Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Kabanata 1

Buod: Nagdasal ang makata sa Birheng Maria para magabay siya ng Birheng Maria. At para makasumpay
ang kwento niya.

Kabanata 2

Buod: May isang kaharian sa Berbanya, ang hari na si Don Fernando at si Donya Valeryana ay may
tatlong anak na si Don Pedro, Diego at Juan. Nagkasakit ang hari. Napanaginapan niya na may
masamang nangyari kay Juan. Sinabi ng manggagamot na ang Adarna ang makakatulong sa kanya.

Kabanata 3

Buod: Si Don Fernando ay nagutos kay Pedro na pumunta sa Piedras Platas at kunin ang Adarna.
Umakyat siya doon at natulog. Tinaihan siya ng Adarna at naging bato siya.

Kabanata 4

Buod: Dahil wala pa rin si Don Pedro, pumunta si Don Diego sa Piedras Platas at nagpahinga sa isang
baton a si Don Pedro. Dumating ang Adarna at kumanta, nataihan din si Don Diego.

Kabanata 5

Buod: Gusto ni Don Juan na hanapin sina Diego at Pedro. Tatakas daw siya kung hindi siya papayagan.
Lumakbay si Don Juan, isang tinapay ay ang kakainin niya bawat buwan. Sa ikalimang buwan, nakita niya
ang isang matandang leproso

Kabanata 6

Buod: Lumakbay si Don Juan patungo sa Piedras Platas at may nakita siyang matanda. Binigyan ni Juan
ang huling tinapay niya at sinabi ng matanda na pumunta sa ermitanyo. Ang ermitanyo ay nagturo sa
kanya sa paghuli ng Adarna at pinapunta siya sa Piedras Platas at naghintay.

Kabanata 7

Buod: Nakita ni Juan ang Adarna. Nakuha ng ibon at ng puno ang atensyon ni Don Juan. Sinugatan ni
Don Juan ang kanyang palad at linagyan ng dayap. Nagising si Don Juan at hinuli niya ang Adarna gamit
ng gintong lubid. Binuhusan ni Don Juan ng banga ang dalawang bato. Nakita na ni Don Juan ang kapatid
niya.Nagdiwang sila sa bahay ng ermitanyo.

Kabanata 8

Buod: Naglalakad ang tatlo ng masaya, pero nakaisip ni Don Pedro ng masama. Sinabi niya kay Don
Diego ang plano niya. Binugbog nila si Don Juan. Sa Berbanya, sinabi nila kay Don Fernando na hindi nila
nakita si Don Juan. Hindi kumanta ang Adarna para kay Don Fernando dahil wala si Juan.
Kabanata 9

Buod: Si Don Juan ay binugbog ng dalawang kapatid niya dahil sa inggit. Iniwan si Don Juan na bugbog na
bugbog, samantala si Don Juan ay dasal na dasal sa Diyos at ang Birheng Maria. Mayroong isang
matanda na pumunta sa kanya at gumamot sa kanya, nagpasalamat at nagkwentuhan sila. Sinabi ng
matanda na dapat na siya umuwi sa Berbanya upang tignan ang tatay niya.

Kabanata 10

Buod: Umuwi na si Don Juan at kinanta ng Ibong Adarna ang buong pangyayari, si Don Fernando ay
nagalit pero si Don Juan ay naghingi ng patawad para sa dalawa. Dahil gustong gusto ng hari ang Ibong
Adarna, pinagbantay niya ang Ibong Adarna sa mga anak niya hati hati ng oras ang pagbantay

Kabanata 11

Buod: May plano si Don Pedro, gisingin ni Pedro si Don Juan sa hindi pa oras ni Juan magbantay, kaya
napagod siya at natulog sa kanyang bantay. Pinakawalan ni Pedro ang Adarna, natakot si Juan na akala
niya ang may kasalanan. Umalis siya sa kabundukang Armenya.

Kabanata 12

Buod: Maagang nagising ang hari at gustong gusto niyang makita ang Adarna ngunit wala iyon at si Don
Juan. Pinahanap si Don Juan at ang Adarna kay Don Pedro at Don Diego. Nakarating sila sa Armenya at
nakita din si Juan. Nagandahan sila doon at gusto tumira doon dahil marami ang pagkain, at mga iba.

