Kabanata 1.docx Ivy

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Kabanata 1

ANG SULIRANIN

Ang asignaturang Filipino ay tumatalakay sa pag-aaral ng tamang paggamit ng

ating wika, mga kayamanang literatura sa ating bansa, tulad ng mga akda ng mga batikang

manunulat, at iba pang mga kaalaman na kailangan natin bilang mga Pilipino. Ang kalayaang

ipinaglaban ng ating mga bayani noong unang panahon ay atin nang nakakamit at nakikita

ngayon. Sa katunayan ay ginagamit natin ito sa araw-araw kahit na hindi natin ito nabibigyang

pansin. Karamihan sa mga mamamayang Pilipino ay hindi alam na ang wikang Filipino ay isa sa

mga sagisag ng ating kalayaan mula sa mga dayuhan. Ito ang pundasyon ng ating sariling bansa,

ang nagpapatunay na ito ay sariling atin.

Ayon kay Palencia (2014), ang pagkakaroon ng sariling wika ay masasabing

katumbas ng pagkakaroon ng sariling mga paa dahil ito ang tumatayong instrumento upang

tayo’y magkaunawaan at magkaisa. Ito ang unang hakbang patungo sa kaunlaran. Ang wika ang

nagsisilbing tulay natin sa pakikipagsalamuha, sa pagkuha at pagbigay ng impormasyon, at sa

pagpapahayag ng ating saloobin. Ngunit ang pambansang wika ay higit pa roon – tila ito ang

tulay na ginagamit ng lahat ng tao sa bansa, na tanging sariling atin at hindi tayo kailanman

magiging dayuhan at maliligaw dito, hindi tulad ng mga wikang hiram lamang mula sa ibang

bansa.

Ngunit sa patuloy na paglaon ng panahon, unti-unting natatabunan ang

kahalagahan ng wikang Filipino sa atin. Isang katunayan dito ang pagpapatupad ng CHED
Memorandum Order no. 20 series of 2013 o ang pagbago sa General Education Curriculum

(GEC) na magtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.

Ang pananaliksik na ito ay kailangan upang malaman ang pananaw ng mga mag-

aaral sa pagpapatanggal sa asignaturang Filipino sa makabagong panahon sa unibersidad ng Jose

Rizal Memorial State University sa Dipolog Kampus, lungsod ng Dipolog.


Balangkas Konseptuwal

Patuloy ang mga pagbabagong dulot ng globalisayon at teknolohiya sa iba’t ibang

aspekto ng lipunan ayon kina Marien Fajardo at Tyrone Jasper Piad (2018). Layunin ng mga

inobasyong ito na makatulong sa pamumuhay ng mamamayan. Dahil dito, pinaniniwalaan na

magiging instrument sa pagsulong ng kaunlaran ang paggamit ng kanluraning wika. Nagbunga

ang nasabing konsepto ng unti-unting pagkalimot sa kahalagahan ng sariling wika. Isa sa patunay

nito ang panukala ngCommission on Higher Education (CHED) ng Memorandum No.20 Series

of 2013 (CMO no.20 series of 2013) na naglalaman ng pagpapatanggal ng Filipno sa kurikulum

na ipinapatupad sa kolehiyo. Tunay nga bang magdudulot ang hakbanging ito ng progreso o

huwad lamang na pagbabago?

Ang wika ay ginagamit sa lahat ng aspetong ating buhay. Ayon kay Galicia (2007)

ang wika ay nag-uugnay at nagsasaad ng kaisipan sa bawat kilos at gawi ng lahat ng nilalang.

Ang wika ay isang bihikulo sa mabisang pagpapahayag, pagtatalakayan at pagkakaunawaan. Ito

ay daan ng pambansang pakakaisa at kaunlaran ng isang bansa at lipunan. Ang wika ay

pinakamahalagang biyaya ng Diyos sa tao, at ang paggamit nito ay isang katangiang ikinaiba

nito sa iba pang nilalang ng Diyos.

Ayon kay Arocha ang wika ang maituturing na pinakamabisang kasangkapan sa

ating pakikipag-komunikasyon sa ating kapwa. Ang wika, pasalita man o pasulat ay magiging

sandata natin sa ating pakikihamok sa mga hamon ng buhay. Ang wika binubuo ng mga titik at

simbolo na kapag pinagsama-sama ay maipapahayag ang mga nararamdaman natin sa ating

pamilya, kaibigan o kung sino man na kakilala natin.


