Pagsusuri Sa Dalawang Tula Tungkol Sa Mga

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Pagsusuri sa Dalawang Tula tungkol

sa mga Manggagawa
18
TuesdayJUN 2013
POSTED BY GLENNTHOUGHT IN UNCATEGORIZED
≈ 1 COMMENT
Mahaba man o maikli, sang-ayon sa bilang ng taludtod o bilang ng saknong, ang tula bilang
daloy ng pahayag ay may mga tiyak at di-maiiwasang sangkap. Sinasagot ng mga sangkap
na ito ang saligang sanhi at layunin ng isang karaniwang pahayag? Sino o ano ang
karaniwang pinagmulan ng pangungusap? Bakit naipahayag ang gayon? Kailan at saan
nagaganap ang pahayag?

Sa tuwinang napag-uusapan ang suliranin ukol sa emansipasyon, hindi maiiwasang


mabanggit ang pakikibaka ng mga kabilang sa mga uring nakabababa sa isang kalagayan
kung saan pinipigilang labis ang kanilang karapatan.

Sa tuwing mababanggit ang kanilang pagkaapi, nagiging pangunahing palagay na


kailangang itanghal ang kanilang sarili bilang mga taong mayroon ding karapatan sa
pagkilala at paggigiit. Sa ganitong layon, nagpupumilit silang itatag ang sarili bilang
lehitimong identidad na siyang magbibigay sa kanila ng karapatan na makibahagi sa
kalakaran ng daigdig kung saan itinuturing sila bilang isang “abnormalidad,” isang sakit na
tila baga kailangang alisin.

Mapupuna na sa halos lahat ng retorika ng mga uring manggagawa at sa iba pang mga
kilusan sa emansipasyon, namamayani ang tinig ng pagnanais na makilala at mabigyan ng
tinig upang maihantad ang kanilang mga hinaing.

Ang tulang Manggagawa ni Jose Corazon De Jesus ay natatangi. Ang tulang ito ay isang
halimbawa ng tulang tradisyunal. Tulang malakuwento. Ang uri ng tulang ito ayon kay
Almario (2005) ay, “taglay ang pagiging tula ng anyong ito at ang pasubali sa karapatan
nitong maging tunay na kuwento. Mala-kuwento lamang.”1
Ang buong tula ay isang manipesto ng kaakuhan ng makata. Makikita sa tula ang kakaibang
paraan ng makata na ipadama sa kaniyang mga mambabasa ang kasalukuyang
kalungkutan at pighati ng kalagayang dinaranas ng persona. Hindi niya ito tuwirang sinasabi
subalit ang kaniyang paraan ng paghabi sa mga salita ay nagpapatunay lamang ng
kaniyang pagnanasang maipahayag ang kaniyang layunin sa tula.

Ganito rin ang sabi ni Alejandro Abadilla hinggil sa katangian ng isang tula aniya, “Kailangan
sa tula upang maging tula ay ang kakanyahang sarili (personal identity) ng makata… sa tula
ay may mahalagang bagay ang kapangyarihan ng magkasamang sagimsim (intuition) at
salamisim (imagination). Kahit mga salita lamang at karaniwang mga salita, ang mga ito sa
mapaghubog na kamay ng makata ay nabibigyan ng anyong sarili, nakukulayan at
napagkakatinig nang ayon sa kanyang kabuuan bilang taong di-karaniwan at di-karaniwang
manlilikha.2
At katulad ng tulang Manggagawa ni Jose Corazon De Jesus,3 malinaw na makikita kung
paano ipinakilala ng sarili ang kalagayan ng persona sa tula at kung paano niya nagawang
malikhain ang tula upang magsilbi itong hamon sa mga mambabasa para pag-isipan ang
tunay na kahulugan nito.
Sa tula ay inilahad lamang ng makata ang kalagayan ng persona sa isang payak na paraan.
Gumamit siya nang mga karaniwang salita na madali namang maunawaan. Subalit dahil sa
kaniyang kasiningan at pagkamalikhain ay nagawa niyang makabuo ng isang makabayang
layunin.

