Professional Documents
Culture Documents
Proseso NG Pagsulat
Proseso NG Pagsulat
I. Kahulugan ng Pagsusulat
Ayon kay Peter T. Daniels, ito ay isang sistema ng humigit kumulang na permanenteng panandang
ginagamit upang kumatawan sa isang pahayg kung saan maari itong mulingmakuha nang walang
interbensyon ng nagsasalita.
Sabi naman ni Florian Coulmas,ito ay isang set ng nakikitang simbolong ginagamit upang kumatawan sa
mga yunit ng wika sa isang sistematikong pamamaraan, na may layuning maitala ang mga mensahe na
maaaring makuha o mabigyang – kahulugan ng sinuman na may alam sa wikang ginamit at mga
pamantayang sinusunod sa pag-eenkoda.
Ito rin ayang paraan ng pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang nasa kanyang isipan.
Ito ay para libangin ang sarili at ang kapwa, magturo at magbahagi ng kaalaman at makumbinsi ang
ibang tao sa katotohanan ng ibinibigay na opinion.
Ayon kay Arapoff, ito ay isang proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitan ng mahusay ng
pagpili at pag-oorganisa ng mga karanasan..
Mahalaga ang pagsulat dahil kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng
mahigpit na kompetisyon sa ngayon , Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng
ulat, pagtatala ng resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay
bahagi ng pananagumapay. Sa daigdig ng edukasyon, kailangang sumulat tayo ng liham na aplikasyon,
paggawa ng balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot
sa pakiusap ng mga kliyente at marami pang iba.
Mahalaga rin ang pagsusulat sapagkat sa pamamagitan nito, ang mga tao sa iba’t ibang lugar at sa iba’t
ibang panahon ay nagkakalapit, nagkakaunawaan at nagkakaisa. Ang aspeto n gating kultura ay
napananatiling buhay sa pamamagitan nito. Sa pamamagitan ng mga nasulat na tala ay natututuhan
natin ang kasaysayan n gating lahi; ang mga paniniwala at matatayog na kaisipan ng ating mga ninuno;
at ang mga pagbabago at pagsulong ng ating bansa.
Pansariling Pagpapahayag o Ekspresiv. Ito’y pagsulat o pagtataya ng mga bagay na nakikita, naririnig o
nababasa. Ito rin ay nagpapahayag ng nararamdaman at nasasaloob ng mga tao. May malayang
pamamaraan, hindi gasinong pinagtutuunan ng pansin ang ispeling ng mga salita bagkus minmahalaga
ang mailbas ang tunay na iniisip at nadarama ng isang tao. Kinapapaloobang ito ng sariling karanasan at
mga pala-palagay ng manunulat hinggil sa ilang pangyayari sa paligiid Hal. Talaarawan, jornal, personal
na liham, mga reaksyon at mapa o diagram
Kognitiv – tumitingin sa pagsulat bialng isang pag-iisp at isang kompleks na gawain. May makalayuning
oryentasyon at naniniwalang ito’y isang pabalik-balik na gawain.
Sosyal na Antas – ang mga manunulat ay hindi lamang kumikilos nang nag-iisa kundi bilang kasapi ng
isang sosyal at kultural na pangkat na nakakaimpluwensya sa kung ano at paano sila sumulat.
Paggawa ng Burador
Komunidad ng Diskurso – nabuo ng maniwala na ang pagsulat ay isang gawain sosyal. Ang pagkaunawa
ng mambabasa at ang genre ay napakahalaga rito. Ang atensyon ay nakatuon sa pantersyaryang
pagsulat kung saan kailangang makasulat sila nang katanggap-tanggap sa akademik na komunidad.
Ang dayagram na ito ay nagpapahiwatig ng paulit-ult at hindi linyar na kalikasan ng pagsulat. Ang
mga gawaing tulad ng brainstorming ay nagpapalabas ng ideya na nakatutulong sa mga manunulat na
masabi ang nasa kanyang iskema.
Pagtataya o Evalwasyon – paggamit ng tseklist upang makuha ng fidbak at mga puna na makatutulong
upang maisaayos muli ang binuong burador
Muling Pagtingin – matiyak kung tamaang ginagawa. Layunin nitong makalikha ng makabuluhan at
mabisang pagsulat na makabuo sa kasanayan ng manunulat
1. Tapik o Paksa – kailangan ng isang sulatin ang sapat na kaalaman oimpormasyon sa paksang
sulatin. Ang mga kaalaman o impormasyon ay maaaring galing sa mga sangguniang aklat, dyornal at iba
pa.
