Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

1.

NOLI ME TANGEREUnang Bahagi – Ang mga Ibarra at ang San Diego

2. K1- ISANG PAGTITIPON • Pagkalat ng balita sa engrandeng pagtitipon sa bahay ni Kapitan Tiago.

• Pagdalo ng maraming panauhin sa pagtitipon kasama ng mga kilalang tao mula sa pamahalaan at
simbahan.

• Ang pagtitipon ay para sa pagbabalik sa Pilipinas ni Crisostomo Ibarra. at pasasalamat sa Mahal na


Birhen.

• Pagtatalo nina Padre Damaso at ang Tinyente Guevarra.

KANSER NG LIPUNAN: Maluho at Magastos Pagtatakwil sa Sariling Lahi Kaisipang Kolonyal


(Colonial Mentality)

3. K2 – SI CRISOSTOMO IBARRA • Ang pagdating ni Crisostomo Ibarra mula sa Europa pagkatapos ng


pitong taon. • Pagtanggi ni Padre Damaso kay Crisostomo na kaibigan niya ang ama nito. • Paggamit ni
Crisostomo ng ugaling Aleman sa pagpapakilala sa kanyang sarili sa mga kababaihan. • Ang pagkikita at
pag-uusap nina Crisostomo at Tinyente Guevarra. • Ang pambabastos ni Padre Damaso kay Crisostomo.
KANSER NG LIPUNAN: Crab Mentality Pagkainggit

4. K3 – ANG HAPUNAN • Ang pag-uunahan nina Padre Damaso at Padre Sibyla sa kabisera ng hapag-
kainan. (nanalo si Padre sibyla) • Ipinahain ni Kapitan Tiago ang Tinolang Manok (paboritong ulam ni
Ibarra) • Ikinagalit ni Padre Damaso na ang napunta sa kanya ay ang makunat na leeg ng manok at
maraming gulay. • Ang mga masasamang parinig ni Padre Damaso sa mga indiong nag- aaral sa ibang
bayan. KANSER NG LIPUNAN: Pagmamataas

5. K4 – EREHE AT PILIBUSTERO • Pagkapansin ni Crisostomo na walang pinagbago ang Binundok


pagkatapos ng pitong taon • Paghabol ni Tinyente Guevarra kay Ibarra upang sabihin ang tunay na
nangyari sa kanyang amang si Don Rafael Ibarra. • Binigyang –babala ni Tinyente Guevarra si Ibarra
KANSER NG LIPUNAN: Kawalang-katarungan/Inhustisya Pagbibigay ng Posisyon sa Di- Karapat-dapat
o walang alam

6. K5 – PANGARAP SA GABING MADILIM • Tumuloy si Ibarra sa kanyang tinitirhang pansamantala sa


Fonda de Lala(ang pinasikat na hotel noong panahon ng Kastila) • Naghahalo ang damdamin ni Ibarra
sapagkat mula sa kanyang silid nakikita niya ang kasayahan sa bahay ni Kapitan Tiago; kasiyahan sa
pagnanais siyang makita si Maria Clara , naghihirap ang kanyang kalooban sa pag-aalaala sa nangyari sa
kanyang ama na wala siyang nagawa.

7. K6 – SI KAPITAN TIYAGO • Paglalarawan sa buhay ni Kapitan Tiago • Napangasawa si Donya Pia Alba
na siya raw nagdala ng swerte sa kanya. • Naging kamalasan daw ang anim na taon na di pagbubuntis. •
Pagkatapos ipanganak si Maria Clara namatay si Donya Pia. • Siya ay kasundo ng simbahan at
pamahalaan. • Maraming mga ilegal na gawain na siyang nakapagpayaman sa kanya • Ipinasok sa
kumbento ng Sta. Catalina si Maria Clara. • Ipinagkasundo ng mga magulang kay Crisostomo na
maipakasal. KANSER NG LIPUNAN: Huwad na Pananampalataya Pagpapalakasan

8. K7 – PAG-UUSAP SA ASOTEA • Hindi mapakali si Maria Clara dahil magkikita na sila ni Ibarra. • Nag-
usap sina Maria Clara at Crisostomo sa asotea at nagpalitan ng mga alaala (dahon ng sambong at ang
lumang liham) • Madaling nagpaalam si Ibarra dahil siya ay pupunta sa San Diego PAGPAPAHALAGANG
PILIPINO: Pagiging sentimental Palabra de Honor Pagiging Tapat sa Pag-ibig

9. K8 – MGA GUNITA • Nakita ni Ibarra ang kabagalan ng pag- unlad na malayung-malayo na sa


Europa. • Pag-alaala ni Ibarra sa sinabi ng paring guro KANSER NG LIPUNAN: Mabagal na Pag-unlad

10. K9 – MGA BAGAY-BAGAY UKOL SA BAYAN • Ang pagalit na pagsugod ni Padre Damaso sa bahay ni
Kapitan Tiago . • Papaalis sina Tia Isabel at Maria Clara upang kunin ang gamit ni Maria Clara sa
kumbento. • Ang pag-uusap nina Padre Sibyla at ng paring maysakit ukol sa kanilang korporasyon at kay
Ibarra. • Pagkalito ni Kapitan Tiago kung sino ang kanyang susundin sa planong pagpapakasal nina Ibarra
at Maria Clara.

11. K10 – ANG BAYAN NG SAN DIEGO • Ang pinagmulan ng bayan ng San Diego dahil sa mga Ibarra.
DON PEDRO EIBARRAMENDIA DON SATURNINO IBARRA DON RAFAEL IBARRA DON CRISOSTOMO
IBARRA • Nang umunlad ang san Diego ang Pilipinong kura ay pinalitan ng Paring Kastila (Padre Damaso)

12. K 11 – ANG MGA MAKAPANGYARIHAN • Ang tunay na makapangyarihan sa San Diego ay sina: kura
– Padre Salvi (katumbas ng kapangyarihan ng Sto.Papa ng Roma) Alperes – pinuno ng mga guwardiya
sibil – katumbas ng kapangyarihan ng Hari ng Espanya) KANSER NG LIPUNAN: Pagpapatalbugan ng
Kapangyarihan

13. K12 – ARAW NG MGA PATAY • Ang paglalarawan sa di –maayos na sementeryo ng San Diego. •
May dalawang sepulturero na naghuhukay ng mga patay upang ilipat sa libingan ng mga Intsik • Ang
pagbanggit ng isang sepultuero s isang bangkay na kanyang himukay sa pag-uutos ng isang kura (Ito ay si
Don Rafael Ibarra at ang kura ay si Padre Damaso) • Dumarami ang tao sa sementeryo na naghahanap sa
libingan ng kanilang mahal sa buhay KANSER NG LIPUNAN: Kawalang-galang sa mga Patay

14. K13 – MGA BABALA NG SIGWA • Ang pagbisita ni Ibarra sa libingan ng ama ngunit di niya ito
makita. • Nakausap ni Ibarra ang sepulturero na siyang nagsabi kung nasaan ang bangkay ng ama. (ito ay
ipinahukay ni Padre Garote (alyas ni Padre Damaso dahil sa mahilig sa pamamalo gamit ang garote) at
ipinalipat sa libingan ng mga Intsik. Mas minabuti ng naghukay na ito ay itapon sa lawa. • Ikinagalit ni
Ibarra ang kanyang natuklasan at napagbuntunan ng galit ang nakasalubong na kura (Padre Salvi) •
Sinabi ni Padre Salvi na si Padre Damaso ang tinutukoy na kura na nagpahukay sa bangkay ng kanyang
ama at hindi siya.

15. K 14 – SI PILOSOPO TASYO • Paglalarawan kay Pilosopo Tasyo na sinasabi ng iba na siya ay baliw sa
mga di nakauunawa sa kanya ngunit sa iba siya ay napakatalino. • Hindi pinatapos ng pag-aaral ng ina sa
takot na makalimot ito sa Diyos. • Naiwang mamuhay mag-isa sa buhay pagkatapos na mamatay ang ina
at asawa. • Ibinuhos ang kanyang panahon sa pagbili at pagbabasa ng mga aklat • Sinasabing siya ay
isang baliw dahil sa mga di pangkaraniwang sinasabi niya. • Ikinatuwa niya ang pagdating ng isang bagyo
at kidlat na papatay raw sa mamamayan ng San Diego.