Ayon kay Doktor Randy Din (2018) isang propesor sa kolehiyo na eksperto sa

wikang Filipino. Kung sakaling itiwalag ang asignaturang Filipino sa kolehiyo ang pagkakaroon

ng malaking epekto ito sa mga estudyante. Unang-una, hindi na nila (mag-aaral) malalaman ang

tamang paggamit ng wika at lalong lalala ang hindi tamang paggamit nito. Hindi na uunlad pa

lalo ang wikang Filipino dahil nahinto na siya sa patuturo kasi isa sa paraan ng pagpapalaganap

nito ay sa pamamagitan ng paggamit sa paaralan pero kung ito ay itititgil, paano na ito uunlad?

Maaaring pagdudahan ng nakararami ang ating pagiging makabayan. “Isa sa paraan para makita

ang ating pagiging makabayan ay ang paggamit ng ating sariling wika sa komunikasyon.”

Ayon kayVirgilio Almario (2018), kailangan ding Makita nila na hindi tayo

sumusuko at lalo tayong nagagalit at tumatapang habang nasusugatan. Masyado nilang ginawang

napaka- legalistik ang pananaw sa tanong ng paggamit sa Filipino bilang wika ng pagtuturo.

Wala nang pag-asa ang susunod na henerasyon patuloy na ipagsawalang bahala ang wikang

Filipino at Panitikan sa kolehiyo.


Paglalahad ng Suliranin

Pangunahing layunin sa pag- aaral na ito ay upang malaman ang pananaw sa mga

mag-aaral sa pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa makabagong panahon sa Jose Rizal

Memorial State University.

Tinitiyak na masagot sap ag-aaral na ito ang mga sumusunod na mga katanungan:

1. Ano ang propayl ng mga mag-aaral ng Jose Rizal Memorial State University sa Dipolog

kampus sa:

1.1) Edad

1.2) Kasarian

1.3) Kurso

2. Ano ang magiging saloobin sa pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa:

2.1) Akademikong Pag-aaral

2.2) Mental

2.3) Emosyonal

3. Ano ang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng maging epekto sa pagpapatanggal ng

signaturang Filipino tungo sa makabagong panahon?


Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa saloobin ng mga mag-aaral sa pagpapatanggal

ng asignaturang Filipino sa makabagong panahon sa Jose Rizal Memorial State University

Dipolog Kampus.

Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod:

Commission on Higher Education (CHED). Upang maitimbang ang

kahalagahan nga asignaturang Filipinolalo na sa Bachelor of Secondary Education dalubhasa sa

Filipino at Bachelor of Elementary Education na may kaugnayrin sa asignaturang Filipino.

Guro. Upang mas lubusang maunawaan at maliwanagan ang bawat isa tungkol sa

programang pagpapatanggal ng asignturang Filipino, at kung ano ang mga epekto nito sa bawat

mamamayan.

Mga Mag-aaral Matulungan ang mga mag-aaral, dahil sila ang mga pinaka

maaapektuhan ng pananaliksik na ito, dapat na maunawaan ng lubusan ang positibo at

negatibong epekto ng nasabing batas sa wikang Filipino at pati na sa kanilang pag-aaral bilang

mga estudyante. Para makita nang lubusan ng bawat isa ang maaaring dulot nito at para

magkaroon sila ng matibay pananaw ukol sa ideyang ito.

Risertser. Magsisilbing gabay at sandigan sa mga mag-aaral na gagamit sap ag-

aaral na kaugnay nito.

Sa mga susunod pang henerasyon. Ang pananaliksik na ito ay maaari nilang

balikan upang mapagkukunan ng impormasyon.


Mahalaga ang pag-aaral na ito upang magkaroon ng mga impormasyon ukol sa

epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino at kung paano mapagtantiya ng Commission

on Higher Education (CHED) ang epekto nito lalo na sa akademikong pangangailangan.