2. Layunin – dapat na malinawsa isipan ng manunulat ang dahilan kung bakit siya nagsususlat. Malaki
ang magiging epekto nito sa kanyang paraan ng pagsulat. Kaya ang kaibahan sa anyo o porma ng isang
sulatin ay nakabatay nang malaki sa layunin.
3. Interaksyon at isang pagbuo sa Kamalayan ng Awdyens – dapat isaisip ng isang manunulat na may
nagaganap na interaksyon sa pagulat. Kung minsan, ang manunulat ay nag-iinterak sa kanyang sarili,
halimbawa, kapag nagsulat skiya ng dyornal, pero sa maraming pagkakataon ang interaksyon ay sa ibang
tao. Kailangang linangin din ng isang manunulat ang kanyang kasanayang interpersonal. Dapat na alamin
niya kung sino ang sinusulatan, ano ang maaaring gusto niyang malaman, ano ang lawak ng kanyang
pang-unawa at anong uri ng wika ang angkop na gamitin.
4. Wika – ang isang manunulat ay kailangang mayroon ng kaban ng wikang maaaring gamitin ayon sa
pangangailangan. Dapat alam niya ang istilo ng wikang angkop na gamitin sa lahat ng pagkakataon.
6. Mga Kasanayan sa Pag-iisip – ang isang manunulat ay dapat magtaglay ng iba’t ibang kasanayan sa
pag-iisip. Kailangang may taglay siyang kasanayan sa pagtatangi ng mga bagay at pangyayari upang
madesisyunan niya kung alin ang mahalaga o hindi; kailangan din niya ang kaalaman sa lokhika upang
makapangatwiran siya nang mabisa; kailangang alam din niyang pagalawin ang kanyang imahinasyon at
maging malikhain para sa kawiling-wiling paglalahad; kailangang mayroon din siyang kakayahan sa
pagbibigay ng sariling pagpapasiya at iba pa.
7. Kasanayan sa Pagbubuo – isa sa mga tunguhin ngg manunulat ang makabuo nang maayos na
talataan na naglalahad nang malinaw na ideya at mga pansuportang detalya. Nagagawa rin ng isang
mahusay na manunulat na lohikal na mailalahad ang pagkasunud-sunod ng mga ideya sa pagbuo ng
isang magkakaugnay na teksto sa pamamagitan ng paggamitng mga angkop na pang-uugnay.
c. Ano ang angkop na paraan ng pakikipagtalastasan sa isang taong may edad kaysa sumusulat?
c. Pala-Palagay
Introduksyon
Pangganyak
Paglalahad ng Tesis
Katawan
Kongklusyon
Pangunahing Datos – Nagmumula ang mga impormasyon sa mga indibidwal na tao, mga akdang
pamapanitikan, mga pribado o publikong organisasyon, batas, dokumento at iba pang orhinal na talaan.
Sekondaryang Datos – Kinalap ang mga datos mula sa mga manuskrito, ensayklopidya, tesis,
disertasyon, magazine, pahayagan at iba pang aklat na naisulat ng mga awtor.
Direktang Sipi – eksaktong salita o pahayag ng isang awtor. Kinopya nang direkta, salita-sa-salita, mula
sa sanggunian. Ginagamit ito ng mananaliksik kapag nais niyang:
i. Idagdag ang
kapangyarihan ng salita ng awtor upang suportahan ang argument
Parapreys o Hawig – pagsasabing muli ng nakuhang ideya mula sa ginamit ng sanggunian gamit ang
sariling pangungusap. Ginagawa ang pagpaparapreys kapag:
Sinopsis o Buod – pinagsama-sama ang pangunahing ideya ng isa o maraming manunulat gamit ang
sariling pangungusap. Mas maikli ito kaysa sa orihinal at naglalaman ng kabuuang kaisipan ng
pinagkunang material. Gumagawa ng synopsis kapag:
i. Nais magbigay ng
bakgrawnd at pananaw hinggil sa isang paksa
e. Pagsulat ng Burador
Bigyan ng sapat na panahon ang iyong sarili na magawa ang iyong sulatin.