16. K15 – ANG MGA SAKRISTAN • Sina Basilio (10) at Crispin (7) ay magkapatid na anak nina Sisa at
Pedro. • Nagtrabaho sila bilang sakristan sa simbahan ng san Diego. • Napagbintangan si Crispin na
nagnakaw ng 2 onsa (32 pesos) • Pinagmumulta si Basilio dahil sa mali ang pagtugtog niya ng kampana.
• Bilang kaparusahan nila di sila maaaring umuwi muna bagamat gusto na nilang umuwi dahil alam
nilang hinihintay sila ng kanilang ina. • Tumakas si Basilio mula sa kumbento upang makauwi. KANSER
NG LIPUNAN: Pang-aabuso sa mga Bata Kawalang-katarungan
17. K16 – SI SISA • Paglalarawan sa buhay ni Sisa na nakapag- asawa ng iresponsableng asawa na si
Pedro ngunit bathala ang turing niya rito. • Itinuturing naman niyang anghel ng kanyang buhay ang
dalawang anak na sina Basilio at Crispin. • Ipinaghanda niya ng masarap na hapunan si Sisa para sa
kanyang mga anak. • Dumating ang lasenggerong asawa at inubos ang inihandang pagkain. • Nagkaroon
siya ng isang masamang pangitain na ikinatakot niya. • may kumatok sa kanilang pintuan (Basilio)
KANSER NG LIPUNAN: Kahinaan ng Kababaihan Katamaran Pagkahilig sa Bisyo

18. K18 – MGA KALULUWANG NAGDURUSA • Ang pagkakapansin ng mga tao sa kakaibang tamlay ni
Padre Salvi habang nagmimisa. • Pag-uusap ng mga manang ukol sa indulgencia na maaari lang palang
bilhin. • Ang pagdating ni Sisa sa kumbento upang kausapin ang kura at pauwiin ang anak na si Crispin. •
Itinaboy ng tagaluto si Sisa. KANSER NG LIPUNAN: Maling Paniniwala sa Relihiyon

19. K17 – SI BASILIO • Nakauwi si Basilio na duguan ang noo (Nadaplisan siya ng bala na ipinutok ng
guardia sibil) • Ikinabahala ni Sisa ang nangyari sa anak lalo na sa di niya pagkakasama kay Crispin. •
Nanaginip si Basilio na namatay si Crispin. • Kinausap ni Basilio ang ina ukol sa kanyang mga plano na
baguhin ang kanilang buhay ngunit di kasama ang ama sa mga plano.

20. K19 – MGA KARANASAN NG ISANG GURO • Nag-usap ang guro at si Ibarra malapit sa lawa na kung
saan dito itinapon ang bangkay ng kanyang ama. • Ang gurong ito ay lubos ang paghanga kay Don Rafael
dahil siya ang tumutulong dito sa pagpapaaral ng mga bata noong nabubuhay pa ito. • Ikinuwento ng
guro kay Ibarra ang mga suliranin ng bayan ukol sa edukasyon. KAKULANGAN NG GAMIT, PAARALAN ,
GURO KAWALAN NG INTERES NG MGA KABATAAN KAKULANGAN NG SUPORTA NG MGA
MAGULANG PARUSANG PAMAMALOKANSER NG LIPUNAN: • Pagsabi ni Crisostomo na ipagpapatuloy
Maling Sistema ng Edukasyon niya ang layunin ng ama na magpatayo ng paaralan.

21. K20 – ANG PULONG SA TRIBUNAL • Nagkaroon ng pagpupulong sa tribunal para sa pag-uusap sa
nalalapit na kapistahan ng San Diego. (Dumalo sa pulong sina Ibarra at ang guro) at si Pilosopo Tasyo) •
May dalawang lapian (party) sa pulong LIBERAL – Don Filipo Lino (Tinyente Mayor ng San Diego) – gusto
ng simpleng selebrasyon KONSERBADOR – Kapitan Basilio - gusto ng magarbong kapistahan • Nagkaroon
ng mahabang pagtatalo ukol sa kwartang gugulin para sa kapistahan. • Nabalewala ng kanilang
pagtatalo sapagkat may plano na pala ang kura ng bayan. KANSER NG LIPUNAN: Pangingibabaw sa
Kapangyarihan Pagwawaldas ng Pera ng Bayan

22. K21 – KASAYSAYAN NG ISANG INA • Hinuli ng mga guardia sibil si Sisa. • Nahihiya si Sisa sa mga
taumbayan sa kanyang pagkakahuli. • Pinakawalan din kaagad si Sisa sa utos ng alperes. • Lumabas si
Sisa na parang nababaliw. KANSER NG LIPUNAN: Kawalang-katarungan

23. K22 – MGA LIWANAG AT DILIM • Liwanag: Marami ang natuwa nang dumating sa San Diego si
Maria Clara.(Maraming humahanga sa kanyang kagandahan) Masayang ibinalita ni Ibarra kay Maria
Clara na matutuloy ang nais niyang magkaroon ng pistang pambukid Humingi ng tulong kay Ibarra si
Pedro para sa kanyang asawang nababaliw na at sa nawawalang dalawang anak. • Dilim: Pagtanggi ni
Maria Clara na imbitahin si Padre Salvi sa pistang pambukid. Pagtutol ni Ibarra na di imbitahan si Padre
Salvi Pagkatakot ni Maria Clara kay Padre Salvi

24. K23 – ANG PANGINGISDA • Maagang pumunta ng lawa ang mga tao para sa pistang pambukid. •
Pagpapakita ng pagiging konserbatibo – paghihiwalay ng mga kadalgahan sa mga kabinataan. • Naririto
sa bangka ang piloto (Elias) • Ikinagulat ng lahat ang pagkakita nila sa malaking buwayang nasa baklad. •
Unang tumalon ang piloto ng bangka at sinubukang patayin ang buwaya. • Tinulungan ni Ibarra ang
piloto kaya tumalon din siya sa tubig. • Nagpasalamat ang piloto ng bangka kay Ibarra sa pagligtas nito
sa kanya na muntik na niyang ikamatay dahil sa buwaya. • Ikinatakot ni Maria Clara ang nangyari sa
kanyang kasintahan.

25. K24 – SA GUBAT • Nagmamadaling tapusin kaagad ni Padre Salvi ang kanyang misa dahil nais na
niyang sumunod sa idinaos na pistang pambukid. • Hindi napigilan ni Padre Salvi ang paghanga kay
Maria Clara nang maubutan itong naliligo sa ilog kasama ng ibang kadalagahan. • Napag-usapan ang
ukol sa nangyari nang mga nakaraang araw, na may bumugbog kay Padre Damaso (Elias) • Nakita nila sa
gubat si Sisa ngunit tumakbo ito nang makita ang kura. • Ipinag-utos ni Ibarra na hanapin si Sisa at
kanyang tutulungang ipagamot. • Tinanong ng alperes ang kura ukol sa nawawalang anak ni Sisa. •
Dumating ang guardia sibil dahil nais nilang hulihin si Elias (ang piloto ng bangka)

26. K25 – SA BAHAY NG PILOSOPO • Pinuntahan ni Ibarra si Pilosopo Tasyo upang humingi ng payo
ukol sa kanyang ipatatayong paaralan. • Inabutan niyang nagsusulat si Pilosopo Tasyo ngunit gamit ang
jeroglipiko sa kanyang isinusulat na ipinagtataka niya. • Binalaan naman ni Pilosopo Tasyo si Ibarra na
mag-ingat sa kanyang mga plano at di dapat siya konsultahin nito. • Mas dapat daw siyang lumapit sa
kura , sa Kapitan at sa lahat ng mayayaman ukol sa kanyang mga plano.

27. MGA KAISIPAN NI PILOSOPO TASYO “Tularan ninyo ang rosas na hitik ng bulaklak at buko na sa
pagdaraan ng hangin ay yumuyuko sa halip na magmatigas upang di mabali.” “Ang yumuko sa pagdaan
ng punglo ay di karuwagan. Ang masama ay harapin ito upang mabuwal at di na muling makabangon.”