Saklaw at Limitasyon

Bilang isa sa pang-akademikong pangangailangan, nakatuon ang pag-aaral na ito

sa mga mag-aaral na kabilang sa Jose Rizal Memorial State University kampus ng Dipolog sa

lungsod ng Dipolog, upang malaman ang pananaw ng mga mag-aaral sa pagpapatanggal ng

asignaturang Filipino sa modernong panahon. Mayroong 150 na mga respondents na kinuha sa

iba’t- ibang departaminto ng institusyon na may asignaturang Filipino sa taon ng paaralan 2018-

2019.

Operasyunal na Depenisyon ng mga Termino

Upang mas mapaigi pa ang kaalaman ng pag-aaral a ito, ang mga sumusunod na

salita ay binibigyang kahulugan.

Akademikong Pag-aaral. tumutukoy sa edukasyon,iskolarsyip. Institusyon o pag

aaral na nagbibigay tuon sa pagbasa, pagsulat at pag aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na

gawain.

Asignatura – tinatawag ding subject. Ito ay lupon ng mga aralin na ginagamit ng

mga estudyante upang matuto.

Bokabularyo. Isang kahalagahan ng isang tao na mas mapaganda ang paggamit

ng mga salita sa pakikipag-komunikasyon.

Epekto. Ang bunga, resulta o kinalabasan ng isang bagay o sitwasyon.


Modernong panahon. Makabagong panahon ay modern na kaya naman

madaming mga bagay ang nalilikha sa pamamagitan ng kakayahan at pag-iisip ng mga tao gaya

ng mga bagay na nagbabago.

Pananaw. Tumutukoy sa paniniwala o pagkakaunawaan o personal na

perspektibo ng isang bagay o pangyayari.

Emosyon. isang malakas na pagpapalabas o pagpapakita ng isang bagay na

nagmula sa isip at puso, kahit may kamalayan o wala, ngunit kadalasan ay nangyayari ng Hindi

inaasahan Kaya nagreresulta sa pagbabago ng mga ugali buhat ng bugso ng damdamin.

Kurikulum – kalipunan ng mga asignaturang pinag-aaralan sa isang particular

na lebel o antas.

Kurso – ang pinag-aaralan ng mga mag-aaral ayon sa nais nilang propesyon.

Propayl - isang maikling artikulo na nagbibigay ng isang paglalarawan ng isang

tao o organisasyon.

Respondente - ay isang tao na pinipili sa isang isyu na tumutugon sa pmamagitan

ng komunikasyon na ginagawa rin ng iba.

Tersiyaryong edukasyon - tinutukoy din bilang ikatlong yugto at ikatlong antas,

ay ang antas ng pang-edukasyon ng pagsunod sa pagkumpleto ng isang paaralan na nagbibigay

ng isang sekondaryang edukasyon.

Edad. sukat kung ilang taon ka nang nabubuhay sa mundo. Simula ng pagkaanak

sa iyo ay may edad ka na. And edad ay nakokontrol ng oras. Sa bawat paglipas ng oras, ang

iyong edad ay tumataas.

Kasarian. pagtukoy sa bayolohikal o pisikal na pagkakaiba ng mga babae at lalaki.


Malayang Varyabol Di-Malayang Varyabol

Epekto sa pagpapatanggal sa
asignaturang Filipino
Asignaturang Filipino

 Edad
 Kasarian
 Kusro

Intervening Varyabol

TALANGGUHIT 1: ISKEMA NG PAG-AARAL


Kabanata 2

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga saklaw na literatura at pag-aaral

patungkol pagpapatanggal sa asignaturang Filipino sa modernong panahon.

Kaugnay na Literatura

Kasama na natin ang asignaturang Filipino mula pa noong tumungtong tayo ng

elementarya. Ayon kay Tasic (2016), isinulong ni dating Pangulong Manuel L. Quezon noong

1940 ang Executive Order No. 263 na nag-uutos sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan

na isama sa kurikulum ang pagtuturo ng wikang pambansa. Ito ngayon ang tinatawag nating

asignaturang Filipino ngayon. Ito ang pag-aaral ukol sa tamang paggamit ng ating wika at mga

literaturang itinuturing nating kayamanan. Ayon kay Jasareno (2012), ang asignaturang ito ay

lumilinang sa mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag iisip sa Filipino.

Sumasalamin ang asignaturang Filipino sa pagkilala natin sa ating bansa. Ayon naman kay

Tipones (2013), ito ang tulay sa paghasa ng analitikal na pag-iisip ng mga kabataang Pilipino.

