Professional Documents
Culture Documents
Kuko NG Liwanag
Kuko NG Liwanag
Ni Edgardo M. Reyes
I. MAY-AKDA
II. TAUHAN
1. Julio- isang probinsyano na nakipagsapalaran sa Maynila.
2. Ligaya- isang probinsyana na naging biktima ng prostitusyon
3. Atong at Pol- mga kaibigan at katrabaho ni Julio na tumulong sa kanya sa kanyang
pakikipagsapalaran sa Maynila.
4. Ah Tek- isang Tsino na kasintahan ni Ligaya.
5. Mr. Balajadia- mandurugas na tagapangasiwa ng construction site na pinapasukakn ni Julio.
III. TAGPUAN
1. Maynila
IV. BUOD
Si Julio ay isang probinsyanong mangingisda na lumuwas sa Maynila upang doon ay
makipagsapalaran at hanapin na rin ang kanyang kababata na si Ligaya. Siya ay namasukan
sa isang construction site at iba pang mga trabaho. Isa sa mmga pinasuakan niya ay ang “The
Future La Madrid Building” dito nakilala niya ang kaibigang si Atong. Sa kanyang pagka-
karpentero kumikita siya ng dos singkwenta bawat araw. Dahil ditto siya ay nakitira sa bahay
nila Atong.
Isang gabi, napadaan si Julio sa Miseridordia doon niya naaninag ang kanyang kababayang
si Ligaya. Ngunit hindi siya sigurado kung si Ligaya ba iyon, kaya’t nagpasiya siyang sundan ito
at ng makasigurado. At hindi nga siya nagkamali si Ligaya iyon.
Inanyayahan ni Julio si Ligaya sa isang restaurant upang pag-usapan ang nangyari sa kani-
kanilang buhay. Natuklasan ni Julio na naging biktima ng prostitusyon si Ligaya. Na ngayon ay
may kinakasamang Intsik na nagngangalang Ah Tek.
Labis ang hinagpis ni Julio ng ibalita sa kanya ni Pol na si Ligaya ay namatay nap ala. Nahulog
si Ligaya sa kanyang tinutuluyan. Naging balisa si Julio bago at hanggang matapos ang libing
ni Ligaya. Sa huli, napatay niya si Ah Tek at napatay naman siya ng kalapit tao sa bahay ni Ah
Tek.