Magpahinga
Ang mga Paraan sa Pagpapalabas ng Ideya:
Palitang-kuro – grupo ang karaniwang gumagawa rito. Malawak nilang titingnan ang paksa sa iba’t ibang
anggulo at ang kaligiran ng usapin. Ang mga potensyal na opinion ang bibigyang konsiderasyon at
pagkakaisahan ang mga hakbangin para marating ang mapagkakasunduang layunin.
Malayang Pagsulat –pamamaraan itong kung ano ang basta lumabas na ideya sa isip ay isinusulat.
Huwag munang maging mapaghatol sa isinusulat. Huwag magwawasto. Pabayaang malayang dumaloy
ang isipan nang walang anumang pagkontrol,sa gayon, maging ang mga di-inaasahang nakabaong ideya
ay lumitaw.
Pamamaraang Tanong-Sagot – Tinatanong ang sarili tungkol sa paksa at tiyak makakaipon ng laksang
impormasyon. Pinaplano ang mga katanungan at ang mga ito’y pinagsunud-sunod at pinag-ugnay-
ugnay. Napapalalim nito ang pag-unawa sa paksa at nakapagbibigay ng mga kawili-wiling kaisipang
maisususlat.
2. Organisasyon ng Sulatin
g. Proofreading o Pagwawastong-Basa – binbasa ulit ito upang Makita ang mga mali sa ispeling, sa
gramatikaat paggamit ng salita, pati na rin ang daloy ng pagpapahayag, impormasyon at katwirang
nakapaloob sa komposisyon
1. Ispeling
2. Bantas
1. Tuldok (.)
a. Ginagamit bilang panapos sa mga paturol o pasalaysay, pakiusap at pautos ng mga pangangausap
b. Ginagamit din ito sa mga pinaikli o dinaglat sa salita. Hal. Editor –Ed. Pahina – ph.
a. Pangungusap na padamdam
b. Ekspresyong padamdam
g. Magkakasunod na parirala
b. pagsulat ng oras
c. pagtatala ng iisa-isahing bagay
8. Panipi o kotasyon (“ “)
a. Diyalogo
9. Gitling (-)
b. Mga tambalang salita dahil sa pagkaltas ng isang kataga o salita kaya pinag-iisa na lamang na
maaaring manatili ang kahulugan kaya’y magkaroon ng ikatlo
10. Tuldukuwit (;) – ginagamit sa dalawang malalayang sugnay na hindi pinangangatnigan o hindi
pinagdurugtong ng pang-ugnay
11. Elipsis (…) – pagsisipi kung may tinatanggal na salita; (….) – sa huli ng pangungusap o katapusan ng
sipi
12. Braket ([]) – binago sa isang tuwirang sipi at dito ito ipinaloloob, gayundin, ang kapaliwanagan sa
kung ano ang ginawa
13. Asteriko (*) – may tinanggal na isa o mhigit pang talata sa isang sinipi, pagkatapos ng isang listahan
at pagpapakitang may karagdagang impormasyon nakatalababa o nakfutnowt
14. Salungguhit (__) – gamit sa mga pamagat ng aklat, dula, novella, maikling kuwento, awitin, tula,
sanaysay; pangalan ng babasahin (dyaryo, magasin, jornal, polyeto at mga programang panradyo at
pantelevisyon); at banyagang salita
Pananda/Marka
Kahulugan
lagyan ng tuldok
Lagyan ng kuwit
Lagyan ng tuldok-kuwit
Lagyan tutuldok
Lagyan ng panipi
Lagyan ngkudlit
Lagyan ng panaklong
Lagyan ng braket
Lagyan ng superskrip
Lagyan ng subskrip
Kaltasin o alisin
Pagdugtungin o pagkabitin
Kaltasin atpagkabitin
Lagyan ng espasyo
Panatiliin
Itranspos o pagpalitin ng puwesto
Igitna
Itaas
Ibaba
Ipantay o ituwid
Ilinya
di-perpekto
Indensyonan o isaparapo
Maliit na tittik
Italisa
Iset sa Roman
Iset sa bold
Walang parapo
Paghiwalayin
Lagyan ng asteriko
Baliktarin
Ligature o pangatning
Lagyan ng gitling
May karugtong
Bitin
h. Pinal na Papel – pagtapos ng masusing pagsusuri ang teknikal na bahagi ng nilalaman, maaari na
itong ipasa sa guro o sa iba pang susuri nito
a. Titulo o Pamagat
b. Panimula o Introduksyon
1. Pasaklaw na Pahayag – sa panimulang ito, ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-
isahin at pagsunud-sunurin mula sa di-gaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalaga na detalye.
