Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw.

Kalipunan ito
ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin
ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig,
depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba
ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag
na lingguwistika. Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang
nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe.
Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula
ang salitang lengguwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila",
sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog,
samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng
pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas
kadalasang mayroon.

Katuturan ng Wika
Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay masistemang
balangkas ng
sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay
hinugisan/binigyan ngmga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang
makabuo ng mga salita na gamit
sa pagpapahayag.”
Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay may mahalagang papel
naginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na
paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.

Katangian ng Wika
Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang
tunog(fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng
mga salita(morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo
ng
mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa
pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.
Kapangyarihan ng Wika
Maaari kang makipag ugnayan sa pamamagitan ng wikang inyong ginagamit.

1. ang wika ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan.

2. ang wika ay humuhubog ng saloobin.

3. ang wika ay nag dudulot ng polarisasyon.

4. ang kapangyarihan ng wika ay siya ring kapangyarihan ng kulturang nakapaloob dito.

ANTAS NG WIKA

Ang pagkakaroon ng antas ng wika ay isa sa pang mahalagang katangian nito. Tulad ngtao, ang wika
ay nahahati rin sa iba t-ibang kategorya ayon sa kaantasan nito. Kung tutuusin,ang
antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay mabisang palatandaan kung
anonguri ng tao tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya nabibilang.Mahalagang
maunawaan ng lahat ng tao ang mga antas ng wikang ito nang sa gayo ymaibabagay
niya ito sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon at pook at maging
saokasyong dinadaluhan.

MGA ANTAS NG WIKA


A. Pormal - mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit
nanakakarami lalo nan g nakapag-aral ng wika.

1. Pambansa - mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat


pangwika/pambalarilasa lahat ng mga paaralan.

2. Pampanitikan - mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga


akdangpampanitikan, mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay
at masining.
B. Impormal - mga salitang karaniwan, palasak at pang araw-araw na madalas
natingamitin sa pakikipag-usap sa mga kaibigan at kakilala

1. Lalawiganin - mga bokabularyong pandayalekto na ginagamit sa mga partikular napook o


lalawigan na kadalasa y makikita rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono

2. Kolokyal - mga pang araw-araw na salita na ginagamit sa pagkakataong impormal at


maaaring may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit maaari rin itong
maging repinado ayon sa kung sino ang nagsasalita nito. Ang mga pagpapaikli ng isa,dalawa o
mahigit pang salita ay mauuri rin sa antas n ito. Halimbawa: nasa’n(nasaan), pa’no
(paano), sa’kin (sa akin), sa’yo (sa iyo), kelan (kalian), meron (mayroon)

3. Balbal - tinatawag sa ingles na slang, sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang mgaito


upang ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes.

You might also like