Fil9 T3 LG30 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

FILIPINO 9 – LESSON GUIDE 30 TERM 3

INAASAHANG PAGGANAP (PERFORMANCE TASK)

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang Noli Me tangere bilang isang obra maestrang pampanitikan at pampolitika

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng isang dulang pantanghalan tungkol sa makabago o napapanahong bersiyon ng Noli Me Tangere

RASYONALE AT DESKRIPSIYON NG INAASAHANG PAGGANAP


Ang Inaasahang Pagganap (IP) para sa ikatlong termino ay magsisilbing kulminasyon at paglalapat ng lahat ng kasanayan ng mga mag-aaral na kanilang natamo sa
pag-aaral ng Filipino 9. Ito ay magsisilbi rin na pagpapatibay sa pinagsama-samang makrong kasanayan sa pakikinig, pagbasa, pagsulat, pagsasalita, at panunuod.
Sa pamamagitan ng gawaing ito ay inaasahang maipapamalas ng mga mag-aaral ang kanilang buong husay sa paggamit ng Wikang Filipino sa akademikong
larangan. Higit sa lahat ay upang maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang pagiging mulat sa mga isyung panlipunan noon na maaring nagpapatuloy pa rin
hanggang sa kasalukuyan. Sa huli, ang gawaing ito ay lalong higit na susubok sa kanila upang mapalabas ang lahat ng kasanayan at pagpapahalaga ng APEC.

MGA / GAWAIN: Inaasahang Pagganap (Performance Task)

MGA / LAYUNIN: Naisasakatuparan ang Inaasahang Pagganap batay sa pamantayan sa pagganap

PAGPAPAHALAGA AT KASANAYAN: Aplikasyon ng lahat ng pagpapahalaga at kasanayan ng APEC

TAKDANG PANAHON: 4 na oras

Gawain Laang Panahon


B. PAGHAHANDA PARA SA INAASAHANG PAGGANAP 3 oras
1. Pagpapaunawa sa Inaasahang Pagganap 5 minuto
2. Pagpapakilala ng Inaasahang Pagganap (GRASPS) 5 minuto
3. Pagpapangkat ng Klase 5 minuto
4. Pagpapaliwanag ng Rubrik 5 minuto
5. Pagsulat ng Iskrip 40 -60 minuto
6. Pagsasanay/Paghahanda para sa Dula 120 minuto
C. PAGSASAKATUPARAN NG INAASAHANG PAGGANAP 1 oras
Pagsasakatuparan ng IP ng bawat pangkat. (5 pangkat) 10 minuto x 5 = 50 minuto

MGA / KAGAMITAN: Depende sa inihandang gawain ng bawat pangkat

1|
FILIPINO 9 – LESSON GUIDE 30 TERM 3
INAASAHANG PAGGANAP (PERFORMANCE TASK)

MGA/VIDEO: Depende sa inihandang gawain ng bawat pangkat

PABATID: ANG LAHAT NG PAGHAHANDA AT PAGSASANAY SA INAASAHANG PAGGANAP AY GAGAWIN SA LOOB NG KLASE/PAARALAN. HINDI PINAHIHINTULATAN
ANG MGA MAG-AARAL NA MAGSANAY SA LABAS NG PAARALAN PARA NA RIN SA KANILANG KAPAKANAN AT SEGURIDAD. MAHALAGA ANG PAGGABAY NG MGA LF
SA BAWAT HAKBANG NG PAGBUO NG MGA MAG-AARAL SA INAASAHANG PAGGANAP.

INAASAHANG PAGGANAP
(Performance Task)

A. INAASAHANG PAGGANAP SA ANYONG GRASPS

Goal Mapatunayang ang mga pangyayari sa Noli Me Tangere ay replika at karugtong pa rin ng kasalukuyang panahon.

Role Direktor (props, teknikal) , mga artista, manunulat, mga tao sa produksiyon (costume, props, teknikal)

Audience Mga Pilipino

Situation Lingid sa kaalaman ng mga mag-aaral na ang kanser noon ng lipunan ay hindi napagaling ng mga nobela ni Rizal, bagkus ito (kanser) o
ang mga pangyayari ay nananatili (o mas lumalala pa) Upang mabuksan ang isipan ng kabataan ngayon humihingi ang isang isang
sikat na istasyon ng telebisyon ng isang dulang pangtanghalan na ipapalabas sa araw ni Rizal sa kanilang istasyon.