NOLI ME TANGEREIKA-2 BAHAGI ANG KASAYAHAN AT KAGULUHAN

2. K 26- ANG BISPERAS NG PISTA • Abala ang mga tao sa bayan dahil sa nalalapit na kapistahan. (Ika-10
ng Nobyembre) • Si ibarra naman ay abala sa kanyang ipatatayong paaralan. • Si Nol Juan, ang maestros
de obras (foreman) ng paaralan ni Ibarra

3. K 27 – SA PAGTATAKIPSILIM • Malaki ang handaan kina Kapitan Tiago. • Pinuri si Ibarra sa isnag
pahayagan sa Maynila dahil sa kanyang ipinapatayong paaralan. • Nainggit si Kapitan Tiago kay Ibarra
kaya nagbabalak din siyang magtayo ng kumbento. • Ang ipatatayong paaralan ni Ibarra ay handog niya
kay Maria Clara. Bibigyan niya ito ng pangalang Paaralan ni San Francisco. • Namasyal si Maria Clara
kasama ng kanyang mga kaibigan

4. K 28 – ILANG SULAT • Laman ng mga sulat ang mga pangyayari sa pista tulad ng: sugal, ang palabas na
komedya, ang misa at ang mga handaan. • Tumanggap din si Ibarra ng sulat mula kay Maria Clara. •
Inilathala rin sa isang pahayagan sa Maynila ang idinaos na kapistahan sa San Diego.

5. K29 – ANG UMAGA • Masayang-masaya ang San Diego sa kapistahan umaga pa lang. • Nakabihis nang
magara ang mga taong papuntang simbahan. • Ang lahat ay masaya maliban kay Pilosopo Tasyo. •
Pinayuhan ni Pilosopo Tasyo si Don Filipo na magbitiw sa tungkulin. • Si Padre Salvi ang magmimisa
mayor • Nasa loob ng simbahan ang mga kilalang tao. • Inilabas na ang prusisyon.“Ang pagsasaya ay
dinangangahulugan ng paggawang kabaliwan.”

6. K 30 – SA SIMBAHAN • Maraming tao sa loob ng simbahan, nagsisiksikan. • Nag-aagawan ang mga tao
sa “agua bendita’ (holy water) • Si Padre Damaso ang magsesermon na binayaran ng 250 piso. • Ang
Alkalde ay nahuling dumating KANSER NG LIPUNAN: Filipino Time Maling Paniniwala sa Relihiyon
7. K 31 – ANG SERMON • Si Padre Damaso ang nagpiling magsermon sapagkat marami siyang alam sa
patrong si San Diego. (Ang unang bahagi ng sermon ay Kastila, ang ikalawang bahagi ay Tagalog) •
Habang nagsesermon si Padre Damaso naiinitan ang mga tao at ang karamihan ay natutulog. • Panay
ang parinig ni Padre Damasi kay Ibarra na nagtitimpi lamang. • May lumapit na lalaki kay Ibarra (Elias) na
binalaan siya at kailangang mag-ingat sa araw ng paghuhugos (ground breaking ceremony) para sa
kanyang paaralan.

8. K 32 – ANG PANGHUGOS • Ang panghugos ay ginawa ng Taong Madilaw .(anak ng isa sa mga naging
tauhan noon ni Don Saturnino na nakaranas ng kalupitan ng Don) • Isang malaking handa ang ibinigay
rin ni Ibarra. • Si Padre Salvi ang magbabasbas sa panukalang-bato. • Napansin ni Ibarra si Elias sa
kalayuan na tila nagpapaalala sa sinabi niyang babala sa simbahan. • Hiniling na si Ibarra ang maglagay
ng palitada pagkatapos maglagay rin ang kanyang mga bisita. • Biglang nasira ang panghugos at
bumagsak ito na tamang-tama na nakababa sa hukay si Ibarra.

9. K 33 – MALAYANG KAISIPAN • Binisita ni Elias si Ibarra – pinasalamatan siya ni Ibarra subalit ibinabalik
lang daw niya ang ginawang pagligtas sa kanya noon. • Binalaan siyang muli ni Elias na mag- iingat sa
kanyang mga kaaway. • Sinabi ni Elias kung paano niyang nalaman na may masamang balak sa kanya
noong araw na iyon. “Lahat tayo ay may kaaway sapagkat ang tunggalian ay batas ng buhay.”
“Kailangan kong maniwalang mabuti sa Diyos sapagkat nawala ang paniniwala ko sa tao.” “Ingatan
ninyo ang inyong sarili, alang- alang sa bayan.”

10. K 34 – ANG PANANGHALIAN • May dumating na telegrama mula sa Kapitan Heneral habang nasa
bahay ni Kapitan Tiago nananghalian ang mga matataas na opisyla. • Sinabi sa telegrama na darating
siya at tutuloy ito sa bahay ni Kapita Tiago. • Ikinainis ng mga prayle na hindi sa kanila tutuloy ang
Kapitan Heneral. • Panay na naman ang pagpaparinig ni Padre Damaso kay Ibarra. • Sumabog ang galit
ni Ibarra at di napigilang saktan si Padre Damaso na muntik na iyang saksakin. • Inawat sila ni Maria
Clara.

11. K 35 – MGA KURU-KURO • Naging isang malaking usapan sa bayan ang nangyari sa pananghalian. •
Iba-iba ang sentimyento ng mga tao. Kapitana Maria – natutuwa dahil ipinagtanggol lamang ni Ibarra
ang kanyang ama. Don Filipi – sana ay nagtimpi si Padre Damaso Mga Magsasaka – nalulungkot
sapagkat baka di na matuloy ang ipinapatayong paaralan ni Ibarra • Ang iba – nagagalit kay Padre
Damaso, nagagalit din kay Ibarra.

12. K 36 – ANG UNANG PANGANORIN • Malaki ang epekto kay Maria Clara nang nagyari gulo kina Ibarra
na kanyang kasintahan at Padre Damaso na kanyang ninong. • Pinagbabawalan si Maria Clara na
makipag-usap kay Ibarra sapagkat ito ay excommunicado. • Napagdesisiyunan ni Kapitan Tiago na di na
matutuloy ang kasal nina Ibarra at Maria Clara. • Darating daw ang isang kamag- anak ni Padre Damaso
na siyang mapapangasawa ni Maria Clara (Linares) • Dumating ang Kapitan Heneral at nais nito kaagad
makausap si Maria Clara

13. K 37 – ANG KAPITAN HENERAL • Nasa bahay na ni Kapitan Tiago ang Kapitan Heneral. • Mas una
pang kinausap ng Kapitan Heneral ang ibang tao kaysa sa mga prayle. • Nainis ang mga prayle sa
pagpapahintay sa kanila ng Kapitan Heneral. • Kinausap nig Heneral si Maria Clara at si Ibarra. •
Ipinangako niya ka Ibarra na mawala ang kanyang pagka-excommunicado. • Ninais sanang kausapin ni
Ibarra si Maria Clara ngunit ipinagtaka niya ang di pagkausap nito sa kanya.
14. K 38 – ANG PRUSISYON • Lumabas na sa simbahan ang ikaapat na prusisyon. • Nais makinig ng
Kapitan Heneral sa loa (tulang papuri kay San Diego) • Habang nagpruprusisyon, panay naman ang
pamamalo ng mga agwasil (tangapangalaga ng kapayapaan) • Pagtapat ng prusisiyon sa bahay nina
Kapitan Tiago namangha ang lahat sa awitin ni Maria Clara.

Mga Pangunahing Tauhan

Crisostomo Ibarra

Si Juan Crisostomó Ibárra y Magsálin (o Crisostomo o Ibarra), ay isang binatang nag-aral sa Europa;
nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan
ng San Diego.

Maria Clara

Si Mariá Clara de los Santos y Alba (o Maria Clara), ay ang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng
San Diego na inihimatong anak ng kaniyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.

Padre Damaso

Si Dámaso Verdolagas (o Padre Damaso), ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya
matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego. Siya ang tunay na ama ni Maria Clara.

Kapitan Tiago

Si Don Santiago de los Santos (o Kapitan Tiago), ay isang mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni
Maria Clara.

Elias

Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kaniyang bayan at ang
mga suliranin nito.

Sisa, Crispin, at Basilio

Si Narcisa (o Sisa), ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang
pabaya at malupit.