Kabanata 13

Buod: Naglalakad ang magkakapatid hanggang sa may nakita silang balon. Nagtataka sila kung bakit sa
ganda ay walang may nagmamay-ari nito. Sabi ni Don Juan ay bababain niya ang balon dahil may hiwaga
raw ito. Ngunit ang sabi ng dalawa niyang kapatid ay mas matanda sila kaya dapat sila ang mauna.
Nauna si Don Pedro ngunit hindi niya kinaya. Sumunod si Don Diego ngunit hindi ren niya kinaya. Ang
nahuli ay si Don Juan at nagawa niya. Namangha siya sa nakita niya sa ibaba ng balon.

Kabanata 14

Buod: Nang makarating sa ibaba ng balon, nakita agad ni Don Juan ang kagandahan ni Donya Juana.
Gusto ni Don Juan isama si Donya Juana paalis ng balon ngunit may tagabantay siya. Isang Higante. Pero
malakas ang loob ni Don Juan at kinalaban niya. Natalo ni Don Juan at niyaya ulit niya si Donya Juana
umalis subalit maiiwan raw niya and kanyang bunsong kapatid na si Donya Leonora na may tagabantay
namang isang Serpyente na may 7 ulo. Kaya pupuntahan ren ni Don Juan si Donya Leonora.

Kabanata 15

Buod: Nakita ni Don Juan ang hinahanap niyang si Donya Leonora. Kagaya sa nangyari kay Don Juan nang
nakita niya si Donya Juana, nagkagusto siya agad kay Donya Leonora. Nag-usap nang matagal ang
dalawa at habang nag-uusap ang dalawa, konti-konti silang nahuhulog sa isa’t isa. Pagkatapos ay
kinalaban ni Don Juan ang Serpyente. Sa una ay nahirapan siya ngunit nang ibinigay ni Donya Leonora
ang balsamo, mabilis nang natalo ni Don Juan ang Serpyente. Tapos ay dinaanan nila si Donya Juana
para maka-alis na ng balon.

Kabanata 16

Buod: Nakataas na ng balon sina Don Juan at Donya Leonora. Nabihag agad ng kagandahan ni Donya
Leonora si Don Pedro. Nang naglalakad na sila pauwi ng Armenya, naalala ni Donya Leonora ang
kanyang singsing na minana sakanya ng kanyang ina. Bumalik si Don Juan sa balon para kunin ang
singsing. Ngunit nang sumilan babain ulit ni Don Juan ang balon, pinagtaksilan nanaman siya ng kanyang
kapatid na si Don Pedro. Pinutol ang lubid na gamit ni Don Juan. Nagalit si Donya Leonora kay Don Pedro
pero sabi ni Don Pedro na siya naman daw ang magmamana ng kaharian at si Don Juan ay walang
mamamana dahil siya ang bunso. Inutusan ni Donya Leonora ang dala niyang Lobo na tulungan at
gamutin si Don Juan bago sila umalis.

Kabanata 17

Buod: Bumalik si Don Pedro at Don Diego sa Berbanya. Tinanong ni Don Fernando ang dalawa kung
nakita nila si Juan pero sabi nila hindi, pero meron sila naligtas doon. Si Donya Juana at si Donya
Leonora. Agad, hinahanda nila ang kasal ni Don Diego at Donya Juana. Tinanong ni Pedro kay Leonora
kung pwede n asila kumasal, pero iniibig pa rin ni Leonora si Juan.

Kabanata 18

Buod: Ginagamot ng Lobo si Don Juan. Nagdadala siya ng tatlong bote ng tubig. Inibig ni Juan ang lobo
parang bata. Nakita ni Juan ang Ibong Adarna. Sinabi ng Ibong Adarna na dapat limutan niya si Leonora
at may mas magandang dalaga sa Kaharian ng De Los Kristales.

Kabanata 19

Buod: Nagkulong si Leonora. Nagpapakasal si Pedro kay Leonora pero ayaw ni Leonora. Humingi si
Leonora ng pitong taon para maghintay siya para kay Juan.

Kabanata 20

Buod: Pumasok si Pedro sa kwarto ni Leonora at sinabi niya na dapat limutan mo na si Juan. Hihintayin
niya pa rin daw si Juan sabi ni Leonora.

Kabanata 21

Buod: Dito nakilala ni Juan ang tatlong ermitanyo na tumulong sa kanya makapunta sa Kaharian ng De
Los Kristales.

Kabanata 22

Buod: Sa wakas na karating na rin si Don Juan sa Kaharian ng De Los Kristales. Nakita agad ni Don Juan si
Donya Maria. Tinitignan niya si Donya Maria at nagustuhan niya agad. Nang maligo na si Donya Maria,
kinuha ni Don Juan ang damit niya. Galit na Galit ang prinsesa dahil nawawala ang damit niya. Nalaman
na ni Donya Maria kung sino ang nagnakaw. Nagmahalan sila agad habang naguusap.

