Panahong Kontemporaryo: (Maikling-Kwento)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

PANAHONG KONTEMPORARYO

(Maikling-kwento)

Iniulat ni:
Baloro, Nessa B.
BSED FL 3-1N
Kontemporaryo – kasalukuyan; napapanahon
• Enero 17,1981- Pag-alis ng Batas-Militar
• -Pagsilang ng Bagong Republika
• "Isang Bansa, Isang Diwa"
• Agosto 21, 1983- pagpaslang kay dating Senador
Benigno "Ninoy" Aquino.
• Paglikha ng mga akdang pampuna at nagpapakita ng
tunay na larawan ng lipunang noon ay namamayani
• Nagpatuloy ang liwayway sa paglalathala ng mga
akdang likha ng ating manunulat
Pedro Cruz Reyes Jr.
• Mas kilala bilang Amang
Jun Cruz Reyes
• Isa sa mga natatanging
muhon ng wikang Filipino
• Assistant Professor sa
Departamento ng Filipino at
Panitikan ng Unibersidad
Tondo, Maynila (Hulyo 27, 1974) ng Pilipinas (1993-2004)
-makata, priksyon, pintor
• Most Outstanding Faculty
sa PUP noong 2003
• May libreng workshop sa pagsulat sa Bulacan (kanilang
bayan)
• Nasa Creative Writing Center ng PUP
• ‘Utos ng Hari’ (1981 ngunit inilathala muli ng U.P. Press
noong 2002)
• “Huwag kayong humingi ng respeto at papuri sa inyong mga
akda kung hindi niyo naman ito pinaghirapan,” ani Reyes
Pagsusuri sa akdang Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes:
Mahalaga ang magiging papel ng pagsusuring ito
bilang mga guro sa hinaharap sapagkat malalaman
natin sa akdang ito ang saloobin ng isang mag-aaral at
minsanang halimbawa ng mga estratehiya na
ginagamit ng ibang mga guro na ginagawa pa rin sa
kasalukuyan. Makikita rin ang unti-unting pagbabago
ng paraan ng pagsulat ng Maikling-kwento. Ang
ginamit na mga pananalita sa akda ay walang
pagtitimpi. Ang Utos ng Hari ay isang uri ng akdang
Realismo sapagkat ito ay nagtataglay ng pagiging
makakatotohanan sa isang sistema ng isang
institusyon. Tunghayan ang suring-kwento:
SURING-KWENTO: Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes

Buhay-estudyante ang tuon ng kwento ni Jun Cruz Reyes. Sa


mga karansan, kaisipan at saloobin ng pangunahing
tauhan na si Jojo umikot ang kwento.

Naipakilala ni Reyes ang pangunahing tauhan bilang isang


estudyante na pasaway sa mata ng mga guro. Malinaw na
sinasabi sa kwento na siya ay may pagkamatigas:

“Only he is stubborn.
Papasok ‘yan sa klase ko nang nakainom,
para pang nang-iinis na lalapitan ka. Ipaaamoy sa iyo ang
hininga.”
Bukod dun, si Jojo ay mahilig din mang-inis at manubok sa
kakayahan ng guro:

“Hindi lang ‘yan, minsan gusto pa mandin akong kulitin sa


klase
na akala mo’y mahuhuli niya akong
hindi prepared sa lesson ko.
Tambakan ko nga ngresearch work, di atras siya.”

At kadalasan, lumiliban siya sa klase:

“And he is always absent.


Sometimes I don’t want to give him an excuse slip anymore.”
Sinasalamin ni Jojo ang mga estudyanteng nakakulong
sa konsepto ng mapaniil na patakaran ng isang
institusyon. Isa siya sa mga estudyante na maraming
gustong sabihin pero walang karapatan para isatinig
ito kaya napipilitin na lang na itago sa sarili.
Maraming oras na gusto niyang isambulat ang
kanyang nararamdaman pero hindi maaari kasi
alam naman niya na hindi siya pakikinggan. Kung
pakikinggan man siya, alam pa rin niya na
mababalewala lang din ito.
Nang araw na yun, sinabihan siya ni Mrs. Moral Character
na pumunta sa kanyang cubicle pagkatapos mananghalian.
Kinausap siya nito tungkol sa kanyang attitude. Kahit na
naiinis na siya, pinilit pa rin niya na ngumiti dahil alam
niyang hindi siya mananalo sa guro. Malinaw na
isinalaysay sa kwento na bagamat pasaway na estudyante
si Jojo, nakukuha pa rin niya ang makinig at ibigay ang
respeto nito sa kanyang guro kahit papano.