Dahil ang dapat na maunang hubugin sa kanila ay ang edukasyon sa kultura, tradisyon,

kasaysayan, at lalo na sa wika ng Pilipinas. Ang pag-aaral ng Filipino ay pag-aaral rin ng

pagiging Pilipino. Pilipino tayo kaya’t nararapat lamang na mas maging maigi ang pag-aaral

natin sa sarili natin at iyan ang wikang Filipino. Ang pag-aaral ng Filipino ay simula upang

mapalawig ang pagkilala at pagmamahal sa bayan. (“Bakit mahalaga ang Filipino,” 2014)

Ang asignaturang Filipino ay mahalaga hindi lang dahil isa itong pangangailangan

sa paaralan, ngunit dahil mga Pilipino tayo at dapat lang na maging sanay tayo sa sarili nating

wika. Ayon kay Dabu (2014), bagamat araw-araw na ginagamit ang wikang Filipino sa tahanan
man o sa kalsada, maraming mga Pilipino pa rin ang hindi bihasa rito. Marami pa ring mga

Pilipino ang patuloy na nagkakamali sa tamang paggamit ng mga salita. Dahil sa pamamagitan

ng pag-aaral ng asignaturang Filipino, magiging mulat ang bawat mag-aaral tungkol sa tamang

paggamit ng wika at mapapalawig mismo ang ating pambansang wika. Dahil ayon kay

Bienvenido Lumbera, "Ang wikang Filipino ay di lamang isang simbolo ng ating pagiging

bansa." Dahil sa wika natin nakatuon ang asignaturang Filipino, ito na rin ang pagkilala natin na

nabibilang tayo sa iisang nasyon at ito ang ating pangangailangan upang mahubog ang bawat isa

tungo sa iisang sistema ng edukasyon.

Ngunit dahil na rin sa pag-unlad ng sistema ng edukasyon sa bansa, dumarami

ang mga asignaturang kinakailangan ng mga mag-aaral upang makasabay tayo sa sistema ng

edukasyon sa iba’t ibang mga bansang mas maunlad sa atin. Lalo na sa kolehiyo, kung saan

nakadepende ang mga asignatura ng mag-aaral base sa kanilang nais na propesyong kuhanin.

Tunay ngang mahirap pagsabaysabayin ang mga requirements sa iba’t ibang

asignatura. Kaya naman may ilang mga estudyante ng kolehiyo na hindi na prayoridad ang mga

asignaturang wala namang kinalaman sa kanilang kurso. Tulad ng ilang mga kurso sa business,

medicine, engineering at iba pa, itinuturing lamang na minor subject ang asignaturang Filipino.

Kaya naman sa taong 2018 ay ipapatupad na ang CHED Memorandum no. 20,

series of 2013 o ang pagrerebisa sa sistema ng edukasyon kapag nakatungtong na sa kolehiyo

ang mga nakapagtapos ng Grade 12, o ang unang batch ng Senior High sa bansa. Ito ay inilabas

noong Hunyo 28, 2013 na naglalayong tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo at ilipat

na lamang ito sa Senior High School. Ang batas na ito ay may layuning paunlarin ang mga

kabataan sa kanilang napiling larangan at upang maging mga mahuhusay ding mga indibidwal na
pinahahalagahan ang kanilang mga kaalaman, maging bukas dahil dito, at upang maging mas

makabuluhan ang kanilang tungkulin sa bansa at sa mas malawak pang komunidad. (Cariga at

Giongco, 2014)

Ayon sa Commission on Higher Education, ang pangunahing layunin ng CHED

Memorandum no 20 series of 2013 ay ang sumusunod:

“General education thus lays the groundwork for the development of a professionally

competent, human and moral person. It also prepares the Filipino for the demands of

21st century life and the requisite abilities to anticipate and adapt to swiftly changing

situation, to think innovatively and create solutions to problems. General education

enables the Filipino to find and locate her/himself in the community and the world, take

part in and hopefully assert her/his identity and sense of community and nationhood

amid the forces of globalization.”

Sinasabi rito na dahil nga patuloy na umuunlad ang ating mundo, marapat lang na

paunlarin din natin ang sistema sa ating bansa, lalo na sa edukasyon. Dahil dito matutulungan

ang mga Pilipino makipagsabayan sa agos ng ating makabagong heneraasyon.

