halimbawa ay ang mga pulis na gusting
makakuha ng pabuya o karangalan kaya naman sila’y pumapatay ng inosenteng tao na wala
namang kasalanan katulad na lamang ng pagpatay kay Kian.
Makikita din dito na ang mga Pilipino ay mapagmahal dahil hanggang ngayon, ibang
iba pa din ang pagmamahal nila sa kanilang lugar, pamilya o kasintahan. Katulad nalang ng
pagmamahal ni Ibarra sa kaniyang lugar, ito’y kaniyang binalikan at sa kaniyang kasintahan
na si Maria Clara.

VIII. ARAL NA NAKUHA SA DULA (2)


Ang mga aral na nakuha ko sa dula ay mayroon palang mga tao na gutom sa
kapangyarihan kaya naman nagkakaroon ng hindi makatarungang pangyayari sa iisang
lugar o bansa. Natutunan ko din nag anon pala ang trato sa mga Pilipino noong panahon ni
Rizal, hindi sila nabibigyan ng katarungan at kalayaang ipahayag ang kanilang saloobin
dahil sila’y pinamumunuan ng mga kastila. Sa simpleng kasalanan pala na kahit ika’y
pinaratangan lamang at hindi pa napapatunayan ay maaari ka nang mamatay. Talaga
namang karumal-dumal ang naging buhay ng mga Pilipino noon.

You might also like