Reflection Fil

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Daphne Alinsub Sumodlayon November 5, 2018

Grade 11-STEM

REFLECTION

Ang komunikasyon ay ang pagpapalitan ng mga impormasyon o ideya


sa pamamagitan ng pakikipagkapwa o pakikipagusap sa kapwa tao. “No
man is an island,” sabi nga nila. Ang komunikasyon ay ginagamit sa
pangaraw – araw na pamummuhay - sa trabaho, sa eskwelahan, sa pagbili
ng pagkain at iba pa. Kailangan nating makipagtalastasan upang tayong
lahat ay makakainitindihan at maiwasan ang kaguluhan. Sa pakikipag-
komunikasyon, pwede itong gamitan ng wika at pwede din itong gamitan ng
kilos ng katawan at tinig na inaangkop sa mensahe. Ang berbal na
komuniksayon ay ginagamitan ng wika samantalang ang di-berbal na
komunikasyon ay ginagamitan ng kilos ng katawan at tinig na angkop sa
mensahe. Maari tayong makipag-komunikasyon sa pamamagitan ng
pagtapik sa likod, ito ay nangangahulugan ni kino-comfort mo ang isang tao.
Sa panahon ngayon, marami na tayong ‘medium’ sa pakikipag-
komunikasyon, maaring text, email, tawag at marami pang iba. Mahalaga na
may sapat na kaalaman tungkol sa kultura ng isang lugar at ng kasarian ng
tao dahil mayroong ibang tao na sensitbo sa mga topics na ito at maaaring
magkaroon ng miskomunikasyon. Hindi lahat ng tao ay open-minded kaya
dapat mo munang pag-isipan ang iyong sasabihin. Importante na maayos
ang pakikipag-komunikasyon upang maayos din ang iyong relasyon sa iyong
kapwa. Ito ay nakakatutulong sa iyo upang maging isang mabuting tao.

You might also like