Halimbawa: Balita
4. Tuwirang Sinabi – panimulang karaniwang nakikitang nakapanipi sapagkat mula ito sa tapat na
pagsipi sa tiyak na pahayag ng isang taong bantog, dalubhasa, awtoridad at maari rin naming
karaniwang tao lamang ngunit ang sinabi’y naghahayag ng mahahalagang bagay na magagamit na
lundayan sa pinapaksa.
6. Paglalarawan – ang panimulang ito’y ginagamit kapag nagtatampok ng tao. Sapagkat nagbibigay,
deskripsyon,mga malarawan at maaksyong salita ang ginagamit.
8. Pagsusumbi – bihira ang panimulang ito. Maikli lamang, na karaniwan nang binubuo ng iisang
salita. Masurpresa itong parang suntok kung tumimo sa kuryusidad ng bumabasa.
9. Pagsasalungat – Sapanimulang ito, ang binibigyang diin ay ang pagkakaiba. Ang tuntuning
sinusunod ditto ay mas malaki ang pagkakaiba, mas matindi ang bias.
c. Katawan
2. Paanggulo – batay sa personal na masasabi o reaksyon ng bawat tao tungkol sa mga bagay-bagay o
isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom.
4. Paghahambing – isinasaayos nang paseksyon. Unang seksyon ay ang pagkakaiba. Ang pangalawang
seksyon ay ang pagkakatulad. Maari rin silang magkapalit.
5. Palamang o Pasahol – sinisumulan sa mga bagay munang lalong mahalaga ang binabanggit bago
ang di-gaanong mahalago o vice-versa.
6. Patiyak o Pasaklaw –isinasaaosa naman ito sa paraang sinasabi muna ang mga particular o
definidong detalye bago ang pangkalahatang mga pahayag o vise-versa.
7. Papayal o Pasalimuot – sinisimulan ito sa mga bagay na komplikadokasunod ang mga bagay na
simple o vice-versa.
d. Konklusyon o Wakas
1. Tuwirang Sinabi
2. Panlahat na Pahayag
3. Pagbubuod
4. Pagpapahiwatig ng Aksyon
5. Mahalagang Insidente
6. Pagtatanong
7. Pagsisipi
c. Kailangan maingat ang susulat sapagkat ang anuman kamalian ay nakikita ng bumabasa.
e. Dapat na may lubos na kabatiran sa mga mekanismo sa pagsusulat gaya ng: pagbabaybay,
pagbabantas, paggamit ng malaking titik, paggamit ng italika, pagsulat ng tambilang at papapaikli ng
mga salita at talata.
1. Kaisahan: Upang matawag na talata ang pangkat ng mgga pangungusap, kailangang ito’y umikot sa
iisang pangkalahatang ideya. Kailangang may pangungusap na pampaksana siyang nagsisilbing giya o
patnubay sa pagbuo ng susuportang mga pangungusap.
2. Kaugnayan:Kailangang magkakaugnay ang mga pangungusap upang magpatuloy ang daloyng diwa
buhat sa simula hanggang sa dulo ng pahayag. Kailangan nakaayos sa pagkakahanay ang mga pangyayari
o ang diwang ipinahayag upang maging maliwanag ang pagkakaugnay.
a. Pamantayan sa Kaugnayan
i. Paggamit ng tradisyonal
na mga salitao mga pangatnig gaya ng: at, kapag, disin sana, dahil sa, sapagkat, ngunit, bagaman,
samantala, ngunit, bagaman, samantala, anupa’t,kung gayon, samakatuwid, gayon pa man, sa kabila
noon at marami pang iba.
b. Paggamit ng Panghalip
3. Kaanyuan o Kabuuan: Ang mabuting talata ay naglalaman ng kumpletong kaisipan. May pagbigay-
katuturan, paliwanag, pangangatwiran, at patotoo. Gumagamit ng ilustrasyon, halimbawa,
pagwawangis, pagtuttulad at pag-iiba, pagsususuri, mungkahi, tagubilin, talinghaga, mahahalagang sipi
at iba pang pamamaraan upang maging buo o ganap. Ang isang akda ay may panimulang talata,
makakapanunod na talata (Transitory) at may pangwakas na talata.