Sina Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog ng kampana
sa simbahan ng San Diego.

Pilosopo Tasyo

Si Don Anastasio o Pilosopo Tasyo, ay isang pantas at maalam na matandang tagapayo ng marurunong
na mamamayan ng San Diego. Kadalasan siyang tinatawag na baliw dahil hindi maunawaan ng mga
mangmang ang katalinuhan niya.
Donya Victorina

Si Donya Victorina de los Reyes de Espadaña o Donya Victorina, ay isang babaing nagpapanggap na
mestisang Kastila kung kayâ abot-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Mahilig niyang
lagyan ng isa pang "de" ang pangalan niya dahil nagdudulot ito ng "kalidad" sa pangalan niya.

Ibang Tauhan

Padre Salvi o Bernardo Salvi- kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay
Maria Clara.

Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari ng Italya
ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)

Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dáting abandera na may malaswang bibig at pag-uugali.

Don Tiburcio de Espadaña - isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng
magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

Alfonso Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili
niya para mapangasawa ni Maria Clara.

Don Filipo - tenyente mayor na mahilig magbasá ng Latin

Señor Nyor Juan - namahala ng mga gawain sa pagpapatayô ng paaralan.

Lucas - kapatid ng táong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.

Tarsilo at Bruno - magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.

Tiya Isabel - hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Donya Pia Alba - masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.

Inday, Sinang, Victoria, at Andeng - mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego

Kapitan-Heneral - pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon


si Ibarra.

Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman
kung kaya nataguriang erehe.

Don Saturnino - lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.

Balat - nuno ni Elias na naging isang tulisan

Don Pedro Eibarramendia - ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo

Mang Pablo - pinúnò ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.

Kapitan Basilio - ilan sa mga kapitán ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin; ama ni
Sinang
Tenyente Guevarra - isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng
tungkol sa kasawiang sinapit ng kaniyang ama.

Kapitana Maria - tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng


ama.

Padre Sibyla - paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Albino - dáting seminarista na nakasáma sa piknik sa lawa.

Buod ng aklat na Noli Me Tangere

Buod ng Nobela

Mga tauhan

Buod ng Bawat Kabanata:

1: Isang Pagtitipon

2: Si Crisostomo Ibarra

3: Ang Hapunan

4: Erehe at Pilibustero

5: Pangarap sa Gabing Madilim

6: Si Kapitan Tiyago

7: Suyuan sa Isang Asotea

8: Mga Alaala

9: Mga Bagay-bagay sa Paligid

10: Ang Bayan ng San Diego

11: Mga Hari-harian

12: Todos Los Santos (Araw ng mga Patay)

13: Mga Babala ng Bagyo

14: Si Tasyo: Pilosopo o Baliw?

15: Ang mga Sakristan

16: Si Sisa

17: Si Basilio

18: Mga Kaluluwang Naghihira


19: Mga Kapalaran ng Isang Guro

20: Ang Pulong sa Tribunal

21: Kwento ng Isang Ina

22: Mga Liwanag at mga Anino

23: Ang Pangingisda

24: Sa Gubat

KnK: Elias at Salome

25: Sa Bahay ng Pilosopo

26: Bisperas ng Pista

27: Sa Takipsilim

28: Mga Liham

29: Kinaumagahan

30: Sa Loob ng Simbahan

31: Ang Sermon

32: Ang Kabriya

33: Malayang Pag-iisip

34: Ang Tanghalian

35: Usap-usapan

36: Unang Ulap

37: Ang Kaniyang Kataas-taasan

38: Ang Prusisyon

39: Si Donya Consolacion

40: Karapatan at Kapangyarihan

41: Dalawang Panauhin

42: Ang Mag-asawang de Espadaña

43: Mga Balak

44: Pagsusuri ng Budhi

45: Mga Inuusig

46: Ang Sabungan sa San Diego


47: Ang Dalawang Senyora

48: Hiwaga

49: Tinig ng mga Inuusig

50: Ugat ni Elias

51: Mga Palitan at Pagbabago

52: Baraha ng mga Patay at ang mga Anino

53: Ang Mabuting Araw Ay Nakikilala sa Umaga

54: (Pagbubunyag)

55: Malaking Sakuna

56: Sabi-sabi at Kuro-kuro

57: Vae Victis! (Ay, ang mga Natalo!)

58: Isinumpa

59: Pambayan at mga Pansariling Kapakanan

60: Ikakasal Si Maria Clara

61: Pagtakas Hanggang Lawa

62: Nagpaliwanag si Padre Damaso

63: Noche Buena

64: Epilogo

May handaan sa bahay ni Don Santiago de los Santos. Maraming handa, dumalo ang mga kaibigan at
kakilala ng Don. Nagsidalo rin pati na ang mga táong hindi inimbita, simbolo ng isang sakít sa lipunan
(ang gatecrashing). Masaya ang lahat sa nasabing pagtitipon. Kayá lámang ay nauwi sa pagtatalo ang
pagsasaya ng iba, tulad ng nangyari kina Padre Damaso at sa tenyente ng guwardiya sibil. Talo pa nila
ang mga walang pinag-aralan. Dumating mula sa Europa si Crisostomo Ibarra, anak ng namatay na si Don
Rafael. Hinangaan siya at binati ng maraming panauhin sa bahay ni Kapitan Tiago. Nagulat si Crisostomo
Ibarra sa pagtatakwil ni Padre Damaso sa kaniyang pag-aalala nang lapitan siya ni Tenyente Guevarra at
purihin niyon ang kaniyang ama.

Masaganang hapunan ang inihanda ni Kapitan Tiago bílang pasasalamat sa Mahal na Birhen sa pagdatíng
ni Crisostomo Ibarra mula sa Europa. Ang ilang panauhin ay humanga kay Ibarra sa pagsasalaysay nito.
Marami ang namasid at nagbigay ng palagay tungkol sa kalagayan ng mga bansang nalakbay na niya. Ang
opinyon ni Padre Damaso ay pagsasayang lámang ng salapi ang gayon. Nainsulto si Ibarra sa ipinahayag
ng datíng pari sa kaniyang bayang San Diego. Umalis siya nang hindi pa tapos ang hapunan.
Isinalaysay ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra ang naging dahilan ng pagkakabilanggo at
pagkamatay ni Don Rafael. Dahil sa pagtatanggol ni Don Rafael sa isang batang laláki na gustong saktan
ng artilyero ay naitulak niya iyon. Nabagok ang ulo ng artilyero. Hindi na yaon muling natauhan at
tuluyan nang namatay. Hinúli ng pulisya si Don Rafael Ibarra. Tumagal ang paglilitis ng kaniyang usapin
hanggang sa namatay na siya sa loob ng bilangguan nang may sakit. Sa tinuluyang silid ni Crisostomo
Ibarra ay iba-ibang pangitain ang nakita niya sa kaniyang isipan. Naging abalang lubha ang kaniyang pag-
iisip sa malupit at malungkot na kapalarang sinapit ng kaniyang ama. Hindi na tuloy niya napag-ukulan
ng pansin ang mga tanawing makapagpapaligaya sa puso.

Mauuri ang mga táong naglalarawan sa pagkatao ni Kapitan Tiago. May humahanga at natutuwa sa
kaniya. May namimintas at naiinis. May mga nasusuklam dahil sa kaniyang mga pandaranas at
katusuhan sa negosyo. Salapi ang ginagamit niya sa pagliligtas ng kaniyang kaluluwa. Marahil ay dahil sa
pag-aakalang mabibili niya pati na ang Diyos. Ngunit, ano man ang kapintasan ni Kapitan Tiago ay
sinasabing mahal na mahal niya ang anak na si Maria Clara kahit na hindi niya ito kamukha. Inakala ng
mga kamag-anak ni Kapitan Tiago na gawa ng paglilihi sa mga santol ng asawa niyang si Donya Pia ang
pagka-mestisa ni Maria Clara. Sinasabi ring ang donya ang isa sa mga dahilan ng lubhang pagyaman ng
Don.

Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa kasintahan niyang sa Maria Clara sa bahay ni Kapitan Tiago sa Binondo.
Sinariwa nila ang mga alalala nila noong sila ang bata pa, ang alaala nila sa dahon ng sambóng. Ipinakita
rin ni Ibarra ang tuyong dahon ng sambóng na itinago niya. Samantala, ay isang matandang pari sa
kanilang korporasyon ang dinalaw ni Padre Sibyla. Nasabi ng paring may sakít na kailangan nang
magbago ng pamamalakad ang mga prayle sa Pilipinas sapagkat namumulat na ang isipan ng mga tao sa
katotohanan kinabukasan ay Todos Los Santos o Araw ng mga Patay. Kailangan niyang umuwi sa San
Diego upang dalawin ang libing ng kaniyang amang si Don Rafael Ibarra.

Nasisiyahang pinanood ni Ibarra ang mga nadaraanan niyang mga tao’t bagay-bagay sa mga lansangan
at mga pook na binagtas ng kaniyang karwahe mula sa Binondo. Itinulad niya ang mga iyon sa mga
naobserbahan niya sa kaniyang paglalakbay sa mga bansa sa Europa. Nasabi niyang higit na mauunlad
ang mga bansa sa ibayong dagat kaysa sa sarili niyang bayan. Nakita niya rin ang isang karwaheng
hinihila ng kalabaw na simbolo ng mabagal na pag-unlad ng Pilipinas. Kinausap ni Padre Damaso si
Kapitan Tiago tungkol sa isang mahalagang bagay na sila pa lámang ang nakakaalam. agkasuyo ang
masasaya at malulungkot nilang karanasan. Dahil sa matamis nilang pag-uulayaw ay muntik nang
malimutan ni Ibarra na. Dáting isang maliit na nayon lamang ang bayan ng San Diego. Mayaman ito sa
anking mga bukirin at lupaing pinag-aanihan ng palay, asukal, kape, at prutas na naipagbibili sa iba pang
mga bayan. Bukod sa ilog na parang ahas gubat sa gitna ng luntiang bukid ay angkin pa rin ng San diego
ang isang gubat na nagtatago ng maraming alamat. Isa na rito ang kuwento ukol sa mga ninuno ni
Crisostomo Ibarra.

Dadalawa ang talagang makapangyarihan sa bayan ng San Diego. Sila’y ang kura ng kinatawan ng Papa
sa Batikano, at ang alperes na kumakatawan sa mga tauhang sa halip na mag-utos ay siyang inuutusan.
Bagamat magkaaway, hindi nila ito pinakikita sa taumbayan, bílang tanda ng kanilang pagkapropesyonal.
Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa libingan. Hinananap nila ng kasamang katulong ang puntod ng kaniyang
amang si Don Rafael, ngunit hindi nila iyon natagpuan. Isinalaysay ng sepulturéro ang kahilahilakbot na
nangyari sa bangkay ng Don dahil sa utos ng “Malaking Kura". Nilisan ni Ibarra ang libingan na gulong-
gulo ang isip. Diniinan niya sa balikat ng kurang si Padre Salvi nang nakasalubong niya ito sa pag-
aakalang iyon ang humamak sa bangkay ng kaniyang ama. Sinabi naman nito na ang totoong gumawa
nito ay ang pumalit sa kaniya, si Padre Damaso. Kakaiba sa karaniwan ang mga kilos at paniniwala ni
Pilosopong Tasyo. Kaya may mga nagbabansag sa kaniyang pilosopo at may nag-aakala ring siya ay isang
baliw. Sa mga ipinahayag niyang kaisipan ay mapupunang makasiyensiya, makatao, at maka-Diyos ang
kaniyang mga paniniwala sa búhay.

Mga sakristan sa simbahan ng San Diego sina Basilio at Crispin. Gabi na’y nasa kampanaryo pa ang
magkapatid. Ayaw siláng pauwiin ng sakristan mayor hangga’t hindi nila naililitaw ang salaping
(tatlumpu't dalawang piso) ibinibintang sa kanila na ninakaw ni Crispin. Pinag-uusapan ng magkapatid
ang nararapat na gawin para makauwi na sila sa kanilang ina nang dumating sa kampanaryo ang
sakristan mayor. Kinaladkad niyang pababâ si Crispin at pinagsabihan si Basilio na huwag munang
umuwi, lampas alas diyes na raw siya ng gabí makauuwi. Ang sinasabing curfew ay alas nuwebe lang ng
gabí.

Maraming katangian si Sisa, mabuti at masamâ. Nakaimpluwensiya nang malaki sa asawa ni Sisa ang
nasasabing mga katangian. Sa pamamagitan ni Sisa ay nailantad ni Dr. Rizal ang mabubuti at
masasámang katangian ng babaing Pilipina. Hindi maitatanggi na ang masasamáng kaangkinan ay
nagbubunga rin ng masamâ.

Sa pag-uwi ni Basilio mula sa kumbento ay sinita siya ng guardia civil. Nagtatakbo siya nang takót lalo pa
nga’t hindi niya naintindihan ang itinanong ng Kastila. Pinaputukan siya at nadaplisan ng bála sa noo.
Binalak niyang iwan ang pagsasakristan at pumasok na lámang bílang pastol kay Crisostomo Ibarra.
Ipinagtaka ng mga namamahala sa pista ang hindi pagpapahalik sa kanila ng kamay ng pari. Samantala,
napabilang si Sisa sa mga nagdurusang kaluluwa nang malámang wala sa kumbento ang susunduin sana
niyang anak na si Crispin. Gayon na lámang ang pagkabahala ni Sisa. Naipayak siya sa kusina ng
kumbento kaya’t ipinagtabuyan siya ng kusinero.

Nagtanong si Crisostomo Ibarra sa guro ng paaralan sa San Diego ng tungkol sa problema sa edukasyon.
Isinalaysay ng guro ang iba’t ibang problema pa rin ang kahirapan ng mag-aaral at kakulangan sa mga
kagamitan sa pagtuturo. Nakabibigat pa sa lahat ng ito ang kawalan ng kalagayan ng guro sa kaniyang
pagtuturo at ang wikang gamit sa panturo.

May púlong sa tribunal ng San Diego. Mga namumuno sa mga nayon at bayan ang nagpupulong.
Adyenda ng pagpupulong ang mga gagawing pagdidiriwang para sa pista ng San Diego. Naging mainit
ang pagtatalo sa mga mungkahing iniharap, lalo na ang ukol sa balak na iminungkahi ni Don Filipo.
Gayunama’y pinagtibay ang mungkahi ng isang karaniwang kasapì. Nang nagkakasundo na ang lahat
tungkol sa idaraos na mga pagdiriwang ay saka ipinaalam ng kapitan na hindi maisasagawa ang
pinagkasunduan ng dalawang partido sapagkat iba ang gusto ang kura para sa pista. Si Sisa ay hinúli ng
dalawang guardia civil dahil sa hindi natagpuan ang dalawa niyang anak na pinagbintangang
magnanakaw. Gayon lámang ang hiya ni Sisa nang dalawang oras siyang makulong sa kuwartel ng mga
sundalo. Pinalaya naman siya ng alperes pagka't pakana lámang daw ng kura ang pagsusuplong kay Sisa.
Maraming pangyayaring pinatindi ng pagkakakita ni Sisa sa duguang kapirasong damit ni Basilio – ang
siyang ngging dahilan ng kaniyang tuluyang pagkabaliw.

