Roxanne

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

San Francisco,Iriga City

Oliveros College Incorporated


(OCI)

2018-2019

NOBELA NG AKING
BUHAY

Roxanne Joyce O. Bance


11-Einstein
Nobela ng aking buhay
Kabanata Pamagat
Pahina

Laban ng Aking Buhay


Magandang araw!

Kami ay sina Hannah at Cathlene, mga mag-aaral kami ng TUMCSI at nasa ika-
sampung baitang na.

Dahil dalawa kami sa blog na ito, napagdesisyonan naming gawan ng magkaibang


kulay ang aming mga kuwento o karanasan. Kulay lila ang mga personal na kuwento
ni Hannah at pula naman ang kay Cathlene. Ngayong araw sa aming blog, mayroon
kaming inihandang mga karanasan namin bilang mga tipikal na mag-aaral at kung ano
ang mga natutuhan namin sa mga pangyayaring tatalakayin. Kung ikaw ay isang mag
aaral o naging mag aaral din, makaka ugnay ka rin siguro sa mga mababasa mo.

Sa buhay ng isang mag aaral, marami tayong mga karanasan na makukuha, may
malulungkot at mayroon din namang masasaya. May mga oras na matutuwa at
mawiwili ka sa mga itinuturo ng iyong guro, minsan naman ay makakatulog ka na sa
sobrang nakakainip at nakakabatong aralin na tinatalakay ni ser o mam.

Maraming nararanasan ang isang estudyante sa kaniyang pag aaral. Kaya nag lista
kami ng iba’t ibang mga nararanasan namin bilang mga estudyante sa araw araw na
pag aaral, narito ang ilan:

Una, magastos dahil sa mga proyektong kailangan pagkagastusan at dahil sa


matrikula. Pangalawa, mahirap dahil sa mga sabay sabay na deadline ng gawain at
proyekto sa iba’t ibang asignatura, may mga salbahe at pake-alamerong mga kaklase
rin na nakakasira ng araw. Ilan lang iyon sa mga pagsubok na nararanasan namin. Ika
apat, ang pakikisama sa iba’t ibang klase ng tao ay pakikipagsapalaran din dahil hindi
lahat ay makakasundo mo, ngunit kung swertehin ka man, madadagdagan ang iyong
mga kaibigan. Kaya masaya rin naman ang pag aaral dahil sa mga kaibigan mong
masaya kasama at mababait. Panlima, may mga bago tayong kasanayan na natutuhan
at matututunan pa sa hinaharap. Sunod, lahat siguro ng mag aaral ay nararanasan ito,
natutuwa tayo tuwing makikita o makakausap natin ang hinahanggan nating tao
o crush. At pang huli, nariyan ang mga guro na masasayang kasama dahil bibo at
makulit, may mga hinahangaang guro din kami dahil magagaling mag turo at malakas
ang koneksyon sa mga estudyante nila, at di rin naman mawawala ang mga guro na di
mo gugustuhin na makasama o makausap dahil masungit o sadyang ayaw lang talaga
nila sa mga bata.