Mapagtutuunan ng maraming oras ang mga asignaturang kailangan ng mga mag-

aaral ayon sa kanilang nais na propesyon. Ibig sabihin ay mas lalawak ang kanilang kaalaman

patungkol sa kanilang larangan. Ayon kay Tabora (2013), ang General Education ay hindi

lamang tungkol sa edukasyon ngunit ukol din sa buhay na mayroon tayo ngayon. Makatutulong

ito sa pagbibigay liwanag sa mga mag-aaral upang maging mga propesyonal at mga lider balang-

araw.
Kalakip man ng pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, mananatili

naman ito sa Senior High School o ang itinuturing na pagsasanay sa kolehiyo. Mananatili ding

medium ang asignaturang Filipino kung nanaisin ng mga guro.

Ngunit ayon muli kay Tasic (2016), paano na maaalala ng mga kabataan ang

paggamit sa sariling wika natin kung ang asignaturang Filipino ay tatanggalin? Paano natin

mapapaunlad ang sariling bayan natin kung hindi natin kayang tangkilikin ang sariling atin? Ang

kahalagahan ng asignaturang Filipino ay katulad ng kahalagahan ng ating sarili. Repleksyon ng

ating mga Pilipino ang ating wika kaya hindi natin ito dapat balewalain bagkus ay mas

pahalagahan natin ito dahil ito ay magiging susi natin sa matibay at malinaw na komunikasyon

sa bawat isa. At komunikasyon na daan sa tagumpay ng bawat Pilipino.

Kaugnay na Pag-aaral

Ang kurikulum ay isang bagay na napakahalaga sa isang programang

pangkolehiyo. Ito ay nagsisilbing talaan ng mga kurso o asignatura at angbatayan at gabay ng

mga guro at mag-aaral sa institusyong pang-edukasyon. (Peña, et al. 2007)

Ayon kay Martin (2016), malaki ang ginagampanan ng wika sa pagbuo ng isang

pambansang identidad or kaakuhan, lalo na sa pagbabagsak sa proseso ng globalisasyon.

Mahalagang mabuo muna ang identidad ng isang bansa, para makasabay sa hamon ng

kasalukuyang panahon. Ang wikang Filipino ay isang isyung sosyo-politikal, isang krusada na

nangangailangan ng pag-unawa at atensyon mula sa mamamayan at pinuno na nangunguna sa

pagpapaunlad nito bilang kaluluwang ng isang bansa. Subalit sa Pilipinas bunga ng


globalisasyon, sa halip na paunlarin ang sariling wika, bakit unti unting humihina ang wikang

Filipino?

Sa mga bansang mauunlad, tunay na kahanga hanga ang pagmamahal nila sa sarili

nilang wika. Sa bansang Hapon, ang mga pabatid sa trapiko ay na sa wikang Nihonggo.

Halimbawa, ang tawag sa “no right turn” sa kanilang bansa ay usetsu kinshi, “no left turn”,

sasetsu kinshi, at “no parking”, chuusa kinshi. Ang kanilang dahilan, dapat na aralin natin ang

kanilang wika upang maintindihan natin ang nais nilang sabihin. Ayon sa mga Hapon, nasa wika

lamang nila ang kanilang pag-unlad at wala nang iba pa. Sa Malaysia, ang mga pabatid sa trapiko

ay nasa wikang Bahasa Malaysia. Sa kanilang bilihan ng mga libro, ang mga aklat ay nasa wika

nila. Ang tawag sa Silicon Valley nila ay Cyber Jaya at ang sentro ng kapangyarihan, ay Patra

Jaya. Ngunit tayong mga Pilipino, panay Ingles ang titulo kahit na sa mga pampublikong mga

signages.

Ayon pang muli sa pananaliksik ni Martin (2016), bilang mga mananaliksik,

napakahalaga ng wikang Filipino. Sa katunayan, malaki ang naitutulong ng sariling wika sa

pagsusulong ng kahusayang pang-akademya sa iba’t ibang paaralan at unibersidad dito sa

Pilipinas. Nakapaloob ang kurikulum sa mga programang ito na nagsisilbing talaan ng mga kurso

o asignatura at ang batayan at gabay ng mga guro at mga mag aaral.

You might also like