Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Paksa

E. Kapaliwanagan sa mga Kathang Nilalaman ng mga Akdang Salin sa


Filipino
2. Sa Maikling Kwento
e. Mga Halimbawa ng Maikling Kwento
Ang Lura ng Demonyo
ni: Hiroshi Naito
isinalin ni: Lualhati Bautista

Layunin
1. Natatalakay ang kahalagahan ng maikling kwento.
2. Naikukuwento ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang
nabanggit sa alinmang nabasang maikling kwento.
3. Nalilinang ang kakayahan sa larangan ng pagkukuwento.

Japan

Opisyal na Pangalan : Japan


Kilala rin sa tawag na : Nippon/Nihon (the sun’s origin)
Bansag : Land of the Rising Sun
Rehiyon : Silangang Asya
Kabesera at : Tokyo
Pinakamalaking Lungsod
Uri ng Gobyerno : Parlamentaryo
(may konstitusyonal na monarkiya)
Relihiyon : Folk Shinto - 51.8%
Budismo - 34.9%
Shinto (sekta) - 04.0%
Kristiyanismo - 02.3%
- 07.0%
Araw ng Kasarinlan : 660 BC
Kabuuang Lawak : 377, 973 km2 o 145, 936 sq. mi. (61st)
Populasyon : 126, 440, 000 (10th)
Salapi : Yen
Wika : Japanese (Nihongo)
Mamamayan : Japanese/Japon/Japona
Sumanib sa UN : 18 Disyembre 1956

Watawat

Pangalan : Nisshoki (sun-mark flag)


Hinomaru (circle of the sun)

MGA KILALANG TAO

Oda Nobunaga (1534-1582)

Isa siyang makapangyarihang Daimyo (Diyos) ng


Japan sa huling bahagi ng ika-16 na siglo na
nagtangkang pagkaisahin ang Japan noong
panahong Sengoku at matagumpay nitong
nakuha ang kontrol sa malaking bahagi ng
Honshu.
Siya ay itinuturing na isa sa mga tatlong
tagapagbuklod ng Japan.

Tokugawa Leyasu (1543-1616)

Siya ang nagtatag at unang shogun ng Tokugawa


Shogunate ng Japan.
Siya ay itinuturing na isa sa mga tatlong
tagapagbuklod ng Japan.
Miyamoto Musashi (1584-1645)

Kilala siya sa kanyang Budismong pangalan na


Niten Doraku.
Siya ay isang eskrimador, pilosopo, manunulat
at ronin.
Siya ay naging tanyag dahil sa kanyang
kahusayan at kakaibang kaparaanan sa
paggamit ng dalawang espada sa pakikipaglaban.
Kilala rin siya sa kanyang walang talong rekord
sa kanyang 61 na laban.

Akira Kurosawa (1910-1998)

Isa siyang Japanese film director at screenwriter,


na nagdirehe ng tatlumpong pelikula sa 57 na
taon ng kanyang karera sa industriya ng pelikula.
Itinuturing siyang isa sa mga pinakamahalaga at
maimpluwensiyang filmmaker sa kasaysayan ng
pelikula.

MGA TANYAG NA LUGAR

Mount Fuji

Ito ang pinakamataas na bundok sa Japan.


Ito ay may taas na 3, 776 m o 12, 388 ft.
Ang kanyang natatangi at pambihirang
simetrikong hugis apa ay isang kilalang
simbolo ng Japan na madalas makita sa
kanilang sining.
Tokyo Tower

Ito ay kilala rin sa tawag na “Japan Radio


Tower”.
Ito ay isang communication at observation tower
sa Tokyo.
Ito ay may taas na 332.9 m o 1,092 ft.
Ito ang pangalawang pinakamataas na istraktura
sa Japan.

Todaiji Temple

Ito ang pinakamalaking gusaling gawa sa


kahoy sa mundo.
Dito matatagpuan ang pinakamalaking
tansong Buddha sa mundo.

Himeji Castle

Ito ang itinuturing na pinakamahusay na


naipreserbang prototypical Japanese
castle architecture.
Ito ay binubuo ng 83 na silid na may
advanced defensive system mula sa
panahong feudal.

PANANAMIT

Ang tawag sa kanilang kasuotan ay kimono


(something to wear).
KAUGALIAN/PANINIWALA

Ang mga tao ay bumabati sa bawat isa sa pamamagitan ng pagyuko.