Product/Performance Napapanahong bersyon ng Noli Me Tangere sa pamamagitan ng maikling dula-dulaan (10-20 minuto)

Standard Rubrik

TN:
1. Ang pagsasadula ay nasa makabagong bersiyon. Ibig sabihin ay kailangang tukuyin ng mga mag-aaral ang mga kanser ng lipunan o isyung panlipunan
na lumutang sa bawat kabanata na malinaw pa ring nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.
2. Pipili ang mga mag-aaral ng kanser ng lipunan o isyung panlipunan na tinalakay sa obra na sa kanilang palagay ay nais nilang maging paksa ng kanilang
pagsasadula.
3. Matapos makapamili ay gagawan na nila ng orihinal nilang kuwento o istorya ang napilng kanser ng lipunan o isyung panlipunan.

2|
FILIPINO 9 – LESSON GUIDE 30 TERM 3
INAASAHANG PAGGANAP (PERFORMANCE TASK)

(Ibig sabihin ay hindi ang mismong eksaktong kuwento ng Noli Me Tangere ang isasadula ng mga mag-aaral kundi ang nakikita nilang mensahe ng obra
na maaaring tumatalakay sa mga problema ng lipunan o bansa.
4. Malaya ang mga mag-aaral sa estilo ng kanilang gagawing pagsasadula. Maaaring lapatan o saliwan ng musika ang mga eksena upang lalong
mapaganda ang palabras. Dito papasok ang kolaborasyon ng signaturang Filipino sa Music. Malayang gamitin ang alinmang naaangkop sa dula-dulaan:
gumamit ng musikang klasikal na natutunan sa asignaturang musika at iba pa.
5. Para naman sa kolaborasyon sa Arts, hinihikayat ang pagkuha ng mga larawan at video para sa dokumentasyon at personal na kopya. Maaaring ilapat
ang natutunan sa photography at film.

B. PAGHAHANDA PARA SA INAASAHANG PAGGANAP

1. Pagpapaunawa sa Inaasahang Pagganap

1.1. Ano ang Inaasahang Pagganap?


Ang Inaasahang Pagganap ay isang malawak at mapanghamong tagpo o senaryo upang maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman sa paksang
pangyunit at kung paano nila ito maisasakatuparan.
Ginagamitan ito ng GRASPS.

Goal (Tunguhin)
Role (Gampanin)
Audience (Tagatanggap)
Situation (Kalagayan)
Product/Performance
(Bunga/Pagganap)
Standard (Pamantayan)

Ito ay ang paghihimay at pagsasakatuparan ng pinasama-samang Pamantayan sa Pagganap.

Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng isang dulang pantanghalan tungkol sa makabagong bersyon ng Noli Me Tangere

3|
FILIPINO 9 – LESSON GUIDE 30 TERM 3
INAASAHANG PAGGANAP (PERFORMANCE TASK)

Ito magsisilbing pangwakas na gawain. Ang mga mag-aaral ay gaganap ng mga gawain bilang matatanda (adult) hindi bilang mga mag-aaral.
Hayaaan silang mag-isip at magplano kaugnay ng gawaing ito. Gagabayan lamang kung kinakailangan.

2. Pagpapakilala ng Inaasahang Pagganap (GRASPS)


TA:
Goal Mapatunayang ang mga pangyayari sa Noli ay replika at karugtong pa rin ng kasalukuyang panahon.
Role Direktor (props, teknikal) , mga artista, manunulat, mga tao sa produksiyon (costume, props, teknikal)
Audience Mga Pilipino
Situation Lingid sa kaalaman ng mga mag-aaral na ang kanser noon ng lipunan ay hindi napagaling ng mga nobela ni Rizal, bagkus ito (kanser) o
ang mga pangyayari ay nananatili (o mas lumalala pa).
Product/Performance Napapanahong bersyon ng Fili sa pamamagitan ng maikling dula-dulaan (10-20 minuto)
Standard Rubrik

3. Pagpapangkat ng Klase
TA:
• Ipangkat ang klase sa 5 o higit pa kung masyadong malaki ang bilang ng mag-aaral sa iyong klase hatiin na lamang ang sa iba pang pangkat ang mga
kabanata na nasa Lg 28 at Lg 29 (upang ang bawat mag-aaral ay may gagampanan sa IP)
• Ibigay ang saklaw na kabanata na gagawan ng script at isasadula. Ipasangguni sa Pluma 10 para sa sakop na mga pahina ng bawat kabanatang nabanggit.

