Hekasi 4 Misosa - 46. Ang Kasaysayan Sa Pamamagitan NG Timeline

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Modified In‐School Off‐School Approach Modules (MISOSA) 

Distance Education for Elementary Schools 

H  SELF‐INSTRUCTIONAL MATERIALS 





I  ANG KASAYSAYAN SA 
PAMAMAGITAN NG 
  TIMELINE 
4  Department of Education 
BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 
2nd Floor Bonifacio Building 
DepEd Complex, Meralco Avenue 
Pasig City 
Revised 2010 
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS), 
DepEd ‐ Division of Negros Occidental 
under the Strengthening the Implementation of Basic Education 
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE). 

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the


Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.”

This material was originally produced by the Bureau of Elementary


Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

  This edition has been revised with permission for online distribution 
through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal 
(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported 
by AusAID.  
GRADE IV

ANG KASAYSAYAN SA
PAMAMAGITAN NG TIMELINE

ALAMIN MO

Suriin mo at pag-aralan ang larawan.

•0 •1 •2 •3 •4 •5 •6 •7 •8 •9 10
• 11
• 12

Tingnan mo ang larawan ng lubid na may mga buhol. Bawat buhol ay


sumasagisag ng isang taon. Ilang taon ka ng mag-enrol ng nursery? ng Kinder
I? ng Kinder II? Ilang taon ka noong mag Grade I?

Ano ang naaalala mo noong magbirthday ka? May mahalaga bang


pangyayari na di mo makalimutan? Isulat mo ang petsa ng kapanganakan ng
iyong mg kapatid para makita mo ang kaayusang sunud-sunod. Isulat mo sa
tapat ng buhol ang taon ng kanilang birthday.

• • • • • • • • • •
Sa modyul na ito makikilala mo ang timeline at ang gamit nito sa pag-aaral
ng kasaysayan at matutukoy ang mga natutuhan sa mga pangyayari sa
nakaraan na maaaring may kaugnayan sa kasalukuyan.

1
PAGBALIK-ARALAN MO

Tingnan ko kung may naaalala kang pangyayari sa mga petsang ito. Isulat
sa tapat ng petsa kung anong okasyon ang ipinagdiriwang natin taun-taon.

1. Enero 1 –
2. Pebrero –
3. Mayo 1 –
4. Abril 9 –
5. Nobyembre 1 –

PAG-ARALAN MO

May mahalagang pangyayari na naging bahagi na ng kasaysayan ng


bansa, tulad ng pagdating ni Magellan at pagtuklas sa Pilipinas, naganap na
Sanduguan sa pagitan nina Magellan, Raha Kulambot at Raha Siagu at ginanap
ang unang misa sa pamumuno ni Padre Pedro de Valderama. Ang mga
pangyayaring ito ay maaari nating ipakita sa pamamagitan ng TimeLine.
Umpisahan muna natin sa pagsusunud-sunod ng pangyayari. Isayos mo
ng tamang pagkakasunud-sunod ng mga petsang ito.

1. Hunyo 12, 1898 – Ipinahayag ni Aguinaldo ang kalayaan.


2. Hunyo 19, 1861 – Kapanganakan no Dr. Jose Rizal.
3. Agosto 23, 1896 – Simula ng Himagsikang Pilipino.
4. Disyembre 30, 1896 – Pagkamatay ni Dr. Jose Rizal.
5. Pebrero 4, 1899 – Digmaang Pilipino-Amerikano.

Ngayon ipapakita ko ito sa timeline.


Digmaang Pil-Amerikano

x x xx
1850 1860 1870 1880 1890 1900

Himagsikang
Kapanganakan ni Pilipino at
Dr. Jose P. Rizal kamatayan ni Kalayaan ng
Dr.Jose P. Rizal Pilipinas

2
Tingnan mo ang TimeLine. Anu-ano ang mga taon na nababasa mo sa
bawat guhit? Ayos ba ang pagkakasunud-sunod ng taon? Ilang taon ang
pagitan ng bawat isa?

GAWIN MO

Subukan mong gumawa ng timeline na may isang taon ang pagitan.


Ilagay sa iyong timeline ang sumusunod na pangyayari.

Setyembre 20, 1519 – Simula ng paglalayag ng pangkat ni Magallanes


patungong Silangan
Marso 17, 1521 – Pagdating nina Magallanes sa Pilipinas
Marso 31, 1521 – Unang misa sa Pilipinas
Abril 27, 1521 – Labanan sa Mactan
Setyembre 6, 1522 – Pagbabalik ng mga Espanyol sa Espanya

TANDAAN MO

Ang timeline ay ang grapikong paglalahad ng mga pangyayari sa


kaayusang sunud-sunod. Ito ang paraan ng paglilista, pagsasaayos at
paghahambing ng mga pangyayari sa ilang panahon. Sa ganitong paraan lalong
nagiging madali ang pang-unawa sa mga pangyayari.

ISAPUSO MO

Mahalaga para sa atin na malaman natin ang mga pangyayari sa


kasaysayan ng Pilipinas para maisalin ito sa darating pang henerasyon.

3
PAGTATAYA

Panuto: Ilagay sa timeline ang sumusunod na pangyayari.

1519 – Umalis ang pangkat ni Magellan sa Espanya


1521 – Dumaong ang pangkat ni Magellan sa pulo ng Homonhon sa
Samar
1543 – Dumating ang pangkat ni Roy Lopez de Villalobos
1565 – Dumating sa Pilipinas ang pangkat ni Legazpi sa Cebu
1571 – Itinatag ni Legazpi ang pamayanan ng Maynila

PAGPAPAYAMANG GAWAIN

Igawa mo ng timeline ang sumusunod na pangyayari.

bago ang 1521 – Pagtanggap sa kulturang Arabo, Indian at Tsino


1521 – Pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas
1565 – Paglaganap ng Kulturang Espanyol sa Pilipinas
1898 – Pagdating ng mga Amerikano at paglaganap ng kulturang
Amerikano
1841 – Pagtatangka ng Hapon na mapalaganap ang kulturang Hapones

Binabati kita at matagumpay mong


natapos ang modyul na ito! Maaari mo
na ngayong simulan ang susunod na
modyul.

You might also like