Bukas ang isip ni Jojo. Marahil, dala na rin ng kanyanag


pagiging teenager. Nasa antas siya ng pagtatanong-tanong
at pagtuklas sa mundo. Masasabi kong matalino siyang
estudyante dahil nagagawa niyang tuligsain ang kanyang
mga guro.
Bukod dito, masasabi ko na malawak ang kanyang pag-iisip
dahil nagagawa niyang bumuo ng mga diskuro sa isip niya
na may kinalaman sa pagtuklas.

Mahirap nga namang mag-aral. Marami kang kailangang


ipasang proyekto, papel at kung ano-ano pa para
makumpleto ang mga kahingian sa eskwelahan. Hindi
pa kasama doon ang paggugol mo ng panahon para
pagtiyagaan ang mga guro mong terror at nagteterror-
terroran lang. Ang nakaiiritang mga kamag-aral na
nagtatali-talinuhan at nagdudunung-dunungan. Sa
madaling salita, pakikisama.
Mahirap makisama sa isang mundo na taliwas sa mundong
gusto mong kalagyan. Marahil ito ang naging problema
ni Jojo. Marami siyang gustong gawin sa buhay niya.
Marami siyang gustong patunayan sa sarili niya maging
sa mga taong nasa paligid niya. Subalit hindi niya alam
kung saan magsisimula. Hindi niya alam kung paano
magsisimula. Dahil alam niya na hindi tatanggapin ng
mundong kinalalagyan niya ang mga galaw na gusto
niyang gawin.
Bukod kay Jojo, binigyang-buhay rin sa kwento ang isang
Mrs. Moral Character. Guro siya ni Jojo.

Makikita sa kwento, sa pagsasalaysay ni Reyes, ang iba’t


ibang mukha ng guro: Ang pagiging perfectionist sa
bawat detalye, ang pagiging moralist, at ang pagiging
intruder nito sa personal na buhay ni Jojo.

Perfectionist. Bilang isa Mrs. Moral Character na nagtuturo


ng social science, gusto niya na laging tama at may
batayan ang sinasagot ng kanyang mga estudyante sa
oras ng kanilang diskusyon:
Moralist. Walang duda. Kaya siya tinawag na Mrs.
Moral Character dahil lagi siyang nangangaral kaya
nasasabihang maraming alam.

At higit sa lahat, isang intruder. Pakialemera sa buhay


ng may buhay, lalo na sa mga personal na bagay,
itong si Mrs. Moral Character nang bigla nitong
sabihin kay Jojo na:

“They saw you in the chapel…”


Bagamat ganoon ang pagbibigay-suri sa guro na nasa
kwento, hindi ko naman sinasabi na ang mga guro
ay isang malaking “antagonist” sa kwento. Oo.
Maraming pagkakataon na perfectionist ang mga
guro. Dahil gusto nilang matuto ang kanilang mga
estudyante. Mula sa pananaliksik hanggang sa kung
paano mo ilalatag ito sa klase. Gusto nila na
tinatahak mo ang sinasabi ni PNoy na tuwid na
landas kaya lagi silang nagpapaalala sa mga tama at
kagandahang asal. Pero ang tanong, pati nga ba ang
personal na buhay ay kailangan nilang
panghimasukan?
Ang Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes ay nagpapakita ng
realidad sa buhay-eskwela. Ang buhay ng isang pasaway
na estudyante na may pasaway ring tropa. Ang pasaway
na estudyante na kahit bata pa ay may kasintahan na.
Ang pasaway na estudyante na may pasaway ring mga
guro, tunay na makikita ang kasalukuyang kalakaran sa
eskwelahan. Bagamat limitado ang galaw ng bawat
tauhan sa kwento, nabigyang hustisya ni Reyes ang
pagpapakita ng realismo sa kanyang akda.
Ako, bilang estudyante, ramdam ko ang nararamdaman ni
Jojo. Isang estudyante na gustong kumawala sa
pagkakagapos sa tradisyunal na sistema ng edukasyon.
Gustong maging malaya. Masabi ang lahat ng hinaing
na hindi lang basta-basta pinakikinggan kundi malugod
na natatanggap at nabibigyang-tugon.

Ako, bilang isang guro, nauunawaan ko rin ang gustong


ipahiwatig ng mga gurong tauhan sa kwento. Na tayong
mga guro, ang nais lang sa mga estudyante ay ang
matuto sila at maisabuhay lahat ng kaalamang
naibibigay natin sa kanila.
http://varsitarian.net/filipino/paghirapan_ang_akda

http://jigjanemverlen.tripod.com/new_page_5.html.htm

http://kislapdiwa.blogspot.com/2012/09/suring-kwento-
utos-ng-hari-ni-jun-cruz.html

You might also like