Pangkat Mga LG at sakop na kabanata


A Lg25 at Lg 26
• Isang Handaan
• Si Crisostomo Ibarra
• Sa Hapunan
B Lg 26
• Ang Erehe at Subersibo
• Bituin sa Karimlan
• Si Kapitan Tiyago
• iba’t ibang Pangyayari
• Ang San Diego
• Ang Makapangyarihan
• Todos Los Santos
• Hudyat ng Unos

4|
FILIPINO 9 – LESSON GUIDE 30 TERM 3
INAASAHANG PAGGANAP (PERFORMANCE TASK)

C Lg27
• Baliw o Pilosopo
• Ang mga Sakristan
• Si Sisa
• Si Basilio
• Nagdurusang mga Kaluluwa
D Lg 28
• Karanasan ng Isang Guro
• Pulong ng Bayan
• Kuwento ng Isang Ina
• Dilim at Liwanag
• Pangingisda
• Sa Gubat
• Sa Bahay ng Pantas
E Lg29
• Bisperas ng Pista
• Kinagabihan
• Mga sulat
• Ang Araw ng Pista
• Sa Simbahan
• Ang Sermon
• Ang Paghugos
• Malayang Kaisipan

4. Pagpapaliwanag ng Rubrik
TN: Iminumungkahing bigyan ang bawat pangkat ng sipi ng rubrik.
TA: Ipaliwanag nang mabuti bago simulan ang IP.

5|
FILIPINO 9 – LESSON GUIDE 30 TERM 3
INAASAHANG PAGGANAP (PERFORMANCE TASK)

A. Para sa Pagsulat ng Iskrip

PAMANTAYAN 5 4 3 2-1
KUWENTO Mahusay at malinaw ang Malinaw ang konsepto ng Malinaw ang konsepto ng Nangangailangang ayusin ang
konsepto ng kuwento. Maayos kuwento. Maayos ang kuwento ngunit hindi gaanong konsepto at banghay ng
ang pagkakabanghay ng pagkakabanghay ng kuwento na maayos ang pagkakabanghay ng kuwentong ginawan ng iskrip
kuwentong ginawan ng iskrip ginawan ng iskrip mula sa kuwento na ginawan ng iskrip mula sa simula hanaggang
mula sa simula hanggang sa simula hanggang katapusan. mula sa simula hanggang katapusan.
katapusan. katapusan.
PAGLALAPAT/PAG- Mahusay na nailapat ang mga Nailapat ang mga Bahagyang may pagkukulang sa Hindi masyadong kinakitaan ng
UUGNAY NG MGA pagpapahalagang halaw sa obra pagpapahalaga halaw sa obra sa paglalapat ng mga isyung paglalapat ng mga isyung
PAGPAPAHALAGA sa mga kasalukuyang isyung mga kasalukuyang isyung panlipunan at pagpapahalagang panlipunan at
panlipunan at pagpapahalagang panlipunan at pagpapahalagang Pilipino. pagpapahalagang Pilipino.
Piliino. Pilipino.
PAGKAKAHATI NG Mahusay na nahati ang mga Nahati ang mga eksena ayon sa May mga tagpong dapat itama Nangangailangang ayusin ang
MGA EKSENA eksena ayon sa tagpong tagpong hinihingi ng kuwento sa kung saang eksena tapat halos lahat ng eksena upang
hinihingi ng kuwento ibinilang maging maayos ang
pagkakahati
PAGKAKABUO NG Mahusay ang pagkakabuo ng Maayos ang pagkakabuo ng May mga diyalogong dapat Nangangailangang ayusin ang
MGA DIYALOGO bawat diyalogo batay sa mga bawat diyalogo dahil umangkop ayusin upang maiangkop sa pagkakabuo ng bawat diyalogo
punto: makatotohanan, angkop sa panahong sinilangan ng panahong sinilangan ng kuwento
sa panahong sinilangan ng kuwento
kuwento
ORIHINALIDAD AT Lubusang naipamalas ang Halos kalahati ng bahagi ng May iilang bahagi ng balangkas Hindi halos naipakita sa
PAGKAMALIKHAIN orihinalidad at pagkamalikhain balangkas ng kuwento ay may ng kuwento ang kakikitaan ng kabuuan ng pagkakabalangkas
sa pagkakabalangkas ng orihinalidad at pagkamalikhain. orihinalidad at pagkamalikhain. ng kuwento ang orihinalidad at
kuwento. pagkamalikhain.