Mula sa tula ay mababanaag ang nararamdamang pagpupunyagi ng may-akda sa itinuturing


bayani ng lipunan – manggagawa. Hindi aniya maitatatwa na malaki ang gampanin ng
manggawa para maging matagumpay ang isang lipunang kaniyang ginagalawan. Ang
lipunan na binuo at pinanday mula sa kamay ng mga manggagawa. Sa ganitong kalagayan
ay dapat lamang isang idambana sapagkat sila ay dapat bigyan ng pagkilala sa mga
paghihirap at sakripisyong ginawa nila para sa bayan.

“Kaya ikaw ay marapat / dakilain at itanghal


pagkat ikaw ang yumari / nitong buong Kabihasnan.
Bawat patak ng pawis mo’y / yumayari ka ng dangal
dinadala mo ang lahi / sa luklukan ng tagumpay.
Mabuhay ka ng buhay na / walang wakas, walang hanggan,
at hihinto ang pag-ikot / nitong mundo pag namatay.”
Sa bahaging ito ng tula ay ipinahihiwatig ang pagkagalak na nararamdaman ng persona
dahil sa nakikita niyang dapat na pagdakila at papuri kinakailangang iukol ng lipunan sa
mga manggawa na bahagi ng buhay ng sinumang tao mula sa kaniyang pagsilang
hanggang sa kaniyang kamatayan. Mararamdaman sa tula kung gaano kalaki ang pag-asam
ng makata na maipanday sa isipan ng mga mambabasa ang kahalagahan at pagpapahalaga
na dapat na iukol sa manggagawa bilang tagapagbuo ng lipunan. Bilang kumakatawan sa
malaking bahagi ng lipunan na siyang nagdadala rito tungo sa maunlad na buhay.

“Bawat palo ng martilyo / sa bakal mong pinapanday


alipatong nagtilamsik, / alitaptap sa kadimlan;
mga apoy ng pawis mong / sa Bakal ay kumikinang
tandang ikaw ang may gawa / nitong buong Santinakpan.”
Sa bahagi ito ng tula, makikita ang pagtatangka ng persona na isa-isahin ang ambag ng
manggagawa sa lipunan. Ang kahalagahan ng manggagawa sa kapaligiran at sa
pamumuhay at buhay ng bawat tao. Ang hindi madaling paglikha ng manggagawa na huli
ay hindi naman para sa kaniyang sarili kundi para sa ibang tao. Ipinapakita rito ang hindi
pagiging makasarili ng manggagawa. Sapagkat sa kabila ng apoy pawis na paggawa ay
isang kumikinang na lipunan ang kaniyang pinapanday. Pinauunlad.

Simple lamang ang mga salitang ginamit. Ngunit ang pagiging simple nito ang mas
nagpatingkad sa tula upang magkaroon ng paghihinuha ang mambabasa para unawain ang
mensahe ng tula. Nagawang paglaruan ng makata ang payak na talasalitaan para makabuo
ng isang makabuluhang tula.

Kagaya ng sinabi ni Abadilla, “…Kahit mga salita lamang at karaniwang mga salita, ang mga
ito sa mapaghubog na kamay ng makata ay nabibigyan ng anyong sarili, nakukulayan at
napagkakatinig nang ayon sa kanyang kabuuan…”4 Malinaw na taglay ng tula ang ganitong
pananaw sapagkat nagawang ipakilala ng makata ang kaniyang sariling istilo sa pagsulat ng
tula gamit ang mga karaniwang salita at masining niyang hinulma upang magkaroon ng
bagong anyo at mas lalong maging isang tunay na sining ng panitikan.
Ang tulang ito rin ay maituturing na may kaugnayan sa kaisipang ipinahayag ni Almario
tungkol sa katangian ng makata. Aniya, “Ang makata’y isang manunuklas sa karurukan ng
kaniyang binabathalang paglalang. Walang sagradong dambana sa panggagalugad ng
kaniyang imahinasyon. Tulak ng silakbong propetiko kailangan niyang humawan ng bagong
landas tungo sa manigo at higit na maluwalhating pagtingin sa buhay. Ang daigdig ng
kaniyang panahon at kaisipan ng pandama ay walang hanggan maging sa gitna ng
istruktura, retorika o metrikong musikal.”

