Ang Hapunan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Noli Me Tangere/Kabanata 03 : Ang Hapunan

< Noli Me Tangere

BuodBaguhin

Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Sa anyo ng kanilang


mga mukha, mahahalata ang kanilang pakiramdam. Siyang-siya si Pari Sybyla
samantalang galit na galit naman si Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng
madaanan hanggang sa masiko niya ang isang kadete. Hindi naman umiimik ang
tenyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap at pinupuri ang masarap na
handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya Victorina sa tenyente sapagkat
natapakan ang kola ng kanyang saya habang tinitignan nito ang pagkakulot ng
kanyang buhok.

Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng


dalawang pari kung sino sa kanila ang dapat na umupo roon.

Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre
kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Pari Sibyla naman ang iginigiit ng
Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-
dapat na umupo.

Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwang iaalok ang
upuan. Pero, tumanggi ang tenyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang
dalawang pari. Siya'y nagkapakpak at lumipad ng matulin.

Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan


Tiyago. Pero, kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na tumaggi ang
kapitan sabay sabing "huwag mo akong alalahanin."

Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupoyos ng damdamin ni Pari


Damaso, ang ihain ang tinola. Paano puro upo, leeg at pakpak ng manok ang napunta
sa kanya. Ang kay Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola. Hindi alam ng pari,
sadyang ipinaluto ng kapitan ang manok para kay Ibarra.

Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malapit sa


kinaroroonan niya. Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja, siya ay mayroon ding
pitong taong nawala sa Pilipinas. Bagamat, wala siya sa bansa, hindi niya
nakakalimutan ang kanyang bayan. At sa halip, siya ang nakakalimutan ng bayan
sapagkat ni wala man lang isang taong nakapagbalita tungkol sa masaklap na sinapit
ng kanyang ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala ng
tinyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng
kanyang amang si Don Rafael.
Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid-
kawad, na kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso.

"Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon", tugon naman ni Ibarra.

Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at marami
ng wika ang kanyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang
pinupunntahan niya ang ginagamit niya sa pakikipagtalastasan. Bukod sa wika, pinag-
aaralan din niya ang kasaysayan ng bansang kanyang pinupuntahan partikular na ang
tungkol sa Exodo o hinay-hinay na pagbabago sa kaunlaran.

Ipinaliwanag ni Ibarra na halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa


tema ng kabuhayan, pulitika at relihiyon. Pero, nangingibabaw ang katotohanang
nababatay sa kalayaan at kagipitan ng bayan. Gayundin ang tungkol sa ikaaalwan at
ikapaghihirap nito.

Naudlot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso.


Walang pakundangan ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang kung iyon lamang ang
nakita o natutuhan ni Ibarra, siya ay nag-aksaya lamang ng pera sapagkat kahit na bata
ay alam ang mga sinabi nito. Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng pari.

Kalmado lamang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang niya ang mga
sandaling madalas na pumunta sa kanila si Pari Damaso noong maliit pa siya upang
makisalo sa kanilang hapag-kainan. Ni gaputok ay hindi nakaimik ang nangangatal na
si Damaso.

Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiyago sapagkat darating si Maria Clara
at ang bagong kura paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra. Pero,
nangako siyang babalik kinabukasan din.

Ngumakngak naman si Padre Damaso, nang umalis si Ibarra. Binigyan diin niya na ang
gayong pagkilos ng binata ay tanda ng kanyang pagiging mapagmataas. Dahil dito nang
gabing iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa isang
pakpak at leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salu-salo; ang may handa ay
walang silbi sa isang piging at ang hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio sa ibang
lupain. At dito natatapos ang kabanata 3.

TalasalitaanBaguhin
1. Pautal-utal - paputol-putol

1. Pag-uyam -sarkasmo
2. Naibulalas -naipakita
3. Siyang-siya - may kaligayahan
4. Panauhin- bisita
Mga Natatanging TagpoBaguhin
1. Walang pakundangang hinila ni Padre Damaso si Ibarra pagkatapos ipahayag ng huli ang
kanyang obserbasyon sa Europa na ang bansang malaya ay maunlad subalit ang bansang
nasasakop ay naghihirap. Nanatiling kalmado si Ibarra.
2. Pinigil ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa kanyang maagang pag-alis sa salu-salo darating si Maria
Clara at ang bagong paroko ng San Diego.
3. nang si ibarra lang ang nakapansin na walang upuan si kapitan tiyago.

KahalagahanBaguhin
1. Nakita sa kabanatang ito ang unang bagong kaisipang hango sa Europa ang isang bansang
malaya ay umuunlad samantalang ang isang sakop na bansa ay patuloy na naghihirap.
2. Nakita muli na ang simbahan ay higit na makapangyarihan sa pagaagawan nina Padre Damaso
at Padre Sibyla ng upuang panguluhan. # Isang kaugalian na ang may-ari ng bahay ay uupo sa
kabisera upang maging tagapagsilbi sa panahon ng pagkain.
3. Ang pang-insulto ni Padre Damaso kay Ibarra ay nagpapahiwatig sa

pagtutol ng mga Kastila na makapag-aral ang mga Pilipino. Ang patuloy na pagiging
mangmang ng mga Pilipino ay magpapangyari sa mga Kastila na patuloy na maging
alipin sila.

You might also like