KABUUANG PUNTOS: 25

6|
FILIPINO 9 – LESSON GUIDE 30 TERM 3
INAASAHANG PAGGANAP (PERFORMANCE TASK)

B. Para sa Pagpili ng Pinakamahusay na Produksiyon o Pagtatanghal

PAMANTAYAN Pangkat A Pangkat B Pangkat C Pangkat D Pangkat E

I. TEMA/NILALAMAN/PAGKAMAKATOTOHANAN
(CONTENT)
(10)
10 – akmang-akma sa isyung panlipunan,
napapanahon, at totoong makatotohanan
8-9 – akma sa isyung panlipunan, napapanahon,
at makatotohanan
6-7 – medyo akma sa isyung panlipunan at
napapanahon, at may bahid ng katotohanan
4-5 – kulang pa ang kaakmaan sa isyung
panlipunan, medyo hindi napapanahon, at
maaaring hindi totoo
1-3 – hindi akma sa isyung panlipunan, hindi
napapanahon, at hindi makatotohanan

II. PAG-ARTE/MASINING NA PAGGANAP/


KARAKTERISASYON/GALAW SA ENTABLADO
(ACTING/BLOCKING) (10)
10 – napakahusay at napakasining
8-9 – medyo mahusay at masining
6-7 – mahusay at masining
4-5 – may katuturan subalit kulang pa
1-3 – walang naipakitang kahandaan at
kasiningan

III. DALOY NG PAGSASADULA/TRANSISYON NG


MGA TAGPO
(FLOW/TRANSITION) (10)
10 – napakahusay ng daloy at transisyon
8-9 – medyo mahusay ang daloy at transisyon

7|
FILIPINO 9 – LESSON GUIDE 30 TERM 3
INAASAHANG PAGGANAP (PERFORMANCE TASK)

6-7 – mahusay ang daloy at transisyon


4-5 – may kakulangan sa daloy at transisyon
1-3 – magulo

IV. BITAW NG MGA PAHAYAG


(DELIVERY) (5)
5 – napakalinaw at makatotohanan
4 – medyo malinaw at may bisa
3 – mahusay at may dating
2 – medyo kulang pa sa linaw
1 – hindi malinaw at magulo

V. KASUOTAN
(COSTUME AND MAKE-UP) (5)
5 – angkop na angkop
4 – medyo naaangkop
3 – angkop
2 – medyo hindi angkop
1 – talagang hindi angkop

VI. ASPEKTONG TEKNIKAL ( TUNOG, ILAW, PROPS)


(TECHNICAL ASPECTS) (5)
5 – angkop na angkop
4 – medyo naaangkop
3 – angkop
2 – medyo hindi angkop
1 – talagang hindi angkop

8|
FILIPINO 9 – LESSON GUIDE 30 TERM 3
INAASAHANG PAGGANAP (PERFORMANCE TASK)

VII. KABUOANG IMPRESYON


(AUDIENCE IMPACT) (5)
5 – talagang nasiyahan ang mga manonood
4 – medyo nasiyahan ang mga manonood
3 – halatang nakontento ang mga manonood
2 – medyo hindi nasiyahan ang mga manonood
1 – walang dating sa mga manonood

KABUOANG PUNTOS (50)


TN: Ang pagbibigay ng grade ay mula nang umpisahan ang IP hanggang sa pagsasakatuparan nito. Tiyaking may individual at group grade ang mga bata.

5. Pagsulat ng Iskrip
TA:
• Pagkatapos ng brainstorming, sa pangangasiwa ng direktor, magpasulat na ng script. TN: Alalayan ng guro (magsisilbi ring editor).
• Itama kaagad kung may nakitang mali.
• Habang nagsusulat ng script, ipahanda na ang mga kaugnay na gawain ng mga editor, mga artista, mga tao sa produksiyon, at iba pa. Pag-usap na rin
ang magiging daloy ng palatuntunan.
• Ipa-finalize ang script ng bawat pangkat.

6. Pagsasanay/Paghahanda para sa Dula

Senaryo:

Magtungo sa kani-kaniyang komite/pangkat; pag-usapan ang gawain.