Dumating na sa San Diego sina Maria Clara at Tiya Isabel. Halos magkapasabay na pumunta sa bahay ng
dalaga sina Ibarra at padre Salvi. Gayunpaman ay nagbatian ang dalawa. Inanyayahan ni Ibarra si Salvi sa
piknik na gagawin sa gubat ng mga magkakaibigang binata at dalaga sa San Diego. Tinanggap ng pari ang
paanyaya. Nagmamadaling nagpaalam si Ibarra sa kasintahan upang ihanda ang mga kailangan sa piknik.
Sa daan ay isang laláki ang kumausap sa kaniya. Natupad ang kahilingan ni Maria Clara kay Ibarra na
magpapiknik sa kanilang mga kaibigan. Dalawang bangkang malaki ang pinangayan ni Ibarra. Ang mga
ito ang ginamit nilang magkasáma sa pangingisda ng kanilang pananghalian at sa pagtawid sa lawa
patungo sa gubat na pagpipiknikan. Ang kasayahan ng magkakaibigan ay pinalungkot sandali ng inawit ni
Maria Clara. Nabahiran din iyon ng pangamba nang pumasok sa baklad na unang pinangisdaan ang isang
buwaya. Sa nasabing sitwasyon ay iniligtas sa kapahamakan ni Ibarra ang pilotong sumasagwan ng
bangka ng kanilang sinasakyan. Sa gubat idinaos ang masaganang pananghalian na inihanda ni
Crisostomo Ibarra para sa mga panauhing inanyayahan; sina Padre Salvi at ang alperes o tenyente ng
guardia civil. Nagturu-turuan sa pananagutan ang dalawang batang sakristan. Namagitan sa kanila si
Ibarra nang hindi na lumala pa ang pagkakakitan ng dalawa. Kinaawaan ng mga nagsisipagpiknik si Sisa
na nakarating sa gubat sa pagpapalabuy-laboy. Binalak ni Ibarra na ipagamot si Sisa at ipahanap ang
dalawang anak niyon. Sa pagtatapos ng piknik ay dumating naman ang sarhento ng mga guardia civil.
Hinanap nila ang piloto na Elias ang pangalan dahil sa pagkakagulpi niyon kay Padre Damaso at dahil din
sa pagkakahulog ng tenyente sa luba na puno ng putik.

Isang kubo sa tabi ng batis ang tinungo ni Elias, o piloto, pagpanggaling niya sa piknik. Ang kaibigan
niyang dalaga, si Salome, ang naninirahang mag-isa sa nasabing kubo. Hindi malubos ang pag-iibigan ng
dalawa dahil sa kahirapan nila ni Salome ang kanilang magiging anak, kaya’t hindi niya pinigilan ang
dalaga sa balak niyang paglayo upang manirahan sa mga kamag-anak niya sa Mindoro.

Sinadya ni Crisostomo Ibarra ang bahay ni Pilosopong Tasyo upang humingi ng payo tungkol sa balak
niyang pagtatayo ng paaralan sa San Diego. Unang ipinayo ni Pilosopong Tasyo ang paglapit ni Ibarra sa
kura upang isanguni ang plano. Bukod dito kailangan paring sumangguni ang binata sa iba pang
makapangyarihan sa bayan. Sa simula’y tinutulan ni Ibarra ang gayong mga payo. Ikinatwiran niyang
mabuti ang kaniyang layunin kaya’t tiyak na magtatagumpay sa tulong ng ilang matitinong tao sa bayan.
Ipinaalaala ni Pilosopong Tasyo kay Ibarra na hindi maaaring makibagay sa pari at iba pang
makapangyarihan ang binata, ipinayo ni Pilosopong Tasyo na isaisantabi na muna iyon ang balak sa
pagpapatayo ng paaralan. Abala ang lahat sa paghahanda para sa pista ng San Diego. Natatangiang mga
pagkain ang inihanda sa malalakí at maliliit mang bahay. Ang kasiglahan ay higit na kapansin-pansin sa
mga lansangan sinabitan ng mga papel na iba-iba ang kulay at pinaparadahan ng mga banda ng musiko.
Bukod sa paghahanda ng mga pagkain ay naghahanda rin pa sa isang malakasang sugalan ang
mayayaman. Tila tampok ng pista ang pagsisimula ng paggawa para sa ipinatayong paaralan ni
Crisostomo Ibarra. Gayon na lámang ang paghanga ng marami sa binata dahil sa kapakipakinabang na
proyekto niyon. Tanging si Pilosopong Tasyo ang hindi malubos ang kasiyahan gawa ng kung anong
pangitain niya. Kagabihan ng bisperas ng pista sa San Diego ang kagandahan ng dalaga. Tumingkad ang
gayong kagandahan dahil sa anyang taglay na kabaitan at kagandahang-loob. Pinaunayan ito ng iba’t
ibang mga pangyayaring naganap sa kanilang pamamasyal.

Dalawa sa nasabing sulat ang nagbabalita at naglalarawan ng maulay na selebrasyon para sa pista ng San
Diego gayong bisperas pa lámang. Makikita ang mga kapintasan ng mga Pilipino sa gayong paglalarawan.
Ang isa ang isa pang sulat para kay Ibarra na mula kay Maria Clara. Punong ng pag-aalaala at hinampo
ang sulat ng dalaga. Araw ng pista sa San Diego. Masasasihan ang iba-ibang bagay na ginanap bilang
selebrasyon sa pista. Mga bagay na sa palagay ni Pilosopong tasyo ang mga pagmamalabis na lalo
lámang nagpapahirap sa bayan, ngunit taon-taon ay pilit na ipinagagawa sa mga Pilipino para
mapagtakpan ang paghihirap ng bayan. Ni walang naipasok na pagbabago ang isang pinúnong Pilipino
na tulad ni Don Filipo, pagkat halimbawa siya ng mga pinúnong dinidiktahan ng mga dayuhan.

Nasa loob na nga simbahan ang mga mamamayan ng San Diego, ang mayayaman at mahihirap, ang
pinúnong bayan at magbubukid. Masikip sa loob ng simbahan kaya’t sarisaring dama sa búhay ng tao
ang mapapanood. Saisari din ang mararamdaman. Si Padre Salvi ng nagmisa at naging kapuna-puna ang
madalas sa pagkawala niya sa tono ng kaniyang binigkas at kinakanta. Sa maraming pangyayari ay
naipamalas ni Dr. Jose Rizal ang kaniyang katatawanan sa pagsulat. Punóng-punô ng mga tao ang
simbahan ng San Diego. Maganda ang simula ng sermon ni Padre Damaso. Hinangaan ng marami ang
sermon lalo na ng mga paring naunang nagsermon. Naga-alaala ang mga iyon na mahigitan ni Padre
Damaso sa pagsesermon. Ngunit mga “barbaro” tuloy sila sa paningin niyon. Lumalabas na tila nasang
ang buong umaga ni Padre Damaso sa pagsesermon. Isang laláking may maputlang mukha ang
nagprisenta sa namamahala ng pagpapatayo ng paaralan. Naprisinta siyang magtayô ng panghugos na
gagamitin sa sermonya sa paglalagay ng pulok na bato sa itatayong paaalan sa San Diego. Mukhang
namang matibay at matatag ang itinayo niyang paghugos. Ngunit sa hindi malámang dahilan ay bigla
iyong nagiba at bumagsak nang si Ibarra na ang nasa hukay sa katapat ng panghugos. Kataka-taka na ang
laláking nagtayô ng panghugos ang nabagsakan niyon, at hindi si Ibarra. Dumalaw sa tahanan si Ibarra si
Elias. Muli niyang pinaalalahanan ang binatang mag-ingat sa mga kaaway niyon. Sa pag-uusap nina Elias
at Ibarra ay pinagtakpan nitong huli. Ang matatayog ng mga aisipang ipinahayag ng kahaap. Naunawaan
ni Ibarra na lalong tumindi ang pananalig ni Elias sa Diyos nang mawalan iyon ng tiwala sa tao. Subalit
ninais niyang maligtas sa kapahamakan si Ibarra para sa kapakanan ng bayan. Maayos ang simula ng
handaan. Sagana sa pagkain. Masigla ang lahat. Pinasuan ng munting pag-aalala ang ilang
makapangyarihan sa pagdating ng telegramang mula sa gobernado-heneral. Gayon pa man ay
nagpatuloy ang kasiglahan, subalit muling nauntol sa pagdating ni Padre Damaso. Dinugtungan niyon
ang mga pagpaparungit na sinimulan sa anyang sermon sa simbahan. Nang banggitin niyang muli ang
tunkol sa alaala ni Don Rafael Ibarra ay hindi na nakapagpigil si Cisostomo Ibara. Galít na galít na hinarap
ng binata ang pari.