Pinararaan ang mga ito sa iba-ibang sistema ng pag-uuri, at walang ibang pinakabasehang magagawa
kundi ang paghahanap na kategorya na napagsama-sama ang mga bagay na maaaring magkakahiwalay
at mapagbubuklud-buklod ang mgamagkakaiba.
Isang pagtataya sa nilalaman ng akda angpagsusuri. Dalawang importanteng gampanin ang kailangan
isakatupara: una, pagmamasid at pangalawa, pasulat ng mganaobserbahan. Ang pagsulat sa anyong
pagsusuri ay hindi lamang isang pag-uulat ng mga naobsrebahan kundi isang kasanayan sa pagmamasid.
d. Anyong Pasalaysay
Pagpapahayag na naglalayong maghayag nang sunod-sunod ng isang pangyayari, mga tauhan at may
tagpuan. Halimbawa: maikling kuwento, talambuhay, dyornal, kasaysayan, kathangisip.
e. Anyong Paglalarawan
f. Anyong Panghihikayat
g. Anyong Eksposisyon
Pagpapahayag na may tungkuling ipaliwanag ang pangyayari, opinion, kabatiran at mga kaisipan.
h. Anyong Ekspresyon
Pagpapahayag ng saloobin para mapagaan ang loob bilang isang positibong pagbuhos ng emosyon.
i. Anyong Refleksyon
Nilalaman ang sarili ng distansya at inilalagay sa perpektibong malinaw na masukat ang sariling
pagkatao. Tinutuklas ditto ang kahalagahan ng mga karanasang nagdaan at ang mga pangyayaring
nagaganap sa kasalukuyan sa buhay.
Naipapakita ng manunulat ang kanyang pag-intindi sa mga mambabasa, gayundin, naipasusunod niya
ang tamang pagsasaayos ng mga bagay-bagay sa proseso ayon sa mga tuntuning dapat gabayin.
a. Akademik – formal ang istraktura. Maayos na inihahanay ang mga pangungusap upang maging
malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya. Kadalasang seyoso, nakabatay sa sinaliksik na kaalaman. Ang
pagbuo ng ganitong uri ng kritikal na pagsulat ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal.
Ang mga pamanahaunang-papel, tesis, disertasyon, suring-basa,panunuring pampanitikan, malikhaing
pagsulat oanumang sulating may [aksang pag-akademik ay nabibilang sa uring ito.
b. Jornalistik – Ang mga salitang hango sa mga pahayagan gaya ng balita, editorial, lathalain at mga
balitang isports ay halimbawa ng jornalistik na pagsulat.
Malikhain- angtawag sagenreng may kaugnay sa malikhaing pagsusulat. Ito ay may dalwang uri\:
1) Tuluyan o komposisyong nagsasalaysay ng watong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na lagi
nang may tauhan, tagpuan atpaksa. May iba’t ibang uri ito:
Maikling kwento-isang akdang nagsasalaysay ng mga pangyayari na kadalasan nang may suliraning
nilulutas ng pangunahing tauhan, may tagpuan, kasukdulan at wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. Nababasa sa sangdaling panahan lamang.
|Nobela- isang akdang naiiba, higit na marami ang mga tauhan, may masalimuot na mga pangyayari at
may kahabaan ang sakop na panahon. Kadalasang nahahati sa mga kabanata.
i. Nobela ng Pangyayari – ang mahalagang kinakatawan ay ang
pagkakasulat o pagkakagawa ng nasa pangyayari ng nobela
Talambuhay- isang akdang nagsasalaysay tungkol sabuhay na pinagdaanan ng isang kilalang tao.
Dula- isang uri ng akda na nagsisimula sa tula o sa tuluyang pagnugnusap na naglalarawan ng buhay o
ugali sa pamamagitan ng mga usapan at kilos ng mga tauhang tumutupad upang itanghal sa dulaan.