Ang malikhaing istilo ng makata ay nagpapakita lamang ng kaniyang husay sa paggamit ng


kaniyang imahinasyon at paglalahad ng katotohanan at karanasan sa buhay ng isang
indibidwal. Kailangan din lamang na maging makatotohanan at maipadama ng isang makata
ang kaniyang layunin sa pagsulat na epektibo namang naipahayag sa tula.

Tunay nga na kung gaano naging kakaiba ang anyo ng pagkakasulat ng makata sa tula ay
siya rin namang nagiging kakanyahan nito mula sa iba pang tula dahil sa kakaibang paraan
ng paglalahad ng makata ng kalagayan at karanasan ng persona sa tula. Tunghayan ang
tulang Manggagawa ni Jose Almojuela5:
“Manggagawa, kayong lumilikha ng yaman ng bansa
Kayong malaon nang iginupo ng dahas
Magkaisa’t labanan ang pang-aapi
Kahit na libong buhay man ang masawi
Walang kailangan kung ang magiging kapalit
Ay ang kalayaang matagal ng minimithi”
Sa bahaging ito ng tula, malinaw na hinihikayat ang mga manggagawa na magkaisa, na
magsimula ng isang pagkilos ng isang demonstrasyon na magiging hudyat ng pagbabago sa
sistema at kanilang kalagayan sa lipunan.

“Panahon na, panahon na mga kasama


Ipakita ang lakas ng ating pagkakaisa”
Isinasaad din na may puwersa ang mga manggagawa. May lakas silang magagawa nilang
mabuo kung sila ay magtutulungan at magkakaisa na makamtan ang kanilang layunin.
Ipinapakita rin ng makata na dumating na ang hudyat na tuluyan nang naputol ang pisi na
matagal nang iniingatan ng mga manggagawa.

Nang makamtan ng bayan ang tunay na kalayaan.


Makikita ang naging paghahangad ng makata sa layunin ng mga mangggawa na magkaroon
ng isang makatotohanang emansipasyon sa kalagayang kanilang nararanasan.

Wala tayong maaasahang bathala o manunubos


Kaya’t ang ating kaligtasa’y nasa ating pagkilos.
Iginigiit ng makata sa bahaging ito ng tula na ang kalagayan ng mga manggagawa ay
tanging sila lamang ang nakakaramdam at nakakakita. Na walang sinuman o anu pa mang
nakakakilala sa karanasan kanilang kinamulatan. At walang maaaring magtanggol sa
kanilang kalagayan kundi sila tanging sila lamang liping manggagawa.

Mula sa tula ay makikita ang trahedyang kinasapitan ng isang tao na siya namang
nasaksihan ng persona sa tula. Ipinahahayag ang masaklap na kapalaran ng isang
manggagawa. Isang katotohanan inilantad at ipinahayag ng makata tungkol sa kalagayan
ng mga magsasaka na naglilingkod sa mga makasariling may-ari ng lupa, may-ari ng mga
pagawaan at korporasyon, at kung hindi sila sumunod ay buhay ang magiging kabayaran.

Maiuugnay ko ito sa sinabi ni Almario na, “Bawat makata ay isang erehe, (rebelde). Hindi
siya nakikiisa ni makikipagsandugo sa anumang kinikilalang lakas, sapagkat siya, sa
kaniyang sariling, ay isa nang lakas. Ang kaniyang henyo ay nakikisilong sa lunggan ng
kumbensiyon…Dapat siyang humakbang, manggalugad, maglakbay upang makaigpaw sa
kalawakan ng mga planeta at bituin, at malabanan ang grabedad ng mortalidad.” 6 Makikita
na ang makata ay may bukas na mata at pag-iisip para mailapat niya ang lahat ng ito sa
kaniyang panulat. Ang kaniyang ginawang paraan ng pagsulat ay pagpapakita lamang ng
paghakbang at eksplorasyon sa mga karanasan at penomenang nararanasan ng tao sa
kaniyang lipunan partikular ang mga aping sektor nito.
Isinasaad lamang sa tula ang konsepto ng kasaysayan ng lipunan noong panahon ng
diktadurya ng rehimeng Marcos. Sa panahong ito ay malaki na nga ang iniunlad ng
pakikibakang antidiktadura sa pagpasok ng dekada 1980. Pati na ang pampulitika at pang-
ekonomiyang kabuhayan ay tila nagbabadya ng di magandang hinaharap para sa rehimeng
batas militar.