Kumalat ang balita tungkol sa nangyari kina Ibarra at Padre Damaso sa handaan. Bawat grupo ng
mamamayan ng San Diego ay iba ang nagging palagay sa dapat o hinda dapat ginawa ni Ibarra at ng pari.
Bawat isa’y humuhula rin sa iba pang mangyayari dahil sa naganap sa dalawa. Ang mahihiap na
magbubukid ang higit na nalulungot at nag-aalaala dahil sa maaaring hindi na matuloy ang pagpapatayo
ng paaralan. Hindi na rin maaaring makapag-aaaral ang anilang mga anak. Pati sina Kapitan Tiago at
Maria Clara ay napasamâ o naapektuhan sa nangyari kina Padre Damaso at Ibarra. Naeksumulgado si
Ibarra. Pinagbilin naman si Kapitan Tiago na putulin ang relasyon niyon kay Ibara at iurong na ang kasal
nina Maria Clara at Ibarra. Iniluluha ni Maria Clara ang nanganganib na pag-iibigan nila ng binat.
Pinoproblema naman ni Kapitan Tiago ang malaking halagang utang niya kay Ibarra na kailangang
bayaran niya kaagad kung puputulin niya nag elasyon sa sana’y mamanugangin niya.

Dumating ang goberndor-heneral sa San Diego. Maraming humarap sa kaniya upang magbigay-galang.
Isa na rito si Ibara na sadya niyang bayan at sa mga makabgong ideya nito sa pamamalakad sa bayan.
Hinangad niyang matulungan ang binat, ngunit sinabi niyang maaaring hindi niya iyon laging magagawa.
Inakit niyang manirahan si Ibarra sa Espanya sapagkat nanghihinayang siya sa binata.

Hindi naipagsaya sa araw ng kapistahan ng San Diego si Donya Consolacion. Pinagbawalan siyang
magsimba ng kaniyang asawa sa ikinahihiya siya niyon. Nag-iisa sa kanilang bahay si Donya Consolacion
habang nagsasaya ang karamihan sa mga mamamayan, kaya’t si Sisa ang napagbalingan niya at
pinaglupitan.

Isa pang pagdidiriwang para sa kapistahan ng San Diego ang ginanap sa plasa. Ito’y ang pagtatahanghal
ng stage show. Sarisaring kilos at katangian ng iba-ibang uri ng tao ang maoobserbahan sa dulaan.
Maaming tao ang naligalig ngunit iba-iba ang dahilan ng kanilang pagkakabalisa. Kaya’t ang magarbong
pagdiriwang ay nagwakas sa kaguluhan. Hindi makatulog si Ibarra dahil sa iba-ibang kaisipang gumugulo
sa kaniya kaya’t inumaga siya sa pagtitimpla ng kung ano-anong kemikal sa kaniyang aklatan. Naabala
siya sa pagdating ni Elias na nagbabalita sa kaniya ng patungo nito sa Batangas at pagkakasait ni Maria
Clara. Buong pusong pinasalamatan ni Ibarra si Elias sa pagiging maalalahanin niyon. Kabaligtaran ng
gayong kilos ang ipinamalas niya sa ikalawang panauhin dahil sa nahalata niyang pangunguwarta niyon.
Malungkot noon sa bahay ni Kapitan Tiago sapagkat may sakít si Maria Clara. Dahil dito ay naipatawag si
Dr. Tiburcio de Espadaña, na asawa ni Donya Victorina, upang siyang tumingin kay may Maria Clara.
Naging magasawa ni Don Tibucio at Donya Victorina pagkat natugunan ng bawat isa sa kanila ang
magkaiba nilang mahigpit na pangngailangan. Mahuhulaan nang hindi kasiya-siya ang kanilang
pagsasama dahil sa nasabing dahilan ng pagkakasal nila sa isa’t isa. Isang bagong tauhan ang nakilala sa
kabanatang ito, si Alfonso Linares na inaanak ng bayaw ni Padre Damaso. Naging administrado sana siya
ng mga ari-arian ni Donya Victorina ung totoo lámang pinamalita niyong pagdadalantao.

Labis na ikinalungkot ni Padre Damaso ang pagkakasakit ni Maria Clara. Nahalata ng mga táong
nakapaligid sa kaniyang pagkabalisa. Tila nalibang lamang siay nang aunti nang ipakilala sa kaniya ni
Donya Victorina ang binatang Kastilang si Alfonso Linares. Waring nag-iisip si Pade Damaso nang
makilala niya ang inaanak ng kaniyang bayaw na ipinagbilin sa kaniya sa sulat nito. Samantala,
takangtaka si Lucas nang sigawán siya at ipagtabuyan ni Padre Salvi nang ibinalita niya rito ang
pagbibigay sa kaniya ni Ibara ng limadaang pisong bayad-pinsala. Nabinat si Maria Clara pagkatapos
makapangumpisal at iba- iba ang hatol ng mga taong nakapaligid sa kaniya inihanda ni Tiya Isabel si
Maria Clara sa isang mabuting pangungumpisal na muli. Siyang-siya si Tiya Isabel sa naitang pagluha ng
dalaga pangkat nangangahulugan iyon ng pagsisisi ayon sa kaniya.

Isang matandang lalaking dating kumupkop kay Elias ang kasalukuyang nagtatago sa mga abundukan
sapagkat siya ay naging rebelde laban sa pamahalaang Kastila. Natagpuan siya ni Elias sa kaniyang
pinagtataguan at pinakiusapang magbagong-búhay. Ipinaliwanag ni Elias na may mapakikiusapan siyang
isang mayamang binata para maging tagpagsalita nila sa Cortes sa Espanya tungkol sa mga karaingan ng
mga mamamayang naaapi sa Pilipinas tulad ng matandang lalai, Tandang Pablo. Pinagduduhan ni
Tandang Pablo kung papanigan ang mga naapi ng binata sapagkat iyon ay mayaman, at ang mga
mayayaman ay walang hangarin kundi ang lalong magpayaman. Ang sabong ay bahagi na ng kultura ng
mga Pilipino. Sa sugal na ito ay makiita ang katangain at kapintasan ng mamamayang Pilipino. Hindi lang
paglilibangan ang nagaganap sa sabungan. Makikita rin na isang pook tiong panangyayarihan ng iba-
ibang klase ng pandaraya at pakanâ. Para itong baying kaikitaan ng mga táong nagsasamantala at
pinagsamantalahan.

Namasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio sa mga hayag na lansangan ng San Diego. Nakakahawak
pa ang donya sa asawa at may pagyayabang na mababakas sa kaniyang anyo. Kay, gayon na lamang ang
kaniyang pagkainis nang hindi siya pansinin ng mga táong nakasalubong, lalo na nga ng komandante.
Nagyayâ na tuloy siyang umuwi. Nag-away sila ni Donya Consolacion nang mapatapat silang mag-asawa
sa bahay ng komandante. Dahil sa nangyayaring pagkampi ng komandante kay Donya Consolacion ay
pinagbantaan ni Donya Victorina si Linaes na ibubunyag niya ang lihim ng binat kapag hindi niyon
hinamon ng duwelo ang komandante. Dumating na muli sa San Diego si Ibarra pagkatapos ng ilang araw
na pag-aasikaso sa kaniyang kaso. Napatawad siya sa pagkaeskandalo ng mismong arsobispo. Kaagad
niyang dinalaw si Maria upang ibailta iyon. Ngunit tila may namagitang hindi pagkakaunawaan sa dalawa
dahil sa dinatnan ni Ibarra si Linares sa bahay ni Kapitan Tiago. Samantala, nagtaká si Ibarra nang Makita
niyang nagtatrabaho si elias kay Maestor Juan gayong wala iyon sa talaan ng mga manggagawa.

Dumating si Ibarra sa tipanan nila ni Elias. Habang namamangang patungo sa kabilang bayan ay sinabi ni
Elias kay Ibara ang mga karaingan ng mga manghihimagsik. Inakala ni Elias na makatulong si Ibaa sa
pagpapaating sa nasbing mga kanilang palagay ni Ibarra tungol sa guardia civil at oporasyong ng mga
prayle. Matapos na maibulalas ni Elias ang kasaysayan ng kaniyang angkan. Nagulumihan si Ibarra sa
kaniyang nairinig na alupitan ng tao sa kapwa tao. Hiniling ni Elias kay Ibarra na manguna iyon sa
pagpapaating ng mga karaingan ng mamamayan sa pamahalaang Kastila sa Espanya upang magkaroon
ng pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaang sa Pilipinas. Tumanggi si Ibarra sa pag-aakalang hindi pa
napapanahon ang gayong kahilingan. Ipinasya ni Elias na tupain ang ipinangako niya ay Kapitan Pablo.