Bago sila pumasok sa tahanan ay inaalis muna ang mga sapatos.
Ginagawa rin nila ito sa ilang restawran, templo, kastilyo at iba pang
makasaysayang mga gusali.
Hindi kaugalian na magbigay ng tip sa Japan. Sa halip, mas magandang
sabihing “salamat sa pagkain” bago umalis.
Ang numerong apat ay itinuturing nilang malas sapagkat ang salitang
“apat” ay binibigkas katulad ng salitang “kamatayan”.

Ang Lura ng Demonyo

ni: Hiroshi Naito


isinalin ni: Lualhati Bautista

Isang relihiyosong lalaki ang naninirahan sa Kyoto, madalas siyang


pumupunta sa Rokkaku-do o dambanang heksagonal at bumibisita kay Kannon
Sama – ang diyosa ng awa – upang mag-alay ng taimtim na panalangin.
Bisperas ng bagong taon noon at naglalakad pauwi ang lalaki mula sa bahay ng
isang kaibigan. Nang siya’y papatawid na sa Modoribashi ay nakarinig siya ng
mga yabag ng tao na inakala niyang isang grupo ng opisyales, kaya agad-agad
siyang nagtago sa ilalim ng tulay. Sa pagtataka niya kung sino ang mga taong
iyon ay bahagya siyang sumilip at nagulat siya sa kanyang nakita. Mga oni o
demonyo pala ang naroroon at siya’y nakita at naging bilanggo ng mga ito.
Sinabi ng isa sa mga oni na hindi siya maaaring kainin kaya’t pinagduduraan na
lamang siya ng mga ito at saka iniwanan. Nagmadali siyang umuwi sa kanilang
bahay ngunit tila hindi siya nakikita ni naririnig ng kanyang pamilya at kaanak.
Dumaan ang bagong taon na nagmistulang araw ng trahedya para sa kanyang
mga kaanak dahil sa kanyang pagkawala. Agad-agad siyang pumunta sa
dambana ni Kannon Sama upang humingi ng tulong. Sa kanyang
pananampalataya ay hindi niya sinasadyang makatulog. Sa kanyang panaginip
ay nakatagpo siya ng isang budistang pari at sinabi sa kanyang umalis siya ng
dambana bukas ng umaga at sundin ang sasabihin ng kauna-unahang taong
kanyang makakasalubong. Nang siya’y magising ay maliwanag na kaya agad
niyang nilisan ang dambana. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong siya ng
isang pastol at naisip niyang iyon na marahil ang isinasaad ng budistang pari sa
kanyang panaginip. Sumunod siya sa pastol at pumunta sila sa isang palasyo
kung saan mayroong isang maganda ngunit may sakit na prinsesa ang tila
malapit nang malagutan ng hininga. Sinabi ng pastol na pukpukin niya ng
martilyong kahoy ang ulo ng prinsesa at sa bawat pag pukpok niya ay namimilipit
naman sa sakit ang prinsesa. Nabahala ang mga kaanak ng prinsesa kaya
nagpatawag ito ng budistang pari. Naghanda ng isang ritwal ang pari at ito’y
kumanta upang itaboy ang mga masasamang espiritu. Habang nakikinig ang
lalaking relihiyoso ay nabigla siya sa biglang pag-apoy ng kanyang suot na
kimono kaya nagpagulong-gulong siya sa sahig. Di naglaon ay namatay na ang
apoy at lumabas ang kanyang kabuuan kasabay ng paggaling ng prinsesa.
Himala na itinuring ng mga taga-palasyo kaya’t nagpasalamat ang mga ito sa
lalaki. Umuwi naman ito sa kanilang bahay at di matumbasang tuwa ang
naramdaman ng kanyang mga kaanak nang siya’y makita. Sa kabilang banda
ang pastol naman na tumulong sa lalaki ay nagsilbing misteryo sa mga tao
hanggang ngayon ngunit pinaniniwalaang isa rin siyang kaluluwa.

TALASANGGUNIAN

https://en.m.wikipedia.org/wiki/Japan
hayzkul.blogspot.com/2014/08/ang-lura-ng-demonyo-maikling-
kwentong.html?m=1

You might also like