Anekdota- isang uri ng akdang tuluyan na karaniwang kakatwa, maikli, subalit nag-iiwan ng aral.
Sanaysay- ito ay isang akdang tumatalakay sa isang mahalaga aat napapanahong usapin sa
lipunan.Malawak ang saklaw nito dahil anumang bagay tungkol sa pagbabagong ekonomika, pulitika,
sosyal, kultural at maging personal ay maaaring talakayin.
Talumpati- isang akdang pasalita na naglalayong talakayin ang isang napapanahong isyu sa lipunan.
Pabula-ang mga karakter ay mga hayop, naglalayong gisingin ang isipanng mga bata sa mgapangyayaring
makahuhubog ng kanilang ugali.
Tulang Pandulaan – Ang tulang ito’y karaniwang itinatanghal sa isang dulaan o entablado. Ang usapan ng
mga gumaganap ay patula.
Tulang Patnigan – karaniwan ng may pantig ang bawat taludturan at tumatakay sa isang paksang
pinagtatalunan.
Bahagi ng Liham
Pamuhatan
Patunguhan ng Sulat
Bating Pangwakas
Istilo ng Pagsulat
Istilong Blak
Istilong semi-blak
Uri ng Liham
Liham-pangkaibigan
i. Liham Pangangamusta
Liham Pangangalakal
i. Liham Pagpapakilala
v. Liham Pagrereklamo
Prosidyural- teknikal na genre na naglalahad ng proseso sa pagsasagawa ng isang bagay o kilos o
Gawain. Halimbawa: recipe, pagsunod sa direksyon at panuto.
i. Pagsusulat ng Ulat
Kombensyunal na Pamamatnubay – ito ay karaniwang sumasagot sa mga tanong na: sino, ano, bakit,
kalian, saan at paano.
Di-kombenyunal na Pamamatnubay – isang uri ng patnubay kung saan ang mga reporter ay taal na di
sumusunod o lumilihis sa pamatnubay.
Iwasan ang pagbibigay ng sariling opinion, ideya o lohika, maligoy na pananalita, sa kadahilanang ang
pagdududa ay mananatili sa kanilang isipan.
Panghihikayat – genre na naglalayong hikayatin ang taong sumuporta o maniwala sa isang bagay o
pagkilos. Nilalayon nitong pumanig ang tao sa mga argument at balakin ng isang tao o grupo.
Halimbawa: advertisement, proposal, editorial at argument.
Agenda ng Pulong: pag-uusapan o tatalakayin ang isang sulatin na ginagawa ng mga kapisanan o
organisasyon sa buwanang pulong batay sa napagkasunduan ng mga pinuno.
Katitikan o Minits ng Pulong: ito ay pabuod na pinaguusapan sa nakaraang mga pulong batay sa agenda.
Malaki ang papel na ginagampanan ng kalihim sapagkat siya ang kumukuha ng mga tinatalakay habang
nagpupulong. Ito ay may lagda ng pangulo. Ito ay babasahin muli bago magsimula ang susunod na
pulong. Pinagtitibay ito ng mga nasa pulong. Kung may pagwawasto, ipahahayag ang pagtatama bago
pagtibayin.
Paanyaya sa isang kapulungan o seminr: mahalaga ang mga kumprehensya sapagkat dito nabibigyan ng
kaukulang aksyon o solusyon ang hangarin ng isang proyekto.
Tamang Ulat ng isang Kompanya (Statement of Condition): ito ay isang sulatin na karaniwang ginagawa
ng mga kompanya, katulad ng bangko, kooperatiba, Insurrance Company. Dito isinasaad ang assets,
pananagutan o liabilities, gastusin o equity. Huling araw ng Disyembre ginagawa ang ulat.
May 2 na magiging Anchor sa Studio. Ang paraan ng pag-uulat ay parang pagbibigay ng balita na limang
pares ang magiging field anchor. Sila ay nasa iba’t ibang dako ng klase. Ang mga upuan ay isasantabi sa
gilid at sila’y kasama sa kanilang kani-kanilang mga grupo. May ibibibay na kopya ng report sa mga mag-
aaral upang makasunod sa talakayan.
Writing Bee kung saan magbibigay ng sampung kanta ang grupong nagbalita at isusulat ng bawat
representative ng bawat grupo ang ta