FIL2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

DANICA YAMBAO 1OMT 2S

PANIMULANG PAGSASALIN
Gina P. Canlas

KATUTURAN NG PAGSASALIN
• Sa/lin (png.)
o Paglilipat mula sa isang sisidlan tungo sa iba.
o Pagkopya ng isang bagay mula sa orihinal.
o Pagtutumbas sa isang salita, parirala, o pangungusap mula sa orihinal na wika patungo sa ikalawang wika.
o Pag-endoso ng isang dokumento mula sa isang tanggapan tungo sa iba.
o Pagbibigay ng isang katungkulan tungo sa iba bilang promosyon sa trabaho o anumang katulad.
• “Translation”
o Latin: “translatio” – “pagsalin”
o Griyego: “metafora” o “metaphrasis” – “metaphrase” o “salita-sa-salitang pagsalin” (Kasparek 1983).
o Maituturing na dahilan kung bakit palaging inaakala na ang pagsasalin ay pagtatapatan lamang ng mga
salita ng dalawang wika.
• Eugene Nida (1964)
o Ang pagsasalin ay paglalahad sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng
mensahe ng simulaang wika, una’y sa kahulugan at pangalawa’y sa estilo.
• Mildred Larson (1984)
o Ang pagsasalin ay muling paglalahad sa tumatanggap na wika ng tekstong naghahatid ng mensaheng
katulad ng sa simulaang wika ngunit gumagamit ng piling mga tuntuning panggramatika at mga salita ng
tumatanggap na wika.
• Peter Newmark (1988)
o Ang pagsasalin ay isang gawaing binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na mensahe sa
isang wika ng gayon ding mensahe sa ibang wika.
• Kahulugan ng Pagsasaling-Wika
o Ang pagsasaling-wika ay ang paglipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalpit na katumbas na diwa at
estilong nasa wikang isinasalin.
• Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Tagasalin
o Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
o Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
o Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.
o Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
• Kahalagahan ng Pagsasalin
o Pagpapalaganap ng kaalaman o kaisipang nakapaloob sa akda.
o Pagbibigay liwanag sa kasaysayan at kultura ng ibang bansa o panahon.
o Pagpapakilala sa mga bagong mambabasa ng isang akdang itinuturing na makabuluhan ng isa o ilang tao.
o Higit na nagkakaunawaan at nagkakadamahan ng kanilang interaksyon.
• Unang Yugto: Panahon ng mga Kastila
o Mapalaganap ng mga Kastila ang Iglesia Catolica Romana.
o Isalin sa Tagalog at iba pang katutubong wika ang mga dasal at mga akdang panrelihiyon.
o Nagturo ng wikang Kastila ngunit hindi naging konsistent.
o Hindi lantarang inihayag ng kastila ang tunay nilang pakay sa bansa.
o Sa paglisan ng kapangyarihang Espanyol sa Pilipinas, nagpatuloy pa rin ang pagsasalin ng mga piyesang
nasa wikang Kastila.
• Sa Pilipinas, kasintanda rin ang pagsasalin ng limbag na panitikan (Almario et al., 1996).
• Ang unang aklat na nailimbag sa Pilipinas, ang Doctrina Christiana (1593), ay salin ng mga pangunahing dasal at
tuntunin ng simbahang Katoliko.
• Pangalawang Yugto: Panahon ng mga Amerikano
o Thomasites – mga unang guro.
o Naging masigla ang pagsasalin sa wikang Pambansa ng mga akdang nasa wikang Ingles.
o Impluwensiya ng Amerikano
▪ Edukasyon.
▪ Nagkaroon tayo ng iba’t ibang karunungan.
#NOWAYBUTUP
DANICA YAMBAO 1OMT 2S
o Ang pagsasalin sa panahong ito ay di-tuwiran.
o Rolando Tinio
▪ Maraming naisaling klasikong akda.
o National Bookstore (1971)
▪ Ipinasalin ang mga popular na nobela at kuwentong pandaigdig at isinaaklat upang magamit sa
paaralan.
o Goodwill Bookstore
▪ Naglathala ng koleksyon ng mga klasikong sanaysay nina Aristotle, Aquinas, Kant, at iba pa.
o Children’s Communication Center
▪ Nagsalin at naglathala ng mga akdang pambata tulad ng “Mga Kuwentong Bayan Mula sa Asia”,
“Rama at Sita”, “Palaso ni Wujan”, “Mga Isdang Espada”, at iba pa.
• Ikatlong Yugto ng Kasiglahan: Patakarang Bilinggwal
o Ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales pampaaralanna nasusulat sa Ingles.
o Aklat, patnubay, sanggunian, gramatika, at iba pa.
o Department Oder No. 25, s. 1974.
o Reference Grammar, Program of the Girl Scout of the Philippines, at iba pa.
• Ikaapat na Yugto ng Kasiglahan: Pagsasalin ng mga Katutubing Panitikang Di-Tagalog
o Kinakailangan ang pagsasalin ng mg akatutubong panitikang di-Tagalog upang makabuo ng panitikang
Pambansa.
o LEDCO (Language Education Council of the Philippines) at SLATE (Secondary Language Teacher
Education) ng DECS at PNU noong 1987.
o Pagtulong ng Ford Foundation.
o Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bicol, Samar-Leyte, Pampanggo, at Pangasinan.
o Bernakular.
o Sa proyektong ito, nagkaroon din ng pagsasalin sa ilang Chinese-Filipino Literature, Muslim, at iba pag
panitikan ng mga minor na wika ng bansa.
o GUMIL (Gunglo Dagiti Mannurat nga Ilocano).
o Kurditan – katipunan ng mga akda.