Kabanata 23

Buod : Nagbigay ng utos si Maria Blanca kay Don Juan na ano ang gagawin hapag makita niya si Haring
Salermo. Hindi pwede pumunta si Juan sa palasyo at dapat tanggapin ang mga utos ng hari. Sinabi ni
Salermo na magtumba ng bundok tapos magtanim at makuha ang tinapay para sa almusal niya. Ginawa
ni Juan ito dahil kay Maria Blanca.

Kabanata 24

Buod: Ipinakita ni Salermo ang negrito kay Juan. Ipinawala niya ang labin dalawang negrito at inutos niya
si Juan na maghuli ang negrito na gamit ng gintong prasko. Ang sunod n autos ng hari ay kailangan iusog
ni Don Juan ang bundok para mahanginan. Tinulungan siya ulit ni Donya Maria. Gusto naman ng hari
namaghulog ni Juan ang bundok sa dagat tapos igamit niya ang bundok para maggawa ng isang palasyo
na moog. Sinadyang hulugin ng hari ang kanyang singsing. Pinahanap niya ang sing-sing kay Don Juan.
Tinulungan nanaman ni Donya Maria si Don Juan sa pagsusulit.

Kabanata 25

Malubha ang ama ni Don Juan at pumunta ito sa palasyo.

Pinasunda ni Haring Selermo . Pipili siya ng kanyang mapapangasawa. Tatlo ang kanyang pagpipilian .
hintuturo lamang ang nakalabas para sa kanyang pagpili.

Manghang-mangha si Haring Selermo sa galling ni Don Juan. Hindi nasunod ang plano niya para kay
Don Juan, kaya balak niya na lang itong ipapatay. Nalaman ito ni Donya Maria at nagmakaawa sa ama.
Hindi siya pinakinggan. Naisipan niyang tumakas.

Nagtanan ang magkasintahan sakay ng mabilis na kabayo. Pinilit na habulin ni Haring Selermo pero
hindi nito naabutan ang dalawa. Nabigo ang Hari, kaya sinumpa niya ang anak. Hiniliang niya na
makalimutan siya ng kanyang minamahal pagtuntong ng kahariang Berbanya. Dahil sa sobrang sama ng
loob , nagkasakit siya at tuluyang namatay.

Kabanata 26

BuodPapunta ang magkasintahang Don Juan at Donya Maria sa Berbanya. Maunang uuwi si Don Juan at
naiwan sa isang bayan si Donya Maria. Hiniling ni Donya Maria na huwag siyang kalilimutan at huwag
din titingin sa ibang babae.
Pagkarating ni Don Juan sa Berbanya, sinalubong siya ng kanyang pamilya pati na si Leonora..
Ipinagtapat ni Leonora sa lahat na si Don Juan ang totoong nagligtas sa kanya sa balon. Nalaman ng Hari
ang pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego.

Ikakasal na sina Don Juan at Leonora. Nalaman ito ni Donya Maria kaya nagalit siya.

Kabanata 27

Nakarating sa palasyo si Maria sa tulong ng mahiwagang singsing. Nagbihis siya ng maganda na parang
isang emperatris. Nakasakay siya sa isang magandang karosa. Kahit si Haring Fernando ay humanga sa
kagandahan nito.

Itinigil pansamantala ang kasalan para parangalan sa pagdating ni Maria. Nagbigay siya ng palabas na
nakakasaya sa lahat , lalo na sa ikakasal.

Nagpalabas siya ng isang negrito at negrita na nagpapaalala sa negrito sa mga nangyari habang pinapalo
ito ng negrita ng patpat pagkatapos sumayaw. Sinasabi dito ang mga pinagdaanan ni Maria para
mailigtas ang buhay ni Don Juan. Binanggit pa ang mga pahirap na pinagdaanan ni Don Juan sa ama ni
Maria hanggang sa makatakas sila sa kaharian nito.

Sa pagtama ng negrita ng patpat sa negrito, kamangha-mangha na si Don Juan ang nasasaktan.


Nasasaktan man si Don Juan, di pa rin niya maalala ang mga nangyari sa kanila ni Maria.

Dahil dito, nagalit si Maria at tinapos na niya ang palabas. Nawala na sa palabas. Nawalang parang bula
ang mga negrito at negrita. Naiwan lamang ang bote na nababalutan ng pilak at may lamang tubig

Kabanata 28\

. Tuluyang nagalit si Donya Maria sa hindi pag-alaala sa kanya ni Don Juan. Bago niya bitiwan ang prasko
upang gunawin ang buong kaharian ay nagbalik ang alaala ni Don Juan. Niyakap ni Don Juan si Donya
Maria at nagmakaawa. Sinabi rin niya sa buong kaharian na mahal na mahal niya si Donya Maria.