Ngayon naman, magbibgay na kami ng aming mga makabuluhang karanasan na


nagkaroon ng malaking epekto sa aming buhay bilang mga estudyante.
Ang aking buhay bilang estudyante ay nagiging masaya dahil sa mga kaibigan ko.
Nagkakaroon ako ng bagong kaalaman araw-araw, nalalaman at nagagawa ko rin ang
mga bagay hindi ko kayang gawin tuwing kasama ko sila. Ang mga tunay na kaibigan
ko rin ang nag uudyok sakin na mag aral ng mabuti para sa kinabukasan ko. Ngunit
hindi sa lahat ng pagkakataon, masaya at puro tawanan and mararanasan mo bilang
mag-aaral na may mga kaibigan. Noong ako’y nasa ika- siyam na baitang, may araw
na nag-away kami ng aking mga kaibigan dahil sa hindi pagkakasundo at hindi
maayos na pakikipag-ugnayan sa kanila. Nag simula iyon dahil may bagong lipat na
estudyante sa amin. Ang bagong estudyante ay sa grupo namin sumama. Kung
minsa’y lagi kaming dalawa ng bago ang mag kasama araw-araw. Mayroong isa sa
mga kaibigan ko na parang iba na ang iniisip, akala niya na ayaw ko na sa kanya,
akala niya na naiinis ako sa kanya kahit hindi naman talaga kaya na uwi kami sa
walang pansinan. May mga panahon na kailangan namin bumuo ng grupo, at madalas
kaming dalawa ng bago naming kaibigan ang nahihiwalay. Nahihirapan tuloy akong
gumawa ng proyekto kung walang gusting kumuha saamin bilang kagrupo. Pero sa
huli ay kinausap na lang namin siya ng masinsinan para ilabas ang saloobin at para na
din mag kaintindihan. Kung minsa’y hindi talaga natin to maiiwasan sa ating mga
kaibigan dapat ay lagi kayo maging bukas sa kanila sa lahat ng oras at dapat ay
walang tinatagong sikreto. Wag basta mag-isip ng mga negatibong bagay sa iyong
kaibigan dahil dito nagsisimula ang hindi pagkakaintindihan. Isa lang iyon sa mga
naranasan ko habanga ko ay isang mag aaral.

Pag usapan naman natin ang mga karanasan na nagpapahirap at nagbibigay ng


pagsubok sa amin bilang mga mag aaral. Naranasan mo an bang mag puyat dahil sa
mga gawain sa paaralan? Maka-iwan ng pinag hirapan na takdang aralin o proyekto sa
bahay? Umuwi ng lagpas sa curfew ng mga magulang mo at sermonan dahil sa mga
pangkatang proyekto? O kaya naman ay mapagalitan dahil mababa ang nakuha mong
grado o iskor sa pagsusulit? Dahil ako oo, nararanasan ko ang lahat ng iyan. Kung
ating pag iisipan, normal itong nangyayari sa mga mag aaral. Ngunit bakit nga ba ito
nangyayari? Ang lahat ng ito ay kasalanan rin nating mga estudyante. Nagpupuyat ako
para sa mga gawain o proyekto dahil hindi ko ito ginawa nang maaga, kaya tuloy
naghahabol ako upang maipasa lamang ito sa tamang oras. Naiiwanan ko ang mga
importanteng gawain na ipapasa sa araw na iyon dahil tanghali na nagising at
nagmadaling umalis ng bahay o kaya naman dahil hindi ko ito inayos sa bag kagabi.
Sunod, napapagalitan ako tuwing gabi na ako umuuwi, nangyayari lang ito dahil sa
mga proyektong kailangan tapusin sa araw na iyon, ngunit kasalanan ko rin at ng
aking mga kagrupo kung bakit kami ay inabot na ng gabi sa paggawa. Kung maaga pa
sinimulan ang pagbuo ng proyekto at kung tuloy tuloy ang paggawa, hindi na kami
aabutin ng dilim sa pagtapos ng takdang gawain. Kaya naman, naging tanda ang mga
ito sa akin na dapat ay gawin nang maaga ang mga gawain upang hindi na mag
kraming sa susunod. Kung ikaw ay tulad ko na may striktong mga magulang
pagdating sa grado, malamang ay naranasan mo rin na mapagsabihan dahil sa
mababang iskor na nakuha mo sa iyong pagsusulit. Ngunit sino ang dapat managot
dito? Ikaw parin. Tayo paring mga estudyante, dahil hindi tayo nag aral nang maigi,
hindi sapat. Kayat kung nais mong pumasa o kaya ay maka kuha nag mataas na grado
sa susunod, dapat ay maaga palang, pag aralan mo na nang mabuti ang mga aralin.