MGA KATANGIAN NG FILIPINO BILANG TUNGUHANG WIKA: PAGHAHAMBING SA MGA


KATANGIAN NG WIKANG FILIPINO AT INGLES KAUGNAY NG PAGSASALIN
• Ang Pagsasalin ay Isang Gawaing Pangkaisipan
o Lagi tayong nagsasalin.
o Ang pagsasalin ay interpretasyon.
o Isa itong gawaing pangkaisipan na ipinahahayag sa pamamagitan ng wikang berbal o di berbal.
• Mga Uri ng Pagsasalin (Roman Jakobson)
o “On Linguistic Aspects of Translation” (1959)
o Intralingual Translation/Intalingguwal na Salin
▪ Rewording – maghahanap ng salita na mauunawaan.
▪ Interpretation of verbal signs by means of other signs of the same language.
▪ Paggamit ng wika ng kabataan para maipaunawa ang mensahe ng matatanda
o Interlingual Translation/Interlingguwal na Pagsasalin
▪ Translation Proper.
▪ Interpretation of verbal signs by means of some other language.
▪ English-Filipino.
▪ Pagsasalin mula sa Ingles patungong Filipino, Filipino pa-Ingles.
▪ Pagsasalin mula sa Cebuano patungo sa Ilokano, Ilokano pa-Cebuano.
▪ Ang pagsasalin ay paglilipat ng isang teksto sa pinakamalapit na diwa mula sa simulaang
lengguwahe papunta sa tunguhang lengguwahe.
o Intersemiotic Translation/Intersemyotikong Salin
▪ Transmutation.
▪ Interpretation of verbal signs by means of signs of non-verbal system.
▪ Pagsasapelikula ng Noli Me Tangere (musika).
▪ Pagsasakomiks ng Florante at Laura.
#NOWAYBUTUP
DANICA YAMBAO 1OMT 2S
• Mga Wika at Tekstong Sangkot sa Salin
o Interlingguwal na Salin:
▪ Simulaang Teksto (ST) → Tunguhang Teksto (TT)
▪ Simulaang Lengguwahe (SL) → Tunguhang Lengguwahe (TL)
• Kalikasan, Kakayan ng Mga Wikang Sangkot sa Pagsasalin: Ugnayan ng Filipino at Ingles
o Bago pa magsalin, alamin muna ang ugnayan ng mga wikang kasangkot sa pagsasalin.
• Kalikasan ng SL at TL: Ugnayan ng Angkan ng mga Wika
o Magkaiba at malayo ang mga angkan ng mga wikang kinabibilangan ng Filipino at Ingles.
o Kapag magkaiba ang angkan ng wika, mas maraming pagkakaiba sa estruktura ng mga wikang ito.
• Pagkakaiba ng Katangian ng Kayarian ng Filipino at Ingles
o Kayarian ng Salita
▪ Payak
• Isang salita lamang
• Walang kasamang panlapi o katambal na salita.
• Hindi rin inuulit ang kabuoan ng bahagi nito.
• Mga Halimbawa:
o Bulaklak = Flower
o Balak = Plan
o Tagumpay = Victory
o Asin = Salt
o Gamot = Medicine
▪ Maylapi
• Binubuo ito ng salitang-ugat at panlapi.
• Mga Halimbawa:
o Maliit = Small
o Pagsulat = Writing
o Kapangitan = Ugliness
o Matulungin = Helpful
o Bumili = Bought
▪ Inuulit
• Inuulit ang sakita kung ang kabuoan o bahagi nito ay inuulit.
• Mga Halimbawa:
o Araw-araw = Every day
o Masayang-masaya = Very happy
o Masarap-sarap = Rather tasty
▪ Tambalan
• Binubuo ito ng dalawang magkaibang salitang pinag-isa.
• Palarawan
o Inilalarawan ng ikalawang salita ang unang salita.
o Mga Halimbawa:
▪ Hugis-puso
▪ Punong-mangga
▪ Hanging-amihan
• Layon
o Unang salita ay gawain.
o Ikalawang salita ay bagay.
o Halimbawa:
▪ Daang-bakal
• Layunin
o Unang salita ay bagay.
o Ikalawang salita ay layunin.
o Mga Halimbawa:
▪ Silid-tulugan
▪ Hapag-kainan
#NOWAYBUTUP
DANICA YAMBAO 1OMT 2S
• Pinaglagian/Pinagmulan
o Unang salita ay bagay.
o Ikalawang salita ay pinagmulan.
o Halimbawa:
▪ Bangus-Dagupan
• Sa Ingles:
o Dalawang elemento, parehong payak.
▪ Blackboard, hothouse, drug store, anyway, by-pass, outcome.
o Tatlong element, lahat ay payak.