Sa kabilang banda, sinabi rin ni Don Juan na Masaya rin siya na makasal kay Leonora dahil naghintay siya
sa kanyang pagmamahal. Ngunit sinabi niyang mas titibay ang kanilang kaharian kung kay Don Pedro
makakasal si Leonora. Nagpasalamat si Don Juan kay Leonora sa pagligtas sa kanya.

Kabanata 29

Naguluhan ang hari sa pahayag nina Leonora at Donya Maria. Humingi siya ng payo sa Arsobispo kung
sino talaga ang makakasal kay Don Juan. Hiningi ni Don Juan na makasal siya ka Donya Maria. Pumayag
ang hari.Magkakaroon ng dalawang kasalan. Si Don Juan kay Donya Maria at si Don Perdo kay Leonara.
Binigay ng Hari ang korona kay Don Pedro at sina Don Juan at Donya Maria ay nilisan ang
Berbanya.Tahimik ang kaharian ng de los Cristal nang dumating ang mag-asawa. Ang mga taong
ginawang hayop ng malupit na hari ay ibinalik nila sa dati. Nagkaroon ng pista sa kaharian. Naging hari
at reyna ang mag-asawa.
Kabanata 30

Inutusan ni Haring Salermo si Don Juan na ilagay ang bundok sa karagatan at dito ay gumawa ng
napakagandang kastilyo. Sa tuong uli ng mahika ng kanyang iniirog na si Maria Blanca, nagawa nya ang
inuutos ng hari.

Kabanata 31

Mayroon pang mga utos ang Hari kay Don Juan. Isa rito ang hanapin ang singsing sa ilalim ng dagat na
pinagtayuan ni Don Juan ng palasyo. Katulad ng dati, tinulungan sya ni Maria. Nung gabi ay nagtungo sila
dagat, at inutusan ni Maria si Juan na tadtadrin sya at ihulog sa dagat ang mga piraso. Binilin nya rin na
huwag magpabaya at matulog para maiahon siya sa dagat. Siya’y tinatad na ni Don Juan, ngunit
pagtapos nito siya ay nakatulog sa pagod at ginising siya ni Maria. Nahirapan kasi siyang umahon kaya’t
nabitiwan niya ang singsing. Sumisid uli siya at nakuha naman nila ang singsing, ngunit sa pagmamadali
ay tumalsik ang bahagi ng hintuturo ni Donya Maria.

Kabanata 32

Lampas na ng takipsilim ng dumating si Maria Blanca. Sinabi niyang kailangang paamuin ni Don Juan ang
kabayong alaga ng hari. Ang kabayo ay mailap, mabagsik at walang awa. Pinapapalo ni Maria Blanca kay
Don Juan ang kabayo at umiwas sa kuko nitong matatalim. Pero kahit ganoon makikita aniya ang luha sa
mata ng kabayo. Dapat daw subuan ng busal ang kabayo at ang bibig ay si Maria Blanca ang bahala at
tibayan ang hawak sa renda. Ang preno ay walang iba kundi si Maria Blanca at ang renda ay ang 2 iba pa
niyang kapatid na prinsesa na sina Juana at Isabel. Ginawa ni Don Juan ang lahat ng iniutos sa kanya ni
Maria Blanca. Inilipad si Don Juan ng kabayo pero nagawa pa rin niyang mapaamo ito.

Kabanata 33

Nagawa na ni Don Juan ang lahat ng utos ni Haring Salermo, ngunit may isa pang utos si Haring Salermo
kay Don Juan. Ang pagsubok niya ay kailangan niyang piliin si Donya Maria na sa loob ng isa sa tatlong
silid na may butas sa bawat pinto. Ang kanilang hintuturo lamang ay makikita mula sa butas sa pinto, sa
pagkakaswerte ni Don Juan napili ni Don Juan si Donya Maria na mapapangasawa niya. Dahil pinili ni
Don Juan si Donya Maria sumama ang loob niya at nagkaroon siya ng masamang balak kay Don Juan.

