Professional Documents
Culture Documents
Rle Drama
Rle Drama
Rle Drama
Nurse Van: Uy Irvin! Mukhang tutok na tutok ka diyan ah, kinakausap ka ni Nurse Jane.
Nurse Irvin: ah, sino ba tinutukoy mo? Yung malapit isle? Sa pinto? Sa bintana? (abala sa
pagsusulat sa therapeutic sheet).
Nurse Irvin: Ah, oo. Kalalagay ko kanina ng Nicardipine sa kanya. Ang sungit nga ni maam
kanina eh pero ayos lang. Ieendorse ko sana ang mga pasyente ko sa susunod
na shift kaso andami na kasing side drips ni maam. Mas kilala ko muna si maam
ngayon eh. Baka naman gusto mo, iendorse ko na sa ýo
Nurse Kathy: Sabi ni Doc kanina, kung hindi siguro naisugod ng kaagad si maam, maaring
ikamatay niya ito. Kaninang wala ka pa kasi Nurse Jane, kanina pa yang nai-
stress. Andami kasing toxic na pasyente ngayon. Naku! Baka mabaliw na yang si
Irvin. Wala pang tulog.
Nurse Jane: hahaha o sige na, kung ayos lang, samahan muna kita saka mo na ito iendorse
sa akin… ah Nurse Kathy, paki handa nga yung mga gagamitin sa pang VS
salamat.
Nurse Irvin: total, papasok ka naman sa ICU, ihanda mo narin sarili mo.
Nurse Jane: Ma’am, wag niyo po sana kalimutan yung schedule niyo …
Virgie: Ano sa tingin mo sa akin? Makalimutin? Masyado na ba akong matanda para
madaling makaimot? Ano ako, may Alzheimer’s?
Nurse Jane: … Ay hindi naman po ganon ma’am, Im just reminding you po maam na importante
po iyon.
Virgie: (tatango)
Nurse Van: Magandang umaga po ma’am, kayo po ba ang bantay ni Ma’am Manabat?
Nurse Van: Gusto ko po sanang iremind yung schedule of x-ray ni maam bukas. Paki handa
nalang po yung mga gagamitin bukas maam. Salamat po.
Nurse Irvin: Ma’am, kung ayaw niyo po ngayon. Babalik na lang po ako mamaya.
Virgie: ‘wag ka nang bumalik! Mas lumalala pa ata tong sakit ko dahil sa iyo!
Nurse Irvin: Alam ko naman na dapat tayong mga Nurse mahaba pasensya. Pero inuubos niya
lahat! Pagod n ako! Baka mawala pa pag-ka nurse ko nito. Kaya please lang Nurse
Jane, ikaw na mag-asikaso sa kanya kung ayos lang. Mas mahaba siguro
pasensya kesa sa akin.
Nurse Jane: Oh sige. Tama na yan. Iendorse mo na sa akin. Wala ka pa naman tulog. Bat ka
kasi nag double shift?
Nurse Irvin: Gusto ko rin sanang tulungan si maam pero naubos na talaga pasensya ko.
Nurse Jane: Sige, pahinga ka muna. Ilang oras nalang, darating na ibang shift para makauwi
kana. Ako nalang bahala kay maam.
Nurse Irvin: Nako salamat talaga Nurse Jane ah. Ito yung chart ni Maam Virgie. Libre kita soon.
Virgie: Malamang, not okay. Nasa hospital ako diba? Alangan namang magpapa ospital
ako ng… I feel great? Huh (nilalamig)
Nurse Jane: (hihinga ng malalim, at napansing nilalamig si virgie dahil sa aircon na nakatutok)
Hindi po ba kayo komportable maam, nilalamig po ata kayo. (aayusin ang aircon)
Virgie: Wala, eh nasa pamilya niya malamang. May anak na ‘yon. Antie lang naman nila
ako…. Pero, parating narin naman yun, hmmmm hindi naman niya kailangang
pumunta, kaya ko namang mag-isa.
Nurse Jane: oh sige po maam, dito muna ako hanggang dumating po yung pamangkin niyo.
(Tahimik)
Nurse Jane: Anjan na po pala ang inyong bantay maam, sige po maam, babalik nalang po ako
kapag ibibigay ko na po ang inyong gamot.
(ipapasok na si Eva)
Jessa: Antie, sorry po nalate ako ngayon. Pasensya na, nagising kasi si baby. Kanina
pinatulog ko muna bago ako pumunta dito.