▪ Son-in-law, nevertheless, nonetheless, sister-in-law.
o Dalawang elemento, isa ay complex.
▪ Christmas tree, Postage-stamp, tax-colletor, package store, electrical
storm.
o Dalawang element, parehong complex.
▪ Elevator-operator, movie-actor, cigarette-lighter.
o Salitang compound-complex
▪ Two or more words combined to create a separate meaning.
▪ Halimbawa: dry-cleaner.
o Kayarian ng Pangungusap
▪ Batayan ang pangungusap na pinakamaikli at pinakapayak na may kompletong kahulugan sa
isang wika.
▪ Paksa/Simuno = Sibject
▪ Panaguri = Predicate
▪ Batayang Pangungusap = Basic Sentence
▪ Filipino: Laging nauuna ang panaguri.
▪ English: Laging nauuna ang subject.
▪ Mga Halimbawa:
• Naglalaro (panaguri) sa bakuran ang bata (simuno).
The child (subject) is playing (predicate) at the yard.
o Ayos ng Bahagi Ayon sa Pangalan
▪ The man gave the woman a book
Nagbigay ng libro ang lalaki sa babae.
Nagbigay sa babae ang lalaki ng libro.
Nagbigay ang lalaki ng libro sa babae.
Nagbigay ang lalaki sa babae ng libro.
▪ Ang Filipino ay may tatlong pangkat ng markadong pangngalan.
▪ Anyong Ang
• Ang bata ay tumatakbo.
The child is running.
▪ Anyong Ng
• Bago ang damit ng bata.
The child’s dress is new.
• Ginupit ng bata ang laso.
The child cut the ribbon.
▪ Anyong Sa
• Sa bata ang bolpen.
The ballpen belongs to the child.
• Pumunta sila sa Amerika.
They went to America.
o Ayos ng Bahagi Ayon sa Panghalip Panao
▪ Ang panghalip panao sa Filipino ay may tatlong anyo.
▪ Anyong Ang
• Ako/Kami = I, We
• Kata/Tayo = We (You and I)
#NOWAYBUTUP
DANICA YAMBAO 1OMT 2S
• Ikaw/Ka/Kayo = You
• Siya/Sila = He/She/They
▪ Anyong Ng
• Ko/Namin = We, Us
• Natin = Us
• Mo/Ninyo = You
• Niya/Nila = Her/Him/They
▪ Anyong Sa
• Akin/Amin = My, Mine, Our
• Atin = Our, (Ours)
• Iyo/Inyo = Your, Yours
• Kaniya/Kanila = Their/Theirs
o Ayos ng Bahagi Ayon sa Panghalip Pamatlig
▪ Ang panghalip pamatlig sa Filipino ay may tatlong anyo.
▪ Anyong Ng
• Ire
• Ito
• Iyon
• Iyan
▪ Anyong Ng
• Nire
• Nito
• Niyan
• Niyon
▪ Anyong Sa
• Dine
• Dito
• Diyan
• Doon
▪ Mga Halimbawa:
• Uminom (niyon/noon) ang bata.
The child drank some of that.
• Mahirap na kalagayan (ire/ito/iyan/iyon).
This/That is a different situation.
o Ayos ng Bahagi Ayon sa Pagpaparami ng Pang-uri
▪ Maliban sa pang-uring pamilang, karamihan sa mga pang-uri sa Filipino ay maaaring paramihin
sa paggamit ng panandang mga.
▪ Mga Halimbawa:
• (Mga tamad/tamad) sila.
They’re lazy.
• Sila ang (mga tamad/tamad).
There are all lazy ones.
▪ Sa Filipino, ‘di tulad sa Ingles, iba-ibang alternatibo ang maaaring gamitin sa kayariang panuring
ng pang-uring ma- na may pang-angkop na –na/-ng.
▪ Mga Halimbawa:
• My brothers are inductrious children.
Mga masisipag na bata ang mga kapatid ko.
Mga masipag na bata ang mga kapatid ko.
Masisipag na bata ang mga kapatid ko.
Masipag na mga bata ang mga kapatid ko.
o Ayos ng Bahagi Ayon sa Intensipikasyon ng Pang-uri
▪ Ang intensipikasyon o kasidhian ng pang-uri ay karaniwang ipinapakita sa pag-uulit ng pang-uri
na may pang-angkop na -na/-ng.
#NOWAYBUTUP
DANICA YAMBAO 1OMT 2S
▪ Sa Ingles, tinutumbasan ang intensipikasyon ng very.
▪ Mga Halimbawa:
• Pagod na pagod ako.
I am very tired.
• Sino ang matabang-mataba?
Who’s the very fat one?
• May mga batang palabasang-palabasa sa klase.
