Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Babae

Inang Laya

Kayo ba ang mga Maria Clara


Mga Hule at mga Sisa
Na di marunong na lumaban?
Kaapiha'y bakit iniluluha?
Mga babae, kayo ba'y sadyang mahina?

Kayo ba ang mga Cinderella


Na lalake, ang tanging pag-asa?
Kayo nga ba ang mga Nena
Na hanapbuhay ay pagpapuputa?
Mga babae, kayo ba'y sadyang pang-kama?

Ang ating isip ay buksan


At lipuna'y pag-aralan
Paano nahubog ating isipan
At tanggaping kayo'y mga libangan
Mga babae, ito nga ba'y kapalaran?

Bakit ba mayroong mga Gabriela


Mga Teresa at Tandang Sora
Na di umasa sa luha't awa?
Sila'y nagsipaghawak ng sandata
Nakilaban, ang mithiin ay lumaya

Bakit ba mayrong mga Lisa


Mga Liliosa at mga Lorena
Na di natakot makibaka
At ngayo'y marami nang kasama?
Mga babae, ang mithiin ay lumaya
Babae Ka
By Inang Laya

Babae ka
hinahangad, sinasamba
ipinagtatanggol
ikaw nama'y walang laya
ang daigdig mo'y
lagi lang isang tahanan
ganda lang ang pakinabang
sa buhay walang alam
ang pinto ng pagunlad
sa iyo'y laging nakasara
harapin mo
buksan mo
ibangon ang iyong pagkatao
babae ka
kalahati ka ng buhay
kung ikaw kaya'y wala
saan ang buhay ipupunla
pinatunayan mo
kaya mong magpaalila
ngunit kaya mo ring
magpalakad ng bansa
ang pinto ng pagunlad
ngayon sa iyo'y nakabungad
harapin mo
buksan mo
ibangon ang iyong pagkatao
babae ka
dahil sa akala ay mahina ka
halaga mo ay di nakikita
bisig mo nga sa lakas ay kulang
ngunit sa isip ka biniyayaan
upang ang tinig mo'y
maging mapagpasya
upang ikaw ay lumaya
lumaya ka
babae'y pinagpala
ang ganda ng daigdig
sa iyo nagmumula
babae ka...
Pagka’t Lalaki Ka
Ni Michael Coroza

I.
Pagkat lalaki ka, Anak,
Matuto kang umiyak.
Mapait langgasin ng luha ang gunita
O ang bagong sugat ng huling pagkadapa
Subalit malinis at subok ang bisa
Ng luha sa pagtanggal ng mga mikrobyo
Sa isip, puso at buong pagkatao.

Pagkat ikaw ay lalaki,


Matuto kang magsisi,
Dagok sa dangal ang pag-amin sa kasalanan
Ngunit sadyang walang may monopolyo ng katwiran
Hayaan mo na ikaw ay usigin, husgahan,
Sa ganyan mo mahahanap ang angkop na sangkap
Upang ang iyong pagkatao’y maganap.

II.
Minana mo, Anak,
Ang laksang pribilehiyo
Na pinagpasasaan
Ng mga nagtindig ng torre ng Babel,
Piramide, Koliseo,
Ziggurat, Templo,
Ang mga imperyo.

Iyo rin ang luwalhating


Tinatamasa nila
Sa mga maskuladong
Pahina ng istorya.

Ngunit, Anak, dumadaloy rin


Sa iyong katauhan
Ang mapagmalupit
Nilang lohika’t pangalan
Na nandarahas, gumagahis,
Nagpipiit sa iyong ina’t
Sa lahat ng ina’t babae sa daigdig.

Iluha mo, Anak,


Ang kanilang nakaraan.
Pagsisihan mo, Anak,
Ang kanilang kamalian.

III
Ang babaeng kakambal
At altar ng lupang
Nagluwal, kumandili’t
Nagpalaki sa lahat
At siya ring hantungan,
Aangkin sa labi
Ng lahat sa wakas
Ay bina-bahagi,
Inari, inararo,
Ginawang pundasyon
Ng lahat ng edipisyo
Subalit nasadlak
Sa mantsa ng dugo
Sa kumot ng halaga,
Ang silbi sa kasaysaya’y
Winalang-saysay at binura.

Tayo ngayo’y nabubuhay


Na may huwad na malay
Na moral, lohikal, at legal
Na napapairal ng lisyang katarungan:
Sa pedestal ng ating
Mga pagpapahalaga,
Walang gantimpala
Sa sakit ng panganganak,
Wala ring pabuya
Sa pagod ng pagmumulat
Ang babaeng matapos
Magbigay ng sarili
Sa anak ay naiiwang
Basyong walang silbi.

IV
Pagkat ikaw ay lalaki,
Matuto kang pumatay.
Kitlin mo sa iyong sugat
Ang huwad na malay.

Sa akademya mo na lang
Ipatistis ang laman
At dugo ng huwad
Na malay mong pinaslang.

Durugin mo’t ilibing


Ang mga kalansay
Pagkat lalaki kang
Magbabago ng kulay.

You might also like