May mga nagbagong-kilos sa ilan sa mga tauhan sa nobelang ito. Hindi pa matukoy ang dahilan ng ilan
din sa mga pagbabagong ito, lalo na ang may kinalaman kina Maria Clara at Padre Salvi. Ngunit kapuna-
punang hindi nakabubuti para kay Maria Clara ang mahiwagang nangyari sa kaniya. Palihim na nagtungo
si Lucas sa sementeryo upang katagpuin ang ilan pang laláki. Pinagbilinan ni Lucas ang mga iyon sa dapat
isigaw sa paglusob sa kuwartel at sa kumbento. Sinundan ni Elias si Lucas, at inalam niya ang dahilan ng
pagtatagpo-tagpo sa sementeryo. Ngunit napilitan siyang iwang mag-isa doon si Lucas nang makaharap
na sila sapagkat natalo siya sa suhal sa baraha.

Pinagtatalunan ng mga manang sa San Diego ang bilang ng kandilang may sinding kanilang nakita o
kunwari’y nakita nagdaang gabi. Iba-iba rin pakuhulugan ang kanilang ibinigay sa gayong pangyayari.
Samantala ay hindi ang mga kaluluwa sa purgatoryo ang paksa ng usapan nina Pilosopo Tasyo at Don
Filipo, kundi ang pag-unlad na sinasang-ayunan ng mga Heswita at hinahangaan sa Pilipinas, bagama’t
tatlundaang taon na itong luma sa mga bansa sa Europa. Ayon kay Padre Salvi ay natuklasan niya sa
pamamagitan ng isang babaeng nangumpisal sa kaniya ang isang malaking sabwatan laban sa
pamahalaan at simbahan. Pinuntahan ng kura ang komandante at isinumbong niya ang kaniyang
natuklasan. Pinagpayuhan niyang magiangat at mahinahon sa pamaraan ang punò ng guardia civil para
madakip at mapagsalita ang mga may-pakana. Naghiwalay ang dalawang makapangyarihan na kapwa
umaasa sa tatamuhing pag-asenso sa tungkulin at parangal. Samantala, natuklasan naman ni Elias ang
pangalan ng táong siyang ugat ng lahat ng kasawian ng kaniyang mga kaanak.

Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinagabihan. Ngunit papások pa lámang siya sa bulwagan ay
umalingawngaw na ang sunod-sunod ng mga putúkan mula sa kabayanan. Takot at kalituhan ang
naghari sa mga nasa tahanan ni Kapitan Tiago, matangi kay Ibarra. Nanaog siyang natitigilan. Nang
makabalik siya sa kaniyang bahay ay naghanda siyang para sa pag-alis, subalit inabutan siya ng mga
papeles ni Ibarra, pagkat sinunog ni Elias ang kaniyang bahay. Hindi iilang pala-palagay o sabi-sabi
tungkol sa naganap na tungkol sa putúkan ang kumalat sa kabayanan kinaumagahan. Inilantad ng
gayong pangyayari ang kalikasan ng pagkatao ng mamamayan. Mapupunanag walang nagging mabuting
palagay sa nangyari. Ang isa pang napapabalita ay tungkol sa nagbigting laláking may pilat sa bakurang
malápit kina Sister Pute. Isang nag-anyong magbubukid ang napansing nangingilala sa nagbigting lalaki.
Siya si Elias na nagtungo rin sa kumbento at nagpamisa. Sinabi niya sa sacristan mayor na ang nasabing
pamisa ay para sa isang malápit nang mamatay.

Dalawa sa mga lumusob sa kwartel ang nahuli nang buhay. Sinikap ng komandante/alperes na
imbestigahin sina Tarsilio at Andong. Ipinaghihigante lamang ni tarsilio ang kaniyang amang pinatay sa
palo ng gwardia civil. Wala nang ano mang pahayag na nakuha si tarsilio kahit na nang timbain siya
hanggang sa mamatay. Si Andong na nagkataong nanabihan sa bakuran ng kwartel dahil sa inabot ng
sakit na tiyan ay pinalo at ipinakulong na muli ng komandante. Inilabas sa kulungan ng munisipyo ang
mga bilanggo upang dalhin sa ulumbuyan. Walang malamang gawin ang kaanak ng bilanggo para
makalya ang mga iyon. Tanging kay Ibarra lámang walang nagmalasakit nang gayon. Sa halip ay inulan
siya ng mga bato’t dumi ng kaanak ng mga bilanggo. Isinisisi sa kaniya ang lahat ng nangyaring mga
kapahamakan. Nakarating sa Maynila ang nangyaring kaguluhan sa San Diego na marami at iba-iba na
ang bersiyon. Naging tampulan ng pamumuna ang mga tauhan sa pangyayari. Nangunguna rito sina
padre Salvi at Ibarra. Marami ring ipinaaalam na kalagayan sa mamamayang Pilipino noon ang nangyari
kay kapitan Tinong. Mahuhulaang inggit sa kapwa at hindi lagging ang tunay na dahilan ang
ikinapapahamak ng tao. Kadalasan ding ang inaakalang walang magagawang pinsala ay siyang
nakapagpapahamak sa kapwa.

Ipakakasal ni Kapitan Tiago si Maria Clara kay Liñares, isang kamag-anak ni Padre Damaso, upang
makatiyak siya ng tahimik na pamumuhay. Dahil dito’y nagging paksa ng tsimis ang dalaga. Pati si
Tenyente Guevarra ay naghinala sa kaniya. Ipaliwanag ni Maria Clara kay Ibarra ang tunay na mga
pangyayari na siyang dahilan ng paglalayo nilang magkasintahan. Nagpatuloy sa pagtakas si Ibarra sa
tulong ni Elias. Ipinayo ni Elias sa kasama na mangibang bansa na. Ngunit may ibang balak si Ibarra. Nais
niyang makapaghihiganti sa mga táong nagsadlak sa kaniya sa bilangguan at sa mga humamak sa
kaniyang kapitán. Hindi sinag-ayunan ni Elias ang gayong balak sapagkat maraming walang-malay ang
maaaring madamay. Ipinasiya ni Ibarra ng ituloy ang nasabing balak na hindi kasáma si Elias. Nagpahatid
siya sa bundok, pero natuklasan na ang kaniyang pagtakas at itinugis sila ng patruya at isa pang
bangkang lulan ang mga guardia civil. Tumalon sa lawa si Elias at nagpahabol sa mga tumutugis upang
makalayo ang bangkang kinahihigaan ni Ibarra.

Nabása ni Maria Clara sa pahayagan ang balitang napatay si Ibarra sa tugisan sa lawa. Ipinasya niyang
huwag nang pakasal kay Liñares ito’y ipinaalam niya kay Padre Damaso. Minabuti pa ng dalagang
magmongha pagkat wala na siyang pag-asang mangunita man lámang si Ibarra. Nadama ni Padre
Damaso ang bigat ng pakakasálang nagawa niya sa pakikialam sa pag-iibigan nina Ibarra at Maria Clara.
Ipinagtapat niya sa dalaga ang tunay na dahilan ng gayon niyang panghihimasok.

Bisperas ng Pasko. Napasalamat ang batang si Basilio sa mag-anak na kumupkop sa kaniya sa


kabundukan. Nagpaalam na rin siya upang umuwi sa kanila. Nagpag-alaman niyang nabaliw ang
kaniyang ina at nagpagala-gala sa bayan ng San Diego. Hinanap niya iyon at nang magkita sila’y hindi siya
kaagad nakilala ni Sisa kaya’t muli iyong tumakas. Nakarating ang kaniyang ina sa gubat. Nang noche
buenang iyon ay isa pang wari’y takas din ang dapat gawin ni Basilio. Iba-ibang klase ng kasawiang-palad
ang naganap sa buhay ng mga tauhan ng nobelang ito. Tanging ang alperes/komandante ng guardia civil
sa San diego ang matagumpay na nagbalik sa Espanya at gayon din naman si Padre Salvi na nataas ng
tungkulin. Sarisaring balita ang kumalat kay Maria Clara – mga balitang hindi napatunayan pagkat
nilukuban ng maykapal na pader ng monasteryo ng Sta. Clara

You might also like