Jeana Crizza Manimtim PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

Region IV-A CALABARZON

Sangay ng Lalawigan ng Batangas

Malasusing Banghay-Aralin sa Pakitang-Turo sa Filipino III

I. Layunin: Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang larawang ipakikita.


2. Naipapahayag ang mensaheng nakapaloob sa tula.
3. Nakalilikha ng sariling “slogan” tungkol sa kalikasan.

II. Paksang Aralin

Paksa:​ ​“Tinig ng Darating”ni Teo S.Baylen

Sanggunian: Tuklas III pp.470

Mga Kagamitan: larawan, speaker, laptop, projector, typewritng, sipi ng aralin

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

1.1 Pagsasaayos ng Silid-Aralan

1.2 Pagdarasal

1.3 Pagbati

1.4 Pagtatala ng liban

B. Pangganyak

Magpapanood ng ” video clips” na pinamagatang ang “Kapaligiran”.

( Ano’ng mensahe ang nais iparating ng awiting inyong napakinggan at napanood?)


. C. Paglinang ng Aralin

1. Gawain

(Babasahin ng guro ang tulang “Tinig ng Darating” habang ang mga mag-aaral ay

nakikinig).

2. Analisis

a. Batay sa binasang tula, sino ang nagsasalita sa tula?Sino ang kanyang kinakausap?

b. Anong damdamin ang naghahari sa may-akda?

c. Anu-ano ang sanhi ng pagkasira ng kapaligiran?

d. Sa inyong palagay, ano ang layunin ng may-akda sa pagkakasulat ng ganitong uri

ng tula?

3. Abstraksyon

Magpapakita ng larawan ng mundo na umiiyak.

https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http%3A%2F%2F4.bp.blogspot.com%2F-dxwO8Q0gojA%2
FUiol7GFTxyI%2FAAAAAAAAJgc%2Fc8Fr3p9nJQk%2Fs320%2FCrying-Earth-1236385.jpg&imgref
url=http%3A%2F%2Fcc.divilabs.com%2F2013%2F09%2Fcrying-mother-earth.html&docid=rWEBjkjN
U462rM&tbnid=AmNdk7NNblOD7M%3A&w=228&h=320&bih=923&biw=1280&ved=0ahUKEwiHie
6b7vTPAhULpY8KHemAB9YQMwg7KAwwDA&iact=mrc&uact=8

-Ano kaya ang nais ipahayag ng Inang Kalikasan sa mga tao sa larawang nasa itaas? Bakit kaya siya
lumuluha?

4. Paglalapat

Pansinin ang iyong kapaligiran, may katotohanan ba ang ang nilalaman ng

tula? Ipaliwanag.

​ IV. Pagtataya

May karapatan nga bang manumbat ang mga sususnod na henerasyon?

Pangatwiranan ang inyong sagot. Isulat sa isang buong papel.

​ V. Takdang-Aralin

Gumawa ng sariling “slogan” tungkol sa ating Inang Kalikasan.Gawin ito sa

isang buong typewriting.

You might also like