Professional Documents
Culture Documents
Heaven
Heaven
Heaven
Iskrip
Kung susuriin at uunawaing mabuti ang iskrip ng bawat karakter sa
nasabing pelikula, ang lahat ng ito ay naangkop sa temang pelikula at
naaayon sa kanilang ginagampanan. Nakakarelate ang sino mang
makakarinig ng ilang linya na sadya namang pumapatok sa mga manunuod
at tumatatak sa kanilang mga isipan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi
madaling makalimutan ng mga manunuod ang nasabing pelikula. Ilan sa mga
parte nito ay sadyang nakakapukaw ng atensyon at nagbibigay kasiyahan
upang ang manunuod ng pelikula ay hindi mabagot at mawili.
Potograpiya
Ang potograpiya ng pelikula ay maganda. Tama lang ang liwanag at
dilim. Madali mo malalaman ang mga nangyayari. Mapapansing ang kamera
ay pinagalaw nang maayos mula sa umpisa hanggang katapusan ng pelikula.
Upang mabigyang diin ang mga pangyayari, damdamin, at tagpo sa pelikula,
ang kamera ay ipinosisyon sa iba’t ibang anggulo. .
Mensahe
Ang pelikula ay tungkol sa pamilya, pagsasakripisyo,
pagmamahal at pagpapatawad, at sa pag-abot ng mga pangarap. Nais
ipahiwatig ng pelikula sa mga manunuod ang kahalagahan ng mga
taong nakapaligid sa atin lalo na ang mga taong nagsisilbing lakas at
inspirasyon natin upang patuloy na harapin ang bawat araw na
magdadaan, pagsusumikap na abutin ang mga pangarap at ang
pagpapatawad at pagtanggapsa kung ano man ang dinaranas natin
ngayon.