There are some children who are very fond of reading in the class.
• Napakaganda = Very beautiful
• Ubod ng bait = Very kind
• Nakita mo ba ang aso na pagkalaki-laki? = Did you see that very big dog?
• Bali-baligtad = All topsy-turvy
• Basag-basag = Broken to smithereens
• Butas-butas = Full of holes
• Hiwa-hiwalay = Thoroughly scattered
• Sira-sira = Throughly ruined
o Ayos ng Bahagi Ayon sa Moderasyon ng Pang-uri
▪ Ang moderasyon ng pang-uri sa Filipino ay naipapakita sa paggamit ng medyo o nang kaunti na
katumbas sa Ingles ng rather at somewhat.
▪ Mga Halimbawa:
• (Medyo gutom/gutom nang kaunti) ang lahat.
Everyone is rather hungry.
• (Medyo magugulo/magugulo nang kaunti) ang mga bata.
The children are somewhat troublesome.
o Ayos ng Bahagi Ayon sa Kapantayan at Di-Kapantayan
▪ Ang paghahambing ng kapantayan sa Filipino na tinutumbasan sa Ingles ng as ay may iba’t ibang
paraan.
▪ Mga Halimbawa:
• (Ka)sinluma ng bahay natin ang kanila.
• Their house is as old as ours.
• (Magka)sintalino sina Juan at Pedro.
Juan and Pedro are equally intelligent.
▪ Sa Ingles, ang paghahambing ng di-kapantayan ay ginagamitan ng as at salitang not pati na sa
ibang pagkakataon ng less, more at hulaping -er na sinusundan ng than.
▪ Halimbawa:
• Hindi kasintalino ni Mary si Juan.
John isn’t as intelligent as Mary.
John is less intelligent than Mary.
John is more intelligent than Mary.
John is smarter than Mary.
▪ Ang superlatibong antas ng pang-uri sa Filipino ay ginagamit ng pinaka-, ka- at duplikasyon ng
pang-uri at-an. Tinutumbasan ito sa Ingles ng most saka pang-uri at pang-uri saka –est.
• Mga Halimbawa:
o Pinakamura ang kanilang isda.
Their fish is cheapest.
o Ang anak na pinakabata ang bunso.
The bunso is the youngest child.
o Kabanal-banalan = Most virtuous
o Kalinis-linisan = Cleanest
o Kagula-gulanitan = Most ragged
• Pagtatagpo ng Kayarian ng Filipino at Ingles
o Philippine English
▪ I'll go ahead. (Mauna na ko).
▪ For a while. (Sandali).
#NOWAYBUTUP
DANICA YAMBAO 1OMT 2S
▪ I'll pass by. (Dadaan ako).
o Bakit may Philippine English?
▪ Intralanguage Phenomenon:
• Paglalapat ng katutubong pandamdam sa panahunan (tense) ng dayuhang pananalita.
• Sa komunikasyong Filipino kasi, higit na binibigyang-pansin ang naganap na pangyayari
at hindi ang haba ng proseso o panahon ng pagsasakatuparan nito.
• Mapapansin ang ganitong katunayan sa paggamit ng “na” at sa pagtutumbas dito sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng “already” sa ating pangungusap sa Ingles.
▪ Nagkakaroon ng pag-iiba sa paggamit ng Ingles ang mga Filipino kung pagbabatayan ang
istandard na Ingles. (Panunuri ni Maggay kay Goulet).
▪ Isa sa malinaw na pagbabago ay ang paglalapat ng katutubong pandamdam sa pamamagitan ng
paggamit ng at pagtutumbas sa “na”.
▪ Ginagamit din ang “na” sa pagtukoy sa balak na gawain at naipahihiwatig ng dagdag na
“anymore,” o “more” sa mga negatibong pangungusap.
▪ Bagamat ginagamit ang “already” bilang panumbas sa “na,” may pagkakaiba pa rin ang
kahulugan nito.
▪ Binibigyang-diin ng “na” ang mga nagaganap at mga binabalak samantalang ang “already” ay
nakatuon lamang sa pangyayaring naganap o kagaganap pa lamang bago ang naitakdang panahon
ng kaganapan nito.
▪ Ayon kay Goulet, isa ito sa mga nagdudulot ng kalituhan tungkol sa panauhan kapag nagsasalita
tayo sa Ingles.

