Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

>>>> SCENE 1:

TAGAPAGSALAYSAY: Mahigit apat na taon nang pumanaw ang ama ni Katrina at silang dalawa nalang ng
kanyang inang may sakit sa puso ang natitira sa kanilang bahay sa probinsya. Tanging sari-sari store
nalang ang bumubuhay sa kanilang mag-ina kaya't nagsusumikap si Katrina na mag-aral upang
makapagtapos at magkaroon ng magandang kinabukasan.

* Pinainom muna ng tubig ni Katrina ang uubo-ubong niyang ina bago pumunta ng paaralan*

INA: (Nag-isip saglit) Pasensya ka na 'nak, ah? Hindi ka nanaman nakapag-aral at nakagawa ng
assignment dahil sa pag-aalaga mo sakin kagabi. Pasensya na may sakit si nanay.

KATRINA: Wag mong sabihin 'yan, nay. Pag ako nakapagtapos, papagamutim kita agad at magpapagawa
ako ng mas magandang bahay. (Tingin sa orasan) Hala, late nako! Una na 'ko 'nay! Ingat ka! Mahal na
mahal kita!

INA: Mahal na mahal din kita, anak. Mag-aral ng mabuti! Wag muna mag-boypren!

KATRINA: Si nanay talaga!

>>>> SCENE 2:

TAGAPAGSALAYSAY: Nahuli sa kanyang klase si Katrina at pagdating sa kanilang silid-aralan...

GURO: Ms. Lopez, late ka nanaman. Pangatlo mo na'to ngayong linggo lang! You even missed our quiz for
today! Where's your assignment?!
KATRINA: (Naluluha) Sorry, ma'am.

GURO: Iyan nalang lagi ang sumbat mo! Sorry ma'am, sorry ma'am! Walang magagawa ang sorry mo.
Where's your assignment?!

*Umiling si Katrina at tuluyang luluha*

GURO: You're always late and you always don't do your assignment. Ganyan ka ba pinalaki ng magulang
mo? Get out of my class!

>>>> SCENE 3:

TAGAPAGSALAYSAY: Umuwi si Katrina ng luhaan ngunit pinunasan nya ang kanyang mga luha at binura
ang bakas ng kanyang pagkalungot nang malapit na ito sa kanilang tahanan.

KATRINA: (Pilit na ngumiti) Nay? Nay? Nandito nako! Nakalimutan ko nay, wala pala kaming klase ngayon.

* Nakita ang kanyang ina na nakahilata sa sahig *

KATRINA: (Napasigaw) Nay! Nay, gising! (Inalog ang kanyang ina, at napatigil nang di gumising ang ina)
Nay! (Yakap sa ina habang umiiyak) Hindi ko kaya mag-isa! Huwag mo kong iwan 'nay hindi ko pa kaya.

>>>> SCENE 4:
TAGAPAGSALAYSAY: Lumipas ang ilang taon mula nung namayapa ang ina ni Katrina. Nagsumikap siyang
mag-aral sa kabila ng sakit at hirap dulot ng pagkamatay ng kanyang ina. Dahil sa kanyang pagsusumikap,
siya ay nakapagtapos at nakahanap ng trabaho bilang sekretarya sa isang prestihiyosong kumpanya. Dito
niya makikilala ang lalaking ng kanyang buhay.

KATRINA: (Kakatok sa pintuan) Sir, ito na po yung pinapagawa niyo.

MICHAEL: (Nagpipirma ng mga papeles, hindi titingin kay Katrina) Pakilagay nalang diyan. (Lalabas na si
Katrina ngunit pipigilan nito) Wait, Ms. Lopez?

KATRINA: Yes, sir?

MICHAEL: May gagawin ka ba after work?

KATRINA: Wala naman po sir. Bakit po, may ipapagawa po ba kayo?

MICHAEL: No, if you're free later, let's have a dinner date. Wear something nice, okay?

KATRINA: Sir?

MICHAEL: Narinig mo naman ako diba? You may go, Ms. Lopez.

>>>> SCENE 5:

TAGAPAGSALITA: Nagkamabutihan sina Katrina at Michael. Ngayon lang ulit naramdaman ni Katrina ang
tunay na kaligayahan mula nung namatay ang kanyang ina. Isa-isa na niyang naaabot ang kanyang mga
pangarap kasama si Michael. Hanggang sa sila'y nagpasiya nang manirahan sa iisang bubong. Isang
hapon, umuwi si Katrina sa kanilang bahay galing sa puntod ng kanyang mga magulang.

KATRINA: Mahal! Mahal! Asan ka? Pamasahe naman mahal ang sakit ng likod ko.

*Binuksan ang pintuan ng banyo at nakita si Michael na lumalaklak ng pinagbabawal na droga*

KATRINA: Michael anong ginagawa mo?! Masama yan!

MICHAEL: Hindi, hindi, hindi. Pampawala lang 'to ng stress, mahal.

KATRINA: Hindi. Mali 'yang ginagawa mo.

MICHAEL: (Wala sa sariling hinawakan ang mga pisngi ni Katrina) Katrina. Mahal mo naman ako diba.
Tanggapin mo naman ako mahal. Paminsan-minsan lang naman. Sorry na. Mahal kita.

KATRINA: (Nakikita ang lungkot sa kanyang mga mata) Tsk. O halika na, sige na. Inom ka muna ng tubig.

>>>> SCENE 6:

TAGAPAGSALAYSAY: Nalaman ni Katrina na matagal na palang gumagamit ng ipinagbabawal na droga ang


kanyang kinakasama. Dahil sa sobra niyang pagmamahal kay Michael, hinayaan niya ito at minahal parin.
Subalit, dumating ang araw na nalugi ang kumpanyang kanilang pinagtatrabahuan at dahil sa patong-
patong na problemang kanilang hinaharap, nalulong rin siya sa pagbibisyo. Isang madaling, umuwi si
Michael ng lasing sapagkat nabigo siya sa paghahanap ng trabaho.
KATRINA: Michael, ano ba yan uminom ka nanaman! Hirap na hirap na nga tayo nakuha mo pang
uminom!

MICHAEL: Tumahimik ka nga ang ingay mo!

KATRINA: Ako pang maingay ngayon ah! Ako na gumagawa ng lahat ng mga gawain at nag-aalaga sayo
kapag lasing ka ta's yan lang isusumbat mo sakin?

MICHAEL: Tumahimik ka diyan, kundi sasapakin kita.

KATRINA: Napakawalang-hiya mo. Kung hindi kita nakilala, hindi sana nagkaganito ang buhay ko. Kung
hindi kita nakilala, edi sana mayaman nako ngayon at naabot ko na ang mga pangarap ko at ng nanay ko.
Hindi sana ako naghihirap ngayon.

MICHAEL: Ang ingay mo tumahimik ka.

KATRINA: Hindi ako tatahamik! Walang hiya ka! Animal ka! Bwisit ka!

MICHAEL: Walanghiya pala ako ako ah. Hm! (Kumuha ng kutsilyo at sinaksak si Katrina) Katrina! Mahal!
Sorry, hindi ko sinasadya! (Naiiyak)

*Namatay si Katrina*

MICHAEL: *Napaisip at natutuliro. Hinatak ang bangkay ni Katrina* Sorry, mahal. Sorry!

You might also like