Kabanata 34

Narinig ni Donya Maria ang balak ng ama na ipadala si Juan sa Inglatera kaya’t nagplano siya na sila’y
magtatanan. Inihanda na niya ang lahat ng kailangan, nagbilin na rin siya kay Don Juan ngunit
nakalimutan niya nanaman ang bilin ni Maria. Sa halip na ang kabayo ng ika-pitong pintuan, sa ika-
walong pintuan kumuha si Don Juan ng kanilang sasakyan. Dahil rito ay malapit na silang maabutan ng
Hari ngunit nalagpasan Nina Maria Blanca at Don Juan ang paghabol ni Haring Salermo pagkat iba’t
ibang paraan ang ginamit ng prinsesa upang hindi sila abutan: naghulog ng sabon sa lupa at biglang
natabunan ng bula ang bundok. Naglaglag ng kohe at ang dating lupa ay naging dagat. Sa pagyayaring
iyon, isinumpa siya ni Haring Salermo. Sa sama ng loob, ang hari ay nagkaroon ng karamdam at di
nagtagal ay namatay.
Kabanata 35

Iniwan ni Don Juan si Donya Maria sa karatig-bayan ng Berbanya. Ngunit si Maria ay may hiling kay Don
Juan. Hiniling nya na wag sanang makitungo si Don Juan sa ibang babae. Nangako naman si Don Juan na
ito’y tutupdin.

Kabanata 36

Pagkarating sa Berbanya nagsaya ang buong pamilya ni Don Juan sa Berbanya, sinabi ni Donya Leonora
ang katotohanan sa pamilya ni Don Juan na ang nagligtas sa kanya ay si Don Juan. Humingi rin si Donya
Juana ng paumanhin sa mga magulang ni Don Juan na pakakasalan na niya si Don Juan. Gamit ang
mahika ni Donya Maria, nalaman niya na nakalimutan na siya ni Don Juan, pero hindi niya alam ito ay
dahil sa sumpa ng kanyang ama. Hindi rin niya natupad ang mga hiling ni Donya Maria na hindi makipag-
usap sa ibang babae at maalala siya.

Kabanata 37

Si Donya Maria ay pumunta sa kasal ni Don Juan, na may kasamang masamang balak. Gamit ang
kanyang mahika gumawa siya ng karosang napakaganda, at gumawa din siyang napakagandang
kasuotan. Siya ay nagbihis doon na isang emperatris. Ginawa niya ang lahat ng ito sa tulong ng kanyang
singsing. Pinapasok naman ng hari at ng reyna ang emperatris sa kasalan. Pangsamantalang huminto ang
pagkakasal at sinabi ang mga pangalan ng mga bisita na pumunta sa kasalan. Naghandog din si Donya
Maria ng isang pagtatanghal na siyang magpapasaya sa mga ikakasal.

Kabanata 38

Ang pagtatanghal ay isang prasko na may negrito at negrito na sumasayaw. Nagsasalita din ang mga
negrito at negrita na binigay ni Donya Maria, at sinasabi ng negrito at ng negrita ang mga pinagdaanan ni
Don Juan at Donya Maria, at tuwing natatamaan ang negrito nasasaktan si Don Juan.

Kabanata 39

Si Donya Maria ay galit na galit kay Don Juan. Kinuha niya ang prasko upang gunawin ang buong reyno.
Bumalik naman ang isip ni Don Juan.Naghingi siya ng patawad kay Donya Maria. Nagsabi si Donya
Leonora sa nangyari. Sinabi din ni Don Juan na mahal na mahal parin niya si Donya Maria. Ihinandog niya
si Leonora kay Pedro.
ang MGA E-ARALIN NG IBONG ADARNA ay binatay sa aklat ng C&E Publishing, Inc na pinamagatang
Ibong Adarna (Isang Korido). Sadyang ginawa ang mga e-araling ito upang maging masigla, interaktibo,
at epektibo ang pag-aaral ng naturang akda. Sa tulong ng makukulay na animasyon at buhay na musika,
tiyak na magiging kawili-wili ang talakayan sa klase. Higit na mapapadali ng mga guro ang paghahanda
nila ng banghay-aralin sa pamamagitan ng mga e-araling ito. Ang Mga E-Aralin ng Ibong Adarna ay
bahagi ng KITE Academy e-learning resources, sa ilalamin ng product line ng KITE E-Learning Solutions,
Inc. Layon ng proyektong ito ang pagsasanib ng mga nakalimbag na aklat at mga elektronikong
panturong materyal tungo sa mas mayabong na edukasyon sa ika-21 siglo. Para sa karagdagang
impormasyon tungkol sa Mga E-Aralin ng Ibong Adarna at iba pang mga produkto ng KITE E-Learning
Solutions, Inc., bumisita lamang sa kite.ph.

You might also like