FILIPINO FILIPINO ENGLISH STANDARD ENGLISH


Tapos na ako. I’m finished already. I’m finished.
Nakauwi na ako. I’m home already. I’m home.
Hindi ko na isusuot ‘yan. I won’t wear that anymore. I won’t wear that.
Hindi na natin maipagpapaliban ang We can no more postpone our plan. We can’t postpone our plan any
ating plano. longer.
Umalis ka na. Leave already. Leave now.
Aalis na ako. I’ll leave already.
Paalis na ako. I’m leaving now.
Pumupunta na ako roon araw-araw. I go there already everyday. I go there everyday.
Siyan a ang director naming. He’s already our director. He’s our present director.

PAGHAHANDA SA PAGSASALIN
• Proseso ang Pagsasalin
o Ang pagsasalin ay isang proseso.
o Hindi lamang ito bastang pagsabak sa pagtutumbas ng mga salita mula simulaang lengguwahe papuntang
tunguhang lengguwahe.
o Kinapapalooban ng paghahanda, aktuwal na pagsasalin, at ebalwasyon ng salin.
• Pagpili sa Tekstong Isasalin
o Ang isang tagasalin ay dapat makaramdam ng natural na pagkagusto sa tekstong isasalin o ang tinatawag
na “natural affinity”.
o Kahit ang isang tagasalin ay kinomisyon lamang na magsalin ng isang materyal, kapag tinanggap niya ito,
para na rin siyang nagpasiyang piliin ang teksto dahil maaari naman niya itong tanggihan kung ayaw niya.
o “One should never translate anything one does not admire” – Justin O’Brien (Nida,1964).
o Hindi maiiwasan sa pagsasalin ang pagiging subhetibo o personal.
o Dapat gabayan ang isang tagasalin ng sariling panlasa.
o Anong uri ng teksto ang nais mong isalin? Sa anong genre mo nais makilala? May partikular ka bang
teksto na gustong maging unang proyekto?
o Ralph S. Galan – tula ang hilig isalin
o Rolando S. Tinio – nakilala sa pagsasalin ng mga dula lalo na ang mga dula ni Shakespeare.
• Pagbasa sa Teksto
o Dapat basahin muna ng tagasalin ang tekstong isasalin.
#NOWAYBUTUP
DANICA YAMBAO 1OMT 2S
o Paulit-ulit hanggang lubos niya itong maunawaan.
o Pagkakataon ito upang makilala ang kalikasan ng tekstong isasalin, kung teknikal ba ito o pampanitikan.
o Matutukoy ang mga salitang bago sa pandinig, lalo na iyong malalalim o teknikal, na ngayon pa lang ay
kailangan nang saliksikin o ipagtanong sa mga eksperto upang hindi na maging problema kapag aktuwal
nang nagsasalin.
• Pagsusuri at Interpretasyon ng Tekstong Isasalin
o Inuunawa ng tagasalin ang nilalaman ng teksto sa kabuoan.
o Higit na mainam kung nauunawaan nang buo ang materyal na isinasalin kaysa inuunawa lamang ito nang
baha-bahagi o kasabay ng salita o pangungusap na isinasalin.
o Kailangang tiyakin ng tagasalin ang uri ng teksto upang makaisip ng angkop na estratehiyang ilalapat sa
pagsasalin.
o Tukuyin ang uri ng teksto (impormatibo, ekspresibo, operatibo).
o Ginagawa ito upang matiyak kung ano ang tungkuling ginagampanan ng wika sa teksto.
• Pagsasaliksik Tungkol sa Awtor ng Tekstong Isasalin
o Lalong makikilala ng tagasalin ang tekstong isasalin kung magsasaliksik din tungkol sa bakgrawnd ng
orihinal na sumulat nito o organisasyong nagpasalin nito.
o Sino ang may-akda?
o Ano ang estilo sa pagsulat na tatak niya?
o Ano-ano ang mga pangyayari sa personal na buhay ng may-akda o mga pangyayari sa lipunang kasabay
ng pagkakasulat ng teksto na maaaring nakaapekto rito?
o Bakit isinulat ng may-akda ang teksto? Ano ang intensiyon niya?
o Lalong nailalapit ng tagasalin ang salin sa orihinal kapag malay sa mga sangkap na nakaimpluwensiya sa
pagkakasulat nito.
• Pagtukoy sa Layon ng Teksto
o Dapat unawain ng tagasalin ang intensiyon ng may-akda sa pagsulat ng teksto.
o Isinulat ba niya ito upang magbigay-impormasyon? upang umantig ng damdamin? upang magpakilos?
o Dapat tiyakin ng tagasalin na maipararating ang intensiyong iyon sa mga mambabasa.
• Pagtukoy sa Pinag-uukulan ng Salin
o Dapat makilala ang pinag-uukulan ng salin upang maisaalang-alang ang kanilang kalikasán sa pagsasalin
ng teksto.
o Iniaayon ang wika ng pagsasalin sa wika ng pinag-uukulan ng salin o sa gagamit nito.
o Halimbawa: Kung kabataan ang target na mambabasa, paano kaya maisasalin ang teksto sa paraang
makakaugnay sila?
o Sino ang target audience ng bersiyong ito?
o Ano ang kanilang kalikasán?
o Ano ang uri ng wikang gamit nila?
o Paano matitiyak na bagay sa kanila ang salin?
• Pagtukoy sa Teorya sa Pagsasalin
o Magsaliksik ng teoryang gagamiting batayan sa pagsasalin.
o Magsisilbing framework o paliwanag ng tagasalin sa prosesong sinunod niya.
o Higit ang kredibilidad ng isang saling may batayang sinunod kaysa sa ibinatay lamang sa sarili niyang
pananaw at diskarte (liban na lamang kung iginagalang na siyang awtoridad sa larang ng pagsasalin).
• Teoryang Skopos
o Isa itong dulog sa pagsasalin na nabuo sa Germany noong mga huling taon ng Dekada 70.
o Hans Vermeer (1930 – 2010)
▪ Isa sa mga pangunahing tagapagsulong.
▪ Alemang lingguwista at iskolar sa pagsasalin.
o Pagbalikwas ito sa mga teorya sa pagsasalin na karamihan ay mga teoryang lingguwistiko o nakatuon sa
estruktura tungo sa mga teoryang nakatuon sa gamit at halagang sosyokultural.
o Isinasaalang-alang nito ang mga kontekstuwal na salik sa pagsasalin ng isang teksto gaya ng kultura ng
mga target na mambabasa o ng kliyenteng nagpasalin.
o Ang tingin nito sa pagsasalin ay hindi lamang pagtutumbas ng mga salita kundi isang anyo ng gawaing
pantao. May dapat na gampanan ang isang salin sa tao. Mayroon itong layunin.
o Skopos

#NOWAYBUTUP
DANICA YAMBAO 1OMT 2S
▪ Salitang Griyego.
▪ “Purpose” o layunin ng pagsasalin.
o Pasulong ang pagtingin nito sa teksto; nakatuon sa mga tatanggap ng salin.
o Pagtaliwas ito sa nakaugaliang pagtingin na pabalik o tumatanaw sa simulaang teksto.
o Bago simulan ang pagsasalin, malinaw dapat sa tagasalin ang kaniyang layunin o skopos.

#NOWAYBUTUP

You might also like