Mula pa huling dekada ng 1970, tinutulak na ng gobyernong Estados Unidos sa ilalim ng


administrasyong Carter ang rehimen tungo sa “normalisasyon” – tungo sa pagbabalik ng
mga pormal na institusyon ng demokrasya. Kasama sa proseso ng “normalisasyon” ang
ginanap na eleksyon para sa interim Batasang Pambansa noong 1978, ang pormal na pag-
aalis ng batas militar noong Enero 1981 at ang pagdaraos ng eleksyong presidensyal noong
Hunyo 1981. Lahat nang ito, gayunman, ay ginawa ayon sa mga kundisyong itinakda ni
Presidente Marcos.7
Sa aklat ni Mojares (2002) ay inilarawan naman niya sa isang sulatin ang menu na ginamit
sa dalawang magkaibang okasyon noong panahon ng Espanyol at Amerikano bilang
pagpapakita hindi lamang ng pamumuhay ng mga tao noon kundi maging ng hirarkiya sa
lipunan at nananaig na kultura ng mga elit. Ang kaniyang pananaw ukol sa hirarhiya sa
lipunan ay humahabi ng mga kaisipan ukol sa paniniwala, kamalayan at karanasang Pilipino.
Bahagi ng kaisipan ni Tiongson na ang liping manggagawa ay kabahagi ng isang kilusan na
komunidad din ng mga taong may malasakit sa kapwa, may marangal na pangarap sa
bayan, at may tatag sa harap ng panunupil at karahasan. Sa gitna ng posibilidad ng
kamatayan, nasumpungan niya ang tatag. Natuklasan niya na may kakayahan tayong
hangganan ang ganoong mga takot. Ang susi ay ang pagtanggap sa kasalukuyan. Naging
mas madaling pasanin ang pag-iisip ng kamatayan… Ang pakikipaglaban ang pakikisangkot
at ang pakikiisa. Nagsimula na ring tumindi ang krisis pang-ekonomiya na ipinamalas at
pinalubha pa ng pagtakas ng isang negosyanteng di makabayad ng utang sa mga
bangko. Umabot ang utang sa daang milyong piso na kinasangkutan ng may 80 kumpanya
at bangko. Di biro ang epekto nito sa negosyo sa bansa. Maging ang malalaking
negosyanteng sumuporta sa rehimen sa simula ay nagpamalas ng pagkabahala sa
lumulubhang krisis. Gayon na lamang ang tindi ng suliraning pangkabuhayan kung kaya
pumailalim ang gobyerno sa programang istruktural ng IMF na lalo lamang nagpahigpit sa
pagkasakal ng huli sa bansa.

Maiuugnay ko rin sa tula ang kaisipan ni Michael Robbins, “The clamor for “accessibility” is
poetry has always been absurd.”8 Ang tulang ito ni Almojuela nagtataglay ng naiibang
pamamaraan ng paglalahad ng kalagayan ng persona sa tula. Ipinakita niya sa tula ang
kaniyang kahusayan sa paggamit ng mga salita upang maiwasan ang pagiging ganap na
bayolente ng sitwasyon sa tula. Bagamat masasabing may kaugnayan din ang lipunan sa
buhay ng manggagawa sapagkat maaaring isa itong simbolismo ng pagsikil sa karapatan at
kalayaan ay masasabing nagamit ito ng makata bilang isang epektibong imahe.
Sa kabuuan, napanatili ng may-akda ang kahusayan sa paglalahad ng kaniyang mga
kaisipan sa pamamagitan ng kaniyang tula, bagamat may paghamon para sa mga
mambabasa ang pag-unawa sa mga tulang ito ni Almojuela ay masasabi kong matagumpay
naman niyang nailahad ang iba’t ibang karanasan at penomena sa buhay ng isang
manggagawa.

You might also like