Virgie: Sabihin mo nalang kase kung wala kang oras para sa akin. nagmumukha tuloy
akong kontrabida sa pamilya mo.
Jessa: Anti, hindi naman sa ganon. Syempre, pamilya ka namin. Hindi ka naming kayang
pabayaan ng ganito.
(may tatawag)
Eva: (inayos ang tubo sa ilong) hi, ako nga pala si Eva. (tumugon kay Virgie)
Yvy: Mareng Eva, uy, natutulog na yang si ma’am. Baka pagalitan ka niya.
Eva: Nako Eva, wala naman sigurong mali kung makikipag-kaibigan diba. Tayo-tayo
lang naman dito. Eh di tayo-tayo lang naman tayo ang magdadamayan.
Yvy: Alam mo mare, ikaw na ata ang pinakamabait na kapitbahay ko. Puro mga tsismis
lang kase naririnig ko sa atin. Lahat na ata ng kapitbahay, eh may nasabi na
saakin. Ikaw nalang ata wala. (tatawa) syempre biro lang. Pero alam mo, nandito
lang ako para sa iyo.
Eva: Yvy, bilang na mga araw ko. Masaya ako kase anjan ka. Takot akong mamatay
mag-isa.
Yvy: (pinunas ang mga mata) sige mareng Eva, bibilhin ko lang tong mga gamot mo
ha? Aayusin ko narin yung mga paninda ko tapos dadalhan narin kita.
Umalis na si Yvy
Virgie: (nakatalikod) (hindi umumik muna tsaka nagsalita) kidney failure, kailangan ko
raw ng bagong kidney. Kaso, saan naman ako kukuha non diba?
Nurse Jane: Ma’am saan banda yung masakit, ano po oras nagsimula ang sakit? Nurse Irvin,
pakitawag si Doc.
Doc Salem: We will try our best but for now it is our only option.
Doc Javar: You, Jessa is viable for the kidney donation but we need to have it ‘till tomorrow.
Nurse Van: Doc Javar, Doc Salem, we have an emergency at the ICU.
Doc Salem: Nurse, pakihanda 2 ampule Epi., mababa na lahat ng vital signs. I need you to
monitor her Oxygen Sat.
SCENE SIX (MATAPOS ANG INSIDENTE SA ICU)
(Mamumulat si Virgie tila natulog ng matagal)
Virgie: (napansin ni Vergie na wala na ang kanyang kasama sa ICU na si Eva) Nurse,
nasaan na yung pasyente na kasama ko noon?
Nurse Jane: Uhhhh, Ano po kase maam, pinapasabi niya po ito sa inyo. Na kahit mag-isa
lamang po tayo sa buhay, laban lang po. Kase lahat ng tao ay may rason kung
bakit nabuhay sa mundong ito.
Nurse Jane: Maam, wala na po si Maam Eva. Noon oras po na inatake kayo ng sakit niyo,
sunod naman pong lumubha ng tuluyan ang kanyang sakit. At bago po siya
mamatay, binilin niya po na ibigay yung kanang kidney sa inyo. Kaya po naging
stable na po ang kondisyon niyo dahil kay maam Eva.
Virgie: (maluluha) Nurse Jane, pwede ‘wag ka munang umalis? Gusto sana kitang
kausapin.
Virgie: Alam mo Nurse, noong mag-isa lang ako, akala ko, isa lang akong malaking
pagkakamali? Bakit pa ako nabuhay dito kung wala rin lang naman akong
kasama? Pero noong nakilala ko si Eva, nabigyan ako ng pag-asa. Pag-asang
pwede kang sumaya kahit mag-isa ka lang. Na ang kasiyaan ay hindi nagmumula
sa kadugo mo lamang.
Nurse, (hahawakan ang kamay ni Nurse Jane) gusto kong mabuhay. Gusto kong
gumanda ang aking kalagayan dahil iyon lamang ang aking pwedeng maisusukli
sa kabutihang binigay sa akin ni Eva. Anong pwede kong gawin?
Nurse Jane: Gusto niyo pong mas mapabuti po ang kalagayan niyo at maging malusog na…
Virgie: Oo, nurse. Yun lang ang magagawa ko para masuklian ang ginawa ni Eva para
sakin.
Nurse Jane: Siyempre maam. Tutulungan po kita. Pagplanuhan natin maam kung anong
magandang gawin para gumaling po kayo ng mas maaga. Tutulungan po kita
hanggang sa maayos na po kayo at pwede nang umuwi. Meron pa po ba kayong
gustong sabihin maam?