Sa buhay ng mag aaral, hindi talaga maiiwasan ang mga masasamang bagay na
nangyayari, ngunit sa kabila nito, may mga aral kang matututuhan. Ang lahat ng
bagay ay may tagumpay at kabiguan. Dapat lang na gawin ang ating pinaka ‘best’ sa
buhay upang wala tayong pag sisihan.

Maraming salamat sa pag babasa ng aming blog!

Nawa ay marami kang natutuhan sa aming mga karanasan bilang mga


estudyante,kung ikaw ay tulad namin na estudyante, matulungan ka sana ng mga ito
habang ikaw ay nag aaral pa. At kung ikaw naman ay tapos na sa pag aaral, nawa ay
naalala mo rin ang mga karanasan mo noong ikaw ay nag aaral pa.

Hanggang sa muli, paalam!

Buhay High School Life


Sabi nila masarap daw balik balikan ang buhay high school pero kung ako ang tatanungin ou masarap
balik balikan ang buhay high school kasi simula nung nag high school ako ang dami kong nakilala. Nung
high school lang din ako nag karoon ng tunay na barkada na hindi ka talaga iiwan kahit saan ka mag
punta kaso meron din akong naging kaibigan na mabait lang pag kaharap kaming mag totropa. Marami
nag sasabi na BAD INFLUENCE daw ang barkada pero ako hindi ako naniniwala dun kasi pag may
problema kang hindi mo masabi sa parents mo pwede mo sabihin sa barkada mo.

High school life hinding hindi ko talaga makakalimutan kasi lahat ng katarantaduhan high school ko
natutunan. Ang makisama sa ibang tao high school ko din natutunan ang umuwi ng gabe ang mag
lakwatsa tumambay hanggang gabi ang pag cuting sa klase kahit mahuli ng teacher ayos lang. Syempre
high school ko rin natutunan ang makipag away sa tuwing high school life nga ang pinag uusapan lagi
kong naaalala yung mga friends ko kahit na yung iba ay mabait lang pagkasama kami.

Syempre ang pinaka masaya na malungkot na part ng high school life ay ang graduation day. Mahirap
man tanggapin na kahit isang taon lang tayo mga naging mag kakaklase naging masaya naman ako na
naging barkada ko kaya hinding hindi ko kayo makakalimutan.

Mga Masasayang pangyayari sa High School


Posted on January 15, 2013 by jaiwelletramoran

Ang High School ang pinakamasayang level ng pag-aaral. Ito ang level na
may mga iba’t-ibang masasayang karanasan. Unang tungtong at pasok ko sa
buhay high School akala ko mahirap pero sa una lang pala dahil sa bagong
nasa paligid ko, bagong paaralan, bagong mga guro at mga bagong uri ng
kaklase na pakikisamahan.

Unang taon ko sa high School madaming pagbabago ang aking hinarap. Isa
na dito ang pag-aaral ko dahil sa mga bagong Subject na pag-aaralan ko. Sa
mga bagong guro na naging pangalawang magulang ko na rin at gagabay sa
pang araw-araw na gawain ko sa paaralan. Sila din ang tutulong sa
paghubog ng aking kaalaman sa pag-aaral. Ang mga bagong kaibigan na
pakikisamahn ko sa bawat araw sa loob nag paaralan na magiging bahagi ng
buhay ko at makakasama ko sa sayahan,lungkot ng buhay ko at
makakaramay mo sa oras na may problema ka.