• Direktor kasama ang mga manunulat at artista/magsisiganap
➢ Pag-usapan kung aling bahagi ng kuwentong isasadula ang nangangailangan pa nang ibayong pagsasanay upang ang naturang bahagi ang
unahing bigyang-pansin.
➢ Pag-usapan kung ano-ano pa ang kailangang gawin upang higit pang maging maayos ang pagsasadula.
➢ Magtakda ng minuto/oras kung kailang matatapos ang paghahanda/pagsasanay (alalahaning mahalaga ang bawat sandali).
• Direktor at bumubuo sa produksyon (kasuotan, props, at teknikal)
➢ Pag-usapan kung ano-ano pa ang kailangang dapat ihanda para sa sumusunod:
✓ Props (alamin kung kompleto na).

9|
FILIPINO 9 – LESSON GUIDE 30 TERM 3
INAASAHANG PAGGANAP (PERFORMANCE TASK)

✓ Teknikal (Music and Arts integration/colab) (alamin kung kompleto na ang mga tunog/musikang ilalapat, alamin kung handa na ang
mga ilaw na gagamitin, ang video cam (kung mayroon)
✓ Kasuotan (alamin kung kompleto na ang mga kasuotan at angkop sa bawat karakter na bibigyang buhay)
➢ Magtakda ng minuto/oras kung kailang matatapos ang paghahanda/pagsasanay (alalahaning mahalaga ang bawat sandali).

TA: Opsyonal: Ipaalam ng guro na ang ilan sa mga manunulat (1 kada grupo) ay magsisilbi niyang katuwang sa pagmamasid kung ang lahat ay nakatatapos ng
mga takdang gawain. Ang mga manunulat/tagamasid ay gagawin ang mga sumusunod:
• Pupuntahan ang bawat pangkat upang magmasid
• Isusulat ang lahat ng mga namamasdan positibo at negatibo
• Kukuhanan ng mga larawan ang mga nagaganap na pagsasanay at paghahanda para sa dula
• Kukuhanan ng mga larawan/video ang dula

Ang lahat ng mga naisulat at mga larawang nakuha (maaaring magsimula habang naghahanda) hanggang sa orsas ng presentasyon ay bubuuin bilang
dokumentasyon sa isinagawang gawain.

Para sa LF:
1. Maghanda ng paunang mensahe bago magsimula ang maikling dulang pantangahalan ng mga mag-aaral.
2. Ang mensahe ay maaaring pumatungkol sa sumusunod:
• Mga pinagdaanang paghahanda ng guro at mga mag-aaral
• Mga pinagbatayang materyales ng mga mag-aaral upang makasulat ng isang kuwentong pantanghalan
• Paano nakatulong ang pagtalakay ng nobela ni Rizal sa pagsulat ng kuwentong pantanghalan
• Ano ang layunin ng gawaing pinaghandaan ng guro at mga mag-aaral
• Paano mag-iiwan ng hamon sa bawat manonood ang kabuuan ng presentasyong itatanghal ng mga mag-aaral

C. PAGSASAKATUPARAN NG INAASAHANG PAGGANAP


Pagsasakatuparan ng IP ng bawat Pangkat
Bawat pangkat ay may kani-kaniyang interpretasyon at paraan ng pagsasakatuparan ng IP lalo na sa bahaging Pagganap (Performance).
TN: Iminumungkahing magkaroon muna ng isang simpleng pangkalahatang panimulang palatuntutan (opening program) bago ang IP ng mga bata.

I. Panimula (maaaring itoka sa mga mag-aaral)


• Panalangin

10 |
FILIPINO 9 – LESSON GUIDE 30 TERM 3
INAASAHANG PAGGANAP (PERFORMANCE TASK)

• Pambasang Awit
• Pambungad na Pananalita
• Pagpapakilala sa Hurado/Panauhin

II. Pangsasakatuparan ng IP
• Mga pangkat

III. Pangwakas (para sa LF o MT)


• Pag-aanunsiyo sa nagwaging pangkat bilang Pinakamahusay na Produksiyon o Pagtatanghal.
• Pangwakas na Pananalita (kasama na rito ang kalakasan at kahinaang ipinakita ng bawat pangkat, pagpapaunlad)
• Hamon (para sa susunod na IP)
• Paggabay kung kinakailangan.

11 |

You might also like