Posisyong Papel (Ben Bryan L. Valiente)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ben Bryan Valiente

11- Ongkiko

Marapat lang ba na itigil na ang paggawa ng alak sa Pilipinas o hayaan nalamang ito?

Mahal mo, Mahal ka ba?

Kung minsan, tayo ay nalulumbay, naghahanap ng kalinga, ng makakausap. Sobrang bigat


ng pakiramdam, tila sasabog na kung kaya’t kailangan ng mababalingan. Sa bawat problemang
iyong kinakaharap, nariyan lamang siya sa tabi mo. Siya ang dahilan kung bakit ang lungkot ay
panandalian mong nakakalimutan at ang tanging nararamdaman ay saya at ginhawa. Ibinigay moa
ng sarili mo sakanya ngunit, nakakasigurado ka bang mabuti ang maidududlot niya sayo? O baka
naman minahal mo lamang siya dahil sa saya ngunit nakakubli sa bawat hibla ng mga ngiti ay
sakit, sakit na pangmatagalan. Nagsimula sa paghanga hanggang sa... Sa isang madilim, masikip
at tila isang silid na tanging ang maliliit na butas sa ding-ding ang nagbibigay liwanag sa kabuuan.
Hindi mapigilan ang pag-agos ng patak-patak na pawis sa buong katwan. Hindi mapakali na halos
kausapin na ang sarili. Mababakas sa iyong mukha ang pagkalulong at pagkabalisa. Namumula
ang mga mata, puyat at nangangahulugang siguro tama na.

Sa buong kasaysayan at hanggang sa kasalukuyan, ang alkohol o serbesa ay mayroong


ginampanang mahalagang tungkulin sa pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha sa iba’t-ibang
indibidwal. Ang pag-inom ng sosyal o katamtamang pag-inom ng alak para sa nakararami ay
kaaya-aya at nakatatawag pansin lalo na’t nakapapawi ito ng stress at pagkabalisa. Gayunpaman,
kilala rin ang pag-inom ng alak (lalo na kung ito ay labis) ay naiuugnay sa isang bilang ng mga
negatibong resulta: bilang isang panganib sa kadahilang para sa mga sakit at mga epekto sa
kalusugan; krimen; mga insidente sa kalsadacat para sa ilan, pag-asa sa alkohol. Lingid man sa
ating kaalaman,na ang mga bagay na nakasanayan ay mahirap nang baguhin. Tulad ng
paninigarilyo at iba pang mga bisyo, ang pag-inom ng alak ay hindi na mapipigilan lalo at higit
kung walang pangmatagalan na solusyon. Hindi naman na kailangang ipatigil ang paggawa ng
mga inuming nakalalasing o alak. Hindi na natin mai-aalis ang Gawain na ito sa pangkalahatan.

(Daily Inquirer, Nationwide Ban)

Iniutos I Pangulong Duterte sa lahat ng mga local na pamahalaan at sa mga police officials
ang pag-aresto sa sinumang mahuhuling umiinom ng alak sa kalye. Ito ay bilang bahagi kampanya
ng pamahalaan upang matamo ang kapayapaan at kaayusan sa bung bansa. Sa kanyang talumpati,
sa 6th Mandatory Continuing Legal Education- Accredited National Convention of Public
Attorneys sa Manila Hotel, sinabi ng Pangulo na ang mga manginginom, ay kadalasang nagiging
mayabang kaya’t nagreresulta ito sa mga awayan na nagdudulot ng inconvenience o takot sa mga
mamamayan. Nabanggit din ng Pangulo na bukas ang Philippine Attorneys Office (PAO) sa mga
maaresto upang magbigay ng kaukulang tulong. Kung ako ang Pangulo, mas mamarapatin kong
magpasa na lamang ng kaukulang pinaigting na disiplina upang labis na makontrol ang paggamit
nito dahil aminin man nating o hindi, hindi naman magiging matagumpay ang Nationwide Ban na
ito. Batas Republika Blg. 10351 (Official Gazette of the Republic of the Philippines) Mahigit 24
Milyon na lagpas 18 ang edad ang naitalang “alcoholic consumers” noong taong 2014 na may
average na 74 katao ang umiinom kada linggo. Imbis na ituon natin an gating mga salapi sa pagbili
ng alak, bakit hindi natin ito gamitin sa ating pang araw-araw na pangangailagan.

Labis nating minahal ang alak ngunit ano ang idudulot nito sa atin? Iba’t-ibang sakit ang
maaring maging sanhi ng ating pagkamatay. Kung hindi rin naman tayo kayang mahalin nito
pabalik, mas mabuting hindi man tanggalin, iwasan na lamang at mas paigtingin ang pagkontrol.
Bakit natin hahayaan na malublob tayo sa pagkalulong at bisyo kung tayo rin naman ang pwedeng
umiwas dito? Minahal mo, Minahal kaba? Pinasaya ka nang panandalian ngunit ang dulot ay sakit
na pangmatagalan.

You might also like