Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Leptospirosis outbreak idineklara ng DOH sa ilang lugar sa Maynila

Nagdeklara na ng leptospirosis outbreak ang Department of Health (DOH) sa ilang barangay sa Metro
Manila.

Ayon kay Health secretary Francisco Duque III, mula sa 148 kaso ay umakyat na ito sa 299 o katumbas ng
102 porsiyentong pagtaas sa kaso ng naturang sakit.

Partikular aniya na may outbreak sa mga barangay sa Mandaluyong, Pasig, Taguig, at Quezon City kung
saan mataas ang kaso ng leptospirosis.

Dahil dito, ipag-uutos ng DOH sa mga ospital ng mga nabanggit na siyudad na paigtingin ang kanilang
clinical management sa leptospirosis.

Paalala naman ng DOH sa publiko, kung may lagnat na nang dalawang araw lalo na kung lumusong sa
baha, agad na komonsulta sa pinakamalapit na health center upang mabigyan ng agarang lunas.

You might also like