Virgie: Oo. May asawa at anak naman kasi talaga ako. Ayoko lang talagang pag-usapan.
Yung asawa ko, matagal na kong iniwan ng hinayupak na yun. Yung anak ko
naman, syempre may sarili nang buhay. Nasa US na rin. Di na nga umuuwi yun
eh. May sariling pamilya na kasi. Di ko nga alam kung paano ko babayaran yung
bill dito. Kulang na kulang yung naipon ko.
Nurse Jane: Siguradong worried po kayo maam dahil sa mga babayarin. Hayaan mo maam,
may Philhealth naman po kayo di ba. Malaking tulong po iyon…
Virgie: Alam ko naman… Pero di lang naman yun eh. Ang hirap din talagang mag-isa sa
buhay. Alam ko namang busy na yung anak ko pero hiling ko lang sana na kahit
pag may sakit ako, dun ko makikita ang anak ko… na nag-aalala siya para sakin…
Nurse Jane: Maam, wag po kayong mag-alala sa bayarin niyo. Bayad nga po lahat ng bill niyo
maam eh. Basta ang importante po, wag pong mawawala ang pananampalataya
niyo sa Panginoon. Di man natin alam kung bakit may mga pinagdadaanan tayong
paghihirap tulad ng ganito, sa oras na kailangang kailangan natin ng tulong, hindi
po magdadalawang isip na tumulong ang Panginoon.
Virgie: Salamat Nurse Jane, alam ko naman yun eh. Kahit ganito ang ugali ko, bitter, hindi
pa rin naman nawawala ang paniniwala ko sa Panginoon.
Nurse Jane: Mabuti naman kung ganon maam. Hayaan mo maam, sa mga susunod na araw,
pag-uusapan pa po natin ang mga bumabagabag sa iyo maam. Pagpaplanuhan
po natin kung ano mga pwede mong gawin maam para gumaling ka nap o sa
lalong madaling panahon. Pero for now maam, may gusto po kasing bumisita sa
inyo.
Virgie: Ha? Sino naman iyon? E sabi ni Jessa may trabaho siya ngayon… (Mapapatingin
sa pintuan) Sharmaine, anak, ikaw ba yan?
Sharmaine: Yes ma, it’s me. I’m sorry ma. Sorry talaga. I wasn’t there when you needed me
the most. (Umiyak habang niyakap ang ina)
Virgie: (Naiyak din) Tama na anak. Nung nakita kita, nawala lahat ng sakit na
nararamdaman ko. Your presence here, now, is enough. Na-miss kita anak. I love
you.
Nurse Irvin: Maniwala ka diyan, kakahiwalay lang kasi nila ng boypren niya. Hay nako.
Nurse Jane: Grabe kayo sakin. Nagkita na kasi sina Maam Virgie at yung anak niya. Sobrang
na-touch lang ako. Alam niyo, ngayon na-realize ko na, ‘di ako nagkamali sa pinili
kong propesyon.
Nurse Jane: Good morning, maam Virgie! Ibibigay ko lang po yung gamot niyo ngayon. Oo nga
po pala maam, ang bilis po ng progreso ng pag galing mo maam! Sinusunod mo
po kasi lahat ng sinabi ni dok at yung mga pinlano natin! Kaya sa ilang mga
mamayang gabi, makakalabas na po kayo. Tuloy niyo lang po yung mga pinlano
natin para mas mapabilis pa po yung paggaling niyo.
Virgie: Siyempre ah! Sinunod ko lahat! Umiinom ako palagi ng tubig, naglalakad-lakad
din, iniinom ko yung mga gamot ko on time, maingat din ako s mga kinakain ko!
Salamat nurse ah, kung di dahil sayo, hindi mas mapapabilis ang pag galing ko.
Sharmaine: Oo nga po. Salamat sa pag-alaga kay mama nung wala pa po ako. Isa kang anghel
sa amin ni mama.
Nurse Jane: Nako, wala pong problema. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko at ako pa nga
pong natutuwa dahil malapit na po kayong gumaling. Sige po, pwede niyo na pong
i-fill out yung forms para dire-diretso nap o kayo mamaya. Ipagpatuloy niyo lang
po yung mga plano natin maam virgie para tuluyan nap o kayong gumaling.
Virgie: Thank you Jane! You’re a nurse with a good heart. Alam kong marami ka pang
matutulungan. And to be honest, mami-miss kita. Hope I see you around. God
bless, anak.