Dumaan ang mga araw na hindi ko namamalayan na masaya na pala ako sa


mga ginagawa ko sa bagong paaralan. Madaming mga pangyayari ang
naganap sa aming paaralan isa na dito ang mga pagsali sa iba’t ibang mga
kompetitisyon tulad ng opening salvo,street dance at iba pa . Nagkakaroon
din ng field trip na ginaganap tuwing October/November. Pinapasyalan ang
mga makasayasayan na pook tulad ng Kawit Cavite at Intramuros.
Ginaganap din ang tinatawag na foundation day sa aming paaralan, dito
ginaganap ang bawat laro tulad ng basketball at volleyball.Madami akong
natutunan dito dahil dito ko mas nakilala ang mga kaibigan at lalong lalo na
ang mga kamag-aral ko, dito ko din nakilala ang pagiging ako. Natutunan ko
din ang pagiging center kay God sa atin na lagi siyang nandyan para
gabayan tayo sa lahat ng bagay, at dumating na ang arawa na kaylangan
naming magpaalam sa isa’t-isa ng ganapin ang pagtatapos namin sa high
School,ito ang pinaka malungkot na pangyayari sa buhay high School dahil
mamimis ko ang mga masasayang pangyayari sa akin.

Masaya ang hayskul lalot na’t kapag naenjoy mo ang pag-aaral at mga
naging kasama sa pang-araw-araw. Madaming aral ang napulot ko sa apat na
taon ko sa hayskul, hindi pala madaling humarap sa mga pagsubok ng buhay
lalo na’t kung mag-isa ka lang. Ngayon, panibagong karanasan at dapat
nanaman nating matutunan sa pagtungtong natin sa kolehiyo.

Love Story…

Iba’t-iba ang kwento ng buhay. Kalakip ng iba’t-ibang kwento na ito ay ang mga
karanasan at iba’t-ibang mga tagpong hinahabi ng panahon. Ngunit iba-iba man
ang kwento, iba-iba man ang tao o tagpo, tiyak ko, maraming makakarelate sa
mga love story na talaga namang patok at kilig to the bones ang dating. Ngayong
araw ng mga puso, magpokus tayo sa mga kwentong pag-ibig. Yun lang naman
ata ang dapat pagtuunan ng pansin ngayong araw. Sa madaling sabi, February 14
is a day of and for love. Hindi ko alam kung paanong ang isang araw sa buhay ng
tao eh dun lang tanging nakakasingit sa eksena ang love gayong araw-araw eh,
tiyak ko na maraming tao ang nagmamahalan…. Pamilya, magkapatid,
magkaibigan o magka-ibigan, mga nasawi sa pag-ibig, mga nag-abroad, mga
nakulong, mga nangutang ng pera para may maipambili ng regalo sa araw na
ito… lahat sila siguro, hindi naexempt sa woe ng love. Kaya ngayon… let’s give it
all for love.

i. Valentines.

Bukod sa Pasko at birthday, meron pang araw kung saan ang mga tao eh
minsang nagrurush sa mga malls at maghanap ng mga iba’t-ibang regalo. At isa
rito ay ang Valentines day. Pihadong magkakaroon ng isang malawakan at
malakihang discount rate sa mga presyo ng mga bilihin (at renta ng mga kwarto)
sa panahong ito. ‘Ika nga nila, tulad din ito ng Father’s day, Mother’s day,
Grandfather’s day, Grandmother’s day, Dog’s Day, Cat’s Day, Carabao’s day at
kung anu-ano pang mga Day kung kailan tiyak na papatok ang pagbili ng regalo.
It’s one of the most wonderful times of the year!

Sari-sari ang mga naglalabasang uri ng regalo. Normal na ang magbigay ng hugis
pusong mga bagay, mga bulaklak na nilalagyan ng kung anu-anong mensahe
katulad ng 3 rosas na I Love You raw ang ibig sabihin, mga teddy bear, chocolate.
At kung medyo sosyal eh mga mahal ang ibinibigay magmula sa cellphone, kotse
hanggang sa lupa at bahay.

Pero hindi lang naman sa pagbibigayan ng regalo nakikita ang diwa ng


Valentines. Meron ding ilan na kahit walang regalo, eh napilitang magpunta sa
Lovapalooza kung kailan daang-daang mga tao ang maghahalikan sa loob ng
ilang minuto. At ang isa sa mga rason? Talunin ang current record sa Guinness.
Meron ding memorable events and sweet moments na tatalo sa ‘silaw’ na
binibigay ng materyal na regalo. Ang ilan dito ay ang pagsagot ng Oo (SA
WAKAS!) ng mga nililigawan, pamamasyal sa mga lugar kung saan ang
atmosphere o ambiance nito ay puno ng love at ang isa sa pinakamatitindi, ang
pag-aaya ng kasal ng isang nobyo sa kanyang kasintahan. Sa Valentines day, sa
napakaraming paraan, sa napakaraming tagpo o lugar, ang napakaraming tao,
iisa lang ang hangad, ang magbigay ng pag-ibig. Hindi ko alam kung bakit too
sensationalize ang LOVE sa Valentines gayong napakaraming araw naman na
pwedeng i-express ito. Siguro, para sa napakaraming magkasintahan eh
Valentines ang araw kung kailan heightened ang need for expression to love. At
sa kasamaang palad, natatapos doon ang height nito. Parang Law of Diminishing
demand na ang dating eh kung kelan season, eh doon lang nagiging ‘fashionable’.

ii. Ibat-ibang eksena…

“Sana ay magkasing kulay ang drama at kulay ng buhay ko.”


Itchyworms, Love Team

Palabas.

Naranasan mo nang makanood ng palabas di ba? Hindi ko alam kung ano pero
minsan nakakainspire gayahin ang maraming mga bida. Minsan nga, naghahanap
pa ng best matches ng mga mukha ng mga gwapo at magagandang artista na
talaga namang kapag ginawan ng love movie, mapafuturistic man o down to
earth o too good to be true ang plot, sigurado… kilig to the bones… with the
maximum effect of reaching to… IMITATION AND WISHFUL THINKING. Oo, lahat
yan. Gagayahin… piratang cd, o di kaya piratang mukha na pwedeng mag act sa
mga artistang nakikita sa tv, o napanood mo lang sa sinehan. O di kaya mga
artistang pwedeng mainnovate ang mga telenovelas. Imitation. Magaling tayo
diyan. Ano pa at sa sobrang galing natin eh ginagawan natin ng Filipino
adaptations ang mga foreign telenovelas. Swak na sa pandinig ang language
dahil nga hindi na kailangan ng subtitle, eh swak din sa pangitain natin ang mga
artista dahil feeling natin… eh close natin sila. Proud to be a Filipino ika nga.
Kaya ang dating, nagiging mas close to the true colors ang mga eksena dahil sa
Filipino ambiance na inilagay sa adapted telenovela. Galing. Pero ang buhay ng
mga artista minsan hanggang drama lang. At ang kaso, sa panggagaya sa
kanila… hindi natin napapansin o naiisip, na baka yung mga artistang
napapanood natin eh ang mga kulay ng buhay ay napakalayo sa kulay na
ipinapakita nito sa drama. Minsan nga: To live in a world of acting is to live in a
dream world.

Ngayon marami pa rin siguro ang mga singgol na tao na naghahanap pa rin ng
partner. Kaya sa tuwing nakakakita sila ang mga so sweet na couple eh
napaparanoid na at sinasabing “Pangit ba ako?” At tiyak patok sa kanila ang
isang linya sa awitin ni Gary Granada…. “Ano bang wala ako na meron sila? Di
man lang makaisa, habang ang iba’y dala-dalawa.” Depression dude.
Mauuwi na lang ang isang tao sa pagbuntung hininga at wishful thinking. Parang
sa panood ng palabas, eh hihilingin na sana ganun din ang kulay ng love story ko.
Hanggang dun na lang. Kaya ang kulay ng drama… mananatiling kulay lang
talaga ng drama. At ang tunay na buhay minsan… unappreciated… parang kapag
nakita mo ang isang eksena sa palabas na coincidentally eh katulad ng
nangyayari sa love story mo ngayon… ang buhay ay para na lamang palabas. No
cuts, no mistakes… everything is directed. Kaya naghihintay sa posibleng happy
o sad ending na kung titignan, sila rin naman ang dapat na gumalaw para
magkaroon ng desired ending…. Yun nga lang, hindi natin alam kung pagkatapos
ng desired ending, yung katuloy ng istorya eh desired pa ba o hindi na. Kaya
minsan, there is no such thing as happy ever after.

iii. Tula…

Patok ang paggawa ng mga sentimental poems ngayon. Corny man sa tingin, ito
naman ay nagbibigay ng mga malalalim na kahulugan na minsan, hindi na
mareach ng bumabasa. The measure of love raw is to love without measure. Pero
hindi ko alam kung hanggang ngayon, uso pa ba ang mga katagang yan. Ano nga
ba’t ngayon eh ang pagiging praktikal daw eh nakikita na sa pagbibigay ng mga
bagay… mura man o mahal. At dun nasusukat ng mga immature na tao ang
pagmamahal… isip bata. Hindi ko alam kung kelan nauso ang paggawa ng tula.
Siguro ang nakauna nun eh pinaghirapan ang kaunaunahan niyang masterpiece.
Kung titignan, mas mahirap ang paggawa ng tula kesa sa paghahanap ng bagay
na ‘unique’ na pwedeng ibigay sa tao. Dahil siguro sa silakbo ng damdamin na put
in black and white kaya talagang oras at pawis ang bayad para lang makagawa
ng ‘unique’ na tula. Mas unique pa nga ito kung tutuusin. Aba, mahirap din
magsabi ng nararamdaman mo ah. At lalong mahirap kung sa papaanong paraan
at kung paano mo ito masasabi nang walang paliguy-ligoy. Kaya ayan.. isulat mo
na lang sa papel ang nararamdaman mo. May personal touch na, nakatipid ka pa.
Pero kung gusto mo talaga, samahan mo na rin ng chocolate, cellphone, susi ng
kotse at kung anu-ano pa.

Pangarap Ko Maging Police Woman

Ang pangarap ko sa buhay ay simple lamang. Nais ko lamang makatapos ng aking pag-
aaral upang makatulong sa aking mga magulang. Nais kung magkaroon ng palagiang
trabaho upang magkaroon ng maginhawang pamumuhay. Alam ko ring ang pagtatapos
ko ng pag-aaral ay hindi lamang pangarap ko kundi pati na rin ng aking mga magulang.
Kapag ako ay nakatapos na ng aking pag-aaral, nakasisiguro akung ikatutuwa ito ng
aking buong pamilya.
Isang napakalaking katuparan kapag ako ay nakatapos dahil maaari na akung
makakuha ng mas magandang trabaho na siyang makakapagbigay ng magandang buhay
sa aking magiging pamilya sa hinaharap. Sa ngayon ang pag-aaral ko ang aking
pinagtutuunan ng pansin. Napakarami ko pang pangarap ngunit sa ngayon isa lamang
ang nais kung makamtan dahil alam ko na kapag nagtagumpay ako sa pagtatapos ng
aking pag-aaral, ito’y nangangahulugang sunod-sunod ko na ring makakamtan ang iba
ko pang pangarap sa buhay.

Pangarap. Meron namang iba na talagang naubusan ng sasabihin kaya ang pinangarap
nalang nila ay maging KAPWA para masaya nga naman, maraming biyaya.

Pero ako, isa lang pinangarap ko ang maging isang PULIS, ewan ko ba basta pangarap
ko maging pulis kahit nung nasa Elementary palang ako hanggang sa maging ganap na
Dalaga na ako ngayong High School na ako, siguro dahil narin ayokong inaapi ako at
gusto kung maprotektahan ang pamilya ko.

Gusto ko talaga maging pulis bata pa ako mga 3 year’s old. Alam ko na yung mga baril
kasi sundalo noon ang aking daddy hanggang sa nilipat siya sa pagiging pulis. Dahil
nagustuhan kung maging pulis para mabawasan na ang masasama ang loob. At
maranasan ang hirap ng training ng pulis at para maiahon ko